{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }
{ TBUP –23: He is Mr. Invincible }
--Scarlet’s Pov--
Wala na namang klase, faculty meeting na naman kasi. Palagi na lang may meeting pero wala namang nangyayaring maganda sa school. Tsk tsk… ano bang klaseng school ‘to? Close to ‘walang kwenta’. Kapag nagawa ko na talaga ‘yung plano ko, pramis! Lilipat na ako ng school! Babalik na ako sa ZHS. Amp!
Speaking of plano, alam niyo naman na ‘yung plano ko ‘di ba? Ise-seduce ko lang naman si Chron. Na-challenge lang talaga ako sa kanya. Akalain niyo ba naman?! Hindi tinablan ng ganda ko? What the hell! Kaya sisiguraduhin kong mahe-head over heels sa akin ‘yung lalakeng ‘yun.
Speaking of Chron, ayun siya oh. Nakaupo sa proper seat niya habang hawak ‘yung cellphone niya at animo’y may tinatawagan. Yung ex niya na naman siguro na iniwan siya –iniwan na nga siya, hindi pa nagpaparamdam. Naku! Pustahan tayo may iba na ‘yun! Tyaka ‘di ba sabi nung Selene ata? Basta! Sabi niya mamahalin niya pa rin si Chron kahit malayo na siya –like duuh! Ang corny naman nun =_____= Nung kinu-kwento nga ni Psyche sa akin ‘yun eh muntik na akong magsuka sa kakornihan. Amputa nga eh.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Flirting mode –on!
Hinablot ko ‘yung phone niya, “Hoy ibalik mo nga ‘yan!”
“Tsss… Selene na naman? Psh.” In-end ko ‘yung call tapos dumiretso ako sa contacts niya. Dinelete ko ‘yung number ni Selene at nilagay ko ‘yung number ko. Mwhahaha!
“Anong ginagawa mo?!” Tanong niya.
Nginitian ko siya, “Ginagawa ang dapat.”
Hinablot niya ‘yung phone niya tapos nanlaki ang mata niya. Scroll siya ng scroll sa contacts niya. Hinahanap niya siguro ‘yung number ng ex niya. Hahaha!
“Damn! Anong ginawa mo?! Shit hindi ko pa naman memorize ang number ni Selene!” Bulalas niya.
“Kaya ka hindi maka-focus sa Student Council eh. Tsk tsk…”
Habang hinahanap niya pa rin ‘yung number nung Selene biglang lumapit ‘yung teacher na in charge sa Student Council –Mrs. Perez ata pangalan nito?
Lumapit siya kay Chron, “President, alam mo na bang nag-transfer si Bernadette ng school?” Tanong nung teacher.
“Bernadette? Yung secretary ng Student Council? Bakit?! Kailangang-kailangan ko pa naman siya ngayon! Bakit ngayon pa siya umalis?!” Mukhang badtrip na badtrip si Chron ah. Malamang, sino bang hindi mababa-badtrip ‘pag dinelete mo ‘yung number ng mahal niya? Tss…
“Relax lang Pres, kaya ko nga sinabi sa’yo eh para makahanap ka kaagad ng kapalit niya. Ano? Meron ka bang naiisip na pwedeng pumalit kay Bernadette?” Tanong nung teacher.
Napa-facepalm si Chron, “Napaka-consistent ni Bernadette! Ang galing niya! Lahat ng pinapagawa ko sa kanya kinakaya niya. Napakalabong may pumalit na kasing galing niya!”
Hmmm? So naghahanap pala sila ng sexytary –lol I mean secretary. Madali lang naman ‘yun ‘di ba? Magsusulat ka lang habang nakaupo sa table tapos ayun na! Feeling ko naman kaya ko ‘yun eh. Kapag secretary na ako ni Chron, eh ‘di mas mapapadali ‘yung plano ko? Damn! I must take this!
“Ah Ma’am! Ako po! Pwede po akong maging secretary ni Chron!” Sabi ko sabay kapit sa braso ni Chron.
“Really, Miss Movida? Kaya mo ba ang trabaho ‘run?” Tanong ni teacher.
“Of course Ma’am! Tutulungan naman ako ni Pres ‘di ba?” Sabay tingin kay Chron at wink. Hihi :””>
“So, wala ka na pa lang problema anak eh. Sige ha, late na ako sa faculty meeting.” Sabi ni teacher kay Chron tapos umalis na siya.
Nakatingin pa rin ng masama sa akin si Chron habang ako nginingitian lang siya. You’ll fall for me hard, idiot! Mwhahahaha!
Dumiretso kami sa office ng Student Council. Tapos tinuro niya sa akin ‘yung table ko at mga ibang gagawin ko. Tsk tsk… sabi ko na nga ba madali lang ‘to eh. Puro sulat-sulat lang tapos fill-up ng form. Sisiw!
So nagsimula na akong magsulat ng kung ano-ano habang siya nagbabasa ng mga files. Ang seryoso naman niya. Pero ang gwapo niya ngayong araw bat ganun? Siya ‘yung tipo ng lalakeng unang kita mo pa lang makalaglag panty na eh. Plus! He has a body to die for! –Eff! Kung ano-ano ng sinasabi ko, pero seryoso… all in all, gwapo talaga ‘tong isang Epiales na ‘to.
“Miss Movida, may gusto kang sabihin? Kesa naman sa tinutunaw mo ako sa tingin hindi ba?”
Shet! Seryoso?! Nakatingin ako sa kanya?! Taena! Parang imbes na siya ‘yung ma-seduce sa akin ako ata ang nase-seduce niya?! No! No! Hindi pwede! Siya dapat ang ma-head over heels sa’yo Scarlet! Tandaan mo! Na-challenge ka sa kasungitan niya kaya mo ‘to ginagawa!
“Tititigan mo na lang ba ako buong araw, Miss?”
“Shit! –I mean, no. Ano… Uhmm… Ah… Wala!” Sabay balik sa pagsusulat. Shet talaga! Bakit kasi katapat nung mesa ko ‘yung mesa niya eh!
Habang nagsusulat ako nag-aayos siya ng files tapos ang ingay-ingay pa niya habang inaayos ‘yung mga ‘yun. Talagang as in binabalibag niya ‘yung mga folders. Magdabog daw ba?! Hell!
“Secretary,” Tawag niya sa akin. “ibigay mo nga ‘to kay Sir Ferrer.” Ano?!
“Pres, akala ko ba secretary ako? Paano ako naging utusan?” Mataray na tanong ko sa kanya.
“Secretary, alam mo bang isa ito sa mga trabaho ni Bernadette? Isa –”
“Pero hindi ako si Bernadette!” Bulalas ko.
“Pero secretary na kita. Remember? Nag-volunteer ka.” Then he grinned. Eff!
“FINE!”
Naglakad ako papunta sa mesa ni Chron at kinuha ‘yung mga folders. Lumabas ako ng office. Eff! Ang layo kaya nung room ni Sir Ferrer! Sa kabilang building pa ‘yun eh! Alangan naman na maglakad ako run eh tirik na tirik ang araw! Shet! Ayokong matusta nu! Pero magagalit naman ‘yung Presidente sa loob kung hindi ko ‘to gagawin?! Shet talaga! >____< Hindi ko naman ine-expect na ganito siya ka-invincible!
“Hi Scarlet! Mukha atang mabigat ‘yang dala mo ah?” Tanong ng isang lalake –wait, siya ‘yung nagyayang makipag-date sa akin ah? Hmmm… total maganda naman ako, bakit hindi ko gamitin? *evil grin*
“Ah oo nga eh. Ang sakit na nga ng mga kamay ko. Tapos kailangan ko pang dalhin ‘to run sa kabilang building. Grabe! Ang hirap!” Paawa effect din para tumalab.
“Kawawa ka naman sweetcake,” Yuck! Ang pakla ng endearment! Tangina! “amin na nga ‘yan,” Tapos kinuha niya ‘yung mga folders. YES!! “saan ko ba ‘to dadalhin?”
“Talaga? Dadalhin mo ‘yan para sa akin?” Sabay himas sa braso niya.
“Naman! Basta para sa’yo.” Then he winked at me. Psh, okay!
“Kay Sir Ferrer, kaya mo ba?”
“Oo naman. Basta may date mamayang uwian, ano? Payag ka?”
“Sure.” I smiled sexily.
Tapos naglakad na siya papunta sa kabilang building. Hahaha! Uto-uto! Ni hindi ko nga alam pangalan niya eh. Maka-tawag ng sweetcake, like yuck! Ang baduy at purong kakornihan! Pero at least solve na ang problema ko. Iba talaga ‘pag maganda eh nu? Makabalik na nga lang sa office.
Pagbukas na pagbukas ko ng office bigla akong hinila ni Chron, sinira niya ‘yung pinto –sabay lock pa! Fudge! Tapos isinandal niya ako sa pinto at kinorner niya ako gamit ‘yung magkabilang braso niya. Gets?
“Sweetcake pala ha.” Seryoso ‘yung mukha niya. Grabe! Imbes na matakot ako sa kanya nagwa-gwapuhan pa ako! Ang gwapo niya ‘pag seryoso eh. Tapos ang lapit pa ng mukha niya sa akin kaya pak na pak! –Ay shete anong sinasabi ko?!
“Ang galing ko nu?” Tanong ko sa kanya sabay smirk.
“Tsss… hindi mo ginawa ang trabaho Miss Movida. Anong magaling ‘dun? Sabihin mo nga?!” Omo! Pinapagalitan niya ako. Pero keribels lang. Ang gwapo niya eh. Tapos saksakan ng pula ‘yung lips niya! Ini-invite ata akong halikan siya. Damn much! Napapa-lip bite tuloy ako ng wala sa oras.
“Huwag ka ngang mag-lip bite dyan! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yong hindi mo ‘ko mase-seduce?!”
Ouch. Hindi ba talaga? Kahit kunti lang? Shet! Hindi ba talaga ako maganda para sa kanya? O talagang puro Selene na lang ang nakikita niya? Psh =______= Oo na! Hindi na kita kayang i-seduce pero ako naman ‘yung nase-seduce mo! Iniisip ko tuloy, ganito rin ba siya magalit sa dati niyang secretary? Talagang SUPER close?!
“Isa pang chance Miss Movida. Ihatid mo ‘to kay Mrs. Aguilar, kapag hindi mo nagawa –maglilinis ka ng buong campus.”
Sa wakas ay pinakawalan na rin niya ako! Tapos iniabot niya sa akin ‘yung mga folders. Grabe! Sa kabilang building din si Mrs. Aguilar ah! Taeng ‘yan! Aish! >__<
“Ano pang ginagawa mo dyan?”
“Oo na!”
Ito na ang huling beses na lalapit ako sa’yo Chron, tandaan mo ‘yan! Bwiset ka!
--Chron’s Pov--
Kung hindi niya lang kasi pinakaialam ‘yung phone ko eh ‘di sana hindi ko ‘to ginagawa sa kanya. Nakakainis kasi! Ano bang karapatan niyang pakialam ‘yung phone ko?! Ano bang karapatan niyang burahin dun ‘yung number ni Selene?!
Pagkatapos niyang lumabas ng office sinilip ko siya sa bintana baka kasi mag-utos na naman siya ng iba. So nakita ko na siyang naglalakad sa quadrangle papunta sa kabilang building ng bigla siyang matapilok.
Tsss… sino ba kasi nagsabi sa kanyang mag-heels siya ng sobrang taas? Mga babae talaga =___= Pero syempre except si Selene! Ang simple nun eh.
Teka… hindi ata siya makatayo ah?! Fvck! –Lumabas ako ng office at tumakbo papalapit sa kanya.
“Bakit kasi naghe-heels ka ng ganyan kataas eh! Katangahan mo eh!” Sabi ko sa kanya habang binubuhat siya.
“Eh sino bang nagsabi sa’yong tulungan mo ‘ko?! Tyaka huwag mo nga akong matawag-tawag na tanga! Hindi mo ‘ko pinapakain ha!”
“Tumahimik ka na lang. Dadalhin kita sa clinic.”
Itinakbo ko siya sa clinic pero putrages walang nurse?! Paano ‘to?! Aish! Mukhang kailangan ko siyang dalhin sa ospital ah. Pahamak talaga ‘to >______<
“Dadalhin kita sa ospital.” Sabi ko sa kanya.
“Wag na. Ipapahinga ko na lang ‘to.” Masungit niyang tugon.
“Sorry…” Sabi ko sa kanya.
Agad siyang napatingin sa akin at… ngumiti?! Ganun na lang ‘yun?
“Salamat na rin.”
“Mas maganda ka pala kung hindi seductive ‘yung ngiti mo. Simple lang…”
Napansin ko lang. Mas maganda siguro siya kung simple lang siya. Yung as in hindi sexy, hindi mataray –simple lang. Ang ganda niya. Siguro, kung araw-araw siyang ganyang ngumiti eh baka makalimutan ko si Selene. Di ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro