Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -44: Selfish }

{ TBUP –44: Selfish }

 

 

 

 

--Zico’s Pov--

 

Mommy…

Nakaramdam ako nang tuwa sa pagtawag ni Mommy sa akin. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakapag-usap at walang komunikasyon. Kahit alam kong tumatawag lang siya kapag may kailangan siya –still, masaya pa rin ako.

(“How are you, son?”)

Napangiti ako. Si Mommy, si Mommy na lang ang nakakapagpasaya at nakakpagpangiti sa akin ng ganito.

Doing great. Kayo Mommy? Kamusta?” I asked.

(“Well, I miss you. But… how about our plan, Zico?”)

As expected from my Mother. Alam kong itatanong niya ‘to. Oo, matagal na naming plinano ni Mama ‘to. Napagkasunduan naming tutulungan namin ang isa’t isa para hindi makapagpakasal si Daddy sa iba. Para maayos pa ni Mommy kung anong meron sa kanila ni Daddy. Mahal na mahal ni Mommy si Daddy pero wala lang pakialam si Daddy dun. Ang iniisip niya, mahal lang siya ni Mommy dahil sa pera niya.

Pero mali siya. Maling-mali siya. Mahal siya ng Mommy ko. Higit pa sa buhay niya.

Ginagawa ko ang lahat Mommy.” I answered.

(“I’m sorry. I’m sorry if you’re facing that alone. Alam mo namang ayaw akong makita ng Daddy mo ‘di ba? Alam mo naman ‘yung nangyari nung huli akong nagpakita sa kanya.”)

Yeah. Muntik nang mapatay ni Daddy si Mommy. Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Daddy sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sukdulan na lang ang pagkamuhi niya sa Mommy ko. Kahit minsan ba, hindi niya ito minahal? Kahit… para lang sa akin?

Okay lang Mommy, I understand. Just take care.

(“Thank you, Zico. So, ano nang nangyayari kay Athena?”)

Napakagat ako sa lower lip ko. Athena… Athena is a girl. A girl that reminds me of her. How can I accomplish the plan? Mabuti sana kung lalake ‘yung anak nung bagong mapapangasawa ni Daddy. Mas magiging madali sana kung lalake dahil anytime pwede ko siyang takutin, bugbugin or whatever.

But no… she’s a girl.

And when It’s a girl… I have to make her believe that I love her. And that’s a sht.

Mommy, I can’t.

Hindi ko na pwedeng ulitin ‘yung pagkakamali ko noon. Hindi ko na pwedeng gawin sa kanya ‘yung ginawa ko noon. Ayoko nang magkamali. Ayoko nang manakit.

Ayoko nang magmahal…

Ibang klaseng babae si Athena. And so with her, kaya nga nakikita ko siya kay Athena eh. And that makes it harder for me to proceed to the plan.

(“Why not? Huwag mong sabihing nakokonsensya ka pa rin sa ginawa mo noon? Zico, she’s just a part of your past. Wala na siya. Matagal na siyang wala.”)

Oo nga wala na siya. But the memories… the feelings. It’s still here. I still love her.

Narinig ko ang marahas na buntong hininga nang Mommy ko. Sigurado ako sesermonan niya na naman ako. Pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang gawin. Hindi ko na kayang gawin ulit!

(“Okay, I understand. Alam ko namang ginawa mo lang ‘yun dahil may gusto ka rin sa kanya hindi ba? But now, you can’t do it with that Athena girl. Okay, I understand.”)

Tama si Mommy. Nagawa ko lang paibigin siya dahil minahal ko na rin siya. It made it more realistic.  Oo, napaghiwalay ko nga si Daddy at ‘yung Mommy niya pero… natalo pa rin ako. Nagsisi ako –kasi minahal ko siya.

Mommy? Galit ka ba?

(“Oh no, of course not. Naiintindihan kita. I can’t force you Zico. You’re just my son after all. Okay, I have to sleep. Take care, I love you.”)

Take care, Mommy…

Ibinaba ko na ‘yung phone. Nagbihis na ako pero iniisip ko pa rin kung anong gagawin ko.

Sumusuko na ba si Mommy? Pero bakit? Bakit parang ang bilis niyang sumuko? At bakit ngayon lang? Ang dami na naming ginawa para mapigilan si Daddy sa pag-aasawa niya pero bakit ngayon pa sumuko si Mommy? Nang dahil lang sa isang planong hindi ko magawa… titigil na siya? Hindi ko lubos maisip, hindi ko matanggap na ang Mommy ko sumuko. Paano na kami? Kami naman talaga ang totoong pamilya ni Daddy ‘di ba? Nang dahil lang ba sa sumuko si Mommy hahayaan ko nang mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan namin?

Hindi.

Gusto kong mabuo ang pamilya ko…

Lumabas ako nang kwarto ko at nahagip ng mata ko si Athena habang naglalakad papuntang kwarto nila. Naglakad ako papunta sa kanya at agad na hinigit ang kamay niya.

Hoy ano ba! Bitawan mo nga ako! Bakit mo ba ako hinihila?!” Sigaw nito sa akin.

Umasta ako na parang wala akong naririnig at pinagpatuloy ko ang pagbaba mula sa hagdan habang kinakaladkad si Athena. I can’t let them win. No…

Nakita ko si Daddy habang nakatayo sa sala, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa amin. Pumwesto kami sa harap ni Daddy.

Tinignan ko sa mata si Athena pero nagulat ako. Yung mga mata niya… katulad na katulad ng mga matang nasilayan ko dati sa kanya. Bakit ba marami silang pagkakatulad? Bakit pa lagi na lang pinapaalala ni Athena sa akin ang nakaraan?!

Zico…” Bumalik ako sa katinuaan nang magasalita si Daddy.

Tumingin ako sa kay Daddy at ngumisi.

Ano bang ginagawa mo?” Tanong nito sa akin.

Hindi ka pwedeng magpakasal sa Mama niya.” Sagot ko.

Nakakunot pa rin ang noo nito, “Bakit hindi?

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Athena at humarap ako sa kanya at mariin siyang hinalikan. Wala na akong ibang alam na paraan. Wala na…

Nagpupumiglas siya pero nagpatuloy ako sa paghalik sa kanya.

What the hell Zico?! Ano ba ‘to?!” Sigaw sa amin ni Daddy.

Doon na ako tumigil sa paghalik kay Athena.

Can’t you see? Nagmamahalan kami. Can’t you just sacrifice your wedding for us? Bakit hindi na lang kami ang magpakasal? By the way, may nangyari na sa amin, so I think I should take the responsibility of our baby.” Sabay hawak ko sa tyan ni Athena.

Geez. I’m sorry. Yeah, I’m sorry. Hindi ko talaga alam kung ano nang gagawin ko. I just want my family back.

Teka, Tito! Hindi po ‘yun totoo! Tito!” Angal ni Athena.

Don’t worry. I don’t believe him. See you at my study room, Colosseus Zico Zarte.

Umalis na si Daddy. Alam ko, nainis ko na naman siya. Alam ko rin namang aangal si Athena eh. Nawala lang talaga ako sa katinuan. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko.

Tinignan ako ni Athena nang masama at bigla akong sinampal. Masakit, pero mas masakit ‘pag hindi nabuo ‘yung pamilya ko.

Ang selfish mo!” Bulalas nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na sa study room. But in my mind, I’m begging for her forgiveness for the 10th time.

Pumasok ako sa study room at nakita ko si Daddy habang umiinom ng whisky at nakatalikod. Ihahanda ko na ‘yung sarili ko. Papagalitan na naman ako nito. Tsk tsk…

Daddy…

Ibinaba niya ‘yung baso niya sa lamesa at humarap sa akin. Agad niya akong sinuntok ng ubod ng lakas. Nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko kung kaya’y agad ko itong pinunasan gamit ang kamay ko.

Ano na naman bang katarantaduhan ‘to ha, Zico?!” Sigaw ni Daddy.

Wala namang makakarinig nito eh. Sound proof kasi ‘tong study room para hindi maka-istorbo kung gustong magbasa ni Daddy or may tinatapos siyang trabaho.

Just like the old times.” I said while smirking.

Hanggang kailan mo ba gagawin ‘to ha?! Kailan ka ba titigil sa pagiging selfish mo?!

Selfish? Tss… look who’s talking! You’re calling me selfish when you filed a divorce with my mother without thinking about me? Hindi mo inisip kung ano ‘yung mararamdaman ko! Now, between the two of us, who’s selfish?

Ngayon ko lang nasabi sa Daddy ko ‘to. Matagal ko nang kinikimkim sa loob ko ang galit ko sa kanya. Pero ngayon, wala nang dahilan para makipaglokohan ako sa kanya at hindi sabihin kung anong nararamdaman ko. Siya, siya ang totoong selfish at hindi ako. Hindi ako…

Ano? Hindi ka makasagot kasi totoo. Sarili mo lang ang iniisip mo.” Pagpapatuloy ko.

Gusto mong malaman ang totoo?” He asked.

Ano pa bang totoo ang dapat kong malaman?

Anong totoo?” Tanong ko.

Ang totoo kung bakit ayaw na ayaw ko sa Nanay mo.

Sige, bakit nga ba?

Naikuyom ko ang kamao ko. Papakinggan ko siya, pero hindi magbabago ang pananaw ko. Ang paniniwala kong siya ang selfish dito at hindi ako, hindi kami ni Mommy.

Niloko niya ako. Sinabi niyang buntis siya noon para pakasalan ko siya. Pero nalaman kong hindi siya buntis, tyaka na lang siya nabuntis nung napakasalan ko na siya. That’s why I hate her. I hate her to death.

Wala akong pakialam sa sinabi ni Daddy. Alam kong ginawa ni Mommy ‘yun dahil mahal niya si Daddy. Tama, ginawa ni Mommy ‘yun dahil mahal niya si Daddy. Wala pa rin siyang kasalanan… nagmahal lang siya.

Ngumisi na lamang ako at iniwan si Daddy sa study room. Wala akong pakialam. Wala na akong pakialam.

Hanggang dito na lang siguro ‘yung magagawa ko. Sumuko na si Mommy eh. Tsss… bahala na =_______=

--Ericka’s Pov--

 

Tangina nung Colosseus na ‘yun ah! Anong akala niya sa akin patibong sa Ama niya?! Sht talaga! Nilapastangan niya ang labi ko! Ang inosente kong labi! Nilapastangan niya! Punyetik ‘yun! Hindi ko man lang na-enjoy! Ang harsh kasi! xD

Pero seryoso! Nakakainis! Walang hiya talaga ‘yung Colosseus na ‘yun! Sabi ko na nga ba eh! Tama si Qaz! Dapat hindi ko na siya lapitan poreber! Nakakaasar talaga ‘yun!

Tapos sinabi sa amin ni Tito Sev na kung pwede eh umuwi na lang muna kami sa Maynila. Humingi na rin siya ng pasensya sa ginawa ni Colosseus. Kaya ito, magsisimula na kaming magbalot ng gamit ni Mama.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ‘yung ginawa ni Colosseus. Kahit naman ano eh… halik pa rin ‘yun! Bwesit talaga! >_______<

Mama, bweset ‘yun.” Kwento ko kay Mama.

Kaya nga pagpasensyahan mo na ‘di ba? Tyaka uuwi naman na tayo.” Wika ni Mama.

Mama, sorry ha. Sorry kasi nasira ko ‘yung bakasyon mo.

Yaan mo na, wala kang kasalanan dun.

Kahit sabihin ni Mama na okay lang, nakikita ko pa rin malungkot siya kasi iiwan namin si Tito Sev dito. Haaay… mahal talaga niya si Tito Sev. Napaisip tuloy ako, ganito rin kaya si Mama sa Tatay ko noon? Minahal din kaya niya ng sobra-sobra?

Aish, bakit ko ba iniisip ‘yung oh-so-good-for-nothing kong Ama? Psh. Isa rin ‘yung walang kwenta eh tangina.

Pinagpasyahan kong magpahangin muna sa labas at maglakad-lakad. Well, saan pa ba ako pupunta kundi sa Puerto Galera? Kung saan tahimik ang tubig. Pero nadatnan ko si Colosseus dun, nakaupo, mag-isa.

Di ba nga sabi ko lalayuan ko na siya? Pero ang abnormal ko lang kasi lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Ewan ba, feeling ko kasi, hindi siya dapat mag-isa. Naaawa ako…

Gusto mo talagang sagutin ko ‘yung tanong mo?” Panimula nito sa akin.

Anong tanong?

Bigla ko na lang naalala ‘yung tanong ko sa kanya nung nasa kwarto kami –ay yak ang pangit ng term. ‘Nasa kwarto kami’ –fvck ang pangit talaga. Pero yaan na. So ayun, ‘yun nga. Lol xD

Bakit nga ba?

Gusto ko lang namang mabuo ‘yung pamilya ko eh. Gusto ko lang maging masaya si Mommy. Ginagawa ko lang ‘yung makakaya ko para sa kanya. Kasi mahal ko siya…

Habang sinasabi niya ‘yun, bakit parang ang sakit-sakit ng pakiramdam niya? Bakit parang… sobra-sobra ‘yung dinadala niya? Paano kung mali ako? Paano kung… hindi naman talaga siya ganun ka-selfish? Paano kung… mahal niya lang talaga ‘yung pamilya niya?

Colosseus…

 

Mali ba ako?

Selfish na pala ako sa lagay na ‘yun.” Napangisi siya, “Hindi ko alam.

Kinuha ko ‘yung litrato ng babaeng napulot ko dati sa CR, kinuha ko ‘yung kamay niya at ipinatong doon ang litratong ‘yun. Alam ko, sa kanya ‘yun. Alam ko… kailangan niya ‘yun ngayon.

Tumayo na ako.

Hindi ka naman pala ganun ka-selfish tulad ng inaakala ko. Siguro nga, mahal mo lang talaga ang Mommy mo…

Nakatingin lang siya sa picture, ‘yung mga mata niya –malamig pa rin, pero alam ko, nasasaktan.

Napabuntong hininga ako at tumalikod na. Siguro nga naaawa ako sa kanya, pero hindi ko siya pagbibigyan. Mahal ko rin ang Mama ko, hindi ko pwedeng sirain ang kasiyahan niya.

Mahal ni Colosseus ang Mommy niya, mahal ko rin ang Mama ko. Patas lang kami…

Nagsimula na akong maglakad papalayo nang bigla siyang sumigaw sa akin,

Athena!

Putangina! Sinong nagsabi sa kanyang pwede niya akong tawaging Athena ha?! Bullsht talaga ‘yun! Natuwa na ako sa kanya eh! Tapos bigla niya akong tatawagin sa pangalang ayaw na ayaw ko?!

Lumingon ako sa kanya at tinignan siya ng ubod ng sama.

Lasang strawberry…

Lasang strawberry? Anong lasang…?

Oh sht!

Bigla kong kinapa ‘yung labi kong nilapastangan niya kanina. Fvck! Nang-aasar ba siya?! >___________<

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro