Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

"Rome date naman tayo." Hinila ako ng isang babaeng schoolmate. May ngiting inalis ko ang kamay niya. "I'm not interested." I actually tell harsh words with a smile.

"Maybe next time kapag 'di ka na busy?"

"Araw-araw akong busy kaya wala akong time." Kung sana si Julieta ang nag-aalok sa akin ng date edi sana masaya na ang lahat. Bakit ba kasi ang manhid ng babaeng iyun.

Humarang naman ang isang maliit na babae. "Kuya Rome nabasa mo na ba ang love letter na nilagay ko sa locker mo?" I smiled at her as I tapped her head.

"Hindi ko binasa kasi simula palang na-bore na ako."

"Hindi mo nabasa nang sabihin kong I love you? Nahirapan pa naman akung gawin iyun" Fine! Kawawa din naman ang isang ito. Mukhang first year pa at miiyak na ano mang oras.

"Babasahin ko mamaya pagkatapos e-susuli ko na sayo, okay na?" She cheerfully nodded. "Good, gotta go."

"Bye Kuya Rome!"

Hay naku, marami ngang nagkakagusto at naghahabol sa akin peru ang isang babae namang pinakamamahal ko hindi man lang ma gets na mahal ko siya. Ano ba namang klaseng buhay ito? Buti pa si Romeo napa-ibig agad si Juliet ako naman binigyan ng napaka-manhid na Julie. Oh I hate this life! Para kaming kabaliktaran ng Romeo and Juliet.

"Rome pare!" Nakasalubong ko si Ethan at inakbayan ako.

"Bakit? Aalis ka na ba sa planet Earth at babalik ka na sa planeta mo?"

"Ano ba naman pareng Rome highblood ka na naman," tinapik-tapik niya iyung balikat ko. "Matagal pa iyun at baka ma miss mo pa ako agad. Naks!" Inalis ko iyung kamay niya sa balikat ko at inihampas ang notebook na hawak ko sa ulo niya.

"Umayos ka kung ayaw mong ibitin kita patiwarik sa flag pole."

"Ito naman masyadong brutal," napangiwi siya. "Nga pala may sasabihin ako."

"Gusto mong akong mag-check ng buong classroom ngayon." I glared at him. "No!"

"E kasi aalis kami mamayang dismissal nila Sasha para manganvas ng mga gagamitin na costumes at props - whaaat?! Dude paano mo nalaman? Kamag-anak mo ba si Edward Lincon."

"Baka ang ibig mong sabihin si Edward Cullen?"

"Yah, right, are they siblings?"

"Bakit ba nawawala ka sa mga pinagsasabi mo Ethan? Still, hindi parin ako papayag na ako lang mag-isa ang gagawa ng duty natin. Sa laki ng school na ito hindi ko iyun magagawang mag-isa. Wait, huwag mong sabihing sasama silang lahat sa inyo ni Sasha?"

Nagkamot siya sa ulo. "Hindi naman lahat kaso sila Kai, Janna at sila B1 at B2 may lakad daw kaya hindi sila pwede. As in, important lakad daw na hindi pwedeng deadmahin."

"It's my mother's birthday today! Paano ko ito magagawang mag-isa."

"Hey, chill! Ngayon lang naman ito kaya hayaan mo na," he beamed at me. "Gwapo ka naman eh." I glared at him again.

"Aanhin ko ang kagwapohan ko kung gigisahin ako ng buhay ng mom ko kapag hindi ako umuwi ng maaga. Kaya NO, I'm not doing the whole responsibility."

"Naku patay tayo diyan! Sige ganito nalang try mo mag-isip at susundan kita."

"Good idea, wait," ano bang dapat gagaw- wait! "Sira ka ba?!" Hinimpas ko siya ulit ng notebook sa ulo. "Paano mo naman masusundan ang iniisip ko ha?!"

"Err, oo nga noh?"

"Ewan ko sayo Ethan. Umalis ka na nga lang sa harap ko at umiinit ang ulo ko sayo. Ako na ang bahala mamaya."

"Talaga? Wow! Salamat Romeey." Sukat ba namang halikan ako sa pisngi.

"What the heck Ethan! Geez, gross!"

"He-He, walang malisya iyun bro," nag-peace sign lang siya habang nakatawa sa akin. "Bye, balik na ako sa classroom."

"Get lost!" Pinahid ko yung pisngi ko."Praning talaga ang lalaking iyun! Bakit ba ako napapalibutan ng mga weird na tao? Aissh."

"ROME!"

Si Julieta! Lumingon ako at ngumiti sa kanya.

"Oh my dear Julieta na miss mo na ako kaagad?"

"Asa ka pa!"

Ikaw lang talaga ang alam kong maganda na sobrang manhid. Awts, sakit ng puso ko. Pansinin mo kaya minsan ang nararamdaman ko at nang hindi ko kinukulayan ang lahat ng pusong nakikita ko ng black and red. Kaya minsan nakaka-highblood ang ka manhidan ng babaeng ito.

"O bakit?!"

"Sungit mo ha."

Kung mabait ako sa kanya nagagalit parin siya sa akin. Kung masungit naman ako nagagalit din siya sa akin. Ano ba talagang gusto mo? Tanggalin ko itong puso ko at ibigay sayo? Huwag nalang at baka iyun lang ang ikamatay ko.

"O sige na," wala e mahal ko kasi. "Ano bang problema mo Julieta at nang masolusyonan ko na ngayon na."

"Wala akong problema."

"Reklamo?"

"Wala!"

"Utos?"

"Wala din."

"Eh ano bang kailangan mo?"

"Pwedeng umutang?"

"Pardon me?

"Uutang nga ako eh, ano ba?!" Namumula pa iyung mga pisngi eh. Wow! Grabeng baba sa pride ng isang ito. "Nakakahiya na nga itong ginagawa ko. Peru Rome...binaba ko na ang pride ko."

"Pansin ko nga,"

"Iyun naman pala eh, at saka hindi naman talaga ako lalapit sayo kung may pag-uutangan ako kaso wala eh. Sila Maria at Kim walang pera saka hindi ko naman alam na inalis na sa canteen ang utang churba nila. Naiwan ko kasi ang lunchbox ko at gutom na gutom na ako!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Pwedeng ibaba mo ng konti ang sarili mo? Leeg mo lang nakikita ko."

Natatawang sinunod ko yung sinabi niya. "Thanks," now we're face to face. "Rome parang awa mo na pakainin mo na akooo! Hindi ko na kaya ang pagrerebelde ng mga anaconda ko sa tiyan!" Gusto kong tumawa peru pinipigilan ko lang. Kinikilig ako eh. Darn, too gay.

Ito yung pinapangarap ko. Iyung hahawakan ako ni Julieta at magmamakaawa siya sa akin. Okay na rin kahit hindi siya nagmamakaawa sa pagmamahal ko. Tsansing parin ang pinaka the best!

"Rome?"

"Okay,"

"Papautangin mo ako?"

"Sure, I'm rich diba?"

"Okay," siya na mismo ang humawak sa kamay ko. Darn, tsansing is the best! Bakit ba hindi bagay sa aming lalaki ang kiligin? Men, we're humans too. "Halika na," nagpahila na rin ako sa kanya.

Kung ito lang din naman ang kapalit ng pagtsi-check sa lahat ng classrooms willing akong magpagisa kay Mama pag-uwi.

Pagdating namin sa canteen ay nakatingin ang lahat sa amin. Guys, kami na - soon. Hinatay-hintay lang. Patience is a virtue.

Pumwesto kami sa isang vacant table habang um-order na si Julieta sa counter. Pagbalik niya sobrang rami ng pagkaing binili niya. Kung sa ibang babae kaing baboy na iyun peru para sa akin maganda parin siya kahit na maging lumba-lumba siya.

"Alam mo Rome hindi ko gusto iyang titig mo sa akin."

Ang sarap mo kasing titigan habang kumakain.

"Ang dungis mo palang kumain."

"Salamat ha," tumaas lang ang isang kilay niya. "Kung wala lang akong utang sayo matagal na kitang sinipa diyan sa kinauupuan mo."

"Rome!" Darn, kailangan ba talagang istorbohin ang moment na ito ng mga kasama ko sa student council. Nakiupo ang lahat sa amin. Si Ethan ang tumawag sa akin. "Hi Julie, anyway I think you don't know them?"

Isinubo muna ni Julie ang meat balls bago nag-salita. "Kilala ko sila."

"Hi Julie," sabay-sabay na bati nila sa kanya. Yung mukha naman ni Ethan parang sinakluban ng langit at lupa. Bumati naman si Julie sa kanila. "Hello."

"H-Hindi ko maintindihan. Bakit ako hindi kilala ni Julie?" Binalingan ni Ethan si Julie. "Julie bakit hindi mo ako nakilala? Kung tutuosin ay taga section one lang naman kaming lahat."

"It's because you always dye your hair every year kaya hindi ka na niya napapansin." Napatingin ang lahat kay Kai. Ang vice president ng SC. He was not looking at us 'cause he's too busy with his laptop. "At hindi ka worth it na kilalanin."

"Tama si Kai," agree ni Julie. "Peru gusto ko yang pink hair mo ngayon."

"Ouch!" Biglang may black aura sa likod ni Ethan. Talaga namang ma-drama ang isang ito. Ang nag-iisang playboy na OA. "Stop sulking Ethan!" Saway ni Sasha sa kanya.

"Ano ka ba Rome! We are not properly introduced with your dear Julie." Janna flipped her hair and leaned on the table.

"Magpakilala ka kung gusto mo." Ang daming ek-ek ng isang ito.

"I'm Janna Villasis, the cutest creature ever alive."

"Kaiser Santillian," he don't talk much. "And I don't talk much." I told yah.

"Stella Bautista, the prettiest treasurer."

"Sasha Jimenez, best friend ng abnoy na ito." Itinuro si Ethan. "Sorry peru OA lang talaga siya sa ganyan. Peru huwag ka, nakuha niya ang Most Sensative Human Being Alive sa isang Emotional TV Show sa isang cable channel, so proud."

"I got that award twice," dagdag ni Ethan. "I'll have that award again this year, then next year, then year after next."

"Shut up Ethan! Don't spoil." Ngumiti si Sasha. "Please forget what he had said." Tell you frankly, the both of them are weird. Buti nalang at magagaling sila sa mga trabaho nila.

"Eh?" Sinaid muna ni Julieta ang juice niya. "Oh, the Sushi twins." Tukoy niya sa kambal na sila Hikaru at Kauro Sushito.

"Konichiwa!" Sabay nung dalawang kambal. "Hajimashite Julie-chan! Kami ang Sushi twins na,"

"Peace Officers na,"

"Pinagkakaguluhan ng mga,"

"Babae dahil sa,"

"Kagwapohan naming,"

"Dalawa!"

Sabihin nalang nating mahilig sila sa mga fill in the blanks at in-apply iyun sa pakikipag-usap sa totoong buhay.

"Hindi naman halatang mahangin ang utak ninyo," singit ni Julieta na ikinatawa ng lahat. "Mabuti iyan sa mga butas ang gulong. Mag-donate kayo minsan sa talyer."

"Believe me my dear Julie wala kaming hangin sa utak, diba Kaoru?"

"Tama Hikaru, wala tayo ng ganyan."

"Oh c'mon just admit it Sushi twins!" Sigaw ni Ethan.

"Okay, don't be shock but we're the most handsome guys on Earth."

"So Julie," ni Kauro. "Please date me."

I'm really going to kill these twins.

"Hikaru I'm hurt. I thought you'll gonna date me first?"

"Eww! Bromance."

"Tigilan ninyo nga na iyan Hikaru and Kauro." Saway ko sa kanila. "Nandidiri na ang mga tao dito."

"Okay," the twins shrugged. "Baka next time libre na si Julie."

"Hindi siya magiging libre pagdating sa inyo."

"Ay sus! Huwag na kasi kayong humirit mga kambal dahil si Julie ay nakalaan na kay -" tinignan ko ng masama si Janna. "Ay nakalaan na sa taong naka tadhana sa kanya. Phew! Love is like a bubble gum kapag dumikit nakakaloka."

"Korney Janna," ni Kai.

"Shut up okay! E ligo mo nalang ang kayamanan mo at nang sumaya ka."

"You just give me an idea."

"Arggh! Mukhang pera."

Kaiser has been the business minded among us. Masungit at puro pera ang iniisip. Kaya marami kaming budget sa SC dahil sa mga bigating connections niyang hindi ko naman talaga alam kong saan niya nakukuha.

Thanks guys! Thanks for ruining our moment. Sucks!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro