Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -42: Huh? }

{ TBUP –42: Huh? }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Breakfast! Yumyum! Parang fiesta na naman ang aura ng bahay kasi ang dami-dami na namang pagkain! Hala, baka tuluyan na akong maging baboy nito? Pero yaan na! Masamang i-ignore ang pagkain! Ie-enjoy ko na lang kesa naman mag-diet ‘di ba? :3

Masarap kayang kumain.

Ay oo nga pala, dumating na si Mama at Tito Sev, eto nga oh nagsusubuan sa harap namin ni future kapatid. Speaking of future kapatid, naalala ko naman ‘yung litrato niya habang nakangiti! Kapag naaalala ko ‘yun nangingiti na rin ako pero kapag titingin naman ako sa kanya natatakot ulit ako. Bakit kasi hindi na lang siya ngumiti ng ngumiti ‘di ba?

Ay huwag na lang pala :3 Baka mainlab ako sa kanya. Magiging kapatid ko pa man ‘din siya!

Oh Ericka, nakapag-bonding na ba kayo ni Zico habang wala kami ng Mama mo?” Tanong ni Tito Sev sa akin.

Gusto ko sana siyang sagutin ng, “Oo, nakapag-bonding na kami sa bangayan, takutan, murahan at kabalbalan!” Di ba? Hindi naman kasi matino ‘tong anak ni Tito Sev eh. Parang kailangan nang i-confine sa mental! Amff >___<

Ah opo!” Sagot ko na lamang.

Konting kasinungalingan lang naman ‘di ba? Tyaka hindi naman aangal si Colosseus. Naka-cross arms nga lang siya at nakatingin sa kabilang side. Wapakels =_______= Autistic talaga ‘to. Pero err, gwapo kaso sablay talaga sa ugali! At naalala ko na naman ‘yung gerlpren niya ‘raw’. Bagay sila, kaso… nagtataka talaga ako kung pano niya naging girlfriend ‘yun O.o

Mabuti naman at close na kayo.” Wika ni Tito Sev.

Haaay~ kung alam niyo lang ang totoo. Close nga kami, close doors sa isa’t isa.

Kakain na nga lang ako. Sayang naman ‘tong lasagna na hinanda pa—

Tito!!

Pucha! Maka-tito naman wagas! Sino kaya ‘yung dumating?

So tumingin ako kung saan nanggaling ‘yung boses ng lalake na maka-tawag ng ‘Tito’ eh wagas. Pagkatingin ko eh… oh well? Bumaba po ba si Adonis? Kailan pa? Bakit hindi nagpasabi nang nasundo ko siya sa airport?

Pero seryoso… ang gwapo nito ah! Tapos… ohhh~ HOT PA! Sino ba ‘to?

Tumayo si Tito Sev, sinalubong niya ‘yung lalake tapos pinat niya ‘yung shoulders nun.

Napadalaw ka ata ah! Saan ang mga magulang mo? Bakit hindi mo sila sinama?” Tanong ni Tito Sev ‘dun sa lalakeng sizzling hot.

Ang tagal nakasagot nung lalake kasi… nakatingin siya sa akin? Tama ba? Or naduduling na talaga ako? Yung tingin niya para akong hinuhubaran eh! Pakshet, nagsitaasan ang mga balahibo ko! Brrr~!

Si Colosseus naman nakatingin na rin ‘dun sa lalake. Kaano-ano kaya nila ‘to?

Ah, alam niyo naman si Mommy at Daddy, business na naman.” Sagot nung lalake pero hindi siya nakatingin kay Tito Sev kundi sa akin. Chos lang?

Ganun ba? Oh sige, tara’t sumalo ka sa amin.

Bumalik si Tito Sev sa upuan niya tapos umupo naman sa tabi ni Colosseus ‘yung lalake habang nakatingin pa rin sa akin. Ano ba ‘to?

So ganito ang set-up namin.

Yung lalake|Colosseus

Tito Sev---------------------------------------

                        Mama| Ako

Ganyan ang set-up namin. So nagpatuloy ako sa pagkain ko nang ipakilala ni Tito Sev sa amin ‘yung lalake.

Ah Ericka, ito nga pala si Qaz, pamangkin ko bale pinsan ni Zico.

Okay? Pamangkin pala. Okay, gwapo. Ang gwapo ng mga Zarte nu? Kampo ng mga gwapo! Siguro nung nagpaulan ng kagwapuhan ang Panginoon eh feel na feel nilang i-display ang mga sarili nila sa labas? Kekeke~

Yung lalake naman –este si Qaz, nakatingin sa akin. Nakangiti ng… nakakaloko? What the fudge! Siguro kung wala siyang itsura baka pinagbintangan ko na ‘tong rapist! Bat kasi ganyan makatingin eh! Parang rereypin ako! :3

O baka naman nagfe-feeling na naman ako? Naku, juice ko! Sa istoryang ‘to ang dami ko nang lalake nu! Simulan kay Chron, Psyche (ouch T^T), Colosseus tapos Qaz? May darating pa ba? May mga magiging lalake pa ba ako? Grabe ha, inuulan ako ng mga gwapo :3

But kidding aside, kakain muna ako. Kailangan kong magpalakas!

Hell..o, Ericka.” Sabi ni Qaz.

Anong ‘hell-o’? Nagkataon lang ba talagang nahuli ‘yung ‘o’ or talagang gusto niyang i-implement ‘yung ‘hell’? Weird-o! Amff >_____<

Nginitian ko lang siya tapos sumubo ulit ako. Ang sarap talaga!

Kasagsagan ng pagnanam ko sa lasagnan nang mahulog ni Qaz ‘yung kutsara niya. Agad siyang yumuko at pinulot iyon sa ilalim ng mesa. Nang maiangat niya na ‘yung sarili niya eh nakatingin na naman siya sa akin at nakangiti ng nakakaloko.

Tangina nakakailang na ah!!

Nice legs, sweetheart.” Sabi nito.

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Put@! Ako ba ‘yung sinabihan niya nun? Malamang! Naka-short kasi ako, si Mama naman naka-maong –may pupuntahan na naman ata kasi sila ni Tito Sev. Pero watdapak! Ang manyak nito ah! Tyaka pucha anong klaseng endearment ‘yun? Sweetheart?! Tangina lungs!

Tinignan ko siya nang masakit pero nakakaloko pa rin ‘yung ngiti niya with matching kagat labi pa! Oh fvck, oo na gwapo ka na pero bakit ang halay mo?!

Ah, eh, Ericka! Pagpasensyahan mo na ‘tong pamangkin ‘kong ito ha? Mahilig lang talaga siya sa mga babae.” Pagrarason ni Tito Sev.

What the fudge?! Anong klaseng rason ‘yun? Kinahihiligan ba ang mga babae?! I mean, ang pangbababae?! Anong akala niyo sa amin, mga laro sa PC? Sa cellphone? Putangina ah! Ano ‘yun ‘pag nagsawa ka sa isa, magpapalit ka? Mahilig sa babae? PUCHA!

Mga lalake talaga parang tanga lang! Katulad ni Psyche. Shet! >___________<

Yeah, remember how girls ditched you because of my existence, huh Zico?” Sabi niya kay Colosseus.

Si Colosseus naman tinignan lang siya tapos humigop ng kape. No reaction na naman, pokerface lang. Haaay! Ang weird nilang mag-pinsan pramis!

Ah Qaz! Bakit hindi kayo pumasyal ni Zico rito sa lugar? Matagal na rin kayong hindi nagkasama ah!” Suggestion ni Tito Sev dun kay pervert :3

Tsss, Tito, simula nung bata ako si Zico na ang kasama ko. Nakakasawa!”  Tapos tumingin ito sa akin, “Well, I want her to be with me for the rest of the day.

Punyetek! AYOKO NGA! Baka mamaya reypin lang ako nito! Baka mamaya mabuntis ako nang wala sa oras! Kahit pogi siya ‘di ako sasama nu! Ayoko!  Hindi papayag ang diwa ko! >________<

Ayo—

Bigla na lang akong siniko ni Mama at tinignan nang ‘sumama-ka-kundi-patay-ka-sakin-look’. Kaya no choice ang drama ko ngayon kundi sumama rito sa taong ‘to. Haaay… Mama? Sigurado ka bang mahal mo ‘ko?! T^T

Okaaay…” Sagot ko na lang.

Bwiset! Buti sana kung matinong tao ‘tong makakasama ko!

Pagkatapos naming kumain eh agad niya akong hinila palabas ng bahay. Buti nga hindi ako kinidnap eh! Pucha, ayoko talaga siyang kasama!

Laking gulat ko na lang nang makita kong naka-intertwine na ‘yung fingers ko sa kanya. Putek ano ‘to holding hands while walking?! PDA?! Pinaparada ang kalandian?!

Nagpumiglas ako pero ang lakas niya lungs! Nakangiti siya ako naman kulang na lang sabitan ng kaldero ‘yung nguso ko sa sobrang haba :3

Fvck!” Pagmumura ko.

Hey, don’t turn me on!” Saway nito sa akin sabay ngiti ng nakaloko.

Punyeta! May plano ba talaga ‘tong reypin ako?! Aish!

You’re… tantalizing.” Wika nito habang nakatingin sa akin.

Hah! Tantalizing your face!

Alam mo bang… wala pang nakakatanggi sa mukhang ‘to?

Anong mukha? Mukhang rapist?” =________=

Tumawa siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

I like you!” Bulalas nito.

Tsss… like I care.” Sabay irap ko.

Woah! First time kong ma-busted alam mo ‘yun?

Napatingin ako sa kanya, “Ma-busted? Nanligaw ka ba?

Nanligaw? Nagpapatawa ka ba?

Hindi. Hindi ako joker at mas lalong hindi ako clown para magpatawa.

Dumadalas ang pang-iinit ng ulo ko eh. Paano ba naman, ilang weeks na akong hindi nakakapanghula ng… you know, break-ups. Kasi naman! Parang walang couples dito! Putek nagtago ata! Baka alam nilang nandito ako? Hah! *smirk*

I don’t know how to court a girl. I just say that I like them, then boom! We’re officially dating.” Pahayag nito sa akin.

Paki ko? Yan kasi ang mahirap sa mga babae eh! Easy to get! Lalo na kapag gwapo ‘yung lalake. Porket gwapo akala na nila matino pero manloloko rin pala! Mga babae kasi masyadong assuming :3 Haay nako.

Ayaw mo ba sa akin?” Diretsahang tanong nito.

Oo.” Sagot ko.

Psh. Hindi ka lang ba nagwa-gwapuhan sa akin?

Gwapo ka. Pero hindi ibig sabihin nun gusto na kita. Minsan, hindi nakukuha sa mukha ang tiwala.

Okay, I surrender. But I assure you! One of these days, you’ll beg in front of me to court you.” Pagmamayabang nito.

Yeah. Dream all you want! Dream high, gago! >____< Kay yabang-yabang na nilalang ng planetang Earth! Sarap bigwasan! =____=

Nakarating kami sa Puerto Galera. Di ko naman kasi alam kung saan ko ‘to dadalhin eh. Umupo kami sa shore at pinagmasdan ang kalmadong dagat.

Kailan ang kasal nila Tito at ng Mama mo?” Out of the blue niyang tanong.

Malay ko, hindi pa sila nakapag-decide.

So, magiging kapatid mo na si Zico?” He asked.

Oo…

Mag-ingat ka run.

Naintriga ako sa sinabi niya kaya tinanong ko kung bakit.

Bakit naman?

You don’t know him yet. You don’t know what lies behind those cold eyes of him.” Sabi nito habang nakatingin sa dagat.

Ano nga ba? Ilang araw na rin akong naiintriga tungkol kay Colosseus. Parang gusto ko pang makilala siya ng lubos. Siguro kasi kakaiba siya sa lahat ng lalakeng naka-encounter ko. Kakaiba ‘yung mata niya, ‘yung ugali niya. Lahat-lahat! One of a kind ika nga nila. Pero ano nga bang tinatago ng cold eyes niya?

Ano bang… meron sa kanya?” Tanong ko.

Alam mo bang tatlong beses nang na-cancel ang kasal ni Tito Sev?

Tatlong beses? Ay saglit, naalala ko ‘yung kwento ni Manang na pang-apat na girlfriend na ni Tito Sev si Mama. Ibig sabihin, may tatlo siyang ex-girlfriends… at lahat ‘yun eh pinangakuan niya ng kasal? Ibig sabihin, dapat kasal na si Tito Sev? Pero bat na-cancel? O_______O

Bat na-cancel?” Tanong ko rito.

Dahil kay Zico.

Kay Zico?! As in?! Ganun talaga siya kalakas para mapigilan ang kasal nang tatlong beses?! Ibig sabihin… baka magawa niya rin kina Mama at Tito Sev?! Pucha hindi pwede! Hindi ko siya hahayaan! Hindi ako papayag na mapaghiwalay niya si Mama at Tito Sev! Dadaan muna siya sa wonderful kabaong ko bago niya mapigilan ang fairytale ng Mama ko!!

Palagi siyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal.” Pagpapatuloy ni Qaz.

Anong mga paraan?

Mahilig kasi si Tito Sev sa mga babaeng single parent. Gusto kasi niyang may masaka si Zico na magiging kapatid niya kaya ‘yung tatlong ex niyang ‘yun eh pawing may mga anak.

Tapos?

Kapag lalake ‘yung anak nung babae, binu-bully ni Zico. Binubugbog niya. Talagang hindi siya titigil hangga’t hindi namamatay ‘yung lalake. Sa paraang ‘yun, magmamakaawa ‘yung lalake sa Mama niya na huwag nang ituloy ‘yung kasal kasi nga ayaw niyang maging kapatid si Zico. Walang magagawa ‘yung nanay kasi nga, kawawa na ‘yung anak niya.” Kwento ni Qaz.

OH SHET! Seryoso?! Ganun si Zico?! Pucha! Parang mas natakot ako bigla sa kanya ah! Pero paano naman ‘pag babae? Binubugbog niya rin? Fvck! Pinalahi ata ni Pacquiao si Zico?! O_________O

Eh paano ‘pag babae ‘yung anak?” Tanong ko.

Napatingin siya sa akin. Yung mukha niya, seryosong-seryoso.

Pinapaibig niya.

Sht! Pinapaibig? As in?! Kayang gawin ni Colosseus ‘yun?! Kaya niyang magpaibig? Yung ganung ugali kaya ‘yun?! Pucha! Akala ko pa naman ‘no space for new lablayp’ ang drama ni pyutyur kafated! Mali pala ako!

Sht!

Kapag, napaibig na niya ‘yung babae. Automatic, ipagpipilitan nung babae na ayaw niyang magpakasal ‘yung nanay niya sa tatay ni Zico… kasi ayaw niyang maging magkapatid sila. Kasi nga, mahal niya na si Zico.

Sht.” Napamura na lamang ako sa kwento ni Qaz. Hindi pa rin ako makapaniwala!

Sa tatlong ex ni Tito Sev, dalawa run ay may anak na lalake, at ‘yung isa… babae ang anak. Siya ang panghuling girlfriend ni Tito Sev bago ang Mama mo.

Pinaibig din ba niya ‘yung babae?” Tanong ko.

 “Oo. Pero alam mo kung anong nakakatawa?” Tanong nito sa akin, umiling ako. “Na-in love din siya run sa babae.

Naiinlab pala siya? I mean, okay? Akala ko kasinungalingan lang! Yun pala, nainlab ‘din siya run sa babae? Grabe, para akong nakikinig ng kwentong barbero rito ah! :33

Anong nangyari sa kanila?” Tanong ko.

Nag—

QAZ…

Napalingon kami kung saan nanggaling ‘yung tawag nang pangalan ni Qaz. Napatingin kami sa dereksyon ni Colosseus. Paparating na siya at nakatingin pa rin sa amin ‘yung cold eyes niya.

Napatayo kami ni Qaz mula sa pagkaka-upo.

Tawag ka ni Daddy.” Sabi ni Colosseus.

Sige, sunod na ako.

Ngayon na raw.

Napatingin sa akin si Qaz at bumalik na naman ‘yung ngiti niyang nakakaloko tyaka ako hinalikan sa pisngi. Amfff >______<

Goodbye sweetheart!” Tapos tumakbo na siya papalayo.

Naiwan ako kasama si Colosseus. Err… awkward?

Mag-ingat ka sa kanya.” Wika nito sa akin tyaka na siya tumalikod at naglakad papalayo.

HUH? Sabi ni Qaz, mag-ingat ako kay Colosseus, sabi naman ni Colosseus mag-ingat ako kay Qaz. Seryoso, pinaglalaruan ba nila ako?!

Pero parang mas dapat nga akong mag-ingat kay Colosseus. Kung sakaling gawin niya sa akin ‘yung ginawa niya run sa anak na babae nung ex ni Tito Sev, anong gagawin ko? Paano kapag naniwala ako sa kanya?

Aish, hindi na siguro ‘di ba? Ngayon pang alam ko na kung anong pwede niyang gawin. Imposible nang maniwala pa akong mahal niya ako kung sakaling paibigin nga niya ako. Tss…

Hindi niya ako mauuto. Hindi niya ako mapapaniwala. Hindi niya masisira ang relasyon ni Mama at Tito Sev.

Pero may tanong pa rin ako eh…

Anong nangyari run sa babaeng pina-ibig ni Colosseus? Anong nangyari sa kanila?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro