{ TBUP -28: Thank you }
{ TBUP –28: Thank you }
--Scarlet’s POV--
Damn! Bad trip talaga ‘tong Chron na ‘to! Anong oras na ba?! Quarter to 8 na! At anong ginagawa namin? Tumatapos pa rin ng mga papers para sa Organization! Bad trip na! Gusto ko ng umuwi at magpahinga pero ayaw pa rin akong pauwiin nitong gagong ‘to. Watdapak! Nakakainis na eh! Kanina pa kami rito pero tambak pa rin ang gawain! Bwisit >________<
“Hoy! Anong oras ba tayo uuwi?! Hindi ka ba aware na malapit ng mag-8?!” Tanong ko sa kanya na kasalukuyang nagsusulat.
“Ang dami-dami pang trabaho. Hindi pa pwedeng umuwi.” Seryoso niyang tugon.
“Eh paano naman ako?! Gabing-gabi na kaya!”
“Eh ‘di ihahatid kita. Kailangan nating tapusin ‘to.”
Ihahatid niya ako? Di ba ginagawa lang ‘yun ng mga nagliligawan or magboypren at girlpren? Aish! Nakakainis! These past few days palagi na lang kaming magkasama ni Chron –palagi niyang rason kasi raw secretary niya ako kaya dapat kung nasaan siya nandun din ako. What the hell ‘di ba?! Ano ‘yun yaya na ang dating ko?! Walanjo! Super duper mega ultra BAD TRIP!
Ilang sandal pa ay biglang kumatok si Manong Janitor.
“Mr at Miss, kailangan niyo nang lumabas sa campus. Ilo-lock ko na kasi ‘tong room at ‘yung buong school para na rin makauwi na ako.”
Oh yes! Makakauwi na ako sa wakas! Maraming salamat Manong! Maraming salamat because you saved me from this monster! Takte, kung hindi pa siguro dumating si Manong janitor eh baka mga alas dose na kami makakauwi. Yes! I’m free!
“Sige po Manong, bigyan niyo na lang kami ng 5 minutes para mahakot ‘tong mga trabaho namin.” Tapos tumango si Manong janitor.
Ay wait… MAHAKOT?! Di ba dapat iiwan dito ‘yan?! Damn parang hindi maganda ang kutob ko rito ah…
“Di ba dapat iwanan natin?”
“Hindi NATIN pwedeng iwanan ‘to.” NATIN?! What the hell? What do you mean?! “Itutuloy natin ‘to sa bahay namin. Kailangan ko na talagang matapos ‘to. Lagot na ako kay Mrs. Perez ‘pag hindi ko pa natapos ‘to. Baka tanggalin niya ako sa Student Council.”
Paawa epek? Wala! Hindi uubra sa akin ‘yan! Takte kailangan ko ng umuwi, okay? Kailangan ko pang gumawa ng assignment ko sa Chemistry at 800 words na essay! Kung para sa kanya, madali yun, pwes sa akin hindi!
“So sasama pa ako sa bahay niyo?” Tanong ko sa kanya.
“Oo.” Sagot niya habang sinusuot ‘yung bag niya.
“Ano?! Ayoko nga! Uuwi na ako! Bahala ka sa buhay mo! Tapusin mong lahat ‘yan! Basta ako, uuwi na!”
Agad kong kinuha ‘yung bag ko at tumakbo papalapit sa door knob nang bigla siyang nagsalita…
“Iiwan mo ako?”
Alam niyo ‘yung tono na parang nagpapaawa ng bonggang-bongga?! Yung parang batang ayaw mong isama sa lakad mo kaya nagpapaawa ng parang aso?
Relax lang Scarlet. Inhale, exhale! Huwag kang maaawa! Pakialam mo ba kung hindi niya matapos ‘tong mga gagawin niya? Pakialam mo ba kung matanggal siya sa Student Council? Pakialam mo ba kung malungkot siya at –Damn! Malulungkot siya!
Yaaaa! Hindi ko na alam ang gagawin ko! >______________<
Lumingon ako sa kanya at ‘yung aura niya! Gash nakakaawa! Pagod na pagod na ewan! Puteeek!
“Oo na! Akin na nga ‘yan!” Tapos kinuha ko ‘yung hawak niyang mga papel. Yung kalahati lang ng pile syempre.
Naglalakad lang kaming dalawa papalabas ng school eh hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Sigurado ako, super stressed na siya at feel na feel ko ang pagod niya. Hindi ko alam pero kapag naiisip ko ‘yung dapat na gagawin ko mamaya, ‘yung pagtakas sa kanya eh nakokonsensya ako. Siguro kung iniwan ko siya baka mamatay siya sa sobrang pagod.
Haays, kelan ba ako nagkaroon ng simpatya sa taong ‘to? Wala lang naman siya sa akin ‘di ba? Kakilala ko lang siya, kaklase ko lang siya, ‘yun lang naman ‘di ba? Ni hindi ko nga siya kaibigan eh.
Hindi ko ine-expect, walking distance lang pala ‘tong bahay nila Chron.
“Tatawid na tayo.” Sabi niya.
Ano raw? Tatawid? Bakit tatawid pa? Anong…?!
Buset hindi ko alam tumawid!! Shit!
“Bakit tatawid pa?!” Naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Kasi, ‘yun na po ‘yung bahay namin.” Sabat turo niya sa bahay nila na nasa tapat na namin kaso kailangan pang tumawid.
Nauna na siyang naglakad at tumawid pero ako para pa ring nasemento sa kinatatayuan ako. Damn! Hindi ko alam tumawid! Takot akong tumawid! Tapos ang dami-dami pang sasakyang dumadaan! Paano kapag namatay ako?! Paano kung nabundol ako katulad ni –
“Hoy bilisan mo nga!” Utos niya sa akin.
Sht nanginginig na ako. Naaalala ko na naman ‘yung nangyari sa kanya. Nabundol siya nung tumawid siya…
Hindi… ayoko… ayokong tumawid… Sht.
--Chron’s Pov--
Nakatawid na ako mula sa kabilang side ng kalsada pero si Scarlet hindi pa rin sumunod. Akala ko ba ayaw niyang magabihan? Eh bakit ayaw niya pang sumunod? May sira talaga ‘tong babeng ‘to kahit kailan.
Pilit ko siyang tinitignan kasi wala namang ilaw dun sa kinatatayuan niya kaya medyo hindi ko siya makita. Ano bang nangyayari ‘dun?
“Akala ko ba ayaw mong magabihan?!” Sigaw ko sa kanya.
Pasalamat na lang ako at maraming sasakyan ngayon at ‘yun ang nagsisilbing ilaw sa mga daan kaya medyo naaninag ko siya ng konti. Andun lang siya, nakatayo na animo’y nanigas at nakatingin sa daan. Iling siya ng iling at mukhang kinakabahan.
What the hell is happening to her?!
Hindi na ako nakatiis at tumawid ulit ako papunta sa kanya.
Teka, bat naman umiiyak ‘tong babaeng ‘to? Anong ginawa ko?! Aish! Hindi niya naman dapat piltiin kung ayaw niyang mag-stay sa bahay namin at tulungan ako sa mga trabaho ko eh. Bakit kailangan niya pang umiyak? Akala ko ba matapang ‘to? Nang dahil lang sa late na siyang makakauwi kaya siya umiiyak? Wow lang =________=
“Bakit ka ba umiiyak?!” Hinawakan ko ‘yung braso niya, “Kung gusto mong umuwi, umuwi ka na. Huwag ‘yung dinadramahan mo pa ‘ko rito.”
Hindi siya umimik sa halip ay mas humagulgol pa siya. Ano ba talagang nangyayari? Takas ba siya ng mental? Ayaw na ayaw ko pa naman ng mga babaeng umiiyak. Tsk tsk…
Kaya no choice ako kundi ang yakapin siya. Hinaplos haplos ko ‘yung buhok niya at hinagod ang likod niya.
Hindi ko alam kung anong klaseng yakap ‘tong ginagawa ko sa kanya pero nagdulot ‘to ng unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya, and I was amazed –when she hugged me back. Para akong na-ground nang ginawa niya ‘yun. Parang may kung anong kuryenteng dumaan sa katawan ko, feeling ko tuloy isa na akong conductor. Tsss… science.
Naririnig ko pa rin ang bawat hagulgol niya. Hindi ko alam pero hindi ko magawang magtanong kung bakit dahil bigla akong… kinabahan? Bakit?
“B-Bakit?” Nauutal kong tanong.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ko ‘yung mukha niya gamit ng kamay ko. Kinakabahan siya at nanginginig. Bakit? Ano bang meron?
Akala ko dati, marami na akong alam sa kanya, akala ko kilala ko na siya pero hindi pa pala. Hindi pa pala talaga. Bigla tuloy akong naging interesado sa buhay niya –sa kanya.
Paano ko nga ba makikilala ng husto ang isang katulad mo? Ha, Miss seductress?
Hinawakan ko ang kanang kamay niya, humakbang na ako pero hindi pa rin siya gumalaw nanginginig pa rin siya.
“Tumawid na tayo.” Sabi ko.
Umiling lang siya. Takot na takot siya. Hindi kaya… hindi niya alam tumawid? Hindi kaya… takot siyang tumawid? Siguro kung hindi lang siya umiiyak ngayon eh baka kanina ko pa siya tinawanan –sino ba kasing mag-aakalang ang isang katulad niyang matapang eh takot palang tumawid? Pero iba ang sitwasyon ngayon, umiiyak siya at natatakot, parang mali naman sigurong tawanan siya hindi ba?
“Takot ka?”
Lalo ko pang hinigpitan ‘yung pagkakahawak ko sa kamay niya.
“Andito lang ako, hindi naman kita iiwanan eh. Hindi ka naman mabubundol ‘dun. Pramis. Please, pwede na ba tayong tumawid?”
Kahit nanginginig siya nakita kong pinipilit niyang humakbang. Napangiti ako ng kaunti dahil dun. Inalalayan ko siya. Pinatigil ko nga lahat ng sasakyan para sa kanya. Para lang makatawid siya. At after a couples of minute eh nagawa naming makatawid. Hindi na rin siya gaanong nanginginig gaya nung kanina.
Ano na kayang nararamdaman niya?
“Ayos ka lang?” Tanong ko rito.
“Salamat.” Tugon nito.
Kahit simpleng ‘salamat’ lang ‘yun parang big deal para sa akin eh. Bigla kasi akong napangiti nang dahil dun. Alam ko kasing kahit papaano may natulungan ako.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Oo nga pala, wala rito si Psyche. Ewan dun, porket suspended eh basta-basta na lang naglalayas. Kaya ako lang ang nasa bahay tapos ‘yung mga maids.
Pumasok kami sa study room at doon ipinagpatuloy ang mga gawain namin.
At salamat sa Diyos ay bumalik na siya sa dati. *sigh*
“Oy oy, basta ihatid mo ‘ko ha! Pag hindi mo ‘ko hinatid pagkakalat ko sa buong student body na bakla ka!” Sigaw niya sa akin habang nagsusulat.
“Tss… para namang maniniwala sila sa’yo.”
Napatigil siya sa pagsusulat at, “Sa ganda kong ‘to hindi sila maniniwala sa akin?! Like duh! Impossible!”
“Hindi lahat ng bagay nadadaan sa ganda.” Seryoso kong tugon.
“Psh. Talaga lang ha? Saan ang kwarto mo?” Tanong nito.
“Huh?”
“Sagutin mo na lang!”
“Yung katabi nitong study room. Yun ang kwarto ko.”
“Tss! Sige, dyan ka lang ha?” Tapos tumayo siya at lumabas ng study room.
Ano na naman kayang gagawin nito?
--Scarlet’s Pov--
Hindi daw nadadaan sa ganda ang lahat? What the?! Tignan ko lang kung hindi ka madaan sa ganda Chron. Mwhahaha! *evil grin*
Pero sa totoo lang, takot talaga akong tumawid kanina. May phobia kasi ako run, simula kasi nung maaksidente siya eh natakot na akong tumawid. Kaya nga lagi akong may sundo eh, first time ko nga ulit maglakad papuntang ibang lugar nang wala ‘yung sundo ko.
Mukha tuloy akong tangang umiiyak kanina. Sigurado pinagtatawanan na ako nung Chron na ‘yun ngayon! Bwiset =______=
Pumasok ako sa kwarto niya at tumambad sa akin ang malaki niyang kama na puting-puti ang bed sheet! Waw! Kasya kaya kaming dalawa dyan? At magiging puti pa kaya ‘yan kapag natulog kaming dalawa dyan? Lels –WHAT THE HELL?! Erase! Erase!
Pero ang ganda ng kwarto niya. Ang aliwalas lang tignan. Napatingin ako sa mga picture frames sa isang lamesa na katabi ng kama niya. Puro pictures niya kasama ang isang babaeng mahaba ang buhok na maputi na… oh sige na nga! Maganda –pero syempre mas maganda pa rin ako!
Ito kaya ‘yung Selene? Tsss… mas maganda pa talaga ako. Di sila bagay –mukhang anghel ‘to eh siya ubod sa kasamaan.
Napadpad ang tingin ko sa closet niya at agad ko iyong binuksan.
Mwhahaha! Tignan ko lang kung hindi nadadaan sa ganda ang lahat, Chron. Tignan ko lang talaga. *smirk*
--Chron’s Pov--
Ang tagal naman nung babaeng ‘yun. Akala ko ba gusto na niyang umuwi eh bakit ang tagal-tagal niya sa kwarto ko? Anong ginagawa niya ‘run? Ang dami pa kaya niyang trabaho rito! Takte baka hindi namin matapos ng isang gabi ‘to!
Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko nang biglang bumukas ‘yung pinto at pumasok si Scarlet na nakasuot ng white polo ko na ginagamit ko sa school…
WHAT THE FUDGE?! Si Scarlet sinuot ‘yung white polo ko? Seriously?! As in ‘yun lang talaga ‘yung suot niya! Walang palda, walang shorts! As in ‘yung polo ko lang talaga kasi nga mahaba naman ‘yun. Taena, anong ginagawa niya?!
“H-Hoy! B-Bakit m-mo suot ‘yan?! Hubarin m-mo nga ‘yan!” Sht nauutal na ako!
Ngumisi siya, “Talaga? Gusto mong hubarin ko ‘to? As in… ngayon na?” Tanong niya habang nakangiti ng mapanuksong ngiti! Sht seductress talaga ‘to!
Pinagpapawisan na ako ng malamig. Sht, bat ang init?! Tangina may aircon naman dito sa study room ah?! Sht, sht, sht! Ayokong tumayo sa kinuupuan ko kasi baka makita niya ‘yung ano… ‘yung ano… ‘yung reaction ng katawan ko sa ginagawa niya! Sht!
Ayokong magkasala! Tangina!
“Lumabas ka nga! Magpalit ka ng disenteng damit, please lang.” Mahinahon kong pakiusap sa kanya.
“Ayoko nga.” Ngumisi pa rin siya habang papalapit sa akin.
“Please, please lang lumabas ka na! Papauwiin na kita basta lumabas ka lang at magpalit ng damit. Please.”
“Tsss… kaya nga gagawin ko na ‘yung trabaho ko ‘di ba?” Papalapit siya ng papalapit. Damn! Isipin mo na lang si Selene! Isipin mong baka masaktan siya kapag hindi mo napigilan ‘yung sarili mo! “Akala ko ba… hindi lahat ng bagay nadadaan sa ganda?”
“Sht, lumabas ka na!”
“Bakit? Naa-arouse ka ba?!” Tanong nito sa akin.
Taena, bakit ba niya ginagawa ‘to sa akin? Ako na nga ‘yung tumulong sa kanya kanina nung hindi siya makatawid tapos ganito pa ‘yung isusukli niya sa akin?! Bakit ba ang hilig-hilig niyang paglaruan ako? Paglaruan ang mga lalake? Tangina lang dahil kahit naiinis ako sa kanya hindi pa rin maiwasan ng katawan kong mag-react sa pinaggagagawa niya!
At dahil sa sobrang inis ko at pagpipigil eh nasigawan ko siya.
“PUTANGINA! LUMABAS KA NA! OO, NANALO KA NA! NAPAGLARUAN MO NA AKO KAYA PWEDE BANG LUMABAS KA NA DITO AT MAGSUOT NG MATINONG DAMIT AT BAKA KUNG ANO PANG MAGAWA KO SA’YO!”
Panandalian siyang nagulat pero agad naman itong napalitan ng isa muling mapanuksong ngiti.
“Idiot, may cycling ako sa loob.”
Agad siyang lumapit sa kinauupuan ko at pinitik ang nook o. Sht talaga ‘to!
“Ang libog mo Pres.” Tyaka siya lumabas ng study room nang humahalakhak na parang tanga.
Sht ang hilig niya talagang pag-tripan ako! Nakakainis =__________=
***
Ilang oras din ang ginugol namin para matapos ‘tong tambak na trabaho. Natambakan na kasi ako nang dahil sa hindi na ako naging active, nawala ako sa sistema simula nung maging kami ni Selene, pero kahit ganun hindi ko siya sinisisi at hindi ako nanghihinayang. Plus, umalis pa si Bernadette kaya naging tambak din ang trabaho ng secretary.
Alas dose na nung natapos namin ‘yung mga gawain. Kumain kami saglit ni Scarlet tapos nagpahinga ng konti. Ihahatid ko pa pala siya, pero paano ko siya ihahatid eh ang lakas-lakas ng ulan at ang taas ng tubig sa daan? Baha eh! Alangan naman na lumusong kami dyan?!
“Ang lakas ng ulan.” Sabi ko sa kanya.
“Alam ko.”
“Hindi kita maihahatid.”
“ANO?! Eh paano ako?! Papatayin ako ng mga magulang ko kapag hindi ako nakauwi!”
“Eh anong gusto mong gawin ko? Lumangoy ako sa tubig ulan para lang maihatid ka? Aba! Neknek mo!” Sagot ko sa kanya.
“Walangya ka! Ikaw ang nagsama sa akin dito tapos nag-promise ka na ihahatid mo ‘ko tapos hindi mo tutuparin?! Gusto mong mabalatan ng buhay, ha?! Taena, ihatid mo ko!” Bulalas niya.
“Eh ang lakas nga ng ulan eh! Baha pa! Paano kita ihahatid?! Tyaka wala ng sasakyan sa labas! Wala rin dito ‘yung kotse namin kasi ginamit ni Mommy at ni Daddy kaya huwag kang mag-inarte dyan!” Sabi ko sa kanya.
“Eh anong gagawin ko?!”
“Dito ka na muna mag-stay. Dun ka na lang sa kwarto ko at dun naman ako sa kwarto ni Psyche. Total, parang wala namang balak umuwi nung kapatid kong iyon.” Sabi ko sa kanya.
Inirapan niya ako at napaupo na lang sa sofa. Kinalikot niya ‘yung cellphone niya at nagtext.
“Sht, low bat!” Sigaw niya. “Pahiram ng cellphone mo!”
Dali-dali ko namang nilabas ‘yung phone ko mula sa bulsa ko at inihagis sa kanya.
“Tangina, nag-cellphone ka pa wala namang load! Buset!” At napa-face palm na lamang ito.
Anong magagawa ko eh wala naman na akong tinatawagan at tinetext? Wala naman na si Selene kaya bakit pa ako magpapa-load? Aksaya lang ‘yan sa pera =_______=
“Paano ako uuwi niyan?!” Pasigaw niya ulit na tanong.
“Dito ka na lang kasi matulog! Bakit ba ang kulit ng lahi mo?!”
“Eh… ayoko eh.”
“Huwag kang mag-alala, hindi naman kita gagapangin eh. I-lock mo pa ‘yung pinto ng kwarto ko kung gusto mo.”
“Malay ko ba kung may susi ka!”
Nilabas ko ‘yung susi ng bahay at ng mga kwarto sa bulsa ko at inilagay ko sa kamay niya. Ang kulit eh. Para namang gagapangin ko siya. Wag lang talaga niyang uulitin ‘yung ginawa niya kanina sa study room dahil baka hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko at maging instant rapist ako. Tsk tsk. Deep sht.
“Matulog ka na run.” Utos ko sa kanya.
“K. Night.” At naglakad na siya papunta sa kwarto ko.
Unti-unti na akong nakaramdam ng antok kung kaya’y tumungo na ako sa kwarto ni Psyche kaso –sht naka-lock! Na kay Psyche ang duplicate at na kay Scarlet naman ‘yung mga susi. Paano na ‘yan? Mukhang tulog na ‘yung babae sa kwarto ko? Ayoko naman siyang katukin or gisingin, baka sabihin niya ginagapang ko siya =_______=
Aish. No choice, sa sofa ako matutulog.
--Scarlet’s Pov--
Nagising ako ng mga alas singko ng umaga. Dali-dali akong naghilamos sa CR sa kwarto ni Chron at inayos ang sarili ko. Uuwi pa pala ako sa bahay! Damn, may klase pa kami mamaya! Sht talaga!
Binuksan ko ‘yung pinto at tumambad sa akin ang animo’y isang maamong tupang si Chron na natutulog sa sofa. Bakit dito siya natulog? Sabi niya sa kwarto ni Psyche? Shunga talaga ‘to kahit kailan.
Inilabas ko ‘yung sticky note na nasa bag ko. Buti na lang lagi ko ‘yung dala. Sinulatan ko ‘yun at idinikit sa noo ni Chron. Hahaha! Bahala na siya dyan. Ciao~!
--Chron’s Pov--
Nagising na ako nang wala na si Scarlet sa kwarto ko. Tinanong ko kay Manang kung nasaan siya pero hindi raw nila alam. Baka naman umuwi na siya? Tsss… ‘di man lang nagsabi at nagpasalamat. Ibang klase talaga =_____=
Dumiretso ako sa kwarto ko at wow ha, hindi man lang tiniklop ‘yung kumot at inayos ang kama! Ibang klase!
Pumasok ako sa CR para maligo nang mapansin ko ang isang pink na sticky note na nakadikit sa noo ko. Taena talaga! Pinagtripan na naman ako nung babaeng ‘yun!
Tinanggal ko ‘yung sticky note at binasa ang nakasulat doon…
Pervert,
Thank you ha?
Magtha-thank you na nga tinawag pa akong pervert. Damn! Siya naman ang may kasalanan! Babae talagang ‘yun. Napaka! Aish!
Ibang klase ka talaga Scarlet Movida. Ibang klase…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro