Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata III: Meeting the L.A.D

A B B Y

Pagkatapos ng Algrebra class namin, dumeresto kaagad ako kina kuya Ace. Si Lance naman, kasunod ko lamang sa pagpunta. Sakbit-sakbit ang aming bag, naglakad kami sa hallway habang hinahanap ko si kuya.  

Bigla ko naman si Kuya Ace na bumaba kaagad ng hagdan, kasunod nung dalawang lalaking nakita ko kanina. Nagulat kaagad naman si Lance sabay hinila ako pabalik. Nakakapit siya ng maigi sa akin habang dumiretso kami papunta sa music room.

Nakarinig naman kami ng isang tawag kaya napatigil kami ni Lance. Isang boses ng lalaki ang tumawag sa kanya and parang familiar yung boses niya. Parang narinig ko na yung boses nung lalaki pero hindi ko alam kung saan.

"Lance!" sigaw ulit nung lalaki sabay narinig namin yung mga padyak ng paa papalapit sa amin. Umikot ulit kami at nakita yung kapatid niya na parang nagtataka kung sino ako.

Para tuloy ikamamatay ko yung kinatatayuan ko ngayon. Hindi dahil sa cute siya. No. Dahil pure suplado talaga 'tong lalaking ito. No emotion whatsoever kundi yung seryosong ekspresyon na nakapaskil sa mukha niya.

"Kuya-" sinabi ni Lance bago siya na-interrupt ng kuya niya.

"Sino siya? Girlfriend mo?" tanong nung kuya niya, tinataasan ng kilay si Lance. Napabuntong hininga kaagad si Lance sabay sinagot yung kuya niya.

"H-Hindi kuya. Kuya, this is Abby Guevarra. Abby, this is my brother, Kuya Lawrence," sinabi ni Lance, pinapakilala kami sa isa't-isa. Tiningnan naman ako ni Lawrence na parang kinikilala pa lang ako bago niya kinuha yung kamay ko at nakipag-handshake sa akin.

"Pleasure to meet you," sinabi niya sabay tango sa akin. Tumango na lang din ako - hindi ko sure kung paano sumagot pabalik. Nakita ko naman yung dalawang lalaki sa likod ni Lawrence na kasa-kasama ni kuya Ace. 

"Lawrence, who's this pretty little girl?" tanong nung isang lalaki na nakaturo sa akin - gulo gulo ng konti yung buhok niya na parang may pagka-bad boy. Kahit bad boy siya ng konti, gwapo pa rin ang dating.

Hindi siya yung type of bad boy na maiirita ka or mapapangitan ka or weirdo na parang dine-describe ng iba. Siya yung klase na nakakaakit ng mga babae. Except hindi ako kasama do'n. Not to mention, he wore glasses.

"This 'pretty little girl' is my sister, Adrian Xavier," sinabi ni kuya, tina-try na 'wag akong mapansin masyado ni Adrian o kung ano man ang pangalan nung gago. That's kuya Ace for you. Suplado and sometimes over protective. Kahit anong sabihin niya na ikagagalit mo, pro-protektahan ka talaga niyan sa mga lalaki. I'll die being an old cat lady kumbaga.

"Alam mo, hindi siya nagmana sa'yo. Tingnan mo, ibang iba talaga yung mukha mo sa kanya. Sure ka bang hindi siya adopted?" tanong ni Adrian habang sinamaan naman ito ng tingin ni kuya. Halata sa mukha ni kuya ang inis dahil sinabi niya na hindi kami magkamukha. Correction, may hawig naman kami sa isa't isa.

"Sa tingin mo ba na anak ko siya? Gago. Kita mong kapatid ko 'to." Napangiti naman si Adrian sa sagot nito at mas nilapitan ako. Dahil sa biglaang smirk na binigay niya, tinarayan ko siya. Naintindihan naman niya ito at umatras, ngayo'y nakangisi sa akin.

"Pero ibang iba siya sa'yo. Mas cute at mas mukhang matalino siya kaysa sa'yo Ace," sagot ni Adrian na siya namang ikinairita ni kuya sa kanya.

"Lahat naman ay cute sa 'yong paningin Adrian. Kahit siguro poste, papatulan mo. Baka nga sabihin mo pa na adopted yung poste. Aba, sadyang may sira ang utak mo kapag gano'n. G*go." napatawa naman ako sa sinabi nung isang lalaki habang ngumiti siya na parang nanalo sa superbowl.

Napa-roll na lang yung eyes ni Adrian sabay lumakad ng palayo. Yung isang lalaking nagpatawa sa akin, ngayon naman ay kumindat. Siguro dahil napatawa lang ako sa sinabi niya, malalandi kaagad niya ako.

Mga assumero talaga.

"Well, nice to meet you honey," sinabi niya sa akin sabay kuha ng kamay ko at hinalikan ito. Tinanggal ko kaagad yung kamay ko sa hawak niya sabay tinarayan siya.

"Abby, hindi honey." Nginitian niya lang ako pabalik sabay lumakad palayo kasunod nung isang lalaki. Si Kuya Ace naman, tinatarayan si Lance.

"Sino ka naman?" tanong ni kuya sabay tinaasan siya ng kilay. Bago pa kami makasagot ni Lance, pumunta kaagad sa harapan namin si Lawrence, yung kamay niya nasa dalawang bulsa.

"Kapatid ko siya. Bakit? May problema ka?" bungad ni Lawrence habang tinititigan niya nang maigi si Kuya Ace na parang makakapatay siya.

Tiningnan ako ni Lance sabay nagshare kami ng tango. Hila hila ni Lance, pumunta kaming cafeteria habang iniwanan namin yung dalawa na mukhang mag-aaway pa. Napalingon akong pabalik bago ibinaling ang atensyon ko kay Lance.

"Sure ka bang magandang idea na iwanan yung kapatid mo at kapatid ko? I mean, baka magkaaway silang dalawa," sagot ko habang nasa tabi ko si Lance - nagtataka. Tumango lang naman kaagad siya saka ngumiti.

"Magkakasundo din naman siguro sila. Mag-aaway muna bago magiging magkaibigan." Napakunot lang yung noo ko sa sagot niya bago ako umiling, nag-disagree  sa sinabi niya. Nagulat naman siya sa akin bago ako binigyan ng nagtatakang ekspresyon.

"I doubt it. Himala magkaroon si kuya Ace ng kaibigan. Kung magkakaroon man siya, sigurado ako na yung dalawang lalaking 'yon." tumango na lang ulit si Lance bago binuksan yung pinto sa cafeteria. Ngumiti siya sa akin bago niya ako sinenyasan na pumasok.

"After you my lady," sinabi ni Lance sabay pinauna ako. Bago naman ako mauna, may tumulak sa akin kaya napapunta ako sa gilid. Nagulat naman ako kaya tinarayan ko kaagad yung lalaking tumulak sa akin.

"Kung makatulak 'to. Nangunguna pa sa babae. 'Di ba ladies first? Ano bang iniisip mo Dominic?" sagot ni Lawrence habang tinitingnan si Dominic nang masama. Napakibit balikat lang si Dominic bago sumagot.

"Akala ko kasi si Natasha." Lalo naman akong nagalit sa kanya. What did he just say? Inakala niya na ibang babae ako kaya itinulak niya ako? Wow, that's just rude.

Tinaasan ko lang ng kilay si Dominic bago nagtanong, "Akala ko umalis na kayo? Ba't kasa-kasama mo ngayon si Lawrence? Kasama mo si Adrian kanina 'di ba?"

As if tinawag ng demonyo, narinig ko yung boses ni Adrian na bigla naman sumulpot sa likuran ni Dominic at Lawrence, "Baby, tinatawag mo ba ako?"

"Not really. For your information, tinatanong ko si Lawrence, hindi ikaw." Nagtaka naman si Lawrence sa sinabi ko at tinaasan naman ako ng kilay. Mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Adrian nang makita niya yung ekspresyon ng kanyang kaibigan.  

"You were?" tanong naman ni Lawrence na siya namang reason kung bakit napa-smirk na si Adrian sa akin. Nice going, Lawrence. You just ruined my cover. Napa-roll na lang yung eyes ko sabay hila hila si Lance paloob ng cafeteria.

Naramdaman ko naman na parang may nasunod sa amin kaya binalikan ko sila ng tingin. Si Adrian and Dominic yung sumusunod sa amin habang si Kuya Ace at si Lawrence ay bumibili ng pagkain doon sa dulo.

"May kailangan ba kayo? I mean, hindi naman kami bilihan ng pagkain kaya pwede na kayong lumayo layo sa amin." napangiti na lang si Adrian kay Dominic dahil sa sinabi ko.

"Feisty, I like it," simpleng sinabi ni Adrian bago niya ako tiningnan na parang nakakaloko. Sa galit ko, sinagot ko siyang pabalik.

"Feisty-hin mo 'yang mukha mo," sagot ko sa kanya sabay taray. Nilapitan naman kaagad niya ako sabay tiningnan ako. Well, hindi ako ka-level niya nang height kaya nakatingin siya sa baba.

Yes, mas mababa yung height ko sa kanya. In fact, ako yata yung pinaka-maliit sa tatlong lalaking ito. Este apat kung ii-include si Lance.

"Watch it shorty. 'Di mo alam kung sino ang kinakalaban mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro