{ TBUP -12: F.O }
{ TBUP –12: F.O }
May sleep over nga pala ako sa bahay nila Carmeen ngayon. Wala lang, gusto ko lang ulit siyang makasama. Feeling ko kasi miss na miss na namin ang isa’t isa. Kung sabagay, hindi na kami masyadong nagkikita dahil… well, let’s just say that I wasted some time for someone who’s not worth it. Damn you Psyche Epiales.
“Best, you okay? Kanina ka pa tulaley? Sinong iniisip mo? Si Chron o si Psyche?” Tanong sa akin ni Carmeen habang kumakain ng popcorn.
Well, we’re having a good time watching a horror movie. Dati nakatakip na ‘yung mata ko ‘pag ganito na ang palabas at sumisigaw na ako but this time? Wala akong pakialam sa pinapanood ko kahit puro duguan at takutan na. I can’t stop thinking about him—oh not him exactly, ‘yung foolish act na ginawa ko. ‘Yung sinabi ko kay Psyche!
I sent Carmeen a death glare, “Tsss, bakit dalawa ang options? Hindi ba dapat si Chron lang?”
“But based from what you said recently --”
I cut her immediately, “Shut up and just enjoy that movie! Damn it!”
“Psh. Mainlab ka na lang kase kay Psyche!” Carmeen said while eating.
Napataas ang kilay ko, “WHAT?! Bakit ko ‘yun gagawin, aber? Give me 1000 reasons!”
“Sobra naman ‘yang 1000 mo! Pwede bang isa lang? Because I know, my reason is enough.”
“Then spill it!” Paghahamon ko kay Carmeen.
“Because Chron has already a girlfriend, easy as one two three.”
“Yeah right. May girlfriend na si Chron. So what? Hindi pa naman sila kasal. Kaya ko pa siyang makuha, pwede pa kaming magbalikan, pwede pa ulit niya akong mahalin. Easy as one two three.” I answered, tama naman ako ‘di ba?
Biglang nag-iba ang expression niya at parang nag-alinlangan, “Don’t you think it’s so cruel? Maninira ka ng relasyon? Hindi ka ba naniniwala sa karma?”
“The hell Carmeen! Hindi ako naninira ng relasyon. I’m trying not wrecking.” I defended my self.
“What about Psyche?” She asked.
“What about him? That he’s a total dumbass? Kung tutuusin I don’t need him to get Chron back, we don’t need each other.” Sabi ko ‘yan kay Carmeen. But there’s something inside me –inside my heart that wanted to say ‘no’. Something inside my heart whispering that I need him. Why? Why am I feeling this way?
“Liar.” Carmeen said. Yes, she’s right. I’m a liar, a great pretender.
All this time, I’m forcing myself not to fall in love with him –with Psyche. Inilalayo ko ang sarili ko sa kanya, ayoko siyang mahalin because… because I still believe that someday, babalik sa akin si Chron.
I don’t wanna fall for him, I don’t.
“I don’t wanna love him Carmeen, I won’t, I can’t.” I sighed.
“Why not?”
“Ayoko lang. Ayokong siya… natatakot ako.” I’m scared, scared because I know he loves Selene and only Selene. Damn it! “Ayokong masaktan.” Then suddenly, water fell from my left eye. I caught myself crying over… Psyche.
“Ericka, how can you prevent yourself from falling in love with your ex’s brother when you already fell?” Said she.
Nung sinabi ni Carmeen ‘yun, para akong tinamaan ng kidlat. Para akong isang kriminal na napatawan ng guilty sa korte. Para akong magnanakaw na na-caught in the act. Parang totoo…
Totoo kaya?
Did I already fell in love with my ex’s brother?
“Sa tingin mo, totoo kaya?” I asked Carmeen. Natatakot ako sa sagot niya. But I have to know the truth.
“Sa inaasal mo ngayon, oo. Ericka, learn to face the truth.”
“Hindi Carmeen. I’ll prove you, mali ka. Hindi ako in love kay Psyche at hinding-hindi ako mai-in love sa kanya. Nakay Chron pa rin ang puso ko, at wala akong balak bawiin ‘yun.” I said coldly. Si Chron pa rin ang mahal ko, alam ko ‘yun. Mas kilala ko ang sarili ko kesa kahit kanino pa man.
“Tss, bat ka pa nagtanong?” Tapos inirapan niya ako, “But what if his brother snatched your heart from him?” Tanong sa akin ni Carmeen.
Oo nga, paano kung… pucha. Bakit ko iniisip? Kakasabi ko lang, hindi ako mai-in love kay Psyche!
“Tigilan na nga natin ‘to! Why are you dissecting my love life like dissecting a poor frog, anyway?!” Complain ko sa kanya, “How about yours?”
Nanlaki ang mga singkit na mata ni Carmeen sa tanong ko. Hmmm, I guess my bestfriend is hiding something, “Come on Carmeen Tan, spill the beans.” Then I smirked.
“I’ll be spilling nothing ATHENA.” Psh! In-emphasize pa ang Athena huh?
“Psh. Come on! I know you’re hiding something! May dine-date ka ng iba nu? Tell me who! Is he hot? Damn it! TALK!” Utos ko sa kanya habang niyuyugyog siya.
“How can I talk when you’re shaking me?! Hindi ako medicine syrup na kailangan mong i-shake well! And for the record Miss Athena, I’m not dating someone so shut up!” Tapos inalis niya ‘yung kamay ko sa shoulder niya. Tsss, I’m still not convinced!
Biglang nag-ring ‘yung phone niya at dali-dali naman siyang lumabas ng bahay pagkakita sa screen ng phone niya. Ngayon, nakita ko talagang may tinatago siya. Kasi, bakit kailangan niyang lumabas? Eh kadalasan naman hindi siya lumalabas ‘pag may kausap siya. But why now?
Ilang minutes ko siyang sinilip mula sa bintana ng kwarto niya and I found her laughing. Tsss. Gusto kong bumaba but I wanna hear it from her! I still trust her of course; she’s my bestfriend since I was Grade 3 at alam ko lahat ng sikreto niya at ganun ‘din siya. Tinuturing ko siya bilang twin sister ko, at lahat ng sikreto niya kailangan kong malaman sa ayaw at sa gusto niya :3
Pagkatapos niyang makipag-usap sa phone eh umakyat na siya sa kwarto niya at tinaasan ko lang siya ng kilay. “Mind telling me something?”
“Ang kulit mo ATHENA ha? Sabi ko na sa’yong wala eh.” Sabi niya habang naglalabas ng extra blanket from her cabinet.
“Eh sino ‘yung kausap mo sa phone? May nalalaman ka pang patawa-tawa ha! Para ka ngang kinikilig na butiki –DAMN! I knew it! May lalake ka nga kaya ka kinikilig!” Tumayo ako mula sa kama at pumunta sa kanya, niyugyog ko ulit siya, “Tell me! Sino?!”
Inalis niya ‘yung mga kamay ko sa balikat niya, “Ano ba?! You’re like a jealous boyfriend, for Pete’s sake! Wala akong dine-date, okay?”
Nag-nod na lang ako, “Bakit wala kang dine-date?”
Napakunot ang noo niya sa tanong ko, “Seriously Miss ATHENA, anong tinira mo? Drugs? Kanina pinipilit mo akong sabihin kung sino ang dine-date ko pero ngayon tinatanong mo ako kung bakit hindi ako nakikipag-date? ANO BA TALAGA?!”
“Augh… Sorry. Ano kasi, iniisip ko lang kung hanggang ngayon… iniisip mo pa rin si… Elzid.” Tapos napayuko na lang ako. Nalulungkot din kasi ako.
Si Elzid kasi ‘yung ex ni Carmeen eh. Nag-break sila kasi may iba si Elzid. Nakita ng dalawang mata ko kung paano sila maglaplapan nung babae niya. Nung time na ‘yun, ang saya-saya ni Best dahil sa boyfriend niya na unfortunately ay pinagtataksilan siya habang nakatalikod siya.
Ayokong sabihin kay Best kasi alam ko masasaktan siya. Pero naisip ko, mas masasaktan siya kapag pinatagal ko pa. Kaya I started saying what I saw with predicting their break-up. Akala niya joke ko lang ‘yun but when she started crying, ayun sinabi ko na ‘yung nakita ko.
At first she didn’t listen, she didn’t care, she didn’t believe. Pero nakahanap ako ng tyempo at nakunan ko ng picture si Elzid with his other girl making out in the library. Pinakita ko kaagad ‘yun kay Best. I know it broke her heart pero mas maganda nang nalaman niya ng mas maaga ‘di ba?
She confronted Elzid about the picture. Pero ang walanghiya? Siya pa ang may ganang i-dump si Carmeen and the worst? Sa harap ko pa! Kaya hindi na ako nagdalawang isip, I punched him as hard as I can even if I know it can never lessen the pain of Carmeen.
Ilang months ko siyang kinomfort. Ilang months naging tissue ‘yung damit ko kada iiyak siya. But it doesn’t matter, just to ease the pain. And si Elzid? Na-kicked out sa school. PDA is strongly prohibited inside our campus kaya pinakita ko ‘yung picture sa Principal namin. Alam ko rin naman kasing, hindi makaka-move on si Carmeen hangga’t nasa school ‘yung ex niyang gago eh.
Umiwas ang tingin niya sa akin, “M-Matagal na kaming wala ni Elzid. Bakit ko pa siya iisipin?” Nasasaktan pa rin siya, I know. I can see it in her eyes. Lahat ng sakit na nararamdaman niya nakakulong sa mata niya, but it’s so easy to be seen and it’s so painful to gaze.
“Because you loved him –or should I say, you still do.” I put my right hand in her shoulder, “Akala ko naka-move on ka na, akala ko lang pala.” Napayuko ulit ako, I can’t stand to look at her eyes lalo nang alam kong nasasaktan pa siya kay Elzid after all these years.
“Huwag mo nang isipin ‘yun Best. To naman, sleep over ‘to at hindi iyakan. Halika na, matulog na tayo.” Pag-aaya niya sa akin tapos pumunta na siya sa kama. Well. She’s smiling but I know she’s dying inside. Dying for Elzid >.<
Humiga na rin ako sa kama, “Good night best friend. I love you.” Then she smiled after saying those words to me. It made me happy.
“Good night too, best friend. I love you too.” Nakatulog ako nang nakangiti nang dahil kay Best pero hindi ko alam na ito na pala ang huli.
***
“DAMN IT! HOW DARE YOU TO LIE TO ME?! ALAM MO BANG ILANG BESES KITANG KINOMFORT?! ILANG BESES KITANG PINATAHAN NUNG UMIIYAK KA TAPOS ITO ANG IGAGANTI MO SA AKIN?! YOU LIED CARMEEN! I HATE THE THOUGHT THAT YOU LIED FOR THAT DUMBASS!” Sigaw ko sa kanya.
I don’t care kung marinig nang mga magulang niya. I don’t care! Because now, I only care for myself, for my feelings that Carmeen didn’t mind. Yes, she lied! Nalaman kong lahat ngayong umaga lang. I don’t hate her! But I hate what she did.
//FlashBack//
Nauna akong nagising kesa kay Best. Titignan ko sana ‘yung oras sa phone ko pero lowbat. Wala rin naman kasing wall clock or kahit anong relo si Best dito sa kwarto niya (kaya nga siya nail-late eh) kaya hinagilap ko ang phone niya.
Yung oras lang naman talaga ang titignan ko but I accidentally opened one of her messages. The message? It was from an unexpected dumbass.
From Elzid <3:
|Good morning Honey! Did you saw me in your dreams? Because I saw your beautiful face in mine. Eat your breakfast Honey, I’ll call you later! I love you :*|
Sa hindi inaasahang pagkakataon naluha ako. Mas una pa nga akong naluha kesa nagalit eh. I felt like I was betrayed by my own bestfriend. Bakit hindi niya sinabi? At bakit nakipagbalikan pa siya sa gagong ‘to?! Nakalimutan niya na ba ang lahat ng sakit na pinaranas sa kanya nung hayop na ‘yun?! Dahil kung oo, pwes ako hindi.
Galit ako. At ‘pag sinabi kong galit ako. Galit talaga ako. I can even kill kung pwede lang. But I will never do it to my best friend. I love her, but anger is squeezing me right now allowing me to burst what I feel for Carmeen.
//End of Flash Back//
“S-Sorry, Ericka. Please understand. I-I love him. N-Nagbago na siya. Please!” Pakiusap niya sa akin habang umiiyak.
“I DON’T FVCKING CARE KUNG MAHAL MO SIYA! ALL I WANT IS YOU TO BE HONEST WITH ME! BUT YOU DIDN’T! DAMN IT! WHY?!” Sumisigaw pa rin ako hanggang ngayon. Naiinis ako! Gusto ko siyang sampalin, sabunutan at sabihan ng ‘tanga’ but I can’t. She’s my best friend after all, my other half.
“Natakot ako sa’yo…”
“SHT! BAKIT KA MATATAKOT SA AKIN?! Hindi naman kita papatayin kung makipagbalikan ka man sa gagong ‘yun eh! Ang sa akin lang, sana sinabi mo!” Tears began to fall from my eyes.
“You will not understand! You hate him, Ericka! Hindi mo siya gusto para sa akin…”
“WELL YES BECAUSE HE’S A BULLSHT!” Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya, “You don’t need him. You don’t deserve someone like him. You deserve better. This is not what you want right? He’s not what you want.” I tried to calm myself. Maayos pa namin ‘to ‘di ba?
“He’s all I need, I want him. No other than him.” She sobbed, “Natakot akong sabihin sa’yo dahil huhulaan mo ulit kami. You will tear us apart again, Ericka!”
I was shocked. Pain defeated anger in me. Yung sabihan ka ng best friend mo na takot siya sa’yo dahil baka hulaan mo ang break-up nila? Yung sabihin ng best friend mo na sisirain mo sila? Ano pa bang mas sasakit doon? Ano pa?! Fvck this tears won’t stop falling!
“So… takot ka sa akin? Then why are you still with me?! Plastic ka rin ba?! Nagkukunwari ka lang bang gusto mo ako?! Nagkukunwari ka bang best friend mo ‘ko?!” I’m crying a river, literally.
“N-No, of course not! Best friend kita. Hindi ako nagkunwari sa’yo, never. It’s just that… natakot ako. Sasabihin ko naman talaga sa’yo eh, tuma-timing lang ako.” She explained.
“Oh wow! Perfect timing! I asked you last night if you are dating with someone and you strongly denied it, you said NONE! Tapos malalaman ko na lang? You should’ve said it last night. Yun na ang perfect timing eh!” Pinunasan ko ‘yung mga luha ko gamit ang mga palad ko. I don’t wanna be weak, even if in front of my best friend.
“S-Sorry…”
“Ano pang magagawa ng sorry mo? The damage is done. Tell me, kailan pa ‘to?”
“Last month…”
“FVCK! Last month. Salamat Carmeen ha. Thanks for everything. Kaparehas ka lang din pala nila, ayaw mo rin sa akin.” Ayokong aminin sa sarili kong ayaw ako ng best friend ko. But she already admitted it. Takot siya sa akin, and the twin sister of fear is hate.
“No! Ericka! I love you! Best friend kita since Grade 3! Come on!” She begged.
“Yun na nga eh, best friend kita. Pero ultimo best friend ko, takot sa akin, ayaw sa akin.” Huminga ako ng malalim at nagdesisyon, “Total ayaw mo naman sa akin, F.O na lang!”
“Anong F.O?” Tanong niya sa akin.
“Friendship Over.” Parang waterfalls na nakawala ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil. Ang sakit, mas masakit pa ito kesa sa pakikipagbreak. Pramis.
“WHAT? Ericka please!” Lumuhod siya sa harap ko. I wanna pull her up, hug her and forget this shit but the pain is reasonable and I just can’t ignore it. “Don’t do this.”
“I just did.”
Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas sa bahay nila ng umiiyak. Sumakay ako ng taxi at umuwi sa bahay namin, ayokong pumasok so I stayed in front of our gate. Umupo ako sa isang flat na bato and sobbed. Damn it! Ayoko ng ganitong feeling!
Suddenly, may nakita na lang akong kamay na nag-aabot ng panyo. I looked up and so… Chron?
“Please, don’t cry because I can’t fight my self not to hug you.” Tapos hinila niya ‘yung kamay ko, napatayo ako at agad niya akong niyakap.
Di ba dapat gumagaan na ‘yung pakiramdam ko? Bakit parang mas naiiyak ako ngayon? Eto ang perfect timing, nandito si Chron kung kailan kailangan ko ng shoulder to cry on.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro