Chapter 3
@tjdelapaz requested to follow you
Napamura ako nang malakas sa nakitang bagong notification sa twitter.
"Chin, sinabi ko na sayong ayoko pag nagmumura ka, hindi ba?! Hindi ka ba nahihiya?"
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Papa. Nasa kusina kami at kauuwi lang nila galing simbahan. As usual, hindi ako sumama. Linggo ngayon at wala akong pasok pero hindi pa rin nila ako napilit.
Mahigpit ang kapit ko sa cellphone at mariin ang titig sa screen. Bakit nya ako ifofollow?!
I gulped before stalking his account.
troy
@tjdelapaz
19| landi and acads content
111 Following - 6, 820 Followers
His icon is just his normal selfie. Nakahoodie na puti at medyo blurry. Ang header nya naman ay ang dagat lang.
I checked his 'following'. Kadalasan ay artista at public figures tapos mangilan-ngilang kaibigan nya rin.
Kaya ang sa akin lang, bakit nya ako ifofollow?! Hindi kaya napindot nya lang yon? Hindi naman nya ako kilala.
I scrolled down to see his tweets.
troy @tjdelapaz
hala ambilis nyo naman maglike!!! pero gege, try ko next week lol im shy 👉👈
troy @tjdelapaz
50 likes, aamin ako sa crush ko
troy @tjdelapaz
stalk fb profile ni crush > review ng notes
Napailing ako sa sunod-sunod na tweet nya na puro sa crush nya lang. Maraming replies at retweets iyon na minsan nya lang din replyan.
I deleted his request. Baka nagkamali lang. Isa pa, my twitter account is private for a reason.
Kalmado kong ibinaba ang cellphone ko at nasalubong ko ang galit na tingin ni Papa. Nakatitig lang ito sa akin na parang inaantay talaga akong matapos sa ginagawa ko.
Oh, right, I cussed.
"Chin, nagrerebelde ka ba?"
Gusto kong mapairap sa tanong nyang yon.
"Nagulat lang, Pa. Hindi naman big deal." I said casually. Mabuti at nasa kani-kanilang kwarto sina Mama at Ate Heather. I don't want an earful sermon.
"Para kang hindi Kristyano. Huwag na huwag mong ipaparinig yan sa iba. Anak ka pa naman ng pastor pero ganyan ang lumalabas sa bibig mo. Anong sasabihin nila?"
I sighed. "Opo... hindi ko hahayaang marinig ako ng iba."
Nanatili ang madilim nitong tingin sa akin. "Humingi ka ng tawad sa Diyos at magsimba-simba ka. Nakakahiya ka."
I swallowed hard and nodded. Hindi ko kayang makipagtalo kay Papa. Nawalan na rin ako ng gana sa pagkain kaya magalang akong nagpaalam na tataas na muna ako sa kwarto ko. Hindi nya ako pinansin kaya mabigat ang loob na umalis ako ng kusina.
Kaya palang hugasan ng simbahan ang kasalanan? That's funny.
Nasa hagdan ako paakyat nang makasalubong ko si Mama na nagmamadali, nakasuot ng itim na bestida kasunod si Ate Heather na nakaitim din.
"Saan kayo pupunta?" di napigilang tanong ko.
"Eh, nako, 'yung anak ni Gloria, nagpakamatay daw!" anas ni Mama.
I stopped and something in my heart was ripped. Hindi ako nakaimik sa gulat. For a moment, my mind stopped thinking. Another sad soul has left the cruel world.
"Kawawa naman si Aliah. Depressed siguro talaga sya, Ma." Ate Heather said.
"Oo nga! Sina Gloria, hindi manlang binigyan ng atensyon ang anak. Dyos ko!"
Nawala sila sa harap ko at naglakad ako nang dahan-dahan paakyat sa kwarto ko. Ngayong taon, napakarami nang pinatay ng depresyon.
At ang malungkot pa roon, saka lang nagkakaroon ng pakealam ang mga tao kapag wala ka na. They call suicide a tragedy... pero ang mental illnesses, pag-iinarte lang para sa kanila.
I'm not a fan of religious acts but that moment, I wept... and begged Him to let Aliah rest in peace.
The next morning, I felt lighter. Pinilit kong huwag sumagot nang magsalita si Papa sa hapagkainan namin.
"Hindi mapupunta sa paraiso ng Diyos ang kaluluwa nya. Walang may karapatang kumitil ng sariling buhay dahil utang lang natin 'to..."
Hindi ko na dinala ang sama ng loob sa paaralan. People seriously need to filter their mouths. They're too harsh.
Nasa gate pa lang ako ng school ay nakita ko agad ang mangilan-ngilan kong kaklase kaya nilapitan ko sila.
"Anong meron?" tanong ko kay Daniel.
He looked at me and smiled. "May seminar, walang klase buong araw."
Nagtaka ako. "Tungkol saan?"
"Drugs?"
I cringed. "Mema."
He chuckled. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin sina Vina at Mira. As usual, nangingibabaw na naman ang energy nila ngayong Lunes nang umaga.
Isang section kaming naglakad patungo sa event hall. Naalala ko ang nangyari kahapon kaya nagdesisyon akong sabihin iyon sa kanila.
"Ifinollow ako ni Troy sa twitter."
"Gago?!" OA na sigaw ni Mira.
Ang ingay.
Si Vina ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Nakanganga pa ito.
"Dinelete ko. Baka napindot lang, eh." I shrugged.
Halos mabali ang kamay ko sa paghigit doon ng dalawa. Wala pa kaming upuang nahahanap dahil nasa entrance pa lang naman kami.
"Ano baga?!" gigil na tanong ko.
"Tangina, 'yung followers mo, following lang nya tapos dinelete mo!" saad ni Mira, patuloy na hinihigit ang daliri ko.
"Baka nga kasi napindot lang. Hindi naman ako kilala non," sagot ko bago higitin sa kanila ang masakit ko nang kamay.
Vina narrowed her eyes on me. "Baka ikaw ang crush non, Chin! Pota, magwawala talaga ako!"
Umirap ako. "OA nyo, ha? At isa pa, hindi ko sya type... masyadong mataas ang energy."
Nakahanap ng mauupuan ang mga kaklase ko kaya roon kami pumunta. Ang kaso lang, dalawa na lang ang natirang upuan at bilang mabuting mga kaibigan, halos itulak nila ako para sila ang makaupo roon.
Tuloy, nakatayo lang ako sa likod ng upuan nila. Ni hindi manlang talaga ako pinaupo ng dalawang impakta!
"Chin, upo ka!" sigaw ni Daniel. Nasa bandang unahan sya pero talagang tumayo pa sya nang makita ako sa likod.
I shook my head. "Salamat, Daniel. Mag-aantay na lang ako ng officer para makahingi."
He nodded before sitting. Hindi pa nagsisimula ang seminar pero marami nang tao. Iba-ibang kurso galing at dahil malaki naman ang hall, kayang i-accomodate lahat. Isa pa, bukas ang malalaking aircon kaya malamig sa buong lugar.
"Miss, upuan po?" tanong sa akin ng isang lalaki.
"Opo, isa lang po."
Tumango sya sa akin at marahang ngumiti. Umalis sya sa harap ko para siguro ikuha ako ng upuan. Ipinahinga ko ang dalawang kamay sa likod ng upuan ni Mira. Nakita kong nagce-cellphone ang dalawa at nakabukas na naman ang twitter app.
"Do you need a chair?"
I turn my head to see who's behind me and for a moment, I couldn't hide my shock. Pasimple kong kinulbit si Mira at dinig na dinig ko ang gulat nya nang makitang nasa likod nila si Troy.
I pursed my lips. "Hindi na, uhh... may kumukuha na ng upuan para sa akin. Thank you."
Sasagot na sana sya nang dumating ang lalaki kanina, bitbit ang isang puting monoblock. Bumaling ako rito at ngumiti.
"Salamat."
Mabilis ang tibok ng puso ko sa presensya ni Troy. He's wearing his uniform and his height and built are intimidating. Nanunudyo ang mga mata nito kaya huminga ako nang malalim.
"May upuan na ako... do you need anything else?" pormal na tanong ko.
His eyebrows furrowed a bit. "Wait lang."
Before I could finish my reaction, umalis na ito sa harap ko. Pinanood ko ang pagdaan nya sa dagat ng mga tao na akala mo'y pagmamay-ari nya ang lugar.
Umiling na lang ako at umupo na sa monoblock. Itinabi ko iyon sa upuan ng dalawa na hanggang ngayon ay gulat pa rin.
"What the hell did just happen?!"
I rolled my eyes. "Nagtanong lang kung may upuan ako. Mga attitude kasi kayo."
"Ang dami raming nakatayo pero ikaw lang ang tinanong!" malaki ang matang saad ni Vina. "Ipupusta kong kung ako ang nakatayo, hindi ako papansinin non!"
I chuckled. "Wag lagyan ng meaning. Baka mapahiya na naman ako."
"Girl, feeling ko totoo na ngayon... grabe! Ikaw yata talaga ang sinisilayan nya sa CAS!" Mira uttered in surprise.
"Upuan lang yon!" ganting sagot ko. Ayokong isipin ang sinasabi nila dahil kinakabahan ako kahit alam ko namang imposibleng mapansin ako non.
"Sabagay... officer si Troy sa engineering society. Sila rin kasi ang nag-organize ng event."
Tumango na lang ako at tamad na sumandal sa upuan ko, iniisip pa rin ang mabilis na interaction ko sa lalaki. I'm slowly hating the fact that he's everywhere!
I played with my phone to distract myself. These past few months, madalas na sumagi sa isip ko ang lalaki. Totoo talaga ang peer pressure. Hindi ko naman pinapansin ito noon pero dahil laging pinag-uusapan nina Mira, lagi ko tuloy naiisip.
Someone has cleared his throat behind us. Sabay-sabay kaming napalingon doon at napatayo ako nang bumalik nga si Troy! And he's holding a beautiful single chair! Kahoy ito pero may foam ang pinaka-sandalan at upuan! What the fuck?!
"Mas komportable ito kesa dyan sa monoblock... baka lang gusto mo."
Alam kong marami nang nakatingin sa amin ngayon. Ang eksena lang ng upuan na 'yan!
Kalmado akong lumapit sa kanya, taliwas sa nagwawalang pintig ng puso ko.
"Saan mo nakuha 'yan?"
He grinned before scratching the back of his head. Medyo nakatingala ako sa taas nya.
"Hiniram ko sa opisina ni Mama."
Hindi ko na napigilang mamula sa sinagot nya. Myghad! Nakakahiya! Paano kung dumaan ang campus director at makitang gamit ko ang isa sa mga upuan nya?!
Nakita nya ang reaksyon ko kaya umayos sya ng tayo.
"Nagpaalam ako," he said before giving me a small smile.
Para kaming tanga parehas na nakatayo lang sa tapat ng isa't isa.
"Hindi naman kailangan, Troy." I regret saying it when I saw a bit of amusement passed through his eyes.
Pota, anong Troy?! First name basis, hindi naman kami close!
He pursed his pinkish lips. "Ayaw mo ba nito?"
"Iwan mo na, Troy! Nahihiya lang 'yang si Chin!" sigaw ni Vina.
Pinigilan ko ang pagpikit sa inis. Hindi pa nagsisimula ang program pero ang dami na agad nangyari!
He smiled at her before returning his focus on me. "Ayos lang ba?"
I sighed. "Uhh... ayos na ang monoblock. Nakakahiya naman kay Mrs. Dela Paz."
"It's fine with her..."
Naramdaman ko ang presensya nina Mira at Vina sa gilid ko kaya hindi na ako nakaimik. Kinuha nila mula kay Troy ang upuan at para silang mga tangang nahihiya sa lalaki.
Bago ako tuluyang umalis sa harap nya ay nginitian ko sya nang maliit at tinanguan. I can't believe he's this thoughtful... and extra.
Inihanay ang upuan sa mga monoblock at namula ako nang makita kung gaano ito naiba sa lahat. Ibinigay ni Mira ang monoblock na upuan kay Troy. I fought my will to look back hanggang sa bumalik sa upuan sina Mira at Vina... which means, umalis na rin si Troy.
The program started. Surprisingly, hindi ako inasar ng dalawa. They just sit there and act as if they're listening. Kita kong may gustong sabihin si Mira pero hindi na nya itinuloy.
I felt other people's stares but I ignore it. Nakinig ako sa nagsasalita kahit hindi naman ako interesado sa sinasabi nya.
As the program resumes, I wonder... paano ko ibabalik ito kay Troy? Kailangan ko bang dalhin 'to sa office ng campus director? But what if Mrs. Dela Paz is there? Oh God.
Tama namang kumportable ito at kahit gustuhin kong matulog, alam kong may mga nakakapansin sa upuan ko.
"Very reyna ka sa chair mo," ani Mira bago tumawa. "Lakas talaga ng isang Chin."
"Huy, wag mong asarin at baka ma-kick out tayo!"
I scoffed at Vina. Talagang pinaninindigan ata nila na crush ako ni Troy.
Nang mag lunch break, doon na rin kami kumain sa hall dahil may dala kaming packed lunch. Hindi ko na ulit nakita ang lalaki dahil malawak ang lugar at paikot-ikot din silang officers.
Out of the blue, Mira yelled while looking at her phone.
"Check twitter!" tili nya habang nakatingin. sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Patingin na lang."
Narinig ko rin ang pagsinghap ni Vina nang makita ang nasa cellphone nya rin. Mukhang starstruck pa ata si Mira kaya ako na ang kumuha sa kamay nya ng tinitingnan nila.
It's a picture of Troy. Kaka-upload nya lang nito at halatang ngayon lang kinuhanan ang larawan. He looks... handsome here. Medyo close-up kaya kitang-kita ang kinis ng mukha nya. Malinis at hindi sabog ang makapal nyang kilay habang ang mahabang pilik mata ay naka-curl. May itim at manipis na arrow na nakaturo sa ilalim ng labi nya, sa baba.
Binasa ko ang caption pero 'Troy' lang ang naroon.
"Anong meron?" takang tanong ko. I don't see any problem with the picture pero kung maka-react sila, akala mo'y big deal.
"Akala ko ba matalino ka?" nahihiwagaang saad ni Vina.
Kumunot ang noo ko. Wala talaga akong makitang mali sa larawan. Pinakatitigan ko pa ito at ang caption pero wala talaga akong makita!
Naging palaisipan iyon sa akin hanggang sa matapos ang program dahil hindi naman sinabi sa akin ng dalawa kung anong nangyari.
"Hoy, paano 'tong upuan?" natatarantang tanong ko nang makitang paalis na ang dalawa.
Mira paused for a second. "Baka iiwan mo na lang dyan?"
"Gago, wag. Hanapin natin si Troy." Vina suggested.
"Antayin na lang kaya natin dito?" I said. "Nakakahiya naman kasi. Akin lang ang kakaibang upuan."
Tumango ang dalawa at bumalik sa upuan nila. Marami nang estudyante ang nakaalis kaya kakaunti na lang kaming nandito. Minutes passed but Troy didn't show up. Do I need to personally return this to the campus director's office?
"Magdidilim na, Chin. Baka wala ka nang masakyan pauwi."
"Kaya nga, eh. Iiwan ko ba rito o ibabalik ko sa opisina ni Ma'am?"
Vina stood. "Tara, ibalik na lang natin. Baduy ni Troy, hindi bumalik sa crush nya."
"He! Wag nyong ikalat yan at baka may makarinig sa inyo. Akalain pa nila totoo."
Mira let out a chuckle. "Totoo naman kasi. Hindi mo ba nakita ang picture?"
Binitbit ko ang upuan at hindi ko inexpect na may kabigatan iyon dahil napakadali lang kanina para kay Troy na buhatin ito. Mira lend me a helping hand while Vina carried my bag.
"Ano bang meaning non?" tanong ko.
"Bahala kang mag-isip, ang slow mo." Natatawang sagot ni Mira sa akin.
I pouted and continued walking. Malapit lang naman ang office ni Ma'am dito sa hall kaya mabilis din kaming nakarating don. Sarado ang pintuan kaya kumatok ako bago pihitin ang door knob.
It wasn't locked so we put the chair inside peacefully.
Akmang isasarado na namin ulit ang pinto nang dumating si Iris at ang ibang kaibigan nito sa broadcasting din. Hindi kami sobrang close pero kaswal kami sa isa't isa dahil nakakasama ko sya minsan sa meeting ng officers.
My eyes dropped on the chair she's holding. Kagaya ito ng ibinigay sa akin ni Troy kanina at siguro ay narito rin sya para ibalik ang upuan.
She smiled at me so I smiled back to her.
Nang tuluyan silang pumasok sa opisina ay minata ko ang dalawang kaibigan na mukhang nagtataka rin.
"Crush pala, ha?" natatawang saad ko kahit na may parte sa akin na medyo nainis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro