Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

“Ethan, okay na ako. Ang kulit mo naman eh.” Dinala niya talaga ako sa ospital kahit wala naman akong natamong galos sa katawan. Shock lang ako dahil akala ko masasagasaan na ako kanina. Inilalayan niya ako papasok sa emergency room.

“Hindi ka okay, kailangan mong matignan. What if may bali ka sa buto? May internal bleeding ka sa ulo o sa kata-aaaray!” Binatukan ko siya. Gagets ito! Nag-iisip ng masama sa ibang tao.”Julie naman eh, ‘di ka parin nagbabago hanggang ngayon.”

“Dahil ‘di ka parin naman nagbabago hanggang ngayon.” Sakto namang may lumapit na nurse at pinaupo ako sa wheelchair.

“Ano pong nangyari sa kanya sir?” Tanong ng nurse.

“Muntik ko na siyang masagasaan, but that was an accident.”

“Nurse, I’m okay.”

“Ethan Yu?” Napalinga ako sa paligid. May tumawag ba kay Ethan? “Ethan Yu!”

“Now I’m dead,” ngumiwi si Ethan. “Rome’s going to kill me.”

“Hindi ka nga kasi papatayin nun dahil wala naman siya dito! At saka wala na iyung pakialam sa akin kaya huminahon ka diyan kung ayaw mong ikaw ang ipa-admit ko dito.”

Pagtingin ko naman sa harap ay nandoon si Rome. Whaaaaat?! Si Rome? Napakurap-kurap ako. Anong ginagawa niya sa Ospital at bakit mukha siyang doctor? Humaaygudness!

“Rome,” tinakpan ni Ethan yung kabilang mukha ng kamay niya. “Long time no see.”

“Bakit kayo magkasama ni Julie? And what happened to her?!” Seryosong tanong niya kay Ethan. Bakit mukhang galit ang isang ito. Hindi naman ako tinatapanon ng tingin. Snob!

“Well,” inalis na rin ni Ethan ang kamay sa mukha niya. “Muntik ko na siyang masagasaan.”

“What?!” Now he was looking at me, but please don’t act as if you care dahil kikiligin talaga ako doon promise. Syetes! Bigla ba naman akong binuhat ni Rome at dinala sa isang vacant na higaan sa Emergency room.

Napatitig lang tuloy ako sa kanya peru nang akmang huhubaran na niya ako ay pinag-ekis ko agad ang mga kamay ko. Buti nalang isinara niya ang curtains. Anong gagawin niya sa akin?

“I need to check if there aren’t any wounds in your body Julieta!”

“Tinawag mo akong Julieta?”

“I don’t have time for these, so will you let me check you up para ma-examine na kita kung may natamo ka ngang sugat or internal bleeding.”

“I’m okay,” ngumiti ako sa kanya kasi tinawag niya akong Julieta. Humay! For the pers time after 10 years narinig ko na ulit na tinawag niya akong Julieta. “Hindi pa ako mamamatay,” akmang babangon sana ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko. “Ano?”

“May masakit ba sayo?”

“Bakit magagamot mo ba ang puso ko?”

“Julie,” he sighed. Randam na randam ko yung mainit na hininga niya sa sobrang lapit ng mga mukha namin. “I’m asking about what you feel after Ethan hit you with his car.”

“Okay lang ako,” inalis ko yung mga kamay niya. “Hindi naman niya talaga ako nasagasaan. Muntik lang… na shock lang ako kaya biglang bumigay ang mga tuhod ko.” Matamang nakatitig lang siya sa akin. “I’m okay,” ngumiti ako sa kanya. “No worries.”

“Stay here, I’m going to talk with Ethan.”

I change my mind… hindi ko pala kayang mawala ang lalaking iyun sa buhay ko. Sorry Joy, but if Rome really loves you he would never choose me over you. At kapag ikaw pa rin ang piliin niya sa huli, saka na ako susuko.

****

7 Ways To Terminate Joy In Rome’s Life XD

1. Umepal lagi sa buhay nila (kapag may chance)

2. Huwag lubayan si Rome 24/7 (O __ O)

3. Kwentuhan si Joy ng mga bad things about Rome

4. Kapalan ang pays/ Sunugin ang hiya at kabaitan

5. Be a bitch – yung mild lang (o_O) baka matuluyan

6. Be a Judas friend to her (for the love of Rome)

 

“Ano naman ang pang-pito?”

Seven na nga lang ang plano kong ilista dahil wala gaano akong maisip na kasamaan para buwagin ang Rome-Joy love team kaso nahihirapan pa akong isipin ang panghuli kong kasamaang plano. Ang hirap palang maging kontrabida lalo na’t wala kang experience sa paninira ng buhay ng iba.

Inabot ko ang baso na may laman na juice sa center table sa harap ko at ininum iyun. Natutuyo na utak ko sa kakaplano ng mga evil plans. Naubos ko na lahat ng mga movie na halos episode may eksena ang kontrabida pati No Other Woman at the Legal Wife pinatulan ko na. Ang kaibihan lang talaga ay hindi naman talaga kami naging in relationship ni Rome noon.

Sinabi nga niya sa akin noon na mahal niya ako. Peru sapat na ba iyun para ipaglaban ko ang nararamdaman ko sa kanya? Naputol bigla ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang doorbell.

“Hindi pa nga pala ako nakakapag-bayad ngayong buwan. Aish, lagot na naman ako nito.” Binuksan ko na ang pinto at ganoon nalang talaga ang gulat ko. “Kai?” Anong ginagawa ni Kai sa labas ng apartment ko?

Inayos niya ang pagkakalagay ng salamin sa mata. “It’s been awhile.” Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok siya. Naupo kami sa sofa sa maliit kong sala. “Hindi mo ba ako aalukin ng maiinum?”

“Bakit nauuhaw ka?”

“Hindi naman,”

“Mabuti naman kasi hindi pa ako nakapag-grocerry.”

“I wouldn’t be shock,” napansin naman niya ang papel na sinulatan ko kanina kaya madali ko iyung kinuha. Ang magaling na kontrabida dapat magaling magtago ng kademonyohan. Naks! Kinakarer ang pagiging Julie the bitch. “Anyway, I’m here to get your payment for this month and to ask you one thing.”

Hindi pa rin nagbabago ang isang ito. Lumaking gwapo nga peru mukhang pera at Inglisero parin. Peru ‘di nga, bakit niya ako sinisingil sa bayad ko ngayong buwan?

“Bakit ako magbabayad sayo?”

“I own this apartment in this village.”

“Ikaw may ari nito? Bakit ‘di ko alam?”

“I keep my privacy.”

“Hmp, bukas nalang at ‘di pa ako nakakapag-withdraw ng pera. Ibibigay ko nalang sa Landlady.” Ang weird… bakit ‘di ko alam na siya may-ari ng apartment ko sa village na ito? Hindi man lang ako na inform.

“Let’s proceed to the question.”

“Ano ito beauty pageant? Lalo kang naging weird Kai.” I chuckled. “Level up ka na.” Peru nang makita kong seryoso siya kaya tumahimik nalang din ako. Mahirap kalabanin ang isang hari ng lion na mukhang pera kagaya ni Kai. “Sabi ko nga magtatanong ka.”

“What happened to Rome?”

“Bakit nag gyera ba ang Roma? Kumusta si Pope?”

“Rome Montague, hindi ang bansang Rome.”

“Aw, sorry naman. Bakit ano bang nangyayari kay Rome?”

“I don’t know. He seems not himself anymore. Noong nagkita-kita kami ulit masyado na siyang seryoso. Well, he still crack jokes and laugh, but suddenly his mind seems to be somewhere else. Have the two of you met?”

“Yup,” casual lang na pagkakasabi ko. Alam ko na ang pinupunto ni Kai na pagbabago. Nagbalik nga si Rome peru maraming nagbago sa kanya sa loob ng sampung taon. “Have you met his girlfriend? Ang ganda at sweet niya diba?”

Kai stared at me as if I just said something wrong. “Anong nangyari sa inyong dalawa?” Nanatili lang akong tahimik. “I know there’s something wrong between the two of you. After that sembreak Rome went to Italy and didn’t finish his high school here. Simula doon ay wala na kaming alam sa kung ano man ang nangyari sa pagitan ninyo.”

“Siguro naman may sinabi siya sayo sa mga chat at video chat ninyo.”

“I don’t believe him.”

“Kai wala kang mahihita sa akin dahil sa sampung taon na iyun ay ni minsan hindi kami nakapag-usap man lang. Kung ano man ang nangyari sa amin noon isa lang ang sigurado akong totoo at pinanghahawakan ko hanggang ngayon.”

“That he loves you?”

I nodded. “Bago siya umalis ay sinabi niyang mahal niya ako. Ngayong bumalik na siya hindi pa niya binabawi ang salita iyun kaya’t hanggang hindi niya iyun ginagawa ay patuloy parin akong aasa na mahal niya pa rin ako.”

“He doesn’t talk much about Josephine.”

“Huh?”

“I think, he still loves you.”

I smiled at him. “Sa lahat ng mga sinabi mo sa akin iyan lang ang nagustuhan ko Kai.”

“Peru huwag ka sanang umasa ng malaki at baka masaktan ka lang.”

“I hate you.”

“You always do Julie.”

7. Don’t put your hopes high… masakit :(

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro