Chapter 2
"Rome kailangan ko ba talagang gawin ito?" Hindi ko na talaga kaya ang pamba-baboy niya sa akin. Akala ko pa naman ay palalampasin niya iyung pagtulog ko sa klase peru ang loko pinairal ang pagiging disciplinarian niya sa klase. "Kung bakit kasi siya pa ang ginawang president sa klase?" I murmured. Hindi pa nakuntinto sa paging Student Council President.
"Narinig ko iyun," now he was facing me. "Hindi porket naga-gwapuhan ka sa akin ay palalampasin ko iyung ginawa mong pagtulog sa klase. Akala ko ba binasa mo ang handbook ng section ninyo?" I twitched my lips.
"Binasa ko noh! At saka hindi ako naga-gwapuhan sayo. Like duh, kamukha mo kaya si Shrek. Manalamin ka nga."
He leaned his face closer to me, "Hindi ka pa umaamin eh. Anyway," ipinasok niya bigla iyung ulo ng bunny custome sa ulo ko. "Huwag puro reklamo at gawin mo nalang ang pinag-uutos ko."
"Rome naman eh!" Tinanggal ko ulit iyung ulo ng bunny. "Papatayin mo ba ako sa kahihiyan ha? Naka bunny suit pa ako, mukha akong ewan. Maawa ka naman sa akin." Hinawakan ko pa yung braso niya. Eww naman nito. "Payag na akong tawagin mo akong Julieta huwag mo lang akong pasayawin ng Oppa Gangnam Style with this freakin outfit."
Mukha namang umeepekto. Sige lang Julie ipagpatuloy mo ang iyung pagmamakaawa face at mukhang lumalambot na ang mukha niya sa iyo. Rome tapped my head. "Oh well, fine."
Yehey! Niyakap ko siya. Syempre Judas hug. "Salamat Rome! Salamat talaga at hindi mo na ako pag-sasayawin!" Kadiri naman itong yakapan na ito. At ang loko hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa akin.
"Oo nga eh, kaya imbes na naka all bunny custome ka." Kumalas siya bigla sa pagkakayakap ko sa kanya at hinablot sa akin ang ulo ng bunny costume ko. "Magsasayaw ka ng wala itong ulo ng bunny." Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. "Isn't it a good idea?"
"Arggh! I hate you." Sinubukan kong hablutin sa kanya ang ulo ng bunny. Mas mabuti ng may takip ang mukha ko kaysa makita nilang lahat ang mukha ko. "Akin na iyan!" Peru ang loko dahil nga mas mataas siya 'di ko maabot. "Ano ba Rome! Akin na nga iyan! Hooy!"
"Awat na kasi Julieta." Habang busy na busy ako sa pag-abot sa ulo ng bunny ay nakuha pa niyang tignan ang relo niya sa bisig at nagsimulang magbilang. "5, 4, 3, 2," bigla namang tumunog ang dismissal bell. "Oops, times up." Pinihit niya ako paharap at itinulak ako mula sa likod papunta sa gitna kung saan naka-tayo ang rebulto ni Jose Rizal.
"Rome! Huwag please." Nanlalaban pa talaga ako para naman 'di ako mapunta doon sa gitna. "Sige na please. Parang awa mo naaaaa..." desperado na talaga ako. "Sige na payagan mo na akong suotin yang ulo ni bunny."
"Nope," nanlalamig na ako nang makita kong dumarami na ang tao sa paligid. "You have to learn your lesson."
"Rome!"
"Julieta huwag na kasing makulit." Ngayon na sa gitna na ako at mukhang na-curious lahat ng mga estudyante kaya pinalibutan na kami. "You know what to do."
"Ayoko!"
"Kapag 'di mo ginawa ito ipapaalam ko sa crush mong pangit na crush mo siya." Napangiwi pa iyung mukha niya. Anong pangit? Ang gwapo kaya ni Paris! "Now, do it." Pinaningkitan ko muna siya sa mata bago ko hinila ang neck tie niya sa polo.
"Pagbabayaran mo talaga ito!" I hissed.
"I'm willing to pay now, so how do you like a kiss in front of them?" He grinned. "That would be so awesome, right?"
"Gross," pinakawalan ko na siya. Tatawa-tawa na pumunta na siya doon sa kinuha niyang sound equipment at mukhang ipi-play na niya ang kanta. Great! Now, I'm doomed. Oh, how I hate my life.
"Ladies and gentlemen!" At naka-megaphone pa siya. "Presenting Julieta the bunny girl!"
I swear, kung bibigyan ako ng isang kahilingan. Hihilingin ko talagang mawala na sa buhay ko iyang si Rome Montague!
****
Papauwi na ako sa bahay. Wala na akong future. Patay na ako. Bakit ganoon? Nang dahil sa bwesit na Rome na iyun tampulan na ako ng tukso ngayon and forever! Bakit ba kasi? Sana pinalinis niya nalang ang mga banyo sa akin. Kung gusto niya pati banyo nila lilinisin ko rin. Peru ang pasayawin ako na naka bunny costume at expose ang mukha ko sa harap ng school campus ay masyadong HINDI MAKATARUNGAN! Ayoko ng mag-aral.
"Magaling ka palang sumayaw Julieta?"
"Hanggang ba sa pag-uwi ko makikisabay ka pa? Layuan mo na nga ako!"
"Hey, chill." I glared at him.
"Anong chill out? Lagyan ko ng sili iyang mukha mo eh!"
"Huwag ka ngang highblood Julieta. Ayaw mo nun sikat ka na? Malay mo ma discover ka pa sa Youtube at maging guest sa Ellen. Well, syempre ng na naka Bunny costume." At may gana pa akong tawanan ng isang ito?
"Nang-iinis ka ba ha? Gusto mo tadyakan kita diyan." Peru nginitian lang ako ng buwesit. Naasar talaga ako ng sobra. "Pwede ba Rome kahit ilang segundo man lang manahimik ka."
Bigla naman siyang tumahimik. Peru nakatingin naman siya sa relo niya. Hay salamat tumahik na din ang lalaking ito."Ting! Times up." He glanced at me and grinned.
"Diba sabi ko manahimik ka?"
"Tapos na po ang segundo mo mahal na reyna Julieta."
"Argh! Ba't ba ang kulit mo Rome? At excuse me lang hindi po Julieta ang pangalan ko. Julie po, okay?" Matutuyuan ako ng dugo sa isang ito eh.
"Alam ko po,"
"Eh bakit Julieta ka ng Julieta?"
"Wala lang," he shrugged. "Trip?" Sabay tawa. "Cute naman diba?"
"Ewan ko sayo Rome!" Na itaas ko ang dalawang kamay sa ere at nauna na sa kanya. "Nakakatuyo ka ng utak." Humabol naman si Rome at nauna pa sa akin. "Hoy bakit nasa harap kita?"
"Binibigyan lang kita ng paraan para matitigan ang napakaganda kong likod."
Ang kapal! "Ano akala mo sa sarili mo gwapo?! Manalamin ka nga, ay naku huwag nalang baka masuka ka pa sa mukha mo at ako pa ang sisihin mo." Anong gagawin ko sa likod niya.
"Julieta dapat ikaw ang magsalamin. Kasi parang napapansin kung gumaganda..."
"Ang ano?" Na minsan hindi ako maganda?
"Gumaganda ka na sa mga paningin ng mga halimaw," sabay tawa. "Princess Halimaw!"
"Kapag ako talaga makaganti sayo sisiguraduhin kong mas matindi pa sa ginawa mo sa akin. Tandaan mo darating ang araw na luluhod ang mga tala!"
"Walang himala!" Huminto siya at humarap sa akin. "Paano magkakaroon ng star kapag may araw? Tuliling ka ba?"
"Ugh! Basta I shall return."
"Bakit saan ka ba pupunta?"
"Ewan ko sayo Rome wala kang ka drama-drama sa buhay! Mauna na nga ako sayo at baka matuluyan pa akong mabaliw sayo."
"Uy mababaliw siya sa akin.Crazy in love ka pala sa akin Julieta ah?"
"In your dreams! Matulog ka muna baka doon pwede pa."
"Grabeh naman pati sa panaginip sumusunod ka." Inakbayan niya ako peru inalis ko lang ang braso niya sa balikat ko. "Hindi kaya stalker na ang drama mo Julieta?"
Huminto ako at pinameywangan siya. "Hoy matandang bata na matalino pa sa lolo kung genius na talo pa si Mr. Bean sa katuyuan ng utak at ang pinaka walang puso sa buong mundo makinig ka! Never kitang magugustuhan, as in NEVER na NEVER kahit ikaw nalang din ang matira sa mundong ito dahil naiinis ako sa mukha mo!"
"Bakit naiinis ka sa mukha ko? Ako nga ang image ng school natin eh?"
"Ewan ko sa iyo!"
Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa bahay namin. Makakahinga na rin ako mula sa walang kwentang lalaking iyun. Pumasok na ako sa bahay at naupo sa sofa.
"Naku anak I'm so proud of you." Bigla namang tumabi sa akin si Mama at yinakap ako. Nagtaka naman tuloy ako."Ano po bang ginawa ko?" Kailan pa ako na sama sa honor lists?
Sakto namang lumabas ang pinsan kong si Kuya Tobby na may hawak na tab at tawa lang ng tawa. Anyare sa isang ito? "Ang galing mo palang sumayaw Julie." Tawa na naman ulit tapos biglang sumayaw na parang naka sakay sa kabayo. Nak nang teteng! "Oppa Gangnam Style!" At isinigaw pa talaga.
Mukhang alam ko na kung ano ang ibig sabihin ni Mama. At Alam kong si Rome lang din ang nag-send ng video sa pinsan ko. Close sila eh, pati iyung pinsan ni Rome na si Kuya Marco. Hindi pa talaga siya nakuntento?!
"Julie saan ka pupunta honey?"
"Edi saan pa kundi sa damuhong Rome na iyun!"
Lumabas ako at pumunta sa malaking bahay ng Montague na kaharap lang ng bahay namin. Sa kamalas-malasan ba naman ay naging mag-kapitbahay pa kami. At malapit na kaibigan ng pamilya ko ang pamilya nila.
"Baliw kang Rome ka lumabas ka diyan kung ayaw mong sugurin kita diyan sa bahay mo! Kapag hindi ka pa lumabas diyan susunugin ko ang bahay ninyo!"
"Anak tigilan mo na ito." Awat sa akin ni Mama habang hawak-hawak ako sa braso. "I'm sure Rome didn't mean any harm."
"Pabayaan ninyo ko Ma. Tuturuan ko lang ng leksyon ang lalaking iyun." Bumukas naman ang gate ng bahay nila at lumabas na nga si Rome. "Wow! Julieta anong kailangan mo sa akin? Pasok ka muna."
"No thanks," I crossed my arms over my chest.
"Oh ano? Magtatapat ka na ba ng lihim mong pag-ibig sa akin? Ang sweet mo naman Julietako sa harap pa talaga ng pamilya natin."
"Feeling ka masyado!" Hinablot ko yung tab ni Kuya Tobby na nakasunod pala sa amin. Iniharap ko iyun sa kanya. "Hoy prinsipe ng ka hambugan bakit ipinasa mo kay Kuya Tobby ang video ko kanina?"
"You're welcome."
"Nagpasalamat ba ako? Akala ko ba matalino ka? Diba sabi ko bakit?
"Wrong Send eh," he shrugged. "Sorry," may sorry bang nakangiti? Ah walk out ako.
"Hoy akala ko ba tatapusin mo na ang away ninyo ni Rome?" Sigaw ni Kuya Tobby sa akin.
"May assignments pa pala ako next time nalang tinatamad na ako."
"Ang labo mo Julieta! May tuliling ka yata eh?"
"Che!"
"Naku Rome hayaan mo na iyang anak kong si Julie at naglalambing lang iyan sayo."
"Napapansin ko nga rin Tita eh." Gross! Ako naglalambing sa kanya? "Manigas ka! Mama pumasok na kayo." Bumalik ako doon at hinila sila Kuya Tobby at Mama. "Baka mahamugan kayo ng mga masasamang kaluluwa diyan sa labas."
"Julieta salamat sa pagbisita!" Baliw talaga. "Bisita ka ulit ha!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro