Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: SPELLED AS T R O U B L E

Chapter 2: Spelled as TROUBLE

"Ibaba mo nga ako KL, ano ba!"

I tried wiggling free ngunit nagsasayang lamang ako ng lakas at boses sa kasisigaw.

"KL! Isa!"

He walked a little further bago ako tuluyang ibinaba. He grinned like crazy at walang pakialam sa duguang kilay. His bruises began to appear.

"Mylabs, I miss you!" masiglang wika niya at tinangkang yakapin ako ngunit itinaas ko ang kamay sa harap niya.

"Hep!" He stopped halfway at nagtatakang napatingin sa akin. "Anong masamang hangin ang nagtulak sayo na pumunta rito?"

He pouted as he replied. "Hmm, maliban sa mabahong hininga at utot ni Coach, na-miss talaga kita Mylabs."

I rolled my eyes at him. "Kilala kita KL, hindi ikaw ang tipong gustong mag-aral."

"Alam ko, alam ko. Kaya mo nga ako hiniwalayan diba?" he said and sigh. "But Sunny, let me prove myself this time. Let me, please?"

Tiningnan niya ako na tila nagsusumamo. KL has soulful eyes na tila hinihigop ka sa bawat tingin niya. His dark skin complimented his eyes. Hindi siya sobrang itim, yung sakto lang. Siguro siya yung tipong fit ang katagang tall, dark and handsome.

KL is my ex— my only serious relationship. Noong 17 ako ay nagka-nobyo ako pero hindi seryoso. Yung tipong sabay lang sa uso. Ni hindi ko na nga maalala anong pangalan ng mga naging nobyo ko. Then here comes KL.

Nakilala ko siya sa skwelahan. Nobyo siya ng pinakamagandang estudyante sa 3rd Ward. Maliban sa kilala siya dahil doon, isa rin siya sa nga sakit ng ulo sa skwela.

Minsan na nga lang may dumarating na mga educational supplies na kasama ng mga advance technology models, mahilig pa siyang manira. When the first flexible AI robot arrived at 3rd Ward, hindi man lamang iyon nagtagal ng tatlong araw dahil nasira nang nakipagsuntukan siya sa mga estudyante.

Noong pinaggawa kami ng investigatory project, nasira ang ilang araw kong pinaghirapan dahil sa kanya. I started despising him since then at halos isumpa ko na siya. Stella told me that KL is known to be a troublemaker since he's a kid. When he was 3 years old, he bit the medical team leader na nag-medical mission sa 3rd Ward. He was 5 years old when he destroyed the float prepared for the elite's visit. He was 7 years old when he hit the newly installed LED monitor with a slingshot. Basag agad iyon nang hindi pa napapakinabangan. 10 years old when he smashed every window at school with a baseball bat. 15 years old when he set the assembly hall of 3rd Ward on fire and deactivated the automatic water sprinkler. 18 years old when he vandalized almost every wall of 3rd Ward with Fuck U Capital. 19 years old when I fell in love with him.

It was because I thought I found my match. I found someone who isn't blind not to see what's wrong with the system and not mute to say it out loud. I was 18 years old then at matanda siya ng isang taon sa akin.

But KL is also spelled as T-R-O-U-B-L-E in capital letters. Palagi siyang napapaaway until he discovered underground mix martial arts. Nagkakapera siya kapalit ng ilang halaga. Hindi iyon kalakihan ngunit mas malaki pa iyon kaysa sa natatanggap ng regular na worker sa 3rd Ward.

Noon pa man ay hindi ako sang-ayon sa ginagawa niya. KL earns money in exchange of some broken bones. I told him to study para maayos ang buhay niya pero ayaw niya. Matalino si KL, plus streetwise ngunit hindi niya ginagamit sa tama ang kanyang talino. Ilang beses ko siyang pinilit pero ayaw talaga niya.

Halos dalawang taon na kami noon nang magpasya siyang umalis ng 3rd Ward. He said he will be joining the biggest MMA competition kung saan may mga kalahok na mula sa Tussah at iba pang syudad. So I let him choose between me and money. It was a bad move, I know. Never ever let your partner choose between you and something.

Hindi ipokrito si KL. Pinili niya ang pera. He said he love me but love cannot feed hunger. So I broke up with him but here he is, standing in front of me right now.

"Mylabs," tawag niya at sinubukang lumapit ngunit humakbang ulit ako palayo. "Wait, may iba ka na ba?"

"Ewan ko sa'yo," sagot ko.

"It doesn't matter anyway, edi babawiin kita," wika niya kasabay ng ngisi. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Hindi ko alam kung saan siya nagte-training. Basta na lamang siyang nawala sa 3rd Ward.

"Kumusta ka naman?" tanong ko sa kanya.

"I earned the money," sagot niya. Eh? Nanalo siya sa kompetisyon? Ilang ribs kaya ang nabali sa kanya?

"Oh, ganun naman pala, bakit nandito ka?"

"I earned the money, I have to earn you back," sagot niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa tingin mo ganun kadali iyon?"

"Of course hindi, kaya nga ako pumasok dito hindi ba?" sagot niya. "Hindi iyon ganoon kadali. Isa pa, balita ko may gusto sa'yo ang isa sa mga Grande. Saan na 'yang Grandeng 'yan at nang mabugbog ko?!"

I rolled my eyes. Eh? Hindi niya alam sino? Eh bakit kasuntukan niya kanina si Tatsulok? Isa pa, correction, wala na yatang gusto sa akin ang Grandeng iyon.

"Why are you brawling with Triangle?" tanong ko sa kanya.

"Sinong Triangle? Ah yung tisoy kanina? Triangle ba pangalan nun? Kaya pala mukhang paputok," tawa niya. "Wala, naghamon lang ako ng away sa mga estudyante kanina, malay ko bang papatol siya."

"At bakit ka ba nanghahamon ng away?!" naiinis na tanong ko. He hasn't change a bit.

"Mas madali kitang makikita sa ganoong paraan. May pagkachismosa ka eh kaya alam kung makikiusyoso ka, ayos ba mylabs?" he asked and winked. Pusangina, putok na nga ang kilay niya at umaagos ang dugo, nakuha pang kumindat.

"Ewan ko sa'yo!"

"Pero nakakainis ah," he clicked his jaw and groaned. "Ang sakit niyang manuntok. Mahinang gumalaw pero ang bigat ng kamay, look at this cut on my brow and lower lip!"

"Syempre, galit sa mundo yung tao," I replied. "How about him, anong tinamo niya?"

"Dalawang bali lang sa ribs niya," KL replied. "At konting tama lang sa ilong, tangna ang tangos niya ah. Buti nga sa kanya."

"KL!" naiinis na bulalas ko. Dalawang bali LANG? Seriously, nila-Lang lang niya ang bali sa ribs ni Triangle! Tinalikuran ko siya at tinahak ang daan pabalik sa pinanggalingan namin kanina.

"Mylabs, sa'n ka pupunta?" Hindi ko siya sinagot at patuloy lamang sa mabilis na lakad. "Mylabs! Hintay! Hoy!"

Mas binilisan ko pa ang paglalakad nang makita ko si Triangle. Paika-ika ang lakad nito habang hawak ang tiyan.

"Triangle!" tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at pagkatapos ay lumagpas ang tingin. He's probably looking at KL na sumusunod sa akin. I saw him glare at us bago siya bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.

"Triangle!" I ran towards him at pilit siyang ginising. "Triangle! Tatsulok! KL look what you've done!"

Itinaas ni KL ang kamay na tila ba sumusuko siya. "Oh, ba't ako?"

"Argh! Help me! Kargahin mo siya—"

KL crossed his arms. "Ano siya, sinuswerte?"

"KL!" Isang masamang tingin ang iginawad ko sa kanya.

"Oo na!" Lumapit siya sa amin at tila sakong pinasan si Tatsulok. Puto, mas lalo yatang mababalian ng buto si Tatsulok sa paraan ng pagkarga niya. "Sa'n ko ba itatapon ang bangkay nito?"

"KL!"

"Biro lang mylabs," sabi niya kasabay ng tawa. "Saan tayo?"

I guided the way towards Bldg. 1485. Ipinaakyat ko sa kanya si Tatsulok sa kwarto namin ni Megan. Sarado kasi ang kwarto nila ni Trench dahil pumasok na ang ibang naroon. Agad akong naghanda ng bimpo at tubig at agad na pinunasan si Tatsulok. KL just sat on Megan's bed and watched me.

"Mylabs, kwarto mo ba 'to? Bakante ba 'tong kama na 'to?" He tapped Megan's bed. "Dito na lang ako."

"No, may nag-o-occupy diyan at kung wala man, ano ka sinuswerte?" sagot ko sa kanya.

"Ang arte, edi tabi na lang tayo," he said and wriggled his brow. His wounded brow.

"Ano ka, mas sinuswerte?!" I love sleeping with someone kasi gusto ko yung may niyayakap. But things is different betwreen KL and me now. Isa pa, we're both grownups now.

"Bakit namumula ka? Oy, iniisip mo 'yong nagtabi tayo dati ano?"

"KL!"

He acted like he zipped his mouth ngunit ngumisi muna siya bago iyon ginawa. Yung tipong napaka-annoying na ngisi. "Sino ba kasi 'yang tisoy na yan mylabs?"

"Si Triangle nga!" sagot ko habang panay punas kay Tatsulok. Puto, bakit ba pinatulan ni KL 'to? Or baka baliktad, bakit niya pinatulan si KL?
Parehas silang baliw.

"Let me rephrase. Sino ba 'yang paputok na 'yan? Boypren mo ba 'yan? Pinagpalit mo ba ba ako?"

Napalingon ako sa kanya at tiningnan siya nang masama. "He's Triangle Bermudo."

"Boypren mo? Ows, di nga?"

Tumayo ako at pinalitan ng tubig ang palanggana. Sunod kong nilapitan ay si KL at sinimulan siyang punasan sa mukha.

"Ahh, aray. Mylabs naman eh," maarteng reklamo niya habang pinupunasan ko ang mga pasa niya sa mukha. In fairness kay Tatsulok, napuruhan niya rin sa mukha si KL.

"Sige, magsalita ka pa, mas didiinan ko pa 'to," banta ko sa kanya.

His lips twitched a little! He tried to smile ngunit pinigilan iyon. "I miss you Sunny," seryosong wika niya. Bahagya akong napatigil at tiningnan siya. "Narinig ko ang nangyari dito sa 1st Ward, kumusta ka naman?"

"Alive and kicking," sagot ko at pinagpatuloy ang pagpupunas sa mukha niya. "Ikaw?"

He shrugged his shoulders before he gave me his puppy eyes look. "Masakit dito mylabs." Hinawakan niya ang kamay kong may hawak na bimpo at iginiya iyon sa kanyang labi. Then he kissed the back of my hand. "Dito oh," he pointed at his bruised lips and pouted. "Kiss daw ang gamot."

Nakangiwing itinapon ko ang bimpo sa mukha niya at lumayo. "Neknek mo."

"Arte naman, isa lang eh," he chuckled. "But I really miss you Sunny."

"Seryoso ka ba sa pagpasok mo rito sa Academy?"

He rolled the towel and tossed it to the basin. The shot went in at tumilamsik pa ang tubig sa sahig. "Seryoso ako sa'yo." And again, he winked.

Ipinikit ko ang mga mata at huminga nang malalim. "KL isang kindat pa, tutusukin ko ng mga daliri 'yang mata mo, at hindi ako nagbibiro." Of course, I already did it at saksi siya nang tinusok ko ang mata ng kaibigan niyang kindat nang kindat sa akin dati. Puto, napupuwing ba sila?!

Mayamaya ay biglang sumeryoso ang ekspresyon sa mukha ni KL. "Tungkol kay Stella..."

"What happened to Stella?!"

"Sabi nila ay nawala siya sa katinuan," sagot niya.

"That's what I heard also. Nakita mo ba siya?" Kung may taong supportado kami ni KL noon, si Stella iyon.

Umiling si KL bilang sagot. "Iyan ang problema, nawawala si Stella. Halos nilibot ko na ang buong 3rd Ward ngunit walang nakakakita sa kanya. Nawala lang siya na parang bula."

"Ano?!" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I want to stay positive ngunit hindi ko maiwasang mag-alala. "What if nasa ibang ward lang siya?"

I know there is a less chance lalo na't hindi basta-basta pinapagala sa ibang ward ang mga matatanda at wala sa katinuan. If ever one would be found at another ward, ipapabalik iyon sa pinanggalingan.

"Mahigit isang buwan na," sagot ni KL. "I checked the casualties of the calamity dito sa 1st Ward ay wala rin siya roon."

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. I know overthinking does no good ngunit hindi ko maiwasang maisip na wala na nga si Gon, mawawala pa si Stella. No way, I won't let that happen.

Suddenly, the door opened at pumasok doon si AndE na may hawak na bote ng alak na walang laman. She walked straight towards KL at bago pa man kami makagalaw, bigla na lamang niyang hinampas sa ulo si KL!

"P*kshet!" bulalas ni KL at nanlaki ang mga mata. His blood flowed from his head down to his face kasabay ng pagkabasag ng bote sa mismong ulo niya. Mabuti na lang at sanay siya sa ganoon kaya hindi siya nawalan ng malay.

I almost jumped towards KL at nanlalaki ang mga matang napatingin kay AndE.

"What was that for?!" tanong ko sa android. She raised a finger and smiled. "Rule number 1, hampasin ng bote ang sino mang umupo sa kama ko."

I gritted my teeth and rolled my eyes. Lumapit ako sa likuran ni AndE at binuksan ang maliit na compartment sa kanyang batok. Hinigit ko ang memory disc na naroon, labelled Megan.

"What the, robot siya?!" gulat na tanong ni KL.

"Yes, and unfortunately, Megan inserted her saved memory for AndE's AI."

Pusanginang Megan, ibig sabihin kung ako ang naupo sa kama niya, ako ang mahahampas ni AndE?! The android robot has become our common property. May kanya-kanya kaming artificial intelligence disc na maaring ilagay kay AndE.

"Unbelievable!" he said before his eyes closed and he passed out. Puto, akala ko kinaya niya! Wala na akong ibang choice kundi ang ihiga siya sa kama ko at itabi kay Tatsulok. Tinulungan ako ni AndE upang madala si KL sa kama and she also helped me dressing his wound.

Matapos ko iyong gawin ay sinulyapan ko ang suot na relo. One hour after the classes starts. Oh, well. Better late than never.

I grabbed my backpack at lumabas ng pinto. Hopefully, hindi madadagdagan ang mga pasa nilang dalawa pagbalik ko.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro