{ TBUP -26: Answer Key }
{ TBUP –26: Answer Key }
Break muna sa paghahanap nung mga haters ko. Exam kasi namin ngayon, at unfortunately hindi ako nag-review. Sino ba kasing boba ang magre-review?! Walang kwenta ‘yan! Stock knowledge lang mga dre! Ako pa! Matalino kaya ako. Mwhahaha! Sa ngayon, kakain mun ako!
“Hoy best! Ano, kilala mo na ba ‘yung hater mo?” Tanong ni Carmeen sabay upo.
“Kung kilala ko na siya –sana may pinaglalamayan na sa D-High ngayon.” Kalmado kong sagot sabay kagat sa chicken sandwhich ko.
“Eh, nagreview ka na ba?”
“Ako? Kailan pa ako nag-review?! Best naman! Parang ‘di ka na nasanay sa akin!”
“Ay oo nga –sanay na sanay na ako lalo na ‘pag pinapakita mo ‘yung test paper mong may malaking bilog sa bandang itaas. Tsk tsk…” Napatawa na lang ako sa sinabi ni Best.
Tyaka na lang ako magse-seryoso sa pag-aaral, kapag college na. Para solb ‘di ba? Hehe.
Tatambay na sana kami ni Best sa classroom para manggulo ng mga nerds na nagre-review nang bigla akong tawagin ni Nurse Kim –wow! Himala pumasok siya?!
“Pakidala naman ‘to sa faculty room, please? Yan ‘yung listahan ng mga gamot na dapat bilhin sa clinic. Sige ha. Salamat!” Tapos nag-wave siya at umalis na.
Nagkatinginan kami ni Best at halatang gulat kami sa inasal ni Nurse Kim.
“Blooming si Nurse Kim.” Sabi ni Carmeen.
“Baka may bago ng love life?”
“Siguro nga. Tara na, samahan na kita sa faculty room.” Sabi ni Carmeen.
So pumanhik kami sa hagdan at nagtungo sa faculty room. Habang naglalakad kami eh bigla na lang may bumunggo sa aking babae na halos matakpan na ang buong mukha niya ng mahaba niyang buhok. Muntik na nga akong matakot eh, mukhang sadako dre! Pero agad naman siyang nag-sorry kaso sobrang hina ng boses niya. Hindi ko na lang pinansin at tumuloy na ako sa faculty room at nilapag ‘yung listahan.
Pagkatapos nun dumiretso na kami sa classroom namin. Tamang-tama nga eh kasi magsisimula na ‘yung exam. Kakaiba ‘tong exam ngayon kasi –puro math lang. Bwiset nga eh. Sabi nila konsiderasyon na raw ‘to kasi alam nilang mahirap ‘yung math. Next week na lang ‘yung exam sa buong subject. Math lang daw muna.
At dahil wala talaga akong alam sa math, habang ‘yung mga kaklase ko eh halos maubusan na ng hiningi sa kaka-solb eh ako nakamasid lang. Wala naman akong makopyahan dahil ‘yung teacher ko nasa harap ko! Kaya nagkunwari akong nagso-solb, pero ang totoo nagdra-drawing lang ako at nagle-lettering xD
Nung matapos ‘yung exam, ang linis ng test paper ko –ultimong pangalan ko ‘di ko sinulat. As in walang bahid ng ballpen! Nagtataka nga si Ma’am eh, pero wala akong paki, kesyo ‘di ko nga alam ‘di ba? Kaya eto ako ngayon, may nakuha na namang panibagong itlog. Lol.
Bigla ko na lang narinig ‘yung kaklase ko na nasa kabilang side, alam niyo ‘yun? Yung upuan ko, tapos ‘yung aisle tapos ‘yung upuan niya –gets? xD Nasilip ko ‘yung test paper niya at naka-10 out of 50 lang siya. So ngumawa na siya niyan? Ako nga zero pero NR lang eh! Tsss… at dahil walang naaawa sa kanya, iniabot ko na lang ‘yung panyo ko.
“Ma’am!” Tawag nung isang kaklase ko na nasa bandang last row.
Tumingin ako sa kanya at itinuturo niya ‘yung bulsa ko. Tinignan ko ‘yung bulsa ko at may naka-usling papel. Binuksan ko ‘yun…
PAKINGSHET! ANONG GINAGAWA NG ANSWER KEY DITO?! AY NAKANANG POTA!
Lumapit sa akin ‘yung teacher ko at hinablot ‘yung answer key sa akin. Shet!
“To the office! NOW!” Sigaw nung teacher.
Ako? Wala lang, nakatingin lang sa kanya. Shocked pa rin pero nung nanlisik na ‘yung mga mata niya eh nagsimula na akong gumalaw at pumunta sa Principal’s Office.
“Anong ginagawa ng answer key sa bulsa mo Miss Artemis?!” Tanong ni Principal.
“Aba malay ko?! Baka nagkakape, tanungin niyo na lang siya.” Pilosopo kong sagot.
“Pilosopo ka ah!”
“Hehe. Buti alam ninyo. Thank you!” Sabay ngiti.
“Kung ayaw mong ma-expelled, sagutin mo ang tanong ko.”
“Eh hindi ko nga alam eh! Hindi ko ‘yun kinuha Sir! Ni hindi ko nga nasagutan ‘yung test ko eh! Kung ginamit ko ‘yun at alam kong nasa bulsan ko iyon eh ‘di sana perfect ko ‘yung exam! Pero hindi eh! Bopols naman oh!” Sagot ko. Inaakusahan nila ako ng cheating? Bakit ‘di nila tignan ‘yung papel ko?! Pucha!
“Paano napunta ‘yun sa’yo?”
“Baka nag-tricycle papunta sa bulsa ko?”
Napabuntong hininga si Principal at halatang hinahabaan ang pasensya nito, “Sagutin mo ako ng maayos Miss Artemis, please lang.”
“Hindi ko nga alam! Yung bulsa ng palda ko, panyo lang ang laman nung umalis ako ng bahay! Hindi ko naman alam na may lintek na answer key dun eh! At pramis! Hindi ko ‘yun nilagay o ninakaw sa faculty room! Pramis Sir! Cross my heart! Mamatay ka man!”
“Sht!” Hahahaha! Nagmura si Sir oh! Lol, “Pero bago ka pumunta sa room ninyo eh pumunta ka ng faculty room. Baka naman kinuha mo run?”
“Putangina! Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko kinuha?! Ni hindi ko nga nakita ‘yang mga answer key na ‘yan sa faculty room eh!” Sagot ko. Taeng ‘yan!
“Calm down Miss Artemis! Parang hindi ka babae kung magmura ka ah! And come to think of it, nasa harap ka ng Principal ng school mo!” Sabi niya sa akin.
“And so? May pinipili na pa lang kasarian ang pagmumura? Wow ha, ngayon ko lang nalaman!” Sabay irap ko.
“Hindi kita ie-expelled, but you’re suspended for 1 week. Kailangan mo ring maglinis ng buong campus ngayong araw. Understood?”
Ay bwiset! Wala akong kasalanan pero maglilinis pa ako?! Okay na ‘yung suspension sa akin eh! Hindi na ako papalag ‘dun pero ‘yung paglilinis ng buong campus?! Takte! Sunugin ko pa ‘tong buong school eh! Shet!
Lumabas na ako ng office, tatakas ako! Hindi ako maglilinis! Psh! Asa naman ‘yung panot na ‘yun na mapaglilinis niya ako! NEKNEK NIYA!
Paglabas ko eh nakita ko si Psyche na nagvavandal ng pintuan at walls ng Principal’s office. Anyareee ‘dito?!
“Anong ginagawa mo?!” Tanong ko sa kanya.
“Vandalism?” Sagot niya.
“Shunga ka ba?! Gusto mong ma-expelled?! Principal’s office kaya ‘to!”
“Sus! Expelled, expelled! Kung ikaw nga cheating ang kaso, suspended lang ng 1 week eh! Vandalism pa kaya?”
“Bakit mo nga kase ginagawa ‘yan?” Tanong ko sa kanya.
“Suspended ka ng 1 week ‘di ba?” Tumango ako, “Ginawa ko ‘to para ma-suspend din ako. Para magde-date na lang tayo ng isang linggo, saya nun nu?” Ngumiti siya tapos pumasok sa Principal’s office.
What the?! Baliw na ba si Psyche?! Baliw na ba siya?! Baliw na ba siya sa akin?! Lels. Mwhahaha! Hindi ko naman ine-expect na ganun siya. Pero natutuwa ako kahit papano –kahit naiinis ako kasi pinaglilinis ako ng buong campus. Amf =________=
Lumabas si Psyche nang tuwang-tuwa.
“Suspended ka?” Tanong ko sa kanya.
“1 week bebe! 1 week! Atin ang isang linggo Ericka!” Tapos binuhat niya ako.
Ang autistic talaga neto! HAHAHA! Sige, dun ko na lang siya sasagutin sa isang linggong date namin. Mwhahahaha! Worth it naman pala ‘to :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro