Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -27: Kidnap My Heart }

{ TBUP –27: Kidnap My Heart }

                                                                           

 

 

 

1 week akong suspended kaya nandito ako sa bahay, nood-nood lang din ng TV. Ang boring nga eh, bad trip! Ang masaya lang sa pagiging suspended ko eh ‘yung hindi ako maagang gigising para pumasok, pero all in all? Ang boring! Wala pa akong mahulaang mga couples! Kaasar =_____=

Ano kaya kung pumasok ako nu? Tapos sa clinic ako mag-stay or sa canteen? Di naman ako mahuhuli nung principal ‘di ba? Aish! Wala na talaga akong magawa sa buhay ko! Laslas? Lol, de joke lang.

Si Mama naman naglalaba. Ay parang ang sama ko naman kasi hindi ko siya tinutulungan! Pero… tamad ako eh! >________<

*beep beep!* Cellphone ko, tumunog. May nag-text!

So binuksan ko ‘yung message sa phone ko. Ay oo nga pala! Di ba sabi ni Psyche magde-date kami? So asan ‘yung date? Tengene, yung na lang ang pag-asa ko para hindi ako mamatay sa boredom eh!

From: Psyche-ii baby :)

|Labas ka sa bahay niyo. Bilis!|

 

 

Ito na ba ‘yung date? Takte, bigla akong kinilig. Wooo! Oo nga pala, plano ko na siyang sagutin ngayong week, depende sa kakalabasan ng date kung maganda pero kung hindi eh ‘di busted! De joke lang… nasa akin na nga papakawalan ko pa? The hell, no way!

Agad akong pumwesto sa harap ng salamin at nagsuklay. Nag-ayos ayos din ng konti. Konting lipstick, blush on at kung ano-anong make-up. Nagpalit din ako ng damit ko. Jeans lang, gray loose shirt at sky blue doll shoes. Okay na ‘to.

Lumabas na ako sa gate namin, pagkalabas ko naman wala naman akong nakitang Psyche sa paligid, wala ring kotse. Ako ba pinaglololoko nung gagong ‘yun? Nag-ayos pa naman ako ng bonggang-bongga para sa kanya tapos paghihintayin niya ako?!

Anak ng pu—

Bigla na lang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko at unti-unti na lamang akong nawalan ng malay…

--Psyche’s Pov--

 

Aish! Ang tagal magising ni Ericka =____= Ilang oras na ba siyang natutulog? Dalawa? Tatlong oras? Grabe! Ang dami ko pang gustong puntahan kasama siya tapos puro tulog ang ginagawa niya? No! Kailangan na niyang magising.

Kaya pinisil-pisil ko ‘yung magkabilang pisngi niya.

Hmmmm…” Sabay alis niya sa kamay ko pero nakapikit pa rin.

Gising ka na, marami pa tayong gagawin.” Bulong ko sa kanya.

Mmm… maya na.” Pilit pa rin niyang tinatanggal ‘yung kamay ko.

At dahil trip ko siya ngayon, mas nilakasan ko pa ‘yung pagpisil sa pisngi niya. Ewan ko lang kung hindi siya magising. Tsk tsk…

ARAY!” Sigaw niya. At sa wakas! Dumilat na rin siya!

Bakit ba istorbo ka?! Kita mong ang sarap-sarap ng tulog ko eh.” Umayos siya ng upo sa kama.

Kinusot-kusot niya ‘yung mata niya at bigla na lang iyong nanlaki nang maigala niya ‘yung mga mata niya sa kwarto. Hehe. Expected ko na ‘to.

Taena! Saan mo ‘ko dinala?!” Tanong nito.

Aklan?” Sagot ko.

AKLAN?! TEKA! ANG LAYO NUN AH?! PAANO?! BAKIT?! PAANO SI MAMA?!” Natatarantang tanong nito.

Relax.” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, “Una sa lahat, pinaalam na kita sa Mama mo, kumuha na ako ng damit mo at hiniram ko ‘yung private chopper ng Tito ko para makapunta tayo rito.” Paliwanag ko sa kanya.

Natulala siya, “Pero… gabi na?

Yup! Don’t worry, mas maganda ang Bora kapag gabi.” Then I smiled at her.

WHAT THE?! Tayo lang… dalawa? Dito?” Para siyang namutla habang tinatanong iyon.

Well, kahit gustuhin ko mang tayo lang dalawa… sinama ko ‘yung maid namin.

Pero… teka! Ikaw ‘yung nagtakip ng bibig ko?!

Oo.

Bigla na lamang niya akong pinaghahampas ng unan. Problema nito?!

Walanghiya ka! Natakot kaya ako nun! Akala ko, kidnapper na! Tapos ikaw lang pala! Bad trip ka! I hate youuuuuuuuuu~!” Sigaw niya sa akin habang hinahampas ako ng mga unan.

Hinawakan ko ng mahigpit ‘yung dalawang kamay niya, “Ano ka ba! Ginawa ko lang naman ‘yun para i-surprise ka eh.

Umirap siya, “Tsss… so ganyan ka pala manligaw? Nangingidnap?

Natawa ako sa sinabi niya, “Yep, maybe? ‘Cause I’m planning to kidnap your heart tonight, darling.” Sabay halik sa pisngi niya.

At unti-unti kong nakita ang page-evolve niya sa pagiging isang kamatis. Hahaha! I just made her blush!

--Ericka’s Pov--

 

Yep, maybe? ‘Cause I’m planning to kidnap your heart tonight, darling.” With matching kiss sa cheek!

What the hell! Pigilan niyo ako! Pigilan niyo akong halayin ‘tong lalake sa harap ko! Tanginaaaaaaaaa~! Yung puso ko ayaw nang kumalma! Parang gusto nang lumabas! Ano ba Psyche! Matagal mo nang nakidnap ‘tong puso ko ulol ka! Pinipigilan ko talaga ‘yung kilig ko pero nakita ko si Psyche na parang nangiti ng bonggang-bongga habang nakatingin sa akin! Uwaaa! Baka nakita niyang nagblu-blush ako?! Taena, ang landi-landi ko na sa lagay na ‘to eh!

You’re beautiful.” Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

Chos! Matagal ko nang alam na maganda ako nu! Dyosa nga eh! Pero bakit ganun? Pag si Psyche ‘yung nagsabi parang ang saya? I mean –ang saya-saya! Feeling ko totoong-totoo at walang halong pange-echos! Para tuloy akong nakikinig ng drums kasi ‘yung puso ko ang lakas ng tambol! Nakuha pang mag-superbass! Lol.

Ay pero wait, anong gagawin namin dito sa Aklan? Gagawa ng…? Taena, ang dumi ng utak ko >_________<

Kaen na tayo.” Sabi sa akin ni Psyche sabay hawak pa sa kamay ko.

Damn! Tigil-tigilan mo ‘ko Psyche, parang awa mo na! Pakalmahin mo naman ‘tong puso ko please? Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag pinagpatuloy pa niya ‘to eh! Maya-maya bumulagta na lang ako rito nang dahil sa heart attack! Oh my gosh!

Okay.” Yun na lang ang nagawa kong maisagot eh. Tsk tsk…

So ayun, kumakain lang kami. Ako? Eto medyo natu-tulala dahil hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Nagpla-plano na ako kung paano ko pa magagawang itago ‘yung kilig na nararamdaman ko eh. Pero bakit ko nga ba itatago ‘yung kilig kung alam ko namang hindi ko kaya? Aish! Ang hirap ng ganito!

Masarap ba?” Tanong niya sa akin.

Tumango na lamang ako at nanatili sa pagkain.

May nadala ka nab a rito?” Tanong ko sa kanya.

Yep.” Ouch! Tengene, inaasahan ko pa naman ako ‘yung una eh! Saklap dre! “Si Selene, kaso hindi niya nagustuhan kaya umuwi kami kaagad.

Ahhh…

Ang chaka nung Selene na ‘yun ha! Ang ganda kaya ng Aklan at isama mo pa ang Boracay! Tapos inayawan lang niya?! Echoserang froglet! Siguro hindi ‘yung lugar ang ayaw niya, siguro ‘yung tao? Tsk tsk… nga naman. Pag hindi mo talaga mahal at wala kang ka-amor amor dun sa taong nasa paligid mo eh halos ipagtabuyan mo na lang sila =______=

So bakit nga tayo nandito?” Tanong ko.

Wala lang…

Wala lang?! Ang layo-layo kaya ng Aklan! Tapos dinala mo ako rito, dahil wala lang?! Tell me, SABOG KA BA?!

Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin, “Ayaw mo ‘yun? Malaya mong magagawa ang matagal mo nang inaaasam na gawin sa akin.” Sabi niya tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

Seryoso ka ba Psyche? Binibigyan mo na ako ng permisong galawin ka? Halayin ka? What the?! Nakakainis naman ‘tong pinag-iiisip ko! Walanghiyang utak! Di ko na keri ‘to!

So manyak ka na ngayon?” Ako.

Gusto mo ng sample?” Omaygash! Yan na naman ‘yung nakakaloko niyang ngiti!

Hindi na lang ako sumagot at sa halip ay binuhat ko na ‘yung pinggan ko papuntang kusina para hugasan. Naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Psyche sa bewang ko. Binigyan niya ako ng isang mainit-init na backhug! Gaaash!

Bakit ganun? Ang lapit-lapit mo na sa akin pero bakit parang wala pa rin? Ang cold mo pa rin sa akin.

For the first time, naramdaman ko ang matinding lungkot kay Psyche. Yung way ng pagsabi niya parang ang bigat-bigat ng pinapasan niya eh. Parang kahit nakangiti siya kanina, ang lungkot-lungkot niya pa rin. Bakit? Dahil sa nararamdaman niyang cold ako sa kanya? Dahil feeling niya hindi tumatalab sa akin ‘yung mga ginagawa niya? Bakit? Kasi hindi ko pinapakitang kinikilig ako?

Damn! Kung alam niya lang kung bakit! Ayoko lang kasing maging simpleng babae na basta-basta na lang ipapakitang kinikilig sila eh. Nakakaumay kaya ‘yung mga ganun! Tyaka kahit naman hindi ko sabihin –sobrang naa-appreciate ko ‘yung mga ginagawa niya eh. Hindi lang talaga ako showy sa mga nararamdaman ko.

Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng mabilisang halik.

Isipin mo na lang bonus ‘yun.” Sambit ko.

Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinagkainan ko habang nakangiti. Sana naman kahit papaano naibsan ko ‘yung lungkot na nararamdaman niya.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan inaya na ako ni Psyche lumabas para makita ang beach sa gabi. Kahit excited ako eh naramdaman ko nang inaantok na ako kaya pinili kong ipagpabukas ‘yun pero siya? Nagpupumilit =______=

Sige na please? Mas maganda ang Bora ‘pag gabi, pramis!” Excited niyang sabi sa akin.

Papasyal tayo tapos mapapagod ako?” Mataray kong tanong.

Eh ‘di papasanin na lang kita habang pumapasyal tayo!

Totoo?” Tumango si Psyche, “Sige na nga. Basta, pasanin mo ‘ko ha?

At ‘yun na nga. Mula run sa resthouse nila hanggang sa makarating kami ng beach eh nakapasan ako sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam. Bukod sa hindi ako napapagod, kinikilig pa ako! Hahaha! Bakit ba ang swerte ko kay Psyche? But again, ito na naman ‘yung tanong eh…

…hanggang kailan naman kaya ‘to?

Nakakatakot isipin na baka bukas o sa makalawa bigla na lang magbago si Psyche sa akin. Baka sa susunod, wala ng ganito. Hindi na siya sweet, hindi niya na ako pagtygaan… baka sa susunod magsawa siya tapos iwanan niya na lang ako. Nakakainis!

Ang bigat mo pala! Tsk tsk… baka maging baboy ka na niyan?” Sabi ni Psyche.

What the?! Ibaba mo ‘ko rito, gago! Ang sarap-sarap ng pinapakain mo sa’kin tas sasabihin mong mabigat ako?! Baka naman sinasadya mo ‘yun para kapag tumaba ako eh wala ng magkagusto sa akin?

Pwede rin. Pero okay lang, ako ang magmamahal sa’yo kahit maging baboy ka pa.”  Tapos ibinaba niya ako. Umupo kami sa tabing dagat.

Bwisit ka.” Sabay irap.

Ang sarap mong asarin, bebe.” Tapos kinurot niya ako sa pisngi.

Aray! Gago ka talaga!

Pero alam mo kung anong pinakamasarap?” Tinignan ko siya at waw ang seryoso ng fes! “Ang mahalin ka.

Watdapak! Kyaaa~! Siguro kung careless ako at hindi nagpipigil ng kilig eh baka kanina pa ako nalunod dito! Baka kanina pa ako nagtatalon at baka kanina pa ako naihi sa suot ko! Taena Psyche! Ang sweet-sweet mo! Pucha! Gusto kong sumigaw!

At dahil mahirap magtago ng ngiti eh hindi ko na napigilan ang ngumiti pero syempre umiwas ako ng tingin. Dyahe kaya!

Ay teka, babawi ako xD

Psyche!” Tumingin ito sa akin, “Mahal na mahal…” Unti-unti kong nakita ‘yung ngiti sa labi niya kaya naisipan ko munang pagtripan siya :)))))

“…ang gasolina sa Pilipinas! Hahahahaha!” Tapos tumawa ako ng bonggang-bongga.

Tsss…” Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Psyche. Napabaling na lamang siya ng tingin sa dagat.

Pero syempre… mas mahal na mahal kita.” Hindi kasi niya ako pinapatapos =_______=

Agad siyang napatingin sa akin at ngumiti, yung halos mapunit na ‘yung labi niya sa ngiting meron siya ngayon. Hahahaha! Ang gwapo ni Psyche :””> At ang sweet ng atmosphere! Samahan mo pa ng setting! Taena, pwede nang pang-star cinema!

So sinasagot mo na ako niyan?

Tsss… hindi pa! Excited.

Aww, eh kelan?

Ewan ko?” Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya at tumakbo na pabalik ng resthouse. Hintay hintay muna Psyche. Malapit na!

***

The next day, niyayaya ko nang umuwi si Psyche sa Manila. Bad trip kasi pinapauwi na ako ni Mama T__________T Nage-enjoy pa sana ako ngayon eh kaso sabi ni Mama… miss na niya ako, de joke lang, sabi niya wala raw magbabantay sa bahay kasi may importante siyang pupuntahan mamayang gabi kaya kailangan nandun na ako bago pa siya makaalis ng bahay.

Psyche… uwi na tayo please? Magagalit na si Mama.

Sa isang kondisyon…” Tapos napangisi ito.

Anong kondisyon na naman ‘yan?

Wala… sige uwi na tayo.” Tapos kinuha niya na ‘yung mga bag namin.

Uyy ano ba ‘yun?” Tanong ko habang sinusundan siya papuntang chopper.

Huwag na. Ayaw kitang pilitin. Maghihintay naman ako eh.” Wait, nagtatampo ba siya?

Ano ba kasi ‘yun?!” Pagpipilit ko sa kanya.

Pero hindi niya ako kinibo dahil patuloy lang siya sa pag-aayos ng mga bag sa loob ng chopper. The hell! Ayoko ng ganito! Ayoko ng nagtatampo sa akin si Psyche! Hindi pa nga nagiging kami may LQ na?! Paano na kaya kung naging kami? Nang dahil lang sa hindi niya sinabi ‘yung gusto niya kaya mag-aaway na kami?! Tengene ano ba?!

Hoy kibuin mo nga ako! Ano bang gusto mo?

Kalimutan mo na. Sige, tawagan ko lang ‘yung piloto nito.

Kinuha niya ‘yung cellphone niya sa bulsa niya pero agad ko itong hinablot at agad na nilapat ang labi ko sa labi niya. Ayaw niyang sabihin eh daanin sa dahas! Tangina okay nang masabihang malandi huwag lang mawala si Psyche! Taena, ayokong nag-aaway kami eh. Hindi ako sanay makita siyang nagtatampo or what!

Hindi ako uuwi sa Manila hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ‘yung gusto mo.” Sabi ko sa kanya.

Gusto ko sanang… gusto ko sanang maging tayo na eh. Pero okay lang! Hindi mo naman kailangang magmadali! Hindi kita pinipilit! Kayak o pa namang maghintay eh…” Ayan na naman ‘yung malungkot niyang tono ng pananalita. Agad tuloy ako nakapagpakawala ng buntong hininga.

Psyche… Oo na.

Yeah oo, hindi ko kailangang magmadali. Hehe.” At napakamot na lamang ito sa batok habang tumatawa ng pilit.

Sabi ko –oo na! Sinasagot na kita! Ang slow mo!

Nanlaki ang mata niya sa narinig, “ANO?!

Shunga sabi ko oo na! Tayo na! Okay na ba ‘yun ha, Psyche-ii baby?

Sigurado ka? As in?! Baka naman napilitan ka lang or nakulitan ka lang sa akin… o baka na—

Pag nagsalita ka pa, babawiin ko ‘yun!

Thank you!” At hinalikan ulit niya ako, “Tara uwi na tayo sa Manila! Magdo-door to door ako sa mga kakilala natin para lang sabihing tayo na!

At ayun, umuwi kami ng Manila ng muntanga. Muntanga dahil sa kilig! Uwaaa~! Kami na ni Psyche! Kami na talaga! So pagkatapos nito, ngayong kami na, ano naman kayang susunod na mangyayari?

Alam ko, marami kaming makakaharap na problema at obstacles gaya ng napapanood ko sa TV at nababasa sa mga libro pero sana kayanin namin. Para tuloy-tuloy na sa kasalan.

Ay tangina, kakasagot ko pa nga lang kasal na kaagad? Hindi naman halatang excited ako ‘di ba? =_______=

Psyche!” Tawag ko sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay, “Mas mahal ka rito,” sabay turo ko sa puso ko, “kesa sa gasolina!

Tsss… Mas mahal rin kita kahit sa ano pa man! Pumasok ka na sa loob, baka kidnapin pa ulit kita!

Haaay… Psyche, hanggang kailan ka magiging ganito? Hanggang kailan ako magiging masaya?

Hanggang kailan tayo tatagal?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro