{ TBUP -2: That Effin' Day }
{ TBUP –2: That Effin’ Day }
Supposed to be may graded recitation kami ngayon sa Trigonometry, sa kabutihang palad eh na-postpone. May meeting daw kasi ang mga teachers. Buti na lang! Kung natuloy ‘yun? Baka wala na akong kaluluwa ngayon! Tinakasan na ‘ko dahil sa sobrang nerbyos.
Ayoko kasi ng Math. As in ayaw na ayaw na ayaw ko to the infinite power! >________<
Kaya ngayon, nakatunganga na lang kami rito. Buti nga walang teacher at nakakalipat ako ng upuan eh. Duh? Alangan naman na mag-stay ako run sa original seating position ko eh ‘di naging bato ako run dahil sa katabi ko ‘yung ex ko?!
Ano kayang gagawin ko rito? Ang boring-boring oh! Si best naman kanina pa basa ng basa ng libro! Buti sana kung may natututunan siya dyan eh puro love story naman. Haaays!
“Best!” Sabi ko sabay kalabit kay Best.
“Oh? Problema mo? Istorbo ka ah =,=” Sabay irap ni Best sa akin at bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng libro.
Kinalabit ko ulit siya. “Eh best… cutting tayo!”
Agad niyang ibinaba ‘yung libro niya. “Ano?!”
“Ay bingi lang? Eh kasi nabo-boring ako rito. Sige na! Please?” Tapos nag-pouty lips ako.
“Ano ako lalake? Hindi ako madadala ng pouty lips mo Ericka.” Ang sungit ni Best! May dalaw ba siya ngayon?
“Ang sungit-sungit mo Best. Di mo na ako mahal!” Tapos umiwas ako ng tingin na animo’y nagtatampo.
“Tsss. Whatever Ericka! Sige na sige na, magcu-cutting na tayo.” Sabi ni Best na halatang labag sa loob niya ang pagpayag sa kagustuhan ko. Mwhahaha!
“Tara na!” Tapos tumayo na ako at kinuha ang bag ko.
Biglang may humila ng bag ko at pagtingin ko eh ‘yung gago kong ex lang pala na nakaupo sa original sitting position niya. Hinila ko ‘yung bag ko papunta sa akin pero mas malakas siyang humila.
“Ano na naman?!” Pagalit na tanong ko sa kanya.
Kahit gustong-gusto ko siyang makausap kailangan hindi ako magpahalata na gusto ko pa rin siya. Baka isipin niyang naghahabol ako sa kanya? No way!
Nakakunot ‘yung noo niya. “Magcu-cutting ka?” Tanong niya sa akin.
“Paki mo?” Pagsusungit ko sa kanya.
“Ako ang Student Council President dito, hindi ko hahayaang may isang estudyanteng mag-escape. Kaya umupo ka na lang.” Pag-uutos niya sa akin. Ano ako aso niya?
“Ayoko nga! Hindi kita tatay, hindi kita kuya at mas lalong hindi NA kita boyfriend! Let go of my bag!” Tapos hinila ko na si Carmeen at umalis na kami sa room.
Naku! Ano pa bang gusto niya? Hindi pa ba siya nasiyahan nung nakipagbreak siya sa akin? Nakuha na niya ang kalayaan niya! Anong gusto niya? Aminin ko sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya? Well, asa siya! Dahil kahit kailan hinding-hindi ko siya hahabulin!
“Best, ang sweet niyo pa rin ni Chron nu?” Tanong ni Carmeen sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.
“Anong sweet dun? Eh kung utusan ako para akong aso!” Sagot ko naman sabay irap.
“Concern lang ‘yun sa’yo best. Syempre may pinagsamahan din naman kayo nu.”
“Tsss. Wala akong paki! Panindigan niya yang pakikipagbreak niya sa akin!”
“Bitter! Ampalaya!” Pang-aasar sa akin ni Carmeen.
Aish! May guard pala. Paano kami makakaalis ni Carmeen dito?
“Oy best Carmeen. Paano ‘to?” Tanong ko sa kanya.
“Akong bahala!”
Naglakad kami palapit dun sa guard. At ayun… ginawa na ni Carmeen ang natutunan niya sa acting workshop niya.
“Manong guard, palabasin niyo na po kami! Kawawa naman ‘tong kaibigan ko! Manganganak na ata! Este… may appendicitis po ata siya! Please po! Palabasin niyo na kami!” Pakiusap ni Carmeen sa Guard habang nakahawak sa braso ko.
“Uy best, ano ‘to?” Bulong ko sa kanya.
“Umarte ka na lang kung gusto mong makapag-cutting!”
Kaya ayun umarte ako na parang masakit na masakit ang tyan ko. Ang talino talaga ng bestfriend ko!
“Di ba may clinic naman? Dun muna kayo dumiretso.” Sabi nung Guard.
“Sarado po ‘yung clinic! Wala po ‘yung nurse!” Sabi ni Carmeen.
Eh totoo naman, palaging wala run ‘yung nurse. Di na pumapasok simula nung hulaan ko ‘yung break-up nila nung Principal naming biyudo. Siguro nagkatotoo ‘yun? By the way…
“Manong, maawa na po kayo sa kaibigan ko! Tignan niyo oh, namimilipit na siya sa sakit!” Tapos kinurot ako ni Best sa tagiliran.
“ARAY! PUNYETA DE AMOR! Huhu! Ang sakeeeeeet!” Sigaw ko.
“Kita ninyo? Napapamura na lang siya dahil sa sakit! Kaya please naman po oh, payagan niyo na kami! Gusto niyo bang mamatay ang kaibigan ko rito sa sobrang sakit ng tyan?! Wala kayong puso! Wala! Dahil saging lang ang may puso! Saging lang!” Huh? Paano napunta sa saging ang usapan? May tama ata sa ulo si Best >______<
“Oo na sige na! Lumabas na kayo!”
Tapos ayun, pinalabas din kami nung guard. Effective din pala ‘yung saging na ‘yun kahet papano. Idol ko na ‘to si Best! Whahaha!
Pumunta kami ni Best sa mall pero syempre bago ‘yun eh nagpalit muna kami ng damit sa bahay nila. Mamaya eh mahuli pa kaming nag-cutting. Mwhahaha!
Naglakad-lakad kami at nag-window shopping. Nang makaramdam na kami ng pagod at gutom eh kumain muna kami sa McDo pagkatapos nun eh tuloy na naman kami sa pagwi-window shopping.
“Best, pupunta muna akong CR ha?” Paalam sa akin ni Carmeen.
Kaya ito, hinihintay ko siya rito sa food court.
Aish! 20 minutes? Srsly?! Where on Earth is Carmeen Tan?! Grabe na ‘yan ha?! Natabunan na ba siya ng CR? Matawagan nga.
Calling Best…
“Hoy Best! Nasaan ka na?! Sabi mo CR lang tapos ang tagal-tagal mo?! LBM ba ‘yan?” Tanong ko sa kanya.
“Shunga! Hindi! Emergency best, umuwi ako sa bahay. Sorry talaga. Sige best, enjoy mo lang ‘yang pagka-cutting mo. Ingat best! Love ya!”
Toot! Toot! Toot!
Srsly?! Binabaan niya ako ng phone? Ano bang nangyayari kay Carmeen at binabaan niya na lang ako ng phone? At anong emergency? Aish! Iniwan niya ako sa ere!
Anong gagawin ko rito ngayon?!
Teka…
Yung dalawang nasa harap ko, couples ba sila? Well, okay naman pala eh. Hindi ako mabo-bored. May pwede akong paglibangan dito.
So nakinig ako sa pag-uusap ng dalawang couples.
“Babe, I love you!” The boy said then he kissed the girl’s cheeks.
“I love you too.” Sabi ni girl. Err! How pathetic? >____<
“Ah babe, can you wait here for a second? CR lang ako.” Sabi ni girl. Hindi pa nakaka-oo ‘yung boy eh tumakbo na si girl.
Hmmm. Alam niyo kung bakit ako nakakapanghula ng break-up dates? Maybe because I know how to look at those people who are really in love. I know how to separate people who are in love and people who are just lying.
And based from what I’ve seen. Ang cold ni girl dun sa boy. Conclusion? The girl doesn’t’ really love that guy. Poor one.
Lumapit ako sa lalake at umupo sa tabi niya.
“Hoy Miss, umalis ka nga rito. May ka-date ako! Mamaya isipin niya kinakaliwa ko siya!” Sabi ni poor guy.
“Kinakaliwa? Oh please, shut it poor guy. Alam mo, alam ko kung kelan kayo magbre-break ng girlfriend mo.” Sabi ko sa kanya sabay smile.
Natawa si guy at sinabing, “Ano ka manghuhula?”
“Parang ganun na rin.”
“Tsss. Sige nga, kelan?”
“TODAY.” I confidently answered his question.
“Miss? Are you drunk? Nalulong ka ba sa droga? Hindi mo ba kami nakita kanina? We’re sweeter than candy, honey. So stop being a psychotic bitch in front of me. Hurry up and get lost!” Pagtataboy sa akin ni Guy.
Yuck? Sweeter than candy? In his face?! Can’t he see? Hindi nga makatingin ng diretso sa kanya ‘yung girlfriend niya eh!
Gwapo naman siya. Ewan lang kung bakit hindi siya mahal ng girlfriend niya. Kitang-kita sa mata eh.
Tumayo ako sa upuan ng table nila at bumalik sa table ko. I’ll wait here as if like waiting for a movie.
Di kalaunan ay dumating na ‘yung babae. Mukhang worried at nervous.
Umupo si girl. “Babe? Are you okay?” Tanong ni poor guy sa girlfriend niya.
“Babe, I’m sorry but… let’s end this.
…I’m breaking up with you.”
Sabi ko na sa kanya eh. Oh yeah! Gumagaling ata ako ngayon ah! Mwhahahaha! >:)))))))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro