{ TBUP -24: Puzzled }
{ TBUP –24: Puzzled }
--Scarlet’s Pov--
“So ito ‘yung tinatrabaho mo sa Student Council office?!” Tanong ko kay Chron na kasalukuyang tinitignan ang mga kaklase naming umaakyat sa bus.
“Oo. Di ba maganda? Bakit ayaw mong sumama? Tss… sorry pero sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka. Secretary kaya kita.” Tapos nag-smirk siya at bigla na lang niya akong binuhat at ipinasok sa bus.
Oh ‘di ba ang sweet niya? Kung makabuhat para lang akong sako ng bigas?! Taenang ‘yan! Sabi ko pa naman sa sarili ko na hindi na ako lalapit sa kanya pero ano ngayon?! Nganga! Nakalimutan ko, secretary niya nga pala ako at kailangan kong manatili sa tabi niya!
Ayoko na sanang ituloy ‘yung plano ko kaso, parang ang ganda nung pagkakataon para bumitaw ako ‘di ba? Pagtri-tripan ko lang naman siya eh. Yun lang, pramis!
Oo nga pala, pupunta kami ng resort. Buti nga napapayag ni Chron si Ma’am Perez eh! Sabi niya field trip daw! What the heck! Anong klaseng field trip ang pagpapasarap at pagswi-swimming? Tsk tsk… ang gandang i-impeach! Amf >_____<
Habang naka-upo ako sa tabi ng bintana, napatingin ako sa likod ko. Dun pala naka-upo ang dalawang maharot?! Psyche at Ericka? Taenang ‘yan! Ngitian lang ang ginagawa pero para ng sasabog sa kilig ‘yung dalawa! Sige na! Sila na! Sila na ang may bonggang love life! Bwiset! =_____=
“Tumabi ka nga!” Sabi sa akin ni Chron.
“Ay bwiset! Anong gusto mo, sa bintana na ako umupo?! Tyaka bakit ka ba nakikisiksik dito?! Dun ka sa ibang upuan! Dami pang bakante eh!” Sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, “Alam mo kasi, secretary kita kaya dapat katabi kita. Kuha mo?” Tapos bigla na lang siyang sumandal sa balikat ko.
Eff! Huwag na huwag mo ‘tong gagawin sa akin Chron! Please lang! Wala pa ako sa kondisyon para mainlab, paglalaruan pa kita eh! Bwiset naman! Ano bang nangyayari sa kanya? Isang araw, masungit siya at snob pero ngayon?! Why is he trolling with me?! Alter ego?! What the fudge!
“Hoy! Hoy! Alisin mo nga ‘yang ulo mo!” Sabay tulak ng ulo niya mula sa balikat ko, “Hoy!” Sinilip ko siya pero nakapikit na ‘yung mga mata niya. Ano ‘to, tulog-tulugan?!
Pero ito naman ang gusto ko ‘di ba? Ang ma-seduce siya at tawanan siya kapag nangyari ‘yun? Ang paglaruan siya? Pero ano ‘to? Bakit bigla na lang nagtatatalon ng parang putanginang kangaroo ‘tong puso ko?! Hoy hoy hoy! Puso! Kumalma ka! Umayos ka dyan kung hindi… naku!
Hindi ko alam kung anong masamang ispirito ang sumanib sa akin at bigla ko na lang ipinatong ang kamay ko sa ulo niya. Shet! Mas lalo akong kinakabahan langya! Bakit ganito?!
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at alisin sa ulo niya tapos napabangon siya mula sa balikat ko. Inayos niya ‘yung upo niya at naglabas ng libro, nagbasa na lang siya.
Putek! Ano ‘to?! May saltik talaga sa ulo? Bakit ba bigla-bigla na lang siyang nag-iiba ng ugali?
--Chron’s Pov--
Mag-focus ka Chron please lang! Tandaan mo –iniwan ka lang ni Selene, nakipag-break siya sa’yo pero mahal mo pa rin ‘yun! At mahal ka pa rin niya… well sana. Shit! Hindi mo siya pwedeng kalimutan! Hindi ka pwedeng tumingin o pumorma ng ibang babae! Taena! Mukhang tumatalab na ‘yung seduction ni Scarlet, taeng ‘yan! Hindi ‘to pwedeng mangyari, hindi talaga!
Tsk tsk…
“Tapatin mo nga ako…” Biglang sabi ni Scarlet, “ikaw ba eh may saltik sa ulo? Bat muntanga ka?” Shit! Pwede bang huwag mo muna akong kausapin?!
“Tss… snob! Baliw ka talaga! Bwiset ka!” Tapos humarap na siya sa bintana.
Sorry pero baka makalimutan ko si Selene kapag pinansin pa kita.
--Ericka’s Pov--
“Kamusta naman ang pag-uwi sa bahay na mukhang basang sisiw?” Pang-aasar ko kay Psyche. Mwhahaha!
“Tss… ‘di mo na-appreciate ‘yun? Imagine-in mo nga, sino pang lalake ang magpapabasa para lang sa’yo? Ericka, wala ka ng ibang makikitang katulad ko. Kaya kung ako sa’yo, sagutin mo na ako.” Tapos kumindat siya. Natatawa talaga ko sa kanya kasi hanggang ngayon naaalala ko pa rin ‘yung itsura niya nung binuhusan siya ni Mama ng tubig xD
“Nakakatawa ka nga eh. Sana ganun ka na lang palagi! Hahaha!” Ako.
“Kapag ba ganun ako palagi, sasagutin mo na ako?” Tanong niya.
“Psyche, kung nagmamadali ka at hindi mo na ako matagalan –naiintindihan ko, hanap ka na lang siguro ng iba.” Sabay irap. Uwaa! Psyche! Huwag mong gagawin ‘yung sinabi ko! Tangina! Ang kulit mo kase! =____=
“Asa ka namang maghahanap pa ako ng iba. Ang layo na ng narating ko sa panliligaw sa’yo tapos ngayon pa ako bibitaw? Para ano? Para masulot ka ng iba? Ayoko ng ganun Ericka bebe.” Wika niya.
Aww :””> Psyche! Feeling ko talaga kailangan na kitang sagutin, alam mo ba ‘yun? Hindi ko lang kasi talaga alam kung paano ko sisimulan eh. Pero I swear, mahal ko na si Psyche. Kahit nagsusungit ako sa kanya. Kahit palagi ko siyang pinapahirapan –mahal ko ‘yan.
“Nagustuhan mo ‘yun? Ericka bebe?” Ngumiti siya ng sobrang lawak, doon pa lang ako bumalik sa senses ko. Anong tinawag niya sa akin?!
“A-Ano?” Tanong ko sa kanya.
“Ericka bebe.” Tapos bigla niya na lang kinurot ‘yung magkabilang pisngi ko.
“Awww!” Tapos binitawan niya, “Gago ka talaga! Ang sakit-sakit kaya nun!” Sabi ko sabay himas ng pisngi ko.
“Oh? Masakit?!” Tanong niya na mukhang nag-aalala. “Teka…”
Bigla niyang hinalikan ‘yung left cheek ko tapos sinunod niya ‘yung right cheek ko. Natigilan siya tapos napatingin sa mga mata ko, eh sobrang lapit pa naman niya! Halos maduling na nga ako eh. Omo, Psyche! Why so close! Di mo ba alam na nakaka-temp ‘yung lips mo?! Pucha! Lalamugin ko ‘yan!
At dahil sa makapal ang mukha ko at hindi ko alam kung naka-drugs ba ako ngayon –bigla ko na lang nilapat ‘yung labi ko sa mapupula niyang labi. Shet! Ang landi ko ngayon! Bakit?!!
Nung humiwalay na ako, nakita ko na lang ‘yung smirk niya. Tae! Aasarin na naman ako neto!
“Yun ‘yung hinihintay ko Ericka bebe eh.” Shet! >//< Mukha na siguro akong kamatis dito dahil sa hiya!
“E-Eh I-Ikaw kasi eh! ” Tinutukso mo kase ako! =_______=
“Malayo pa tayo, tulog ka muna.” Isinandal niya ‘yung ulo ko sa balikat niya.
Ang sarap ng ganitong feeling. Yung alam mong may isang Psyche na nasa tabi mo tapos inaalagaan ka? Yung feeling na alam mong mahal na mahal ka niya? Abot langit ang saya pakshet! Sobrang swerte ma men! Ahihi :””>
At nang dahil sa kanya! Nagsimula akong maging corny! Bwiset! Mukha tuloy akong tanga rito. Pero alam niyo ‘yun?! Ang hirap pigilan ng kilig! Sigurado naman akong alam niyo ‘yun eh! Taena!
Pero ang tanong –hanggang kailan magiging ganito si Psyche? Alam niyo ‘yun, di pa rin maalis sa akin ‘yung isipin na baka magsawa siya bigla? Nakaka-tanga lang isipin. Pero sana hindi… kasi ewan ko na lang kung anong mangyayari kapag dumating ‘yung araw na ‘yun.
***
Sa wakas! Nakarating din kami rito sa resort. Ang ganda! Sariwang hangin tapos ang linis ng pool nila! Ang tataas pa ng slides! Jeez =____= Nakaka-excite! Parang ang saya-saya nitong field trip na ‘to!
Dumiretso na ‘yung iba sa mga kwarto nila tapos ‘yung iba naman sa banyo para magpalit ng isusuot nila para makapag-swimming na. Kaya pumunta na kami sa room namin ni Carmeen.
“Alam mo best, dumadalas ang landian niyo ni Psyche ah. Di mo pa ba sasagutin ‘yun?” Tanong niya habang pumipili ng isusuot niya.
“Gusto ko na sana eh kaso hindi ko alam kung paano ko sisimulan at sasabihin sa kanya.” Sagot ko.
“Eh. Kawawa naman ‘yung tao. Hirap na hirap na sa’yo! Kaw talaga best!” Sabay hampas ng damit niya sa akin.
“Eh ikaw nga dyan eh! Di ka na sumasabay sa akin kasi palagi na lang si Elzid ‘yung kasama mo!” Ganti ko sa kanya.
“Best, ninanamnam kase naman ang tamis ng pag-iibigan namin ni muffin…” Sabi niya at kulang na lang maging hugis puso ‘yung mata ng bruha! Naku!
“Tangina! Anong sabi mo?! Muffin?! Pucha anong klaseng pangalan ‘yun? Mwhahahaha!” Halos mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa ng dahil sa sinabi niya.
“Ha-Ha. Sige lang ATHENA, tawanan mo lang kami. At least, sweet. Hihi.” Tsss. Kdot =____=
Di ko na lang pinansin ‘yung huling sinabi ni Carmeen at nagpatuloy sa paghahanap ng matinong damit. Ano kayang isusuot ko? Ayoko ng masyadong revealing, maraming nagkalat na manyak sa paligid eh. Kahit puro fourth year lang ang nandito sa resort hindi pa rin tayo nakakasiguradong safe nu! Mamaya bigla na lang akong halayin eh. Lol.
So pagkatapos naming magpalit ni Carmeen eh lumabas na kami. Naka-spaghetti strap at denim shorts lang ako. Sabi nila bawal daw ‘yung denim pero paki nila? Maglagay na lang ulit sila ng tubig kung gusto nila! Nagbayad kaya ako rito!
Pumunta na kami sa pool at magswi-swimming na sana ako nang may biglang humila sa braso ko… si Psyche! Bigla niya akong tinapisan ng twalya?! O___O
“Anong ginagawa mo?!” Tanong ko sa kanya.
“Yung suot mo kasi! Masyadong ano… ano… basta! Ayoko ng suot mo!” Sabi niya na halatang super bad trip.
Grabe naman! Ako na nga ata ang may pinaka-desenteng suot dito tapos ganyan pa siya mag-react?! Taena! SUPER desente nung suot ko! Yung iba nga naka-2 piece eh! Putangina naman oh! Ang KJ!
“Tanga ka ba?! Tumingin ka nga sa paligid mo! Ako na ang may pinaka-desenteng damit dito Psyche utang na loob! Tumigil ka nga!” Sigaw ko sa kanya so lahat ng tao napatingin sa amin! Aish!
“Kahit na! Pwede ka namang mag-shirt ha! Bakit kailangang ganyan pa?! Di mo ba alam na pinagtitinginan ka ng mga lalake dito?!”
“Pinagtitinginan nila ako kase maganda ako! Ganun lang ‘yun! Kung maka-react ka naman wagas! Bakit? Boyfriend na ba kita?!”
Uh-oh! Below the belt na ata ‘yung nasabi ko! Bigla kasing nag-iba ‘yung aura niya lalo na ‘yung mata niya. Para siyang nagagalit na nasasaktan. Lagot ka Ericka! Kakasabi ko lang kanina na ayaw kong magsawa siya pero parang nang dahil sa ginawa ko ngayon feeling ko malapit ng dumating ‘yung kinakatakutan ko –ang magsawa siya. Aish! >___<
Hinablot niya ‘yung twalya tapos tinapon niya sa gilid at nag-walkout. Nakita ko ‘yung kamao niyang nakakuyom. Galit na siguro talaga siya. I’m sorry Psyche… ikaw kasi eh T_________T
Kaya wala na lang akong nagawa kundi ang mag-swimming. Bahala na. Hindi pa nga nagiging kami may LQ na kaagad. Tsk tsk…
***
--8:50 PM.
Hanggang sa kainan hindi kami nagpansinan ni Psyche. Hindi siya tumitingin sa akin, basta tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya. Grabe nga eh, natiis niya akong hindi kausapin at tignan?! Wow! Pataasan ng pride ang labanan?! Eh ‘di sige! Pataasan lang pala eh! Shet na ‘yan! Mas mataas ang pride ko sa’yo Epiales, tandaan mo ‘yan!
Itutulog ko na lang sana ‘yung problema namin ni Psyche nang bigla na lang akong nakatanggap ng text galing sa kanya.
From Psyche-ii baby:
|Meet me at the pool pls. Asap.|
Tsss! See! Sabi ko sa inyo mas mataas ‘yung pride ko eh! Eh ‘di siya rin ang bumigay! Asa naman akong matitiis ako nun ‘di ba? Mahal ako ni Psyche ‘di ba?
Kaya pumunta ako ng pool. Nagmasid-masid ako run pero wala pa si Psyche. Grabe! Sabi niya asap tapos siya ‘tong late?! Bwiset lang?!
Habang inililibot ko ‘yung mata ko sa paligid ay bigla na lang may nagtakip ng panyo sa bibig ko, nung una eh nagpumiglas ako pero hindi nagtagal ay nawalan na ako ng malay…
--Psyche’s Pov--
Sino bang nagsabing kaya kong tiisin si Ericka? Syempre hindi! Paano ko matitiis ‘yun eh mahal ko ‘yun? Kahit naman ilang beses niya akong pagsalitaan ng masama hindi ko pa rin magagawang magalit sa kanya. Magtampo siguro pwede pa, pero magalit? No way! Kaya naman kaya kong ibaba ‘tong pride na ‘to para sa kanya eh –kasi mahal ko siya. Ganun lang kasimple ‘yun.
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto nila Ericka –bumukas ang pinto at si Carmeen ang lumantad sa akin.
“Si Ericka, tulog na ba? Kailangan ko siyang makausap eh.” Wika ko.
“Huh? Akala ko ba kasama mo?” Ipinakita ni Carmeen ‘yung text ko (?) sa phone ni Ericka.
“Fvck! Hindi sa akin galing ‘to! Hindi ako nag-send ng ganito sa kanya!” Bulalas ko.
Shit! Kaya pala nawawala ‘yung phone ko! May nagnakaw! At talagang ginamit pa niya para lokohin si Ericka?! Pag napahamak si Ericka at nahanap ko ‘yung taong gumawa nito babangasan ko talaga ‘yung gagong ‘yun! Puta! Baka kung ano nang ginawa niya sa babaeng mahal ko!
“Hanapin natin si Best!” Pagyayaya ni Carmeen. Tss… kahit hindi mo sabihin, hahanapin ko talaga siya.
Tumungo kami ni Carmeen sa pool at nadatnan namin si Ericka na lumulutang sa pool na walang malay. Putangina! Anong ginawa nila sa kanya!
Agad akong lumusong at inahon siya.
“Mouth to mouth resuscitation, Psyche!” Sigaw ni Carmeen.
Agad ko naman ‘yung ginawa. Ginawa ko ‘yun hanggang sa magising si Ericka at umubo ng may kasamang tubig. Fvck! Anong ginawa nila sa kanya!
Tumingin siya sa akin, “Psyche…” Mahina niyang sabi.
“Shit! Anong ginawa nila sa’yo! Sabihin mo!”
“W-Wala…” Sagot niya.
“Dalhin na natin siya sa room namin Psyche. Kailangan niyang magpahinga.” Wika ni Carmeen.
Dinala namin siya sa room nila at inihiga siya run. Gusto kong tanungin kung anong nangyari sa kanya pero agad-agad siyang nakatulog. Putangina lang! Sino bang gumawa nun?! Damn it! Pag nalaman ko talaga… mapapatay ko ‘yun!
***
Kinabukasan, nag-byahe na kami pabalik sa mga bahay namin. Katabi ko si Ericka ngayon at balak ko nang tanungin kung anong nangyari kagabi.
“SIgurado ka ba talagang walang ibang nangyari kagabi?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin lang siya sa may bintana.
“Hinahanap kita tapos bigla na lang may nagtakip ng panyo sa bibig ko. Malakas siya –pero sigurado akong babae ‘yun. Makinis kasi ‘yung balat niya eh.” Ericka.
“Hindi lahat ng makinis ang balat eh babae. Malay mo sadyang maalaga lang sa katawan ‘yung lalake. Buti na lang wala siyang ibang ginawa sa’yo.”
“Yeah. Salamat.” Ngumiti siya sa akin.
“Sorry nga pala. Kasi kung hindi dahil sa kapabayaan ko, hindi nila magagamit ‘yung phone ko para i-set up ka. Eh ‘di sana hindi ka napahamak.”
Ngumiti ulit siya at hinawakan ang kamay ko, “Okay lang. Wala kang kasalanan. Tuso lang talaga ‘yung gumawa nun sa akin. Wala naman akong ibang kilalang pwedeng gumawa nun sa akin eh. Walang galit sa akin Psyche. Pramis!”
“Alam ko. Pero siguro… napagtripan ka lang. Basta –simula ngayon, hindi na kita hahayaang mag-isa. Hindi na kita papabayaan. Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag nawala ka. Baka mapatay ko ‘yung sarili ko.”
“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!” Saway niya.
“Tyaka, kung hindi naman ako nag-over react dun sa suot mo eh ‘di hindi tayo magkakatampuhan. Hindi ka na dapat pumunta sa pool.”
“Okay na ‘yun, pasalamat na lang tayo walang ibang nangyari.”
Tahimik lang kami habang nakasakay sa bus. Pero hindi pa rin matahimik ‘yung utak ko sa pagtatanong kung sinong pwedeng gumawa nun kay Ericka. Kung sino man siya… siguraduhin niyang magaling siyang magtago dahil hindi ko alam kung anong pwede kong magawa kapag nalaman ko kung sino siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro