CHAPTER 19
Chapter Nineteen
Birthday
"Is he still mad?" tanong ko kay Lana isang araw matapos naming mag-enroll sa pangalawang semester ng taon.
We were inseparable since we've became good friends. Gano'n rin naman kami ni Achilles simula ng gabing binuksan ko sa kanya ang ilang pahina ng buhay ko, pero minsan ay hinahayaan ko pa rin siyang huminga sa aking presensiya. I can be too much for him and he needed some break sometimes.
Binibigyan ko siya ng chance na ma-miss rin ako ng sobra dahil baka sa susunod ay imbes na I miss you, I love you na ang matanggap ko. Panalo pa rin ako kung gano'n.
Bible study was good. It was one of the reason why we became closer. Minsan ay kaming dalawa lang pero minsan rin ay nagagawa ko nang makisama sa mga churchmates niya since I started going to church every Sunday, too.
Bukod sa aming dalawa ay wala nang nakakaalam no'n dahil ayaw ko namang isipin ng iba na sobrang ipokrita na ako at ginagawa ko lang talaga iyon para kay Achilles dahil hindi naman iyon ang totoo.
I genuinely love going to church. Noong una nga ay hindi ko rin ipinaalam mismo kay Achilles na a-attend ako dahil ayaw ko ring isipin niyang siya lang ang dahilan, pero nalaman niya kaagad at nakita pa ako kaya sa pangalawang linggo ay siya na mismo ang nagpresintang sumundo sa akin para sabay kaming pumunta sa simbahan.
I was always at the front seat and near the altar. I always had the best view of him and the cross. Kahit na natatakot akong masunog ay sinabi niyang mas maigi kung nasa harapan palagi para mas makapag-focus ako sa salita kaya sinunod ko.
He was right. It really made me focused and I kind of love the light feeling the ceremony has always been giving me every time. Para bang ang lahat ng galit ko sa mundo ay nawawala sa tuwing naroon ako. I just couldn't explained it.
May pag-aalinlangang tumango si Lana at agad na kinuha ang soda na binuksan ko para sa kanya.
Katatapos lang naming kunin ang mga schedule ngayong semester. I bribed everyone just to get me the schedule that was same as Archi. Kahit na up and down minsan na parang rank ni Riggwell sa mobile legends ang relasyon namin ay mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa mga iritasyon ko lalo na sa kanilang dalawa ni Evelyn.
Daig ng malandi ang maganda. Iyan ang laging nasa utak ko. Minsan, alam kong kahit na gaano pa kabait ang lalaki, kapag nademonyo na ng alagad ng kadiliman ay hindi pa rin maiiwasan.
One of the things I've learned about reading the word of God was the power of temptation. Even God and His disciples were tempted and some of them gave in. Gano'n katindi ang kapangyarihan ng demonyo. Walang pinipili iyon at kung mahina kang lumaban sa tawag ng laman, kahit gaano ka pa kabait at ilang milyong oras pa ang ginugol mo sa simbahan ay mahirap iyong tanggihan.
Brixton for example... He was a good guy, but he focused on the hunger of his flesh. That was where he lost everything we've built together. Speaking of my ex, we became friends again.
Naging normal na ulit ang kumustahan namin sa isa't-isa. Totoong napatawad ko na rin naman siya at alam kong kailangan niya ng suporta kaya patuloy ko siyang tinutulungan. He started going back to school and everyone thanked me for that. Wala naman iyon para sa akin pero kung ako nga ang dahilan ay hindi ko na rin dapat pang ipagyabang. I'm glad I could help and that was enough for me. All I really wanted was for him to be okay. Iyon lang.
"H-He's still mad..."
Nangunot ang noo ko sa narinig na sagot ni Lana. It was as if she was unsure of her own answer.
Matagal ko siyang tinitigan at pilit ang iwas niya sa mga mata ko. I know something was up, but I did not bother asking more questions. Kung nagsisinungaling man siya sa akin ay alam kong may dahilan. I don't think Lana is capable of lying to me without any valid reason. Hinayaan ko na lang.
The first week was boring as usual. Mas lalo pa akong nawalan ng gana nang dumating ang birthday party ni Evelyn. She invited everyone except me. Kung hindi pa nga nabuksan ang topic noong nag-bible study kami ay hindi ko pa malalamang mayroon siyang party.
"Sama ka, Cali?" magiliw na taong ni Kiel sa akin, hindi alam na hindi naman ako imbitado.
Kinuha ko ang prutas at saka umiling. Evelyn was helping Achilles with the food on the kitchen counter. Hinayaan ko lang. Inisip ko na lang ang ilang linggo kong pagsimba at pagiging malapit kay Lord para kumalma na naman maging ang mga intestines kong nagwawala sa iritasyon.
"I'm not invited so why would I go?"
Nalaglag ang panga ng mga malapit sa akin. Agad nilang binalingan si Evelyn sa counter.
"Eve! Hindi mo niyaya si Cali sa party mo sa darating na Sabado?!"
Agad siyang natigil sa pakikipag-usap kay Achilles, bahagya itong namutla sa narinig habang nangunot naman ang noo ng huli. Hindi rin inasahan ang nalaman.
"Nah, it's okay. Wala rin naman akong planong pumunta ro'n. I also don't have time to get Eve something." Sabi ko na lang.
Baka bigyan ko siya ng neon orange na damit para magmukha siyang caution cone sa kalsada. Ipinilig ko kaagad ang ulo sa masamang naiisip.
"Hindi naman kailangan ng regalo! Hindi ba Eve?" Si Celestine naman.
"O-Oo naman. You can come, Cali."
Pinigilan kong mapairap. Plastic talaga ang put tongue ina.
Hilaw akong ngumiti. "Nah, I'll pass. Isa pa, may gagawin rin akong mas importante kaysa diyan."
Nauna sa pagbalik si Achilles sa amin kaya nagkukumahog itong ayusin ang kung ano masundan lang kaagad ang lalaki. Inis akong tumayo at sinalubong si Archi para hilahin pabalik sa tabi ko.
Alam na niyang naiirita na naman ako kaya pinabayaan na lang ako sa ginawa.
Nakabusangot na bumalik sa harapan namin si Evelyn. Nagpatuloy ang pag-uusap nila tungkol sa party samantalang ako ay na kay Achilles ang buong atensiyon.
I told him about the subjects I had. Marami raw siyang time kaya tutulungan niya akong mag-aral. Ang totoo, kaya ko naman talaga kahit walang tulong, pero dahil siya naman ang nag-offer at gusto ko ring inisin si Evelyn kaya ipinagpatuloy ko ang pakikipag-usap rito.
In my peripheral vision, I saw Eve's eyes rolled dramatically at me when I held Archi's hand. Bago na naman kasi ang relong suot niya. Isa rin iyon sa mga nauna kong napansin sa lalaki. He loves wearing watches and some of them were expensive one's. Ang ilang brand ay gaya ng mga isinusuot ng mga kapatid ko.
Before his father settled to his winery, nagtrabaho rin ito bilang US navy at marami rin namang naipundar bago sumabak sa pagbi-business. He said most of his watches were his Dad's. Ibinigay lang sa kanya dahil hindi naman na nagagamit madalas nito, pero kahit na ang ilang model ay luma na, talagang mukhang bago pa rin at magara lalo na kung suot niya.
"When is your birthday?" I asked while still playing with his watch.
"Why? Don't ever think of giving me a watch. Marami na ako."
Natawa ako dahil alam na niya kaagad ang nasa utak ko. "Fine. Ano pa lang gusto mo?"
Nagkibit siya ng balikat. "Kahit wala ayos lang."
"Ako na lang?" kusang umarko ang gilid ng labi ko nang agad niyang makagat ang labi upang pigilan ang sarili sa pagngisi.
"Sabihin mo lang kung gusto mo, mapagbigay naman ako."
"Tapos na ang birthday ko." he said, making my jaw dropped!
"Hindi mo alam ang birthday ni Achilles, Cali?" Halos mabali ang ulo ko sa madramang paglingon kay Evelyn dahil sa pagsingit niya sa usapan namin.
Napalunok ako ng marahas lalo na't kitang-kita ko ang panunuya sa kanyang mga mata. Oh this bitch talaga likes to get in my nerves! Sobrang epal!
"Ay, kasali ka ba sa usapan namin?" sarkastiko kong tanong, pumihit ako paharap sa kanya bago nagpatuloy. "Oh 'yan, sige na isasali na kita at oo, hindi ko alam na tapos na ang birthday niya. Tutal mukhang alam na alam mo naman yata buong buhay ni Achilles, bakit hindi mo sabihin kung kailan para makapagpa-party ako tapos pag-iisipan ko rin kung i-invite kita."
Agad siyang namutla. Everyone were silenced at that. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Achilles. He knew I was trying my best to be nice to her. Kahit itong pagsama sa kanila ay sobrang effort na dahil kung tutuusin ay hindi napapayapa ang puso ko kahit ilang libong salita pa ni Lord ang ibigay dahil sa presensiya ng Evelyn na 'to!
Kung hindi nga lang dahil kay Archi ay hindi ko talaga gagawin. Kahit na okay naman kami ng kami lang, alam kong mas gusto niya ang marami nang sa gayon ay isahan na lang ang pagpapaliwanag kaya nakikisama ako kahit talagang labag sa loob ko.
I shifted my gaze back at Archi and smile just to give him an assurance that I will behave. Sa muling pagbalik ng mga mata ko kay Eve ay parang gusto na niya akong saksakin. Siguro ay dahil na rin sa paghahawak-kamay naming dalawa ng lalaki.
Hindi ko kasalanan kung hindi ka crush ng crush mo Evelyn! Mamatay ka na lang sa inggit tangina ka!
"Joke lang! So kailan nga? Alam na alam mo, eh! Bakit pumirma ba si Achilles sa slam book mo?"
Natawa ang lahat habang ang babae ay mas lalong nairita sa akin. Napangisi ako.
"Last week," Archi answered for her. Nilingon ko ulit siya.
"Naku Cali, hindi talaga masyadong nagsi-celebrate 'yan si Achilles. Naka-hide rin ang birthday niya sa Facebook at saka wala 'yan rito sa Buenavista tuwing birthday niya. Doon siya nagsi-celebrate sa San Antonio kasama ang pamilya niya." sagot ni Kiel at dagdag sa impormasyon.
Doon na ako naliwanagan. Kahit na gusto kong mainis sa kanya dahil hindi man lang niya sinabi ay naintindihan ko naman ang kanyang dahilan.
Nagpatuloy ang pag-uusap at kainan nang hindi kami nagpapang-abot ni Evelyn. I volunteered to help Achilles with cleaning up kaya hindi na nakasingit ang babae. Nasanay kasi itong siya ang palaging kasama ni Achilles sa paglilinis tuwing natatapos ang bible study, pero ngayong narito na ako at bilang ako naman ang legal ay hindi ko na papayagang umepal pa siya ulit.
Malaki ang ngisi ko habang bumabalik sa gate ng mga Cordova matapos silang ihatid.
"Akyat na ako, ha? Tutulungan ko pa si Achilles na maglinis!" paalam ko sa mga ito sabay baling kay Evelyn para lalo pang asarin.
"Bye Evelyn! Makatulog ka sana ng mahimbing tonight!" dagdag ko sabay ngisi nang malademonyo dahilan para mapaismid siya.
I was whistling while going back to the house. Archi already started doing the dishes. Nang akmang kukuha na ako ng pamunas sa lamesa ay pinigilan niya ako.
"Just sit there, ako na rito."
I bit my bottom lip at that. Napailing naman siya't napangiti, mukhang alam na babanat na naman ako. Imbes na sundin siya ay nanatili ako sa kanyang tabi. Nakahalukipkip ko siyang pinanuod sa ginagawa.
"Ganito ka rin ba kay Evelyn kapag siya ang nagpepresintang tumulong sa 'yo?"
"Nah, she likes cleaning and washing the dishes so I let her."
Napaismid ako. "Kaya ko rin naman 'yan. Bakit ayaw mo akong gumawa?"
Hindi siya nagsalita. Nang bumaba ang sleeve niya ay ipinataas niya iyon sa akin para hindi mabasa ng tubig.
"Bakit nga?" siniko ko siya.
"Stop, just sit there. Sandali na lang ako."
"Ayaw ko!" imbes na sundin ay agad akong sumiksik sa tabi niya at walang sabing kinuha ang mga kutsara!
"Cali!" Halos mabasag ang pinggang hawak niya nang bitiwan para lang hulihin ang aking mga kamay!
Pilit niyang inangat iyon palayo sa mga maruming gamit!
"Kaya ko! Marunong akong maghugas Achilles at hindi ko sisirain ang mga gamit mo kung 'yon ang inaalala mo–"
"It's not that."
"Then what? Bakit ayaw mo akong patulungin? Bakit si Evelyn sabi mo hinahayaan mong tulungan ka?" nanginig ang boses ko sa inis at inggit, muli na namang nakararamdam ng selos!
Kotang-kota na talaga ang babaeng 'yon kahit wala na sa paningin ko! Para siyang anino na kahit anong gawin mo ay hindi ka titigilan!
"Stop." mas mariin niyang sambit.
Hinila niya ang mga kamay ko matapos buksan ang gripo at hinugasan iyon. I was trying so hard not to push him away! Kumukulo talaga ang dugo ko!
Inirapan ko siya nang matapos ang paghuhugas niya sa mga kamay ko. He grabs the towel and dry my hands. Pilit kong iniwas ang mga mata sa kanya, nananatiling nakanguso at iritado, pero imbes na pagbigyan na lang ako ay tinawanan pa ako nito!
My jaw dropped when I heard his laugh! Namimilog ang mga mata kong napatitig sa kanya. He's legit laughing at my misery!
"Nakakatawa 'yon, ha?!" ismid ko pero hindi ito natinag.
Nang tanggalin niya ang towel sa kamay ko ay agad niyang ginulo ang aking buhok. Mas lalo akong nainis. Bahagya ko siyang itinulak pero agad niyang hinuli ang mga kamay ko. Wala sa sariling napasinghap ako nang hilahin niya ako palapit sa kanyang katawan!
"Stop being jealous of Eve," he said as my heart pounded more inside my chest. "You're not used of doing household chores kaya ayaw ko. Sanay si Eve sa ganito kaya okay lang ito sa kanya."
"Pero kaya ko nga! Marunong ako!" giit ko.
"I know," he said and then he lifted his hands to tucked my hair behind my ears. Doon na ako nanlambot. "Alam kong kaya mong gawin lahat pero ayaw ko. Gusto kong maupo ka lang do'n, ako na ang mag-aayos. Kaya ko na."
Alam niyang tututol pa rin ako kaya imbes na makipagtalo pa ay siya na mismo ang naghatid sa akin pabalik sa couch.
Kahit na gusto ko pa ring magpumilit ay naintindihan ko naman ang gusto niyang iparating. Siguro ay mukha rin talagang katulong si Evelyn kaya hinahayaan niyang maghugas ito ng pinggan.
I opened the TV and continued watching one of the Netflix originals that we were watching before our biblemates arrived.
"Ayaw mo talaga ng birthday celebration?" tanong ko maya-maya sa kanya nang marinig na tapos na siya sa paghuhugas at nagpupunas na lang sa counter.
"There's no point. Tapos na rin."
Pinanuod ko siyang ayusin ang lamesa at hinintay na makabalik sa tabi ko.
"Bakit hindi mo man lang sinabi? Hindi man lang kita nabati."
"It's okay."
"Not for me. When was it?"
"November 18."
Kinuha ko kaagad ang aking telepono at inilagay iyon sa aking kalendaryo.
"Noted. I'll have an alarm for it every year so I wouldn't missed it again."
Magiliw siyang napangiti dahil sa sinabi ko at tumango na lang.
Sabay naming tinapos ang movie. Naging maayos naman ang lahat hanggang sa makauwi ako. Iyon nga lang, agad napawi ang tuwa ko nang makita ang pagbalandra nang nakakairitang event sa aking Facebook at ang nabasa doon.
Evelyn's Birthday Celebration:
Achilles Arquin Cordova and ten other friends going.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro