Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Rose Thorns {One Shot}

Rose Thorns {One Shot}  by Greyyy

"Bat ba talaga tinatanggal 'yung tinik ng rose?"

Date Started & Finished: August 31, 2013 - 8:59 PM

_____________________________________________________

February 14.

Isa sa pinaka-espesyal na araw bukod sa daysary, weeksary, monthsary at anniversary ng mga magsyota o mag-asawa. Espesyal para sa kanila ordinaryo para sa'kin. 

Hindi naman ako bitter, pero ganun talaga 'yung pananaw ko. Ganun talaga 'yung alam at nararamdaman ko sa sarili ko. Malamang, wala akong boyfriend. Pero marami akong manliligaw. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero 'yun talaga ang totoo. Karamihan naman sa kanila ay masasabi mo talagang 'deserving' kasi 'yung iba matalino, mayaman, gwapo at mabait. Pero ewan ko ba kung anong hindi ko makita-kita sa kanila kaya ayaw ko silang sagutin. Hindi naman sa ayaw kong magboyfriend, nakapagpaalam na nga ako sa mga magulang ko eh. Okay lang naman sa kanila, may tiwala sila sa'kin at alam nilang alam ko ang limitasyon ko.

Hindi rin naman mataas ang standards ko pagdating sa lalake. Yung mga hinahanap ko rin naman eh 'yung mga karaniwang hinahanap ng isang normal na babae sa isang lalake. Ganun lang. Pero wala talaga eh. Hindi ko maintindihan kung bakit ni isa sa mga manliligaw ko, wala akong gustong sagutin.

Nadako ang paningin ko sa ilang magnobyo na nagsusuyuan sa hallway. Alam niyo bang bawal tumambay sa hallway? Pero ano nga bang magagawa ng 'bawal' sa mga taong matitigas ang ulo? Asa ka pang susunod 'yang mga 'yan. 

Pero higit na nakapukaw sa atensyon ko ay 'yung mga rosas na binibigay ng mga lalake sa mga nobya nila. Yung iba naman hindi rosas pero karamihan talaga ng mga binibigay na bulaklak eh rosas. Yung pula ngay? Meron ring puti pero angat talaga 'yung pula. Iyon nga raw kasi 'yung simbolo ng tinatawag nilang love. 

Ang ganda nung mga pulang rosas. Ang sarap titigan lalo na kapag sariwa pa. Iyong mga tipong bagong pitas ba? Pero saglit... hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila tinatanggal 'yung mga tinik ng rosas eh. Oo, para hindi masugat o masaktan 'yung hahawak pero, may mata naman siguro 'yung taong pagbibigyan mo 'di ba? I mean, makikita niya naman kung tinik 'yung hahawakan niya o hindi. Hindi naman siya ganun ka-ignorante o katanga para hawakan pa 'yung tinik at masugatan. 

Sa totoo lang, gusto kong makatanggap ng red rose na may tinik. Weird ba? Hindi eh. Kasi may rason ako. 

'Di ba nga, ang maituturing na simbolo ng love eh 'yung red rose. Kaya kapag nanliligaw ka eh mainam na ibigay 'yung pulang rosas. Ito ngayon ang rason ko kung bakit gusto kong makatanggap ng pulang rosas na may tinik pa--gusto ko kasing mapaalalahanan na masakit ang magmahal, na kapag nagmahal ka hindi mo maiiwasang masaktan, masugatan. Para lang kapag natinik ka. Gusto kong mapaalalahanan na sa pagmamahal palaging may mga tinik, mga problema't sakit na kailangan niyong maranasan, pagdaanan at lagpasan. 

Gusto kong maalalang hindi lahat ng relasyon perpekto. 

Katulad ng rosas. Gaano man kaganda at kabango, may mga tinik pa ring kailangan mong iwasan. 

"Excuse me, Miss." 

Agad akong tumabi nang may nag-excuse me sa likuran ko. 

Hindi ko na sana papansinin pero nakita ko ang duguan niyang uniform at kamay. Yung duguan niyang kamay, may hawak ng tatlong piraso ng pulang rosas... may tinik pa.

Sinundan ko siya ng tingin. Pero hindi naglaon ay pati mga paa ko'y sinundan na rin siya. Maya-maya pa'y napansin niyang may sumusunod sa kanya kaya siya napalingon sa likuran niya--sa akin. 

"May kailangan ka?" Tanong nito sa akin.

Napansin ko ang namumula niyang mga mata. Halatang kakagaling niya lang sa pagiyak. Mas lalo tuloy akong naging interesado sa kanya. Kung ano bang nangyari sa kanya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. 

"Anong nangyari sa'yo?" Napakunot siya ng noo.

Alam kong maaari siyang magalit sa akin dahil napakapakialamera ko. Handa naman akong saluhin 'yung galit niya kasi kasalanan ko rin naman pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. 

"Nabasted?" Pinilit niyang ngumiti ng konti pero hindi niya pa rin matatago 'yung sakit na nakikita ko sa mga mata niya. 

"Bakit?" Pakialamera talaga ako kahit kailan. Hindi ko maitikom 'yung bibig ko kaya tuloy pa rin ako sa pagtatanong. 

"Dahil dito...?" Itinaas niya 'yung tatlong piraso ng pulang rosas na dala niya sa duguan niyang kamay para makita ko. 

Tama nga ang hinala ko. May mga tinik pa 'yung rosas. 

Tama rin kaya ako sa hinala ko na pareho kami ng pananaw tungkol sa mga tinik ng rosas? 

"Bakit mo kasi siya binigyan ng rosas na may mga tinik pa?" Tanong ko sa kanya. Pero sa totoo lang, natutuwa ako sa ginawa niya. 

Para siyang napaisip sa tinanong ko. Atyaka niya ulit ibinalik ang tingin niya sa mga pulang rosas na nasa duguan niyang kamay. 

"Nakalimutan kong alisin?" Parang gusto niyang matawa sa isinagot niya sa'kin pero hindi niya lang magawa kasi nga masakit. Masakit mabasted. 

"Hala? Tunay?" Hindi makapaniwala kong tanong muli sa kanya.

"Joke lang. Hahaha." Pilit at peke niyang tawa, "Hindi kasi naalis nung pinagbilhan ko. Hindi ko rin naman nakita.Nasa plastic pa 'to kanina eh. Kaso inalis niya, kaya siya nasugat." Paliwanag nito sa'kin. 

Medyo nalungkot ako sa paliwanag na ibinigay niya.

Akala ko pa naman pareho kami ng pananaw tungkol sa mga tinik ng rosas. Ako lang talaga siguro ang may ganung pagiisip tungkol sa mga iyon.

"Ang mabuti pa, itapon ko na lang 'tong mga 'to." Wika niya. 

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa mabilis kong reaksyon.

"Wag!" Sigaw ko.

Agad naman itong napatingin sa akin ng may pagkagitla. 

"B-Bakit?" Tanong nito sa akin.

"Pwede bang... hingiin ko na lang?" 

Alam kong nakakahiya ang ginawa ko. Pero gusto ko talaga ng pulang rosas na may mga tinik. Gustong-gusto ko. Dahil alam kong wala rin namang magbibigay nun sa'kin ngayon, kahit sana hingi lang eh magkaroon ako.

"Sigurado ka? Baka masugatan ka." Sabi naman niya sa'kin.

Nginitian ko siya, "May mga mata ako, makikita ko kung may tinik ba o wala 'yung hinahawakan kong parte." 

"S-Sige..." Pagsuko niya. 

Tuluyan na niyang ibinigay sa'kin 'yung tatlong pirasong pulang rosas. Laking tuwa ko nang mahawakan ko ang mga iyon. Syempre, nagingat din ako dahil sa mga tinik. Napatingin ako sa kanya at napansin kong medyo nawi-wirduhan na siya sa'kin. 

Minabuti kong ipaalam ang rason ko. 

"Gusto ko talaga ng mga rosas lalo na kapag may tinik. Symbol 'to ng love 'di ba?" Sabay ngiti ko, "I wanna be reminded that love hurts. Kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan pa rin ako. Kasi ganun talaga kapag nagmamahal ka." Paliwanag ko sa kanya.

Ewan ko. Mas lalo ata siyang na-wirduhan sa'kin. 

"Kakaiba ka ah!" Bulalas nito sabay ngiti. Ngayon, medyo lumawak na 'yung ngiti niya kumpara kanina. 

Sinuklian ko rin siya ng ngiti. 

"Lia nga pala." Pagpapakilala ko sabay abot ng kaliwa kong kamay. 

"Raven." 

Iniabot niya rin sa'kin ang kamay niya tyaka kami nag-shake hands. Huli na nang mapansin niyang 'yung duguan pala niyang kamay 'yung naiabot niya sa akin. Agad niya 'yung binawi at nagsorry sa'kin.

"Sorry. Nakalimutan ko. Sorry talaga. Teka hanapin ko 'yung panyo ko--" 

Dali-dali niyang kinapa 'yung bulsa niya pero pinigilan ko siya.

"Okay na." Pahayag ko habang nakangiti, "Ang mabuti pa, pumunta ka na lang sa clinic." Suhestyon ko. 

"Sasama ka?" Kagulat-gulat ang tanong niya sa'kin. Para siyang nang-aalok.

"Sige."

Pero hindi rin naman ako tumanggi.

Naglakad kami papuntang clinic habang nagkwekwentuhan. Hawak ko pa rin 'yung bigay niyang mga rosas. 

Siguro, ngayon ko lang maco-consider na espesyal 'tong February 14 na 'to para sa'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: