{ TBUP -29: January, Please be Good to me }
{ TBUP –29: January, Please be Good to me }
--Ericka’s Pov--
Wow, ang bilis ng panahon. Akalain niyo ‘yun? January na? Dalawang buwan na lang makaka-graduate na kami sa high school.
At akalain mo ‘yun? Limang buwan na kami ni Psyche? Hindi ko rin inaakalang magtatagal kami eh. Kasi naman… ang dami niyang fangirls! Akala ko nga dati wala kasi wala naman akong nakikitang sumusunod sa kanya kaso maling-mali ako! Ang dami nila. Yung iba, boto sa akin pero karamihan? Kulang na lang sipain ako papuntang planetang Neptune!
Pero asa silang lahat! Ako ang gerlpren! Ako ang may karapatan sa kanya! Magmula sa ulo niya hanggang sa kuko niya sa paa! Sa puso, utak, balun-balunan, atay, large and small intestine, esopaghus, pancreas, kidney etcetera! Sa akin lang si Psyche, AKIN!
Nandito nga pala kami ng gaga kong bespren sa canteen. Oh well, saan pa ba kami tatambay sa tuwing walang klase? Syempre, dito! Patay gutom eh, pagpasensyahan :3
“Bespren, alam mo ‘yung dalawang nakapila run sa cashier, hindi na aabot ng March ‘yan! Bago pa mag-graduation break na ‘yang dalawang ‘yan! Siguro… mga second week of February!” Bulalas ko habang nakatingin doon sa dalawang taong nakatayo at naghaharutan kahit nagbabayad sila ng pagkain nila =_____=
“Hindi papaabutin ng prom? Saklap ah!” Sabi naman ni Carmeen.
“Tsss… obvious na obvious namang hindi seryoso ‘yung lalake. Kasi kung seryoso ‘yan, siya ang magbabayad nung pagkain ni girlash! Tignan mo nga oh, pinagbabayad nung gago ‘yung babae!”
Kumunot ang noo ni best at tinignang maigi ‘yung couple na hinuhulaan namin ng break-up. Sinusuri niya siguro kung talagang si girlash ang nagbabayad. Eh siya naman talaga eh! Taena naman ‘yung lalake! Hindi gentleman! La kwenta! Sarap bigwasan!
Buti pa si Psyche! Si Psyche, si Psyche na mahal na mahal ng diwa ko! xD
“Ay oo nga nu. Langyang lalake ‘yan. Walang kwenta.” Sabi ni Best.
Tumingin ako sa katabing table namin, “Ayy eto gagita, sa Sabado wala na ‘to! Nagkakalabuan na eh!”
Napatingin ‘yung couple sa amin ng masama –ay sa akin lang pala. Okay lang naman kahit marinig nila, so what? Ang dami ko nang hinulaan na talagang pinupuntahan ko pa kung nasaan man sila. Wala lang, kumbaga sa weather forcaster ako ‘yung tagapagbalita kung kailan hahagupit ang bagyong nagngangalang ‘break-up’ sa relasyon nila.
Tinapik ako sa braso ni Carmeen, “Gaga! Tinitignan ka ng masama! Tunggak ka talaga, katabi lang natin ‘yan oh!” Bulong nito sa akin.
“Yaan mo, totoo naman eh. Di ako papalya. Kelan ba ako pumalya? Tsss…” Ngumisi ako at sumipsip sa juice ko.
Nakita ko na lang sa peripheral vision ko ang biglang pagtayo nung girlash sa katabi naming table at pumunta sa harapan ko. Nakapamaywang ito at nakataas ang kilay. Galit na galit ang aura niya mga ‘te!
“Hanggang kailan ka ba mangingialam?!” Sigaw niya.
So ‘yung mga tao sa buong canteen eh napatingin sa direksyon namin. Taena gusto niya bang mapahiya?! Pwes ako, ayaw ko!
Tuloy-tuloy lang ako sa pagsipsip ng juice ko habang siya eh pinipigilan lang ata ang sarili para hindi ako makalmot o masabunutan. Like duh, bakit ba siya magpipigil eh nasa harap ko na siya? Hindi porket hindi ako gumagalaw eh wala akong pakialam, hihintayin kong siya ang maunang sumugod tyaka ko siya tatadyakan ng bonggang-bongga! Aba, idol ko kaya si Vice Ganda!
“Ano bang nagawa naming masama sa’yo para makialam ka sa relasyon namin?! Wala naman ‘di ba?! Hindi ka naman bitter, may boypren ka naman! Eh bakit hindi mo na lang ituon dun ang pansin mo kesa sa pinapansin mo kaming wala namang ginagawang mali sa’yo!” Sabi nung girlash na umuusok na ang ilong sa galit.
Pinunasan ko ng tissue ‘yung bibig ko at tumayo. Ngumisi ako.
“Tapos ka na sa sermon mo?” Tanong ko sa kanya.
“Sht ka—”
Sasampalin na sana niya ako pero nahigit ko ‘yung kamay niya. Akala niya magagasgasan niya ang pes ko? Taena hindi pwede! Magde-date pa kami ni Psyche tapos gagasgasan niya lang ‘to?! Hutanghena, buti sana kung hindi ako maganda! Kaso my gaaad! Dyosa po ako! DYO-SA!
“Hindi ko naman sinabing mag-break kayo eh. Hinulaan ko lang, kayo ang bahala kung gagawin niyong totoo.” Pahayag ko.
“Mesa-demonyo ka talaga!” Sigaw niya habang pilit binabawi ‘yung kamay niyang hawak ko ng mahigpit.
“Tsss… ASA!”
Binitawan ko ‘yung kamay niya at agad naman niya ‘yung hinimas dahil sa sakit. Kinuha ko ‘yung bag ko sa table at naglakad na paalis ng canteen kasama si Carmeen.
Ay tae, nanunood lang si Carmeen? Tsk tsk…
“Bakit hindi mo ‘ko pinagtanggol ‘dun?!” Complain ko kay Carmeen.
“Shunge, paano kita ipagtatanggol eh kayang-kaya mo naman ‘yun? Kahit nga ata sampu sila eh kaya mo pa rin.” Tugon nito habang nakatingin sa cellphone.
“Sampu?!” Bulalas ko, “Anong tingin mo sa akin si HULK?!”
“Hehe. Pwede rin. Pwede ring si Captain America, Thor, Iron Man, Bla—”
“Taena.”
“Uyy, bawas-bawasan mo na kasi ‘yang panghuhula. Baka mamaya niyan, ikaw ang mapagtripan ng tadhana at magbreak pa kayo ng Fafa Psyche mo.” Si Carmeen.
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya, “What the fudge?! Bawas-bawasan? Eh ‘di para mo na ring sinabing bawas-bawasan ko ang paghinga ko! Atyaka te, ako?! Hihiwalayan ni Psyche?! Another –what the fudge! Di ‘yan mangyayari.” Pahayag ko.
“Confident na confident ang peg ha! Katigasan ng tae mo ‘te! Bahala ka sa buhay mo! Basta ako, sinasabi ko lang ‘yung pwedeng gawin ng KARMA sa’yo.”
Napailing na lamang ako ng ulo, “Hah! Karma? The hell, bahala na kung dumating ‘yun. Basta ako magpapakasaya sa buhay ko.”
Karma? Bahala na. Kung sakaling dumating ‘yun at ako ang mapagtripan eh ‘di let it be. Tikman na lang ang sakit ng ibibigay nun sa akin. Basta hindi ako papayag na ‘yung relasyon namin ni Psyche ‘yung punteryahin niya. Ang dami-dami ko nang pinagdaanang masasakit sa buhay ko, ngayon lang ulit ako magiging masaya ng ganito kaya gagawin ko ang lahat manatili lang ‘to sa akin.
Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit hindi ko mapigilang hindi manghula ng mga relationships eh. Basta kapag may nakita akong hindi seryosong couple automatic na sa aking hulaan sila. Yun lang naman talaga eh, kapag alam kong lokohan lang ‘yung relasyon dun lang ako nanghuhula. Hindi ko pinapakialaman ‘yung mga seryoso talaga, kasi hindi ko sila kayang hulaan.
Naalala niyo pa ‘yung kay Chron at Selene dati? Yung rason kung bakit hindi ko sila mahulaan? Kasi hindi ko kaya. Kasi masaya sila –kasi seryoso sila sa isa’t isa. Ganun lang ‘yun. Kung si Superman eh Kryptonite ang kahinaan ng powers ako naman eh ‘yung pagiging ‘sincere’ ng isang relasyon.
--Scarlet’s Pov--
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit simula nung nakitulog ako kina Chron eh hindi ko na siya matanggal sa utak ko! Taena nga eh! Sarap gawing isaw nung utak ko bwiset lang! Sabi ako ng sabi na ako ‘yung magse-seduce pero bakit ganito?! Ako ‘yung nase-seduce?! Ako ‘yung nadadali?!
Katulad ngayon, hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko sa Student Council kasi naman! Ang hirap tanggihan ng charms ni Chron. Ang sarap lang titigan pakshet! Madami naman na akong na-encounter na mga lalake eh, mas gwapo pa nga sa kanya! Kaso ‘yung puso ko… hindi naman ganito ka-abnormal sa iba pero bakit sa kanya? Bakit sa kanya feeling ko mahuhulog na ‘yung puso ko dahil sa lakas ng tibok? Pati kapag kasama ko siya hindi ko mapigilang mapangiti.
Taena ano ba?! Naiinlab na ba ako sa tarantadong ‘to?! Pucha naman! Kahit ayaw ko hindi ko naman mapipigilan ‘di ba? Kahit ayaw kong mahulog sa kanya, mahuhulog at mahuhulog pa rin ako. Maiinlab at maiinlab pa rin ako sa kanya! Given na ‘yan ‘di ba? Kumbaga sa mga storya, napaka-cliché na. Pero tangina lang dahil hindi man lang ako nag-effort pigilan ‘yung nararamdaman ko!
“Oyy, kunin mo nga run ‘yung mga files last year.” Utos niya sa akin habang nakatingin sa isang mataas na cabinet.
Tumayo ako, “Ikaw ‘yung lalake tapos ako ‘yung kukuha? Punyeta, aware ka naman siguro na mas matangkad ka sa akin at mas abot mo ‘yun ‘di ba?”
“Daming satsat. Kitang nagsusulat ako eh. Tyaka anong gamit ng upuan? Tungtungan mo kaya.”
“Bwiset!” Himutok ko sa kanya.
Kinuha ko ‘yung upuan ko at inayos sa tapat nung cabinet. Tinungtungan ko ‘yun at binuksan ‘yung cabinet at kinuha ‘yung mga old files. Kung bakit kasi napaka-gentleman ng Presidente namin ‘di ba? Tsss… take note of the sarcastic tone.
“Oh ayan na!” Inaabot ko sa kanya ‘yung files habang nakatungtung pa ako sa upuan ko.
Agad naman siyang tumayo at hinablot ‘yun sa akin.
“Put—”
Sht! Muntik na akong mahulog! Kung bakit kasi hinablot ba ‘di ba?! Pwede naman niyang kunin sa akin ng matino! Taena talagang tao ‘to. Minsan tuloy iniisip ko kung sinong matinong tao ang magkakagusto sa tarantadong ‘to. Kaso ayun nga, hindi ako matinong tao kaya alam na! Psh.
Nakatingin siya sa akin ng parang concern na concern. Aish! Kung concern siya eh ‘di sana hindi niya hinablot ‘yung mga files!
“Concern ka?” Tanong ko sa kanya sabay baba sa upuan.
He looked away, “O-Of c-course! Sino na lang ang uutusan ko kapag nahulog ka at nagka-injury?”
Potek. Ang pagiging secretary ko pa rin ang inaalala niya –or should I say ang pagiging YAYA ko sa kanya. Buset lang! Buset talaga poreber! Paano ba talaga ako nagkagusto sa taenang ‘to?
Ay sht. Inamin sa sariling gusto ko siya?! Sht. Hindi! Crush lang muna! Crush lang! Konting-konting crush lang!
Bumalik na ako sa table ko at nagligpit. Uuwi na ako!
Ay teka, biruin ko kaya ulit ‘tong perv na ‘to? Mwhahahaha!
“Magre-resign na ako.” Malungkot kong sabi sa kanya.
Agad siyang napatingin sa akin na animo’y gulat na gulat, “Anong sabi mo?”
“Ay bingi-bingihan ang peg?! Sabi ko magre-resign na ako!” Hahahahaha!
Napatayo siya, “Ha?! Bakit?!”
“Palagi mo na lang kasi akong inuutusan. Nakakainis na eh =_________=”
“Malamang! Secretary kita!”
“Eh ayoko nun eh. Kaya magre-resign na ako.”
Naglakad ako papalayo papunta sa pinto ng bigla niyang hawakan ang pulso ko.
Ay sht! Para akong kinuryente sa hawak niya. Bigla ring nag-superbass ang puso ko. As in talagang BOOM na BOOM! Sht lungs. Nakakakaba pala ‘tong ganito? Yung feeling na hawak ka niya? Yung para kang sini-silya elektrika dahil sa kuryenteng dumadaloy sa katawan mo nang dahil sa kanya.
Tumingin ako sa kanya at ayun na naman ‘yung mga mata niyang nangungusap at nagmamakaawa. Once again, gagamitin niya na naman ba ulit ‘to sa akin? Damn!
“Huwag… please…” Sambit nito.
“Bakit? Bukod ba sa pagiging secretary mo –ano pang kailangan mo sa akin?” Matapang kong tanong.
Unti-unti niyang binitawan ‘yung kamay ko at tinignan ako sa mga mata. Ako naman, parang nalungkot dahil sa pagbitaw niya sa kamay ko. Sht! This is not happening! Really!
“Tsss… nagbibiro lang ako Perv Pres.” At naglakad ako ng mabilis palabas ng room.
“Kahit kailan talaga… kakaiba ka.” Narinig ko na lamang na sinabi niya nang makalabas ako sa room.
Natatakot ako. Natatakot ako sa sagot niya –or baka hindi siya sumagot. Nandito na kasi ako sa stage kung saan nagsisimula na akong mag-assume eh. Nagsisimula na akong mag-assume na nagsisimula na rin siyang magkagusto sa akin katulad ng nararamdaman ko. Sht lang dahil nakalimutan kong may Selene siya… may Selene siya.
--Ericka’s Pov--
“E-ri-cka. Mahal na mahal kita!” Sabi sa akin ni Psyche habang pinipisil-pisil ‘yung kamay ko na kasalukyan niyang hawak.
Buti na lang wala na kami sa school at nasa daan na kami pauwi. Bawal kasi talaga sa school ang PDA =________=
“Ilang beses mo na ‘yang sinabi ngayong araw?” Tanong ko sa kanya.
“Hmmm? Hindi ko na alam.”
“Tsss. Ako alam ko! Yun ang ika-29 mong mahal na mahal kita!”
Seryoso. Kanina simula nung umaga sa text niya may ganun, hanggang sa sunduin niya ako sa bahay, pagpasok namin sa school, sa school mismo at ngayon na ihahatid niya ako pauwi! Puro ‘mahal na mahal kita’. Araw-araw ngang ganun eh. Kapag wala na kaming mapag-usapan ‘yun na ‘yung sasabihin niya.
Ang sweet nga eh :””> Imbes na mainis ako kinikilig ako. Taena ang swerte ko!
“Eh ‘di gawin nating 30! Kaya… mahal na mahal kita!” Tapos ngumiti siya ng sobrang lawak.
“Ganun din ako.”
“Hmmm… kanina pala! Sabi ng mga kaklase natin nakipag-away ka raw sa canteen? Totoo ba ‘yun?” Tanong niya.
“Tsss… wala ‘yun. Yaan mo na, kayang-kaya ko ‘yun.”
“Ikaw talaga! Alam mo namang mahal na mahal kita tapos papabayaan kita? Sa susunod, kung may kaaway ka hanapin mo lang ako. Huwag ‘yung basta-basta ka na lang sumusugod. Paano kapag nilamon ka ng buhay nun?”
In fairness, protective na may paka-OA ‘tong boypren ko. Tsk tsk… ibang klase Psyche ah!
“Hindi naman ako nasaktan eh! Hayaan mo, sa susunod sa’yo na ako tatakbo.”
“Good.” At ayun, holding hands while walking ang drama naming dalawa, “Siyanga pala. Sumali ako sa isang dance troupe!” Masiglang kwento ni Psyche.
“Oh. Good. Maganda ‘yan. So, kailan ko mapapanood ‘yung mga practice mo?” Tanong ko sa kanya.
“Mga bukas siguro. Hehe. Pero baka maging busy ako nun, kaya kung hindi man kita makasama ng mas madalas, pasensya na.”
“Okay lang ‘yun. Iintindihin ko na lang.”
“Salamat!” Sabi nito sabay halik sa pisngi ko na nagdulot naman sa akin ng kilig. Sht ang landi ko!
Sabi nila, kapag inulit-ulit mo raw ang isang salita, baka mawala ‘yung meaning nun para sa’yo. Basta! Ewan kung saan ko ‘yung napulot –baka sa tumblr? Basta.
Pero hindi naman ‘yun totoo ‘di ba? Kahit ilang beses ulitin ni Psyche na mahal na mahal niya ako… hindi mawawala ‘yun ‘di ba?
Hindi naman pagtri-tripan ng karma ‘yung relasyon namin ‘di ba?
“Sige una na ako Ericka. Ingat ka ha? I love you!”
“Ingat ka rin. I love you…”
Ganito pa rin kaming dalawa palagi ‘di ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro