{ TBUP -33: NEW ERA }
{ TBUP –33: NEW ERA }
--Psyche’s Pov--
Augh. March na pala, tapos na ang graduation. Bakasyon na ang aatupagin namin. Back to boring life na naman. Tss…
Kamusta na kaya si Ericka? Saan kaya ‘yun magbabakasyon?
Huling kita ko kasi sa kanya eh nung napadaan ako sa tapat ng bahay nila. Sakto ngang nagbabalot sila ng mga damit eh. Wala lang, nginitian niya lang ako. Pero alam ko naman sa sarili kong peke lang ‘yung ngiting ‘yun.
Sino ba namang babae ang ngingiti sa’yo ng ganun sa kabila ng ginawa mong katarantaduhan? At sa tipo ni Ericka, hindi siya ganun. Kapag sinaktan mo siya at sinira ang tiwala, baka kahit iligtas mo ang buhay niya ng ilang beses eh siguro papasalamatan ka pero hindi ka ngingitian.
Ang tapang talaga ng babaeng ‘yun. Leon talaga eh.
Wala talaga akong magawa sa buhay ko. Tawagan ko na lang kaya si Irish? Tutal, wala akong magawa eh ‘di dalhin ko na lang siya sa Boracay.
Sa place kung saan naging kami ni Ericka…
Putangina nu? Ako ‘yung nakipagbreak pero hindi maalis sa isip ko. Ewan ba, gusto kong magsisi pero sorry… matagal ko nang nagawa.
Gusto niyo bang makarinig ng trivia? Lol. Pero gusto niyo bang makarinig ng kwento? I mean –sikreto? Sige.
“Sht mahal ko pa eh.”
Napabuntong hininga na lamang ako sa katotohanang ‘yung babaeng pinakawalan at ginagago ko, mahal ko pa. Ang tanga ko eh nu?
Totoo, nagsawa ako, napagod ako sa kaka-effort at naghanap ako ng iba. Testing lang baka sakaling mahanap ko ‘yung effort na hinahanap ko kay Ericka –at unfortunately eh nahanap ko nga sa isang Irish Ventura. Palagi kasi siyang nandyan kapag namomroblema ako kay Ericka. Kapag nalulungkot ako kasi hindi man lang niya makamusta ‘yung practice ko or ako. Hindi niya man lang masabing mahal niya ‘ko pampagaan lang ng loob ko.
Akala ko nga eh hindi ko na mahal. Feeling ko kasi masaya na ako kay Irish pero nung nawala siya? Tangina masakit pala? Na-caught in the act ako eh ‘di panindigan. Sabi ko sa sarili ko, kapag wala siyang ginawa para manatili ako or bumalik sa kanya kakalimutan ko na talaga siya.
Pero ayun nga, may ginawa siya. Ilang beses niya akong hinabol, she even told me to hold on to her. Sabi ko sa sarili ko, ‘wow effort ‘to’ pero nung naalala ko ‘yung itsura niya nung nakita niya kami ni Irish sa gym? Nung naalala kong sobra ko siyang nasaktan? Nakonsensya ako. Natakot ako na baka isang araw, kapag naging kami ulit eh magawa ko na naman ‘yung katarantaduhang ‘yun sa kanya.
Lalake ako, nadadala, mahina, natutukso. At ang katulad ko eh hindi nababagay sa isang Athena Ericka Artemis na kapag nagmahal ay bigay todo. Kahit hindi niya ipahalatang natutuwa siya, kahit hindi niya ipakitang kinikilig siya alam ko sa loob-loob niyang mahal niya ako.
Pero anong ginawa ko? Nang dahil lang sa pesteng effort na ‘yan kinalimutan ko kung ano ‘yung meron kami. Nang dahil sa nakakasawang ako lang palagi ‘yung naghihirap sa relasyon namin eh nakalimutan ko kung paano niya ako pinasaya –kung gaano ko siya kamahal.
Hindi naman effort ‘yung minahal ko sa kanya ‘di ba? Siya mismo.
Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. At oo, nagsisisi ako kasi pinakawalan ko siya. Pero bahala na, ayoko nang bumalik. Nasaktan ko na eh. Nasira ko na.
Kung ikaw, makasira ka ng isang monoblock, ‘yung upuan ngay? Gugustuhin mo pa rin bang upuan ‘yun kahit alam mong bibigay na? Na kahit pilitin mo pang ayusin, still may lamat na –maraming tendency na masira mo ulit.
Kaya papabayaan ko na lang. Ayoko nang masira ulit, ayoko nang masaktan ko ulit.
Di bale nang ako ‘yung maghirap at magsisi, huwag lang siya. Huwag niya lang pagsisihan na ako ‘yung minahal niya.
Calling Irish…
(“Hello?”) –Irish.
“Will you think twice if I told you I want do date you now?”
--Ericka’s Pov--
Oyy mga utaw! Omegesh! –ay sht, salitang alien =_______=
By the way, may balita ako sa inyo~!!
Si Mama! Si Mama! Si Mama!
May fiancé! De seryoso ako! Meron talaga! Grabe nga eh, akala ko nagbibiro lang siya! Pinagtawanan ko pa nga eh! Pero totoo! Nandito nga kami ngayon sa kotse nung fiancé ni Mama eh! Ihahatid kami sa Oriental Mindoro kasi nga may rest house ‘yung boypren ni Mama run at inimbitahan kaming magbakasyon dun kaya ito kami, byahe ang peg.
Pero grabe talaga! Di ko ine-expect na si Mama may lablayp tapos ako duguan ang puso?! Waw, naunahan pa talaga ako ng Inay ko?! Gravity! Unbelibabel! xD
“Mama, malayo pa ba?” Tanong ko sa kanya habang nakikipag-text sa fiancé niya.
“Malapit na.” Sagot ni Mama.
Tipid sumagot sa akin kasi nga busy sa boylet niya =_______= Huhu, inggit ako kay Mama. May lablayp siya eh! Ako wala! Pero seryoso, ‘di ko talaga ine-expect. Napapansin ko lang kada-umaalis at umuuwi ng bahay si Mama eh blooming siya, at hindi na ako halos makasunod sa kompyuter kasi palagi siyang may ka-chat sa pesbuk tapos palagi niya rin akong inuutusang magpa-load sa tindahan kahit kakagising ko pa lang!
Omo! Ibig sabihin –lahat ng iyon ay dahil sa kanyang fiancé? At hindi ko talaga nalaman kaagad? Aish! Si Mama kasi hindi nagshe-share T^T
So dahil bored ako naglaro na lang ako ng text twist sa phone ko. Nung nagsimula na akong ma-bored at magsawa –err! Magsawa… naalala ko na naman siya. Sht! Ako na! Ako na ang hindi maka-move on! Pero pramis ko talaga, ngayong bakasyon magmo-move on akong mag-isa! No boys allowed ang drama ko ngayon! Chos!
Eh dahil nga sa wala ng thrill ‘yung text twist eh natulog ako.
Ilang minutes pa lang ‘yung tinutulog ko eh ginising na ako ni Mama. Tae kung kailan matutulog ako tyaka na kami darating?! O______O
Oh well, dahil mahal ko ang Mama ko kahit may fiancé siya eh hindi na ako tumutol. Kailangan niya ring maging masaya nu! Deserve niya ‘yun :)
Kaya bumaba na kami sa kotse at nasa tapat na kami ngayon ng rest house ng pyansey (fiancé) ni Mama. Namangha naman ako dahil oh well, ang laki ng bahay! I mean rest house! Grabe hindi ko sukat akalaing (uy tagalog ang drama ko ngayon ah!) may magsasayang ng pera para lang sa isang rest house na ganito kalaki! At take note, rest house lang! Bahay bakasyunan! Meaning eh hindi palaging natitirahan! Grabe lang.
Tapos ‘yung lugar! Napaka-refreshing! Tamang-tama sa isang brokenhearted na katulad ko na nagbabalak mag-move on! Chos! Me ganon? xD Tae ang hyper ko ngayon =________=
Ay teka, ini-imagine ko kasi ‘yung peslaks nung pyansey ni Mama. Baka naman panot ‘yun at malaki ang tyan? Or balbas sarado? Or sobrang taba? Or sobrang payat? Baka naman pangit at waley ang peslaks at dinaan lang si Mama sa pera?! Omo! Ericka magtigil ka! Hindi ganun ang Mama mo gaga ka! >__________<
So ilang sandali pa ay may lumabas na lalakeng naka-suit at may necktie na gold. Tapos parang si Brad Pitt lang ang dating! Ang pogi! Bakit ganun, bakit ang gwapo nito? Sino ba ‘to?
Lumapit siya kay Mama at… O____O
“Hi Hon!” Bati niya kay Mama sabay kiss at…
…oh sht, PBB TEENS?! Naghalikan sa harap ko eh! Take note –with tongue! EWW!
“Hello Honey!” Sabi naman ni Mama.
So… siya?! Siya ang pyansey ng mudrakels ko?! Gravity talaga ang gwapo! Pramis, ilang taon na ba ‘to? Bakit parang ang bata? Baka naman kasuhan si Mama ng child abuse dito ha! Or baka naman benta sa kanila ‘yung line na ‘Age doesn’t matter’? Taray ha! 42 na si Mama eh, ilang taon na kaya ‘to?
Hinigit ni Mama ‘yung bewang ko palapit sa kanya, “Ito nga pala ‘yung anak ko, si Athena.”
Grabe! Tinawag akong Athena ni Mama! Eh ayaw ko pa naman nun! Taena hindi kasi ako makapalag kasi baka sabihin nitong piyansey ni Mama na bastos ako at walang values education kaya bahala na =__________=
“H-Hi po.” Bati ko sa kanya.
“Oh iha, tara sa loob nandun din ‘yung anak ko eh.” Sabi nung yummy na pyansey ni Mama.
Yummy nga eh! Paki niyo ba?! Di ko naman aagawan ‘yung Mama ko! Di kasi benta sa akin ‘yung age doesn’t chu chu chu na linya eh. Gusto ko ‘yung ka-age ko :D
So habang papasok na kami sa loob ng mala-palasyong resthouse eh hindi ko alam kung sinong demonyo ang sumanib sa akin at may naitanong akong bagay. (baka naman si Cifer Capulet ng My Guardian is Fresh From Hell at Cifer! Lead Me to Hell ang demonyong sumapi sa akin? Ay chos! Gwapong demonyo nun! Pak na pak! xD )
“Ilang taon na po kayo?” Yan ang tanong ko.
“Ah? Ako?” Ay de! Siya, siya! Amp! “44 na ako ineng.”
Punyeta bakit parang gusto kong tumawa? Eh kasi! Nyahahaha! Hindi halata! Parang jino-joke time niya ako sa edad niya eh! Kasi mukha talaga siyang bata pramis! Ang ganda pa ng katawan niya tapos… basta! Gwapo siya! Grabe panalo pala ‘tong magiging future tatay ko :””>
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay eh –nalaglag ang panga ko! Taena pakipulot naman! Lels. Grabe ang elegante tapos ang ganda! Lahat ng bagay parang puro mamahalin! Ang yaman talaga! O______O
Rest house pa lang ‘to, pano kaya ‘yung totoong bahay nila?! GRABE LUNGS! Naka-jackpot kami ni Mama! Hohohoho!
Taena mukha na akong pera =________= Pakitignan nga, kamukha ko na ba si Rizal? Yung nasa piso ngay! :)))))))))
“Manang, pakidala naman ‘yung mga gamit nila sa kwarto nila.” Utos ni future fader sa tatlong maids. Agad-agad naman nilang kinuha ‘yung bagahe namin tapos pumanhik na sila sa hagdan.
“Uhmmm, kumain na tayo. Tamang-tama may inihanda kami para sa inyo.” Sabi ni future pader habang nakapulupot ‘yung isang kamay sa bewang ni Mama. Wow PDA much!
“Sige po Tito—”
“Severino or just call me Sev.”
Wow bagets! Sev?! Gandang namesung!
So dumiretso na kami sa hapag-kainan nila. Grabe lang ‘yung lamesa kasi ang haba at punong-puno ng mga masasarap na pagkaen! Grabe parang pyesta! Sht, parang feel kong magpaka-busog at magpaka-piggy piggy oink oink ngayon ah!
Habang busy ako sa mga pagkaen sa harap ko eh hindi ko napansin na nakaupo na pala sila Mama at Tito Sev na magkatabi tapos si Tito Sev… may katabing lalake na naka-cross arms at nakatingin sa opposite side, ‘yung hindi niya tinitignan sina Tito Sev ngay? Basta! Sa kabila siya naka-tingin.
“Oh iha, halika na.” Sabi ni Tito Sev.
Kaya umupo na ako. So ganito ang setting namin…
Mama | Tito Sev | Unknown
________________________
| | | | | | | Ako | | | | | | | | |
So forever alone ang drama ko rito?! Ako lang kasi mag-isa rito sa isang helera eh! Lahat sila nasa kabila T^T K, kung ayaw nilang tabihan ang dyosang katulad ko eh ‘di lalapang na lang ako!
Pero bago ko pa magawa iyon…
“Ah! Siya nga pala Athena,” Oh sht that name, “nakalimutan kong ipakilala sa’yo ang anak ko… uhm…” Ay may anak din? So ibig sabihin may kapatid na ako ngayon?
Hinawakan niya sa balikat ‘yung anak niya tapos tumingin naman sa akin ng sobrang sama ‘yung anak niya! Na kulang na lang patayin niya ako dahil sa titig niya. Eh? Anak niya ‘yung hindi namamansin at hindi tumitingin sa side nila? Grabe anak pala niya ‘yun? Kala ko mamaw eh =__= K, korni.
Pero wait lungs! Teka… ‘yung mga mata niya… ‘yung mga mata niya…
Teka san ko nga ba nakita ang dalawang pares ng matang iyan?
Yung ano… ice… ‘yung cold? Cold eyes? Saan nga ba?
Tumingin na ulit siya sa opposite side pero ako pilit ko pa ring sinisilip ‘yung mata niya kasi gusto ko talagang alalahanin kung saan ko ‘yun nakita. Hmm? Saan nga ba?
After a couple of seconds dahil wala pa naman akong memory gap… naalala ko na! Hindi ako pwedeng magkamali…
“IKAW ‘YUN?!” Bulalas ko with matching patayo-tayo epek pa.
Si Mama naman ang wide ng ngiti. Teka… anong meron? Bat makahulugan ang ngiti ni Mama?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro