{ TBUP -21: She's a Flirt }
{ TBUP –21: She’s a Flirt }
--Chron’s Pov--
Good job kapatid ko! Nakadali ka rin! Ang saya nilang panoorin sa quadrangle. Kahit basang-basa wala silang pakialam. Naghaharutan pa rin. Kung nandito kaya si Selene? Ganyan din kaya kami?
Haay… miss na miss ko na siya. Ni hindi nga siya nagrereply sa mga text ko, hindi siya sumasagot sa mga tawag ko pati sa mga e-mails ko wala rin. Kinalimutan na ba talaga niya ako? Kasi ako, hindi pa at hindi ko alam kung paano.
Habang naiinggit ako sa kapatid ko at sumusulyap mula sa bintanang ito nakita ko sa tabi ko si Scarlet. Ano kayang say nito?
“Ang sweet nila nu?” Panimula ko.
“Tsss. That bitch doesn’t deserve to be happy.” Sabi ni Scarlet habang nakatingin ng masama kina Psyche at Athena. Uh-oh.
“Missy,” Inakbayan ko siya. “kung ako sa’yo, manglalandi na lang ako ng iba.”
Inalis niya ‘yung braso ko sa kanya and she gave me a death stare, “Hindi naman ‘yung panglalandi ko kay Psyche ang problema eh. Wala kang alam kaya pwede ba, huwag mo na akong kausapin dahil hindi tayo close.” Tapos umirap siya at umalis na.
Pero parang trip ko siyang sundan. Ewan ko kung bakit. Wala lang siguro talaga akong magawa sa buhay ko kaya ko ‘to gagawin. Tyaka gusto ko rin siyang makilala ng husto. Nung nasa Zxcvbnm High pa ako palagi ko siyang nakikita pero hindi naman siya ganito dati. Hindi siya malandi, loner nga siya eh. Hindi ko nga alam kung bakit isang araw naging fling na siya ni Psyche.
“Bakit mo ba ako sinusundan?” Kung nakakamatay ang tingin ni Scarlet, siguro kanina pa ako nakahandusay dito. Tsk tsk…
“Oh? Sinusundan ba kita? Dito rin naman ang daan ko ah.” Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
Umirap ulit siya tapos nagpatuloy na sa paglalakad. Nung malapit na siya sa gate natigilan siya saglit habang nakatingin kina Psyche at Athena. Ano bang problema niya? Hindi naman siya in love kay Psyche para magselos ah?
Tumakbo ako papalapit sa kanya at binulungan siya,
“Manglandi ka na lang kasi ng iba para hindi ka naiinggit.”
Nagulat siya at napalingon sa akin, “Aish! I hate you Chron! Nagger ka pa rin kahit kailan! Dyan ka na nga!”
Tapos tumakbo na siya papalabas ng gate at sumakay sa isang white car. Sundo niya? Dati naman wala siyang ganun ah? Psh, kahit itago pa niya ang tunay niyang ugali dati, lalabas pa rin ‘yun. Schoolmate ko siya dati, I know her.
The next day, medyo busy ako bilang President ng Student Council. Marami na kasing reports na napapabayaan ko na raw ‘yung school kaya nag-skip ako ng mga klase ko at nag-stay sa room ng Student Council. Kailangan ko pang mag-plan ng mga bagong pakulo para sa school.
Habang nagsusulat ako bigla kong nakita si Scarlet while passing the corridor habang may nakaakbay na lalake sa kanya. I think third year lang ‘yung lalake. Then they kissed. Lumabas ako at sinundan sila. Patay ka sa akin Scarlet! Bawal kaya ang PDA rito tsk tsk.
Tumambay sila sa library at sumakto pa talagang walang tao! Tapos nakita ko silang nagme-make out sa ilalim ng mesa. Shit! So I slammed my hands on the top of the table at nabulabog sila.
“Pres! What the hell?!” Sabi nung lalake na halatang bitin. Hindi ba nila alam ang rule?!
“You’re asking me what the hell? Can you please fvck another girl outside the campus? PDA is strictly prohibited here, imposibleng hindi mo alam?” Sabi ko sa lalake.
Pasalamat nga siya nakakapagtimpi pa ako eh. Yung iba kasi kapag nahuhuli ko agad kong sinusuntok. Pasalamat talaga siya at ayaw kong maalog ang utak ko ngayon.
“Sorry Pres.” Tapos tumakbo na siya papaalis ng library. Tss, hintayin mo na ang suspension letter sa locker mo dude!
Si Scarlet naman nakatingin lang sa akin. Her looks are asking ‘why-are-you-still-here’.
“Kita mo na? Iniwan ka lang dito.” Sabi ko sa kanya.
“Because you interrupted us!” Tumayo siya, “Seriously, what the hell is your problem?!” Tanong niya sa akin.
“Wala naman. Kailangan lang kitang isama sa office para pangaralan.” Tapos hinila ko na siya papalabas.
Nagpupumiglas siya, “Damn stop! Ano ba! Bitawan mo ‘ko!” Sigaw niya.
Tumigil ako at humarap sa kanya pero hawak ko pa rin ‘yung kamay niya, “Kung ibang tao ka, malamang binigyan na kita ng suspension letter, pasalamat ka schoolmate kita dati.”
“Well excuse me, schoolmate mo pa rin ako ngayon.” Sabi niya.
“Yeah right. Ibang ugali nga lang.” Tapos ipinasok ko siya sa office room ng Student Council. “You’ll stay here. Kailangan mong magtino.”
“Tsss… sabi mo manglandi ako ng iba tapos nung ginawa ko ikinulong mo naman ako rito? Ano ba talaga?!”
Halatang naiinis na siya dahil sa sunod-sunod niyang death stare sa akin. Hawak niya rin ‘yung wrist niya na kanina eh hawak ko. Namumula nga eh. Well I’m sorry. Hindi naman ‘yung mangyayari kung hindi na siya nagpumiglas eh.
“Sinabi ko nga ‘yun pero hindi ko sinabing manglandi ka ng iba sa school!” Bumalik ako sa mesa ko at nagsulat ulit.
Then I heard her chuckle. I lift my face to see her and I saw her smirk. Baliw na ba siya? Kanina halos kulamin niya ako sa tingin niya tapos ngayon ganyan ang expression niya? Do I need to call the mental hospital now?
“Baka naman…” Lumapit siya sa table ko at umupo run, “ikaw ang gusto mong landiin ko?”
Napa-facepalm na lang ako, “May sinabi ako? Please get off your sexy ass in my table. I have still some works to do.” Pahayag ko.
She chuckled again, “Hindi mo naman sinabing gusto mo ako eh. Pinagalitan mo pa ‘yung ka-make out ko sa library.” She winked at me at traced my jawline.
Oo maganda at sexy si Scarlet. Pero hindi ‘yun ang kailangan ko. I need Selene at hindi ako gagamit ng ibang tao para lang makalimutan siya. And as if namang makakalimutan ko si Selene. Imposible =____=
Salita lang siya ng salita with her flirty tone pero hindi ko siya pinapansin. Kailangan kong matapos ‘tong mga papers na ‘to para hindi na ako mag-skip sa mga susunod na klase.
“Nakikinig ka ba?!” Biglang sigaw ni Scarlet.
“Hindi.” Sagot ko sa kanya habang nagsusulat pa rin.
“Aish! Can you at least lie?”
“No.”
“I hate you!” Bumaba siya sa mesa ko at lumabas Student Council room.
Bahala siya dyan. Timatamad akong lumandi ngayon. Tinamad na ako simula nung umalis si Selene. Pero sana talaga nandito siya. Sana wala pa siyang boypren sa Japan. Nakakainis! Hindi ko na tuloy alam ‘tong susunod na isusulat ko. Hirap talaga ‘pag walang inspirasyon.
--Scarlet’s Pov--
Tss! Ang kapal talaga nung Chron na ‘yun! Akala niya hindi ko alam na gusto niya siya ‘yung landiin ko? Shit lang siya! Gaad! Bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa kanya?! Marami pang lalake ang nagkakandarapa sa ganda ko!
Aish! Hindi naman ako dating ganito eh. Hindi ako flirt, hindi ako easy to get, hindi nga ako ganito kaganda at ka-sexy noon eh. Nung mga freshman, sophomore years ko, loner ako. Wala akong masyadong kasa-kasama sa Zxcvbnm High. Palagi lang akong nasa sulok. In fact, may pagka-emo ako dati.
Then isang araw nilapitan ako ni Psyche. Siya ang pinaka-una kong kaibigan sa school ko dati. Sabi niya gusto niya raw akong maging kaibigan kasi hindi katulad ng mga babaeng kinakaibigan niya –akala gusto sila kaya ayun nafa-fall sa kanya, nami-misunderstood ‘yung ginagawa niya.
Nung una ayaw ko kasi sabi nila heartbreaker si Psyche. Pero nung nagtagal naging close kami. Mahal ko ‘yun si Psyche, pero hindi ‘yung pagmamahal na parang ‘lovers’ talaga. Mahal ko siya kasi bespren ang turing ko sa kanya. Binago niya ako, sinamahan niya ako sa pagbi-build ng self-confidence ko. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya.
Nagkarun ako ng boypren noon, si Patrick. Varsity siya sa D-High dati pero graduate na siya ngayon. Medyo minalas nga lang ng dumating ‘yung Ericka na ‘yun. Hulaan daw ba kami?! Ay hutanghena lang! Nang dahil sa kanya nag-break kami ni Patrick. Pinagtalunan kasi namin ‘yung hula nung babaeng ‘yun eh.
Kaya nang nahalata kong gusto niya si Psyche, akala ko makakabawi na ako sa kanya. Kaya naisip kong gumanti sa kanya. Pinilit ko siyang pagselosin, pero iba ang nangyari. Mukhang naging sila na ata ni Psyche. Masaya naman ako para kay Psyche pero bitter pa rin ako sa Ericka na ‘yun. Aish! Hindi niya deserve maging masaya!
Pero may magagawa pa ba ako? Yun na ang nangyayari eh. Move on na? Aish, total nag-move on na rin si Patrick =____=
“Pasalamat ka kinulong lang kita sa office, kung ibang tao ka siguradong suspended ka na or naglinis ng buong campus.” Psh. Ito na naman si Chron! Sulpot ng sulpot ng parang kabute! Bad trip!
Lumingon ako sa kanya, “Bakit? Ano ba ako sa’yo?”
“H-Ha?” Yuck! Lalake tapos nagblu-blush? Seriously? Nakakatawa lang siya.
“Tss… aminin mo na kasing gusto mo ‘ko. Di naman mahirap ‘yun eh. Di ka naman torpe ‘di ba?” Tapos nginitian ko siya.
“Hindi kita gusto Scarlet. Binabalaan lang kita dahil baka sa susunod teacher na ang makahuli sa’yo. Bahala ka sa buhay mo.” Tapos naglakad na siya papalayo.
Talagang bahala ako sa buhay ko! Alangan namang umasa ako sa kanya ‘di ba? Sino ba siya sa buhay ko? At for the first time ha! Isang lalake tumanggi sa alindog ko? Woah! Nakaka-challenge dre!
Chron Epiales, ipinapangako ko sa’yo, kapag nahulog ka sa ganda ko, hindi ako mag-aatubiling tawanan ka. Be ready!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro