Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

EPILOGUE

--Zico’s Pov--

 

Binuksan ko ‘yung pinto ng kwarto ni Athena, lumapit ako sa higaan niya at pinagmasdan siya habang mahimbing na natutulog. Ang tahimik, ang inosente, ang ganda… sayang nga lang at kailangan ko siyang… iwanan.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya.

Get well soon, Athena.

Hinalikan ko ang noo niya at pinagmasdan siyang muli. Tingin ko ay kailangan kong kabisaduhin ang lahat ng detalye ng mukha niya para hindi ko siya makalimutan habang malayo ako sa kanya. Pero paano nga kaya ako makakalayo sa isang katulad niya? Sa isang Athena Ericka Artemis? Sa babaeng mahal ko?

Paano nga kaya ako aalis sa tabi mo kung hawak mo ang puso ko?

May mga kailangan lang akong tapusin. Pagkatapos ‘nun, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo. Promise.” Bulong ko muli sa kanya.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Ayoko siyang iwanan. Ayokong lumayo sa kanya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan kong tumupad sa pangako. Sa kasunduan. Babalikan ko naman siya. Sandaling-sandali lang akong mawawala… sana mahintay niya ako.

I love you, Nana. Always and forever.

Naglakad na ako papalayo sa kama niya papunta sa pinto. Ibinaling ko muli ang tingin ko sa kanya atyaka ako lumabas ng pinto.

Sandaling-sandali lang… babalikan ko rin siya…

===========================

2 effin’ months later…

--Ericka’s Pov--

*DING DONG!*

Dali-dali akong tumayo mula sa sofa na inuupuan ko at binuksan ang pinto. Shet sana siya na talaga ‘to!

Pagbukas ko ng pinto…

Pizza delivery po!

Punyeta.

Agad akong napasimangot at ibinigay run sa delivery boy ‘yung bayad at kinuha ‘yung pizza na dala niya. Bumalik ako run sa sofa na lukot-lukot ang mukha at nilapag dun sa mesa ‘yung pizza. Hmpf!

O anak, bat lukot-lukot ‘yang mukha mo?” Tanong ni Mama sa akin habang kumukuha ng pizza run sa box.

Oo nga Athena, bakit? May ginawa bang masama sa’yo ‘yung delivery boy? Sabihin mo lang at ire-report natin.” Wika naman ni Tito Sev.

Napasimangot ako at tinignan na lang ‘yung kahon ng pizza.

Hindi. Wala.” Napabuntong hininga ako, “Hutanghena kase. Bakit hindi pa nagpapakita si Colosseus?!” Kinuha ko ‘yung maliit na unan sa tabi ko at niyakap ‘yun.

Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam sa’yo?” Tanong ni Tito Sev.

Nanlaki ang mata ko, “Patay na po ba siya?!

Nagulat naman ako nang batukan ako ni Mama ng sobrang lakas. Huhuhu T^T hanggang ngayon ba naman battered child pa rin ako?!

Boba! Huwag mo ngang sabihin ‘yan!” Sabi ni Mama.

Eh bakit wala pa rin siya? Simula nang ma-admit ako run sa ospital hanggang ngayon, magda-dalawang buwan na Mama! Wala pa rin siya! Ni hindi nga siya umuuwi rito sa bahay eh!” Bulalas ko.

Dalawang buwan na mula nung ma-ospital ako hanggang sa makalabas ako eh wala pa rin kaming balita kay Colosseus. Nakakainis nga eh! Hindi na nga niya ako binisita run sa ospital hindi pa siya tumatawag o nagtetext sa akin! Kahit nga kay Tito Sev na sarili niyang Ama hindi siya nagpaparamdam eh! Minsan nga naiisip ko baka may masama nang nangyari sa kanya! Alam niyo ‘yung pakiramdam na halos mamatay ka na sa pag-aalala?! And come to think of it, dalawang buwan na! Dalawang putanginang buwan na nag-aalala ako sa kanya! Nakakainis! >______<

Sabi ko kay Tito Sev i-report na sa pulis kasi baka may nangyari na ngang masama sa kanya pero ayaw naman ni Tito Sev. Sabi niya babalik din daw si Colosseus. Pero shet naman eh! Kailan?!

Aish! Kung kailan pwede na kami eh! Kung kailan wala ng Yanna, baby Zee tyaka pa siya mawawala?!

Teka—punyeta, huwag niyong sabihing sumama siya run sa Yanna?! Omaygash. Huwag naman sana ‘di ba! Baka na-realize niyang kailangan siya nung mag-ina niya. Putek! Ayokong isipin na ganun nga kasi mas lalo lang akong naiinis! Sana man lang, kung babalikan niya si Yanna magpaalam siya sa akin! Hindi ‘yung unti-unti niya akong pinapatay sa pag-aalala!

Anak, mabuti pa, panoorin mo na lang si Shomba, total paborito mo naman siya ‘di ba? Maiwan ka na lang dito at magde-date na lang kami. Hihihi.

Agad akong napatingin kay Mama na para na namang butiki na kinikilig. Alam niyo bang kinasal na sila? O ‘di ba?! Kinasal na sila’t lahat-lahat wala pa rin si Colosseus!

Pero teka, may good news kase! Buntis si Mama! O ‘di ba?! Nabuntis pa siya! Lol. May magiging kapatid na kami ni Colosseus :3

Sige, Athena. Bibili muna kami ng gamit ng baby namin.” Sabi ni Tito Sev sabay ngiti. Tyaka na sila umalis.

Ibinaling ko ang tingin ko sa TV at ayun nga… si Shomba. Naalala ko pa ‘tong babaeng ‘to eh. Siya ‘yung kinakatakutan ni Colosseus. Siya ‘yung dahilan kung bakit muntik na kaming magkatikiman eh. Ay shet, pangit ng term. Mwhahaha! Pero… nakakamiss talaga ‘yun. Nakakamiss ‘yung mata niyang kung makatingin eh para kang tutunawin. Yung mukha niyang sobrang gwapo. Yung mga halik niya… shet! Nakakaasar lang talaga at wala siya rito sa tabi ko. Kunti na lang siguro’t mababaliw na ako.

Bumalik ka na kasi! T^T

*RING! RING! RING!*

Oyy ang pangit pala ng ringtone ko. Andugas :3

Wait. Sasagutin ko muna ‘tong tawag. Galing sa kaklase ko sa Media Politics eh.

Hello?” Sabi ko.

(“Athena! Ano ka ba naman! Di ba ngayon ‘yung usapan natin sa daycare center?! Bakit wala ka pa rito sa meeting place?! Nako, Athena! Dalawang oras na tayong late!”) O_________O

Maygash! Nakalimutan ko! Sabado pala ngayon! Ngayon ‘yung pinag-usapan naming araw kung kailan kami gagawa ng interview sa mga may ari ng daycare center! Shet!! Ako pa naman ang leader ‘dun! Putek! Putek!

Ah! Putek! Nakalimutan ko! Sige, give me 10 minutes! Andyan na ako!

Tapos ibinaba ko na ‘yung tawag at kumaripas ng takbo sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay agad din akong nagbihis ng black sleeveless shirt tapos white shorts. Sinuot ko rin ‘yung red converse ko tyaka hinablot ‘yung shoulder bag ko na actually, wallet ang cellphone lang ang laman. Tumingin ako sa salamin at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Tangina, kahit siguro basahan ang suot ko DYOSA pa rin ako! :3

Lumabas na ako ng bahay namin at ni-lock iyon. Pumara ako ng tricycle at agad naman akong ihinatid nun sa tapat ng isang drug store kung saan ang meeting place namin.

Sa wakas! Andito na si Athena!” Sabi nung isa kong kaklase, Jinie ata pangalan?

Pasensya naman daw at late ang dyosa niyo!” Sabi ko sa kanila.

Tara na’t mainit na ang ulo nung i-interview-hin natin!

At dahil sila’y mayayaman, may dala silang van. Kaya dun kami sumakay at tumungo na run sa daycare center. Grabi, hindi ko naman kasi naalala kaagad na may gagawin pala kami ngayon! Alam niyo naman ako, puro Colosseus lang ang nasa utak. Nakakabwiset nga eh. Dahil sa pag-aalala ko sa kanya nakakalimutan ko na ‘yung mga dapat kong gawin. Haaay… sige, hindi ko muna siya iisipin ngayon!

Tangina! Ang hirap T^T

Ilang sandali pa ay nakarating na kami run sa daycare center :3 Ang laki tapos mukhang bago pa. Tapos ‘yung pangalan ang simple-simple lang :3 Parang wala lang.  DAYCARE CENTER, ‘yun lang nakasulat. Ang boring ‘nu? Sino kaya may ari neto at hindi man lang nag-isip ng magandang ipangalan dito sa business niya. Hmpf. Plain boring…

Pumasok kami run sa day care center, as usual, maraming bata. Malamang, day care nga eh ‘di ba? Ang gulo-gulo nila, actually. Nakakainis na nga eh. Ang dami-daming bumabangga sa aking bata. Pag ako talaga nainis ihahampas ko ‘tong lahat sa pader! =_________= Pero syempre joke lang iyon, hindi naman ako sadista pagdating sa mga bata ‘no. Mabait kaya ako :3

Anyway, naalala ko si Baby Zee =________= Yung batang iyon… kakaiba. Ni hindi pa nga ako nakapagpasalamat sa bubwit na ‘yun eh. Sa sobrang talino ‘kala mo kung sinong matanda kung makapagsalita. Tama nga talaga si Tito Sev, alam ni Baby Zee lahat. Naiintindihan niya.

Grabe sana ganun na lang ako katalino T^T

O Leader, nandito na tayo sa tapat ng office nung owner. Pumasok ka na!” Utos sa akin nung isang kasama ko. Makapag-utos parang close kame eh ‘no?

Eh bakit ako lang?!” Tanong ko sa kanilang tatlo.

Sino bang leader dito?” Tanong nung isa :3 Di ko kilala.

Ako…” Sagot ko naman.

O ‘di pumasok ka na!” Sabi nilang tatlo sa akin sabay tulak.

Sabi ko nga, ako ‘yung leader. Grabe, bakit hindi lang nila ako samahan?! Balita ko kasi ay nagmula sa mayamang angkan ang may ari ng daycare center na ‘to, hindi kasi namin siya exactly na nakausap, secretary lang niya ‘yung nakausap namin sa phone kasi nasa Japan siya nung mga panahong nakikipag-communicate kami rito tungkol sa interview. Eh balita ko nga rin ay kakarating lang nitong may ari ng day care last week. Yaman mga ‘teh!

Speaking of Japan—naalala ko ang aking sister! Omegesh, hindi na kami war! Itinaas na namin ang puting bandila! Dahil ako’y DYOSA at lahat ng dyosa ay mababait at bilang mabait, alam kong magpatawad! Tyaka nakita ko kasing nagsisisi na siya sa mga ginawa niya sa amin. Sa mga panggugulo niya. Tyaka, after all, kapatid ko pa rin siya. Bali-baliktarin man ang earth o ang Mount Olympus na lupain ng mga dyosang katulad ko—still, kapatid ko pa rin siya. Pero syempre, mas dyosa ako sa kanya :3

Nagkabati pala kami bago siya bumalik ng Japan. Ewan ba, heart broken pa rin dahil kay Chron. Mahal pa raw kasi niya. Kaso etong si Chron may btch Scarlet na. Lab triangle na sana kaso sumuko na si sisterette Selene. Sayang. Pero sana mahanap na ni sisterette ang kanyang the one sa Japan. At sana hindi Hapon, dahil utang na loob, ayoko ng bayaw na Hapon. Ayokong mamilipit ang dila ko sa kakakausap sa kanya.

Speaking of btch—Scarlet. Wala. Wala akong updates tungkol sa gagang iyon. Iisa lang ang university na pinapasukan namin pero madalang na kaming magkita! Walang hiyang btch ‘yun. Tinataguan ang kagandahan ko! Ang last kong balita tungkol sa kanya ay hindi niya raw tinitigilan ang pagu-upload ng videos ni Chron sa youtube habang pinapasayaw niya ng “Lovey Dovey”. Kawawa naman si Chron. Napunta sa luka-lukang babae =______=

Pero seryoso! Miss na miss ko na ‘yung btch na ‘yun kahit puro bangayan, murahan at walang katapusang tarayan ang ginagawa namin kapag nag-uusap o nagkakasama kami. Hmpf.

Anyways, balik tayo rito sa pagpasok ka sa loob ng office nung may ari netong daycare center. So ayun, pinihit ko na ‘yung door knob at TENTENENTENTEN!! Isang gwapong-gwapo at oozing with sex appeal na mukhang kabababa lang mula sa Mount Olympus ang kasalukuyang nakaupo sa isang itim na swivel chair. At talagang nakataas pa ang dalawang paa niya sa lamesa ha! Maygash, kay gwapong nilalang!

Syempre, ZARTE ‘yan eh! Given na—GWAPO!

Zarte, QAZ ZARTE.

Siya, siya pala ang may ari ng boring na daycare center na ito?! Maygash. Bawas pogi points! Di man lang kasi alam magpangalan ng business! Ang boring boring tuloy. Pero in fairness, kahit boring at nameless ang day care center niya marami pa ring naaakit magpaalaga ng bata. Ang dami kasing batang nagkalat dito. Ano kaya ginagawa ni Qaz para maakit ‘yung mga magulang ‘non? Siguro naakit sila dahil gwapo si Qaz? Hehe. Pero in fairness, mas lalong naging pogi sa aking paningin ang isang ito :”””>

Pero syempre, forever Zico pa rin.

Athena?” Hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumayo siya tapos medyo lumapit sa akin. Ako naman, wala lang. Dalang-dala sa kagwapuhan ni Qaz. Putek kasi. Kay gwapong nilalang! :””””> Ang hawt pa! Ang boba ni Carmeen ‘no? Pinili si Elzid.

Pero syempre, joke lang iyon. Mas lalo ngang tumatag sina Carmeen at Elzid eh. Para ngang may balak na sila sa future nila. Tyaka lumipat na rin ng university si Elzid! Di kasi niya matiis si Carmeen iwanan tyaka gusto raw niya palagi niyang nakikita ‘yung bespren kong ‘yun. Ang swerteng baklita ni Carmeen ‘no? Para ngang prinsesa ituring ni Elzid ‘yun eh! Akala mo pigurin nab aka mabasag ‘pag ‘di iningatan. Hmpf! Inggit ako :3

Ganun din daw si Psyche! Tinamaan ng lintek ang mokong at ayun, pinaglihi nga ata si Psyche sa buhawi at gerlpren kaagad ‘yung Kathleen?! Ang tindi ‘di ba?! Gaaash, ang malas ni Kathleen, like seriously! De jk lang. MWHAHAHA! Mabait naman si Psyche kahit papano, mapagmahal din. Di ko pa name-meet si Kathleen pero alam ko pesbuk niya! Ni-add ko nga siya eh! Ang ganda niya sa mga profile pictures niya! Ka-swerte ni Psyche! Pero nako, subukan niya lang paiyakin ‘yung magandang iyon ang puputulan ko siya ng armas! If you know what I mean xD

Ahem, balik tayo kay hawt na hawt na si Qaz.

So, business mo na ‘to?”  Tanong ko sa kanya.

Agad namang nanlaki ang mata nito at ngumiti, “Hindi ah! Ako?! Si Qaziel Zarte magpapatayo ng ganitong ka-cheap na business? What the hell?! My mother owns this…

O____________O Ang OA mag-react?! Another bawas pogi points! Amf. Parang tinatanong lang or kinokumpirma, rather, ganun na ang expression?! Hay nako, Qaz, ‘di ka pa rin nagbabago.

Eh makapag-react wagas?!” Sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ako, as in ‘yung ngiting ginamit niya sa akin noon nung una kaming nagkita. So playboy pa rin siya? Ang huling kita ko nga kasi sa kanya eh nung parang binasted ata siya ni Carmeen? Tapos ngayon parang recharged ulit ‘yung diwa niyang playboy at parang ako naman ang target! Hay nako, huwag mo ngang gawin ‘yan at naaakit ako! Wala pa naman si Colosseus sa tabi-tabi! =______=

O____________O

Colosseus! TAMA! Baka alam ni Qaz kung nasaan si Colosseus! Kasi nga ‘di ba, mag-pinsan sila! Malay niyo baka nagkita sila.

Uwaaa! Sana alam niya!

Ah, Qaz…” –Ako.

Binasa niya ‘yung lips niya—fvck! Bakit ang sexy ‘non?! Teka nga! Baka makalimutan ko ‘yung itatanong ko sa kanya’t bigla ko na lang basain ‘yung labi niya sa pamamagitan ng dila ko—EWW, GROSS =________=

What?” Tanong nito sa akin.

Alam mo ba kung nasaan si Colosseus?” Tanong ko sa kanya.

Kumunot ang kilay ni Qaz. At umupo run sa table niya. Model ng Bench?! Ang gwapo eh :D

Hindi mo alam kung nasan siya?!” Tanong nito sa akin =______=

Jusme! Itatanong ko ba kung alam ko?! Ano ako, sabog?!” Sagot ko naman sa kanya.

Patience Ericka! Kailangan mo ‘yun! Huwag na huwag kang maiinis! Tandaan mo—nagbabagong buhay ka na! Teka, para naman akong galing bilibid sa lagay na ‘yun. Ah basta! Hindi dapat ako magalit. Mabait na ako! Mabait na mabait! :3

Putangina kasi! Umalis-alis hindi nagpapaalam!” Ayan! Kakasabi ko lang na ako’y mabait! Putek! Patabas ko na lang kaya dila ko para hindi na ako makapagmura?

Huhuhu T^T Lintek na pagbabagong buhay ‘yan! Ang hirap gawin!

Hindi nagpaalam?” Tanong nito sa akin.

Balak mo bang maging sirang plaka at inuulit-ulit mo ‘yung mga sinasabi ko?!” Sabi ko sa kanya.

Relax!” Wika niya sa akin habang nakangiti. Gash, basta Zarte ampogi! “Okay, alam ko kung nasaan ang pinsan ko—

ANO?! PUTANGINA NASAAN?! SHET! ILABAS MO SIYA! PUNYETA! ANG TAGAL-TAGAL KO NA SIYANG HINIHINTAY HA! HALOS MAMATAY NA AKO SA PAG-AALALA SA KANYA! NASAAN SIYA?! SAAN SIYA PUMUNTA?! BAKIT BIGLA NA LANG NIYA AKONG INIWAN NG WALA MAN LANG PASABI?! AT TALAGANG—

Stop…” Bulong sa akin ni Qaz.

Kasalukuyan niya kasing tinatakpan ang aking precious red lips. Ang lapit-lapit niya sa akin at tinignan niya ako, mata sa mata. Kung kanina ay parang pinaglalaruan pa niya ako ngayon, sobrang seryoso na ng mukha niya. Parang as in sinasabi niya sa aking, ‘manahimik ka kung ayaw mong halikan kita’ –at dahil hindi naman niya ‘yun sinabi as in, eh lutang ang dyosa kong diwa.

Teka~ kanina pa ako nalilinlang ng kagwapuhan ni Qaz ah! Kung anu-anong sinasabi’t naiisip ko! Eh na kay Colosseus lang naman ang puso ko! Amf! Ang likot ko kasi! Eto tuloy =________=

I said, relax. Don’t shout. Don’t talk. Just listen.” Sabi niya sa akin.

Tapos pinakawalan na niya ang aking precious lips. Sige na nga, ‘di muna ako magsasalita. Makinig kung makinig!

He was in Japan—

ANO?! BAKIT—” Sinamaan ako ng tingin ni Qaz kaya huminto na lang ako. Oo nga pala, makikinig lang muna ako.

Just listen, please…

Pero bakit siya nasa Japan?! BAKEEEEEEEEEEEET?! At bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin?!

2 months ago, nandun din ako. Nagkita kami. Sabi niya may aayusin lang siya sa Japan, sabi niya aayusin daw niya ‘yung kanila ni Yanna—

What the—” Sinamaan ulit ako ng tingin ni Qaz. Okay, makikinig na ho. Di na magre-react.

Pero anak ng pusang gala! Bakit?! Ibig sabihin, pumunta siya ng Japan para kay Yanna?! Eh ‘di ba nagparaya na ‘yun?! Di ba sabi niya akin na si Colosseus?! Bakit kailangang habulin pa niya?! At anong aayusin niya?!

OMO!

Huwag niyong sabihin… huwag niyong sabihing magkakabalikan na sila?! Or should I say… nagkabalikan na sila?! FVCK! NO! NO!! I mean, huwag naman sanang ganun! Na hindi man lang nila sinasabi sa akin! Na hindi man lang pinaalam sa akin ni Colosseus! Parang sobrang sakit naman ‘pag nalaman kong iniwan niya ako ng wala man lang sinabi para lang makipagbalikan dun sa Yanna na ‘yun—oo may anak sila pero… putangina, karapatan ko pa rin namang malaman kung ayaw na sa akin ni Colosseus ‘di ba?!

Pinipigilan ko ‘yung luha ko. Hinahawakan ko na lang ‘yung singsing na binigay sa akin ni Yanna nung nasa ospital ako nun.

Sht… sht sana hindi ganun sa iniisip ko ang nangyayari…

He lived in Japan for 2 months—with his son and Yanna…” FVCK.

Ayan na, hindi ko na napigilan ‘yung waterfalls ng mata ko. Ayun na eh. Umiyak na ako ulit. Ilang beses na ba ako iiyak para kay Colosseus? Hindi ko na kasi mabilang sa sobrang dami eh. Tapos ngayon… ngayon malalaman kong iniwan niya ako para kay Yanna. Iniwan niya ako ng wala man lang sinasabi! Iniwan niya akong muntangang naghihintay sa kanya. Iniwan niya akong malapit ng mabaliw dahil sa pag-aalala sa kanya.

Para sa pamilya niya—kay Yanna.

Masakit. Masakit kasi mahal ko siya. Pero mas masakit kasi hindi man lang niya sinabi sa akin. Hindi man lang siya nagpaalam. Matatanggap ko naman eh! Magsasakripisyo pa rin ako. Papalayain ko pa rin siya—pero sana sinabi niya. Sana sinabi niya para hindi ako parang tangang naghihintay sa kanya rito.

Siguro na-realize niyang kailangan siya ng anak niya. Siguro… na-realize niya ring si Yanna ang mahal niya.

Ang saklap. Ang saklap isipin. Pero mukhang totoo nga.

Athena—Sorry, sorry kung hindi ko nasabi sa’yo. Nung nalaman kong nakatira siya sa mag-ina niya, umuwi na ako kaagad. Ayoko na kasing ma-envolve sa problema niya. You know what, I despise him so much. So I left. At dun nagsimula ang pagkakamali ko—hindi ko agad ipinarating sa’yo.” Pahayag ni Qaz.

Nilapitan ako ni Qaz at hinagod ang likuran ko. Pilit niya akong pinapakalma at pinapatahan. Perot angina, baliwala lahat-lahat ng ‘yan eh! Kasi sa loob ko ‘yung masakit!—Yung mismong puso ko ang masakit! At wala kahit sino man ang makakapagpawala ng sakit na ‘yun… wala… maliban kay Colosseus.

Kaso nga lang wala siya rito. Na kay Yanna na.

Napatawa ako ng mapait. Na realize ko… ang tanga ko. Ang tanga-tanga kong naghintay at nag-alala para sa isang taong hindi man lang nagawang makaalala sa akin. Para sa isang taong hindi man lang nagawang magpaalam sa akin bago niya ako iwanan. Sana man lang kasi sinabi niyang ayaw na niya sa akin ‘di ba? Sana sinabi niyang babalik na siya sa pers lab niya! Sana sinabi niyang hindi na niya ako mahal—o hindi niya talaga ako minahal para walang isang tangang DYOSA ang umiiyak at tumutulo ang sipon nang dahil sa kanya! Shet. Shet lang.

N-Nasa Japan pa rin ba siya?” Tanong ko kay Qaz.

No. Not anymore. He’s… he’s…

Napabuntong hininga ito at napatingin sa likuran ko. Sa may pinto—napatingin din ako sa gawing iyon  at ang mukha ng matagal ko ng hinahanap ang tumambad sa akin. Ang mukha niyang araw-araw ay laman ng panaginip ko. Ang mukha niyang oras-oras ay tumatakbo sa isipan ko. Ang mukha niya’t pangalang… nakatatak sa puso ko.

Zico…” Sambit ko.

He’s here…” Ani Qaz.

Napatingin ako sa mga mata niya—nung una kaming nagkita, nung unang beses na nagtama ang mga mata namin noong prom—bakit parang déjà vu? Parang bumalik kami noong mga panahong iyon. Yung tingin niya… ‘yung tingin ng isang estrangherong bigla na lamang akong ginuyod sa gitna ng dance floor at isinayaw na wala man lang kahit anong salita ang binitawan.

Yung tingin niya… parang nung una kaming nagkita…

Dumako ang tingin ko kay Baby Zee na kasalukuyang nagtatago sa likod ng Ama nito. Napansin kong medyo tumangkad siya ng unti tapos medyo tumaba na rin.

Ikinagulat ko ang biglaang paglapit sa akin ni Colosseus—‘yung tingin niya, nakakatakot pa rin. Para nga kaming bumalik noong mga panahong ayaw pa niya sa akin bilang future kapatid niya. Ang kaibahan nga lang, hindi ko na maialis ang tingin ko sa mga matang iyon. Kung noon ay takot na takot ako sa mga mata niyang iyon? Ngayon, pakiramdam ko, ‘yun lang ang bagay na kailangan kong makita bago ako mamatay. Ang mga mata niyang iyon… ang pinakamagandang mata na nasilayan ko sa buong buhay ko…

Bigla na lamang niyang hinila si Qaz sa kwelyo nito at sinuntok. Napatakip ako ng bibig ko dahil sa pagkabigla. Agad na bumulagta si Qaz sa tindi ng suntok ni Colosseus sa kanya. Agad ding dumugo ang gilid ng labi nito.

Habang si Colosseus… galit na galit…. Para siyang… para siyang halimaw na handang pumatay ng taong  wala namang sala. Malupit, mabagsik. Anong nangyayari sa’yo Colosseus?

What was that for?!” Inis na inis na tanong ni Qaz habang nakasalampak pa rin sa sahig.

For making her cry,” Sambit ni Colosseus, “for messing up with my problems,” Ipinatayo ni Colosseus si Qaz sa pamamagitan ng paghatak sa kwelyo nito, “and for telling her things you don’t even know.” Muling sinuntok ni Colosseus si Qaz.

Bakit?! Totoo naman ah! Tumira ka kasama si Yanna! Under one roof Zico! I saw it with my own fvcking eyes!” Sigaw naman ni Qaz.

So you believed it?” Tanong ni Colosseus.

Of course! Why shouldn’t I?

You know nothing!” Sigaw naman ni Colosseus kay Qaz, “Get out!

Nagtataka si Qaz dahil sa pinapaalis siya ni Colosseus. Malamang, office mo ‘to tapos papaalisin ka? Ano ‘yun? Pero kasi, ngayon ko lang nakita si Colosseus na as in parang tigre kung magalit! Grabe, ganito pala siya magalit?

Take him with you.” Sabi ulit ni Colosseus sabay tingin kay Baby Zee na nakatingin din ng malamig sa Ama niya. Tsk tsk, mag-ama nga sila.

Nakatingin ng matalim si Qaz kay hinawakan niya sa braso si Baby Zee at nagsimula nang lumabas ng pinto pero hindi pa rin naalis ang tingin niya kay Colosseus hanggang sa makalabas na ito ng sarili nitong opisina.

Bigla akong nakaramdam ng pagbilig ng tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan.

Bakit?

Dahil ba ngayon… sa wakas… ay nasa harapan ko na ulit siya? Kasama ko na ulit? Kaming dalawa ng lang ulit? May isang parte ng puso ko ang syempre tuwang-tuwa, sino ba namang hindi? Pero may isa ring parte ang nagluluksa—siguro kasi dahil sa sinabi ni Qaz pero hindi ko pa rin alam ‘yung totoo… sana mali… sana iba ‘yung katotohanang sinabi ni Qaz sa katotohanang sasabihin ni Colosseus.

Lumapit si Colosseus sa akin hanggang sa ilang inches na lang ang pagitan namin. Unti-unti ko ng nararamdaman ang paghinga niya. Unti-unti ko ng nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ang mga puso namin, animo’y nagkasundo para makabuo ng iisang ritmo. Tila ba nagkakasundo.

Nahanap ng kamay niya ang pisngi ko. Hinawakan niya ito. Agad naman akong napapikit. Dahil sa wakas, naramdaman ko na rin ang hawak niya. Ang nakapapasong pakiramdam ng hawak niya. Ang masayang pakiramdam ngayong hawak-hawak niya ako.

Naramdaman ko rin ang unti-unting paglapit ng malalambot niyang labi sa labi ko—pero biglang namutawi sa akin ang sinabi ni Qaz kanina. Bigla ko ring naalalang… iniwan niya ako.

Mabilis ko siyang sinampal gamit ang buo kong lakas.

Athena,” Habang hawak niya ang namumulang pisngi niya ay biglang sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi, “even though you slapped me… I’m happy. I am now happy.” Tumingin ito sa akin, “I will always be happy whenever your skin meets mine. It’s been a long time, right?

Napaiyak muli ako. Paano ba niya nagagawang ngumiti sa harapan ko?! Matapos niya akong iwanan pagkatapos ng dalawang buwan, ngingitian na lang niya ako?! Oo, dalawang buwan, sobrang ikling panahon pero tangina naman, hindi siya nagpaalam! At ‘yun ang nakapagpabigat sa dalawang buwan na ‘yun!

Tapos ngayon… paano niya nagagawang ngumiti?!

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang daliri nito.

I—Please, I don’t wanna see your tears.” Hinalikan niya ang noo ko at nagsalita, “I’m now here, in front of you. Aren’t you happy?

Iniwanan mo ako, paano ako magiging masaya?” Tanong ko sa kanya.

Niyakap niya ako. At nang maramdaman ko ang init ng yakap na iyon, automatic na nagdiwang ang puso ko. Ito, ito ang matagal ko ng hinahanap, ang matagal ko ng gustong gawin. Ang mayakap siya. Kung hindi lang sana siya nawala… kung nagpaalam lang muna sana siya…

Pero bumalik na ako. You should be happy.

Why did you leave?

It’s so good to know that you didn’t consider what that bastard told you a while ago,” It’s obvious, he’s talking about Qaz, “I’ll tell you everything okay?

Just… truths… please…” Pakiusap ko sa kanya.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa magkayakap kami, alam kong nakangiti si Colosseus ngayon. Alam ko, nararamdaman ko.

Just truths.” Humigpit ang yakap nito sa akin at nagsimula nang magpaliwanag, “Yes, I lived in Japan for 2 months, with Rin and Yanna,” Napapikit ako. Ang sakit eh, kasi totoo pala ‘yung sinabi ni Qaz. Ang sakit kasi nalaman mong sa 2 months na ‘yun, si Yanna ‘yung kasama niya, saklap lang. “But it’s because of Rin. 2 months ago, remember when you took him to the park? When he told you he wanted you to be with me… it was a plan, Athena.” Nanlaki ang mata ko. Plan? Anong klaseng plan? Paano? “I know how smart my son is, so I told him everything. I told him how much I love you, Athena. I told him that I wanna be with you. So he agreed with the plan. He helped me. But in return, I must live in Japan for 2 months together with his mother. He said he just wanted to make his mother happy, so I also agreed. Then Yanna, sacrificed, right?” Muli kong naalala ‘yung singsing sa kamay ko na bigay ni Yanna, “That ended all the conflicts that our love had. I took care of everything for 2 months. I settled everything that’s between Yanna and I. That 2 months, that 2 months is for us, love.

Natawa ako. Kung bobo ako kanina, mas bobo pala ako ngayon. Hindi ko kasi pinaniwalaan ‘yung sinabi niyang mahal niya ako. Hindi ko kasi pinaniwalaang ako lang. Kaya eto, nasaktan ako ng dahil sa maling dahilan. Akala ko, akala ko wala na siya eh. Akala ko sumama na siya kay Yanna. Yun pala… sumama siya para sa akin—para sa amin.

Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko—tears of joy na. Salamat naman…

Humiwalay siya sa yakap at tumingin sa akin, “I know, you thought that I left you? That I left you for Yanna? That I have come to realize that what my love for you is nothing compared for the love that I had for Yanna?” Pinunasan muli niya ang mga luha ko, “Can’t you trust me, Athena? Can’t you trust this… this love that I have for you?” Yumuko ako, trying to avoid his eyes pero itinaas niya ang baba ko at nagtama muli ang mga mata namin, “Answer me.

A—Akala ko kasi—Akala ko mawawala ka na. Akala ko sumama ka na kay Yanna. Akala ko na-realize mo nang hindi ako—na si Yanna talaga.” Wika ko habang umiiyak pa rin. Humahagulgol, rather.

Ngumiti ulit siya, “Why is it so hard for you to believe? Why is it so hard for you to accept, the I do, love you?

Ewan ko—para kasing, para kasing you’re so good to be true? Alam mo ‘yun? Hindi ko kasi maisip na—ganito, na kaya mo akong mahalin ng ganito… ng—

Ng sobra-sobra?” Tanong nito sa akin sabay ngiti.

Hindi kalaunan ay napangiti na rin ako, “You’re so good to be true.” Sabi ko ulit sa kanya.

But I am. I am true. Right in front of you. I am true.” Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilagay ‘yun sa left chest niya, where his heart lies :””> “This love, is true.

Colosseus…

Bago pa man ako makapagsalita, ayun, inangkin na niya ng bonggang-bongga ang aking precious lips! Putakte. Umiyak-iyak pa ako eh happy, happy naman pala kasunod nito! Hmpf. Sayang luha ng dyosa mga ‘teh! xD

Bakit pala galit sa’yo si Qaz?” Tanong ko kay Colosseus.

I dunno. Maybe because I’m so much better than him.” Sabay smirk niya.

O__________O

Omaygash! Si Colosseus natuto nang magyabang! Shet ang gwapo talaga niya! Huhuhuhu T^T Naiiyak ako, grabe ka-swerte ko ngay sa taong ‘to! Never in my life na naisip kong magkakaron ako ng ganitong lalake sa buhay ko. At alam ko, walang permanente sa mundo, pero hanggang nasa akin pa, susulitin ko na at gagawin ko ang lahat para maging permanente siya sa mundo ko.

Mwehehehe. Ayuko na. Tapos na ako rito. Andito na ulit si Colosseus sa harapan ko. I won’t let him go away, not anymore!

Eh bakit pala hindi ka nagpaalam sa akin bago ka umalis?” Tanong ko muli sa kanya habang nakapout.

Because I know, you will never let me. And I told you, I don’t wanna see your tears.” Tapos ngumiti ulit siya.

Yung ngiti niya talaga napaka-comforting! Alam mo ‘yung feeling na ngiti pa lang niya feeling mo nasa langit ka na? Shemaaaaaaaay :”””> So saya! Mwhahahaha!

Teka! Matatapos na ‘tong kwentong ‘to, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya kung anong puno’t dulo nito. Hahahaha!

Colosseus!” Tawag ko sa kanya sabay punta run sa may bintana, binuksan ko ‘yun at itinuro ‘yung dalawang couples na naglalakad, “Alam mo ba kung kailan ‘yan magbre-break?” Tanong ko sa kanya sabay ngisi.

Huh?” Nalilitong sabi ni Colosseus.

September 7, 2012.” Sagot ko sabay smirk.

Ano bang sinasabi—

Ikaw pala ang huling makakaalam ng paborito kong libangan.” Sabi ko with matching ngisi.

Nakakunot ang noo niya at halatang hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. MWHAHAHAHA! Alam niyo naman ako, habang tumatagal lalong gumagaling. Tignan niyo nga naman! Nag-upgrade na ako oyy! Alam ko na ang EXACT date ng break-up! MWHAHAHA! Omegesh, I’m so brilliant! :)))))

Libangan?” –Colosseus.

Lumapit ako sa kanya at ngumisi. Bumulong ako sa tenga niya…

You’re in love with The Break-Up Planner, baby.

 e n d .

_________________

NOTE: WALA PONG BOOK 2;; SALAMAT PO.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro