Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -36: Call Him Colosseus }

{ TBUP –36: Call Him Colosseus }

 

 

 

 

 

--Zico’s Pov--

 

Sus! Rape, rape ka dyan! Ikaw kaya halayin ko?” Sabi ni… teka ano na nga bang pangalan nito? Alena? Elena? Antena?

Napabalikwas ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Akala ko pa naman eh matatakot na siya at magsusumbong sa Mama niya tyaka aalis na sila rito at iiwan kami ni Daddy pero hindi eh. Mukhang magiging mahirap na naman ‘to…

Hindi ako titigil hangga’t hindi naca-cancel ang kasal ni Daddy sa nanay nitong babaeng ‘to. Hindi ako papayag na habang si Mommy eh nagdudusa sa States eh si Daddy nagpapakasaya kasama ng iba… ayoko. Hindi pwede.

--Ericka’s Pov--

 

Hala! Natakot ata sa sinagot ko! Eh kasi naman, rape, rape daw? Eh hindi niya nga ako matignan ng maayos tapos rape? Eh hindi naman siya mukhang manyak at uhaw sa tawag ng laman kaya bakit ako masisindak sa kanya?

Mas nakakatakot pa nga ‘yung mata niya eh T^T Wish ko lang sana hindi ko mapaglihian ‘yang ganyang mata jusko!

Ay teka, bakit lihi kaagad? Buntis, buntis? Walanghiyang utak ‘yan Ericka! Puro katangahan ang alam! Tsk tsk..

Pero bakit nga ba ayaw niya akong maging kapatid at ayaw niya kay Mama?

Bakit ba… ayaw mo sa amin Mama?” Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin ng sobrang sama pero ako ibinaling na lang ang tingin ko sa buhok niya. Eh kasi! Alangan naman na sa mata ko siya tignan eh ‘di nasindak na naman ako! Punyeta lang dahil may kinatatakutan na ako ngayon?! Waw ha!

Kapag ba sinabi ko sa’yo ang dahilan aalis na kayo?” Tanong nito sa akin na parang nangbabanta.

Shet po! Feeling ko anytime eh papatayin na ako nitong magiging pyutyur kapatid ko! Pero err! Ericka! Lumaban ka! Huwag na huwag mong hahayaang masira ang kasiyahan nila Mama at Tito Sev nang dahil lang sa cold eyed brat na ‘to!

Kung kailangan kong magpa-alila sa kanya gagawin ko –matanggap niya lang kami ni Mama T^T

Eh. Kasi… masaya naman ang Daddy mo ka—

Wala akong pake.” Bakit pati ‘yung boses niya parang nagiging cold na rin? Alam mo ‘yung parang boses na talagang titiklop ka? Aish!  “Ang gusto ko lang, umalis kayo ng Mama mo rito. Iwanan niyo na kami.

Okay, below the belt na si Manong! Taenang ‘to! Anong akala niya sa akin takot sa kanya?! (Well oo, sa mata niya) Asa siya! Ako yata si Ericka! Isang mura ko lang sa kanya sigurado akong tatakbo na siya sa ilalim ng palda ng nanay niya! Walang hiyang ‘to! Ang kulit ng lahi! Sinabi ko nang hindi kami aalis ni Mama kasi nga mahal nila ang isa’t isa ni Tito Sev eh!

Nako pigilan niyo ‘ko bibigwasan ko na ‘to!

Pero teka, ‘pag siya inaway ko, lagot ako kay Mama. Magiging parte na rin ako ng break-up nila ni Tito Sev kung sakaling itutuloy ko ‘tong pang-aaway sa gagong ‘to.

Sht titiisin ko na lang ulit! Bahala na!

Hehehe. Pramis, lahat ng iuutos mo susundin ko! Basta, gagawin ko ang lahat para magustuhan mo kami ni Mama!” Determinado kong sabi sa kanya.

Mas lalong lumalim ang tingin niya sa akin, para ngang tumatagos na eh. (chos! Korni!)  Bigla ko na lang napansin ang pag-iiba ng aura niya nang dahil sa isang ngising ipinakita nito sa akin. Nag-smirk siya na parang may masama siyang balak sa akin.

Oh sht, mali ba ang sinabi kong gagawin ko ang lahat ng utos niya?! Putrages baka ibenta ako sa Amerikano?! Sa Hapon? Si Intsek?! Baka ibenta ang mga organs ko at gawing sinabawan sa karenderya?! O baka naman ipasok ako sa club?! O baka…

…gusto niya akong gawing sex slave?!

Puchaaaaaaaa~! Kung anong naiisip ko! Taena kasi, sabog ba ako? Hindi naman ako nagdru-drugs ah! Sht naman! Nagsisimula na akong kabahan eh! >________<

Lahat-lahat gagawin mo?” Tanong nito sa akin habang nakangisi pa rin.

Kung ano man ang maging kapalaran ko, kayo na ang bahala! Taena! Hindi pa nga ako lubusang nakaka-move on eh mamatay na ako?!

Heh! Lintek talagang pag-iisip ‘to! Puro ka-abnormalan ang alam! Teka nga’t alamin natin ang plano nitong pyutyur kapatid ko.

O-Oo n-naman.” Sagot ko sabay ngiti. Pilit na ngiti.

Alam mo bang maglinis ng bahay?” Tanong nito sa akin kaya agad naman akong tumango kahit ang totoo… never pa akong naglinis ng bahay namin. “Eh magluto?” Tumango ulit ako kahit sa totoo lang eh kahit kanin eh hindi ko alam lutuin. Hanggang noodles lang ako. Yung nasa cup ngay? Yung lalagyan lang ng mainit na tubig? xD

Hah! Yun pala ang ipapagawa niya sa akin? Akala ko pa naman mas malala na eh. Pero err… paano maglinis? Paano magluto? Sht, ano ba ‘tong pinasok ko T^T Baka mamaya pumalpak ako rito tapos kainin na lang niya ako ng buhay!

B-bakit ako pa ang gagawa eh may maids naman kayo?” Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ulit ako ng masama with his cold eyes, “Akala ko ba lahat gagawin mo?

K, sabi ko nga =________=

Tinawag niyang lahat ‘yung maids at agad naman silang nagsulputan sa harap namin. Lima silang maids dito sa bahay. Wow ‘di ba? Bigatin talaga ‘tong nabingwit ni Mama! Galing!

Lahat kayo, mag-hotel muna kayo at bukas na bumalik.” Sabi ni Colosseus.

Hotel? Bakit niya papaalisin ‘tong mga maid?! Ay sht, nagsisimula na akong pagpawisan ng malamig sa mga ginagawa nitong Colosseus na ‘to ah!

Nagtanong ‘yung isang maid na medyo bata-bata pa, “Pero Sir, bakit—

Wala nang tanong. Umalis na kayo.” Tapos nilapag niya sa mesa ‘yung dalawang credit cards niya at pumunta ng kitchen.

Agad naman iyong dinampot nung isang maid, ‘yung pinakamatanda ata?

Pero wow lang ha, ang dami naman niyang cards! Talagang pinahiram pa niya! Ang yaman talaga ng mga Zarte! Pag kasal na kaya sina Tito Sev at Mama, ilan kaya ang matatanggap kong credit card mula kay Tito? Hehe, eksayted na akong maging mayaman :3

Tumalikod na ‘yung ilang maids at papunta na sana sa mga kwarto nila pero minabuti kong magtanong ‘dun sa pinakamatanda sa kanila.

Nilapitan ko ito at tinanong.

Bakit po ang sama ng amo niyo?” Tanong ko sa kanya. Eh totoo naman eh, masama siya.

Ah si Zico ba kamo?” Tumango ako, “Ganun na talaga ‘yun. Sanay na kami.

At tuluyan ng umalis ang mga maids. Pagkaalis nila eh sinundan ko na ‘yung future kapatid ko sa kitchen. Nadatnan ko siyang nakaupo at naka-cross arms at nakatingin sa akin ng malamig, malamang malamig ‘yung mata niya =____= K, korni.

Maglinis ka na.” Matipid na sabi nito.

Ako? Ako? Maglilinis?

Ay de, siya, siya!

Taena hindi ko alam maglinis! Huhuhu, magwalis lang ang alam ko nu! Tyaka ‘yung mga pagpunas-punas lang. Yun lang! Hehehe, ‘di ba ganun lang naman ang paglilinis? Easy lang! Kaya mo ‘yan Ericka! Para sa Mama mo! Para sa mga credit cards! Lels xD

So kinuha ko na ‘yung walis tingting sa bodega at nagwalis sa kitchen, laking gulat ko naman ng batuhin ako ng pamunas ng aking ‘napakabait at napaka-gentleman’ na future kapatid. Tsss… note the sarcasm there.

Bushet, ano na naman ba?! Di pa nga ako tapos magwalis tapos pagpupunasin na ako kaagad?!

Teka lang naman, ‘di pa ako tapos magwalis!” Okay, medyo tumaas na ‘yung tono ng boses ko rito. Oh well, kalma lang!

Tanga ka ba? Bakit walis tingting ang gagamitin mo rito eh wood flooring ‘to?” Sabi niya sa akin. Asusual, kasing lamig pa rin ng yelo ‘yung mga mata niya =______= Di ko na nga lang tinitignan eh. 

Pero anla! Baka nahalata na niyang hindi ako marunong maglinis?! Baka palayasin niya ulit kami ni Mama rito at maging villain sa relasyon nila Mama at Tito Sev! Omegesh, hindi ako makakapayag! Kailangang galingan ko pa sa paglilinis!

Huhuhuhu, malay ko bang hindi walis tingting ang ginagamit sa pagwawalis sa loob ng bahay? Eh hindi naman ako naglilinis sa bahay namin eh T^T

So bumalik ulit ako ng bodega at kumuha ng walis tambo. Sana naman tama na ‘tong nakuha kong pangwalis ‘di ba? Ayoko namang masabihan ulit ng ‘tanga’ =______=

Siguro kung hindi lang talaga ako mabait na anak na nagnanais maging masaya ang Mama nila eh baka kanina ko pa nilibing ng buhay ‘tong kasama ko sa bahay! Nakaka-sht na eh! Tangina lungs sarap kutusan!

Pagkatapos mo dyan, magluto ka ng hapunan.” Sabi nito sa akin.

Hapunan? Magluto? Ay pechay! Hindi ko alam magluto! Taena, baka gusto naman nilang masunog ko itong palasyo nila? Pero… aish! Susubukan ko na lang talaga! Pramis! :/

After 123456789 years eh natapos na rin akong magwalis. Hehehe. Nilagay ko lang sa silong ng mga upuan ‘yung mga alikabok na nawalis ko. Di ko naman alam kung saan ko ‘yun ilalagay eh :)))))

So tumungo ulit ako sa kitchen. Si Colosseus? Malay ko, baka nakaisip ng bright idea at napagpasiyahang ibaon ang sarili niya ng buhay =_______=

Di ba dapat kanin muna ang iluluto ko? Hehe, paano nga ba magluto ng kanin?

Sinindihan ko ‘yung stove nila. Kumuha ako ng frying pan at nilagyan ‘yun ng tubig tyaka ko isinunod ang mantika. Pagkatapos nun eh kumuha ako ng apat na salop ng bigas at inihulog ko na sa frying pan. Binudburan ko ng asin ‘yun at dahil nakakita ako ng patis ay nilagyan ko ng kaunti, isama mo na rin ang bagoong! Hehehe. Binantayan ko ng maigi baka kasi masunog ko ‘tong bahay nila, sayang naman ang ganda ‘di ba?

After 123456789 minutes eh napansin kong brown na ‘yung kanin –oh ‘di ba? Hindi na bigas kasi luto na siya. Hehehe. Nagtataka nga ako eh, bakit brown ‘tong kanin nila? Di ba dapat puti? Oh well, malay ko ba kung imported ‘tong bigas nila at nagiging brown ang kulay ‘pag niluto. Hehe.

Nilagay ko sa bowl ‘yung kanin at sinimulan ko nang maghanap ng maiuulam ng aking pyutyur kafated. At dahil wala akong alam iluto, nakakita ako ng lata ng cornbeef. Binuksan ko ‘yun gamit ang abrelata. Malamang alangan naman na ngatngatin ko para mabuksan ko? Pagkatapos nun eh nilagay ko ulit sa frying pan at nilagyan ng tubig :D

Nang medyo luto na kasi red na red na ang kulay eh inilagay ko na sa isang bowl at inihain sa mesa.

Nako! Sigurado akong magugustuhan na ako ng future kapatid ko! Sigurado akong hindi na niya kami papaalisin ni Mama rito! Hehehe, pers taym kong magluto pero baka naman masarap na ‘to? :>

Andito na ‘yung hapunan mo! Hehehehe.” Tawag ko sa kanya habang inaayos ang kubyertos.

Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang bumaba mula sa taas at dumiretso sa kitchen. Nakatingin siya sa mesa at agad na naupo. Mwhehehehe :””>

Ano ‘to?” Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga niluto ko.

Pagkain mo. Hehe.” Sabi ko.

Sht!” Lumingon siya sa akin at ayun na naman ang kanyang death stare! “Alam mo ba talagang magluto? Tignan mo nga ‘tong ginawa mo! Sa tingin mo ba makakain ko ‘to? Tsss… pathetic.” Sabay walk out.

So ganun? Anong nangyari? Hindi pa nga niya natitikman hinusgahan na niya! Pucha naman ‘yun! Sabi nga nila “Don’t judge a book by it’s cover.” Pero anong ginawa niya?! Hindi niya ba alam na ito ang first time kong magluluto tapos lalaitin niya lang?! Tangina nun ah! >_______<

Tinikman ko ‘yung mga niluto ko at…

SHT.

Tama ang naging desisyon niyang hindi tikman ang niluto ko. Putek ang pangit ng lasa! T^T

Niligpit ko na ‘yung mga ginamit ko sa kusina tyaka ako dumiretso sa sala kung nasaan si Colosseus. At asusual, naka-cross arms na naman siya at tinignan lang ako ng masama. Cold eyes! Brrr~! Goosebumps na naman!

Ano pa bang iuutos mo?” Tanong ko sa kanya.

Bigla na naman siyang ngumisi at pumanhik sa kwarto niya. Pagbalik niya eh may dala na siyang kulungan ng ahas and when I say kulungan ng ahas well, talagang may ahas sa loob!

Fvck! Ang laki at ang taba nung ahas! Uwaaaa! Huwag niyang sabihing ipapakain niya ako dyan?! Huhuhuhu, hindi ako ginawa para ipakain lang sa ahas nu! Taena, sht!

Pinagpapawisan na ako ng malamig, “A-Anong g-gawin k-ko d-dyan? H-he-he.

Grabe talaga ‘yung ahas! Uwaaaaaaa! Ahas! Sht, parang gusto kong kumaripas ng takbo eh! Taena baka bigla na lang makawala ‘yan tapos lunukin ako! Sheeeeeeeeeeeeeeet!

Binuksan niya ‘yung kulungan nung ahas at inilabas ‘yung ahas. Napalunok na lamang ako dahil sa kaba.

Put@! Hindi naman ganun kasama ‘tong magiging kapatid ko para ipakain ako sa ahas ‘di ba? Di ba? Uwaaaaaa! Parang awa niyo na! Bata pa ako! Marami pa akong pangarap sa buhay at higit sa lahat… HINDI PA AKO NAKAKA-MOVE ON! Ayoko pang lapangin ng ahas na ‘yan!

Hawakan mo.” Sabi niya sa akin. Ano?!

Inilalapit niya ‘yung ahas sa akin samantalang ako eh paatras ng paatras. Putek! Please lang huwag mong ilapit sa akin! Sht! Sht! Sht!!

Bigla niyang kinuha ‘yung kamay ko at pinahawak ‘yung ahas sa akin. Sht! Kasing lamig ng mata niya ‘yung ahas! Puteeeeeek! Uwaaaaaaaa! Ahas! Sht talaga ‘to!

Kalaunan ay hindi ko alam kung paano ‘ko nagawang hawakan ng bongga-bongga ‘yung ahas! As in ako na lang ‘yung humahawak sa kanya pero syempre napikit ako! Kasi naman…. Natatakot ako! Sumilip ako kay Colosseus pero hindi naman siya nakangiti ng parang demonyo, sa halip eh nakatingin lang siya sa akin with his cold eyes.

Putek pwede ko na bang bitawan?!

Ibabalik ko na sana kay Colosseus ‘yung ahas ng bigla iyong gumalaw—

AY SHET!” Bulalas ko nang maihulog ko ‘yung ahas.

Hindi ko namalayang nakayakap na pala ako sa aking cold eyed future kafated.

Ano?

Nakayakap?

Putrages! Parang pinagsisisihan kong hinulog ko ‘yung ahas! Para kasi mas tutuklawin pa ako nitong lalakeng ‘to dahil sa inis kesa run sa ahas eh! Yung mata niya kasi eh! Nakatingin ng masama sa akin! Huhuhuhuhu T^T

Pero wait lang… nakayakap ako ‘di ba? Hanggang ngayon…?

Nagkatinginan kami at omegesh. Ang landi naman ng dating ko rito! Agad akong napabitaw ako sa kanya at napalayo.

Agad naman siyang kumilos at hinuli ‘yung ahas, “Pinapasabi nung ahas na ayaw niya sa’yo.

Sus! Ikaw naman ‘yung may ayaw sa akin eh! Putrages talaga ‘to!

Mas lalong ayaw ko sa kanya!” Pasigaw kong sagot.

Lumabas ako ng bahay nila ng padabog at naglakad ng naglakad. Ewan ko kung bakit ako naglalakad at umalis ‘dun sa bahay? Ewan. Awkward kasi? Ewan!

Naglakad lang ako ng naglakad ng mapadpad ako sa white sand beach. Puerto Galera? Putek ang lapit lang pala nito?! Tapos… tapos… hindi lang ako sinama ni Mama? Bwesit T^T Nagkanda-leche leche tuloy ang gabi ko nang dahil sa lalakeng ‘yun!

Napatingin ako sa dagat na banayad ang alon. May naalala na naman ako…

White sand beach…

Aklan…

Palawan…

Psyche…

Sht! Naalala ko na naman ‘yung araw na dinala or should I say kinidnap ako ni Psyche at dinala sa Aklan. Yung araw na sinagot ko siya. Yung mga panahon na mahal na mahal pa niya ako at hindi pa siya nagsasawa sa akin.

Nagpakawala na lamang ako ng isang mabigat na buntong hininga.

Saan ba ako nagkamali? Sa effort? Tsss…

Hindi ko napansing tumutulo na naman pala ‘yung luha ko nang dahil sa mga munting alaalang iyon –oo munting alaala pero ang laki ng sugat na iniwan sa puso ko. Taena talaga, akala ko siya na eh! Akala ko si Psyche na ‘yung “The one” ‘yun pala… hindi. Mali ako.

Kaya ayokong magkarun ng kapatid eh. Ayokong mag-alaga ng uhugin.” Sabay tapon sa akin ng face towel.

Haa? Nandito pala ‘tong pyutyur kafated kong puro torture ang ibinigay sa akin =_________= In fairness, ang bilis naman niyang nakasunod sa akin. Binigyan niya pa ako ng face towel! Sus, pwede na rin pala ‘tong maging kapatid.

Salamat!” Sigaw ko sa kanya habang papalayo siya sa akin.

Haaay…

Colosseus Zico Zarte, sino ka ba talaga?

Ipampupunas ko na sana sa mga luha ko ‘yung dimpo na binigay niya, pero na-realize ‘kong ito pala ‘yung ginamit ko kaninang pang-trapo sa mga pigurin at kung saan-saan pang may alikabok.

Bushet ka Colosseus! Akala ko pa naman concern ka na sa pyutyur kafated mo! >_____________<

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro