Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

"Sec, nakikinig ka ba?" {One Shot}

"Sec, nakikinig ka ba?" {One Shot} by Greyyy

"Para kaya akong sinisemento kapag nakatingin siya!"

Date Started & Finished: September 1, 2013 - 11:25 PM

___________________________________________________

"Gets mo ba?

"Uy?"

"Nakikinig ka naman siguro sa'kin 'di ba?"

"Sec?"

"Sec!"

"SEC, NAKIKINIG KA BA?!

"H-Ha?

Napa-facepalm na lamang ito dahil sa sagot ko. Ngayon lang kasi nagsink-in sa utak kong nasigawan na niya ako TT TT Hello?! Sa lakas daw ba ng sigaw niya hindi ka kaya magising? Pero kasi, hindi naman ako inaantok at wala rin akong balak tulugan siya. Talagang absent minded lang talaga ako ngayon.

O palagi. 

Tuwing kasama ko siya.

Tuwing kaharap ko siya.

"Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa'yo, Rei." Sabi niya habang umiiling. 

Pasensya naman daw. 

Kasalanan ko bang hindi ako makapag-concentrate kapag nandyan ka na? Kapag nakatitig ka na? Para kaya akong sinisemento kapag nakatingin siya! Alam mo 'yung pakiramdam na ayaw mo nang gumawa ng kahit ano maliban sa tumitig sa kanya? 

Pogi niya kasi. Sobra TT TT

"May election mamaya sa room. Tayo magco-conduct. Kaya wag kang mala-late ng dating mamaya. Kundi patay ka sa'kin." Sabi niya atyaka na siya naglakad papalayo sa'kin. Lunch break na kasi. 

Sungit niya po, ano? 

Sanay na 'ko. Palagi naman 'yang ganyan eh. Sa lahat ng taong nakakasama niya palagi siyang ganyan. Sa iba okay lang pero sa'kin, kulang na lang mapaiyak ako sa sobrang kasungitan niya sa'kin eh. Alam mo 'yung nakakatakot magkamali kasi baka masigawan o masabihan ka na naman ng kung ano-anong hindi kaaya-ayang mga salita? 

Bat ko ba 'yun crush? :---( 

{Classroom}

"O baka hindi ka na naman makinig sa'kin mamaya?" Tanong niya sa'kin. Class president kasi 'to, tapos ako 'yung sexytary--este secretary niya. 

Sabi nila, (lalo na 'yung mga nagkakacrush sa kanya) eh sobrang swerte ko raw na ako 'yung naging secretary niya. Kasi kapag may mga seminar or events sa classroom kaming dalawa 'yung palaging magkasamang nagplaplano. 

Ang hindi lang nila alam, palaging sigaw at pagalit ang inaabot ko rito sa classroom president na 'to TT TT 

"Sabi na eh! Sec naman! Umayos ka na!" Ayan, nasigawan ulit. 

"A-Ah. S-Sorry." Sabi ko sabay yuko.

Pumwesto na siya run sa table sa harap ng klase, ako naman nakaharap na sa blackboard habang hawak 'yung chalk. Ready na akong magsulat.

Hala Lord, sana naman po hindi ako ma-absent minded. Sana po kahit ngayon lang eh matigilan ko na 'yung sobra-sobrang kakatitig sa kanya para makapag-concentrate na 'ko TT TT Ayoko pong mapahiya rito o, ang dami-dami nila.

"The table is now open for the position of President. Anyone who wants to nominate?" Announce niya sa klase.

Dali-dali namang nagtaas ng mga kamay 'yung mga estudyante.

Ito na 'yung last na magkakasama kami. Kasi magse-second grading na kaya magpapalit na rin ng mga officers sa room. Last ko na rin 'tong pagsusulat sa board. 

"Ms. Peria is nominated." Sabi sa'kin ni Jin.

Naisulat ko 'yun sa board. 

Laking tuwa ko kasi hindi ako natulala sa kanya. Naisulat ko! Nakakapag-concentrate na 'ko! 

Nakahinga ako ng maluwag. Nagtuloy-tuloy 'yung election at hindi pa rin ako nadidistract sa kagwapuhan niya. Tuloy-tuloy lang ako sa pagsusulat. Habang nagsusulat nga ako eh nakangiti pa ako. Kasi alam kong hindi na ako magiging absent minded. Hindi na ako matatanga sa kanya. 

"Mr. Cruz is nominated.

"Sec?"

"Sec, please write Mr. Cruz' name on the board now!"

"Sec, are you even listening?"

Teka, ang pogi pa rin niya kahit pinagpapawisan na *Q* Alam mo 'yung kahit naiinitan na siya rito sa loob ng classroom ang pogi pa rin niya?

"Do your job, Rei!"

Tapos nasabi ko na ba sa inyo 'yung habit niya? Ang hilig niyang padaanan ng palad niya 'yung buhok niyang naka-brush up. Lalo na kapag nafru-frustrate siya! Ang gwapo-gwapo lang TT TT 

"REI, GET BACK TO YOUR SENSES FOR PETE'S SAKE!"

Ang pogiiiiiiiiiiiiii *Q*

"Ayun o! Rei-anne, laway mo natulo na!"

"May gusto talaga siya kay President Jin eh!

"Tulalang-tulala si bebe!

Tulala? Teka... sinong tulala? Ako ba? 

Napansin ko na lang na si Jin na 'yung nagsusulat sa board ng mga pangalan. Nang matapos siya eh ibinato niya run sa lalagyanan ng chalk 'yung pinangsulat niya tyaka niya ako sinungitan ng tingin. 

Hala? 

"Walang kwenta." Sambit niya pagkatapos ay nagwalk out na siya run sa room. 

Teka~ hindi pa tapos 'yung election ah? 

Ano na namang ginawa mo Rei TT TT

Dali-dali ko siyang sinundan. Narinig ko 'yung hiyawan at kantyawan ng mga kaklase ko sa loob pero hindi ko 'yun pinansin. Naabutan ko si Jin na nagpapahangin dun sa may quadrangle. 

Nag-aalinlangan pa ako nung una pero sa huli eh tinapik ko rin 'yung balikat niya. Napatingin siya sa'kin ng masama.

"Ano?!" Sigaw niya.

Napatungo naman ako. Galit talaga siya sa'kin TT TT 

Akala ko naman kasi hindi na ako matutulala sa kanya eh. Hindi ko naman ine-expect na mangyayari ulit :---( 

"S-Sorry..." Mahina kong sabi.

"Palagi na lang sorry naririnig ko sa'yo, Rei! Ano bang problema mo't 'pag ako kasama mo nawawala ka sa katinuan mo?! Pag iba naman kasama mo hindi naman ganon. Ano bang problema mo?!" Galit na galit niyang sabi.

Hindi ko alam isasagot ko--o kung gusto ko pang sumagot. Hindi ko naman pwedeng sabihing, 'kasi ang pogi-pogi mo nakaka-distract ka' TT TT Atyaka last na pagsasama naman na namin 'to. 

"Ano?! Matutulala ka na naman sa'kin?!

Ano pa nga ba? Ni hindi ko nga mapigilan sarili ko TT TT 

"Parang gusto ko na tuloy maniwala na may gusto ka sa'kin."

Inayos niya 'yung necktie niya *Q* Hala, bat ang pogi niya? Kumikinang pa siya sa sinag ng araw dahil sa sobrang puti! Omg lang po TT TT 

Nakakaiyak ang sobrang kagwapuhan niya, Lord. Ayoko na po. Kunin niyo  na 'ko TT TT

"M-May sinasabi ka ba?" Tanong ko sa kanya. Ang alam ko kasi may sinabi siya 'di ba?

"Tsk!

Mukha ulit siyang frustrated. Pinadaan ulit niya 'yung palad niya sa buhok niya *Q* Mukha siyang adonis TT TT Ang pogi-pogi po.

"Wala. Sabi ko gusto na rin kita.

Hindi lang din 'yung mukha niya 'yung pogi sa kanya! Pati 'yung boses niya! Pero favorite ko talaga 'yung buhok niya. Parang ang sarap-sarap hawakan kasi nga palagi niyang hinahawakan. Tyaka kahit ilang beses niyang padaanan ng kamay niya parang hindi nasisira 'yung hairstyle! Naka-wax ba siya? *Q* Ang galing lang. Ang pogi-pogi talaga TT TT 

Bat kasi ang sungit niya? Sayang lang talaga. 

Huhuhuhu TT TT 

Teka kasi! Last na nga namin 'tong pagsasama kaya sinusulit ko na 'yung pagkakataon kong titigan siya!

"Sec, nakikinig ka ba?" Tanong nito sa'kin.

May sinasabi pala siya? O.o

"A-Ay. A-Ano ulit 'yun?

"AISH!" Pinadaan ulit niya 'yung palad niya sa buhok niya. Tyaka na ulit siya nagwalk out. "Wala ka na talagang pag-asa, Jin." Sabi nito habang naglalakad papalayo.

Ano ba 'yung... sinabi niya? Di ko narinig ay. Busy akong nakatitig sa kanya. 

Bakit kasi napaka-heavenly ng itsura niya? *Q*

Tamo pati likod o!

e n d .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: