Chapter 1
"Oops, Julieta," I made a face. Kilalang-kilala ko na yang boses na iyan. Umagang-umaga binu-buwesit na ako. Rome Montague! My ever sworn enemy. Nilingon ko siya. "BAKIT?!"
"Pakipulot nga iyang basura sa harap mo." Tinignan ko muna kung meron talaga kasi baka maloko na naman ako ng kumag na ito. Na favorite na niyang gawin sa akin.
"Kunin mo kaya," pagtataray ko sa kanya. "Huwag ka ngang feeling hari diyan." I put my hands on my waist. "Hindi porket president ka lang naman ng student council ay may power ka ng utus-utusan ako." Tiyaka ko siya tinalikuran. Anong tingin niya sa akin chimay? Excuse me masyado akong maganda para maging maid niya.
"Sir!" Napahinto naman ako sa paglalakad. "Bakit Rome?" Teka parang pamilyar sa akin ang boses ng sir na iyan ah? Pagkatingin ko ay - takte! Si sir Arnaldo pala. Napalunok tuloy ako ng 'di oras. Takot ko lang talaga sa kanya. Asar talaga ang Rome na iyan eh!
"Itatanong ko lang po kung ano ang magiging parusa sa kung sino mang student ang hindi sumusunod sa utos ng isang CAT officer?"
"Bakit sino bang estudyante ang hindi sumunod sayo Rome?"
I need to save my life! Kailangan ko talagang pulutin iyung epal na basura. Kaya slowly but surely na binalikan ko ang basura ng patalikod.... malapit na... slowly... ayan na... got eh?
"Oh Julie anong ginagawa mo diyan?"
"Ah, eh?" Nakangiting pinulot ko iyung basura at itinaas iyun. "Kasi po pinupulot ko po itong basura na nakakalat. Alam ninyo na nakakasira sa beauty ng school." Pasimple ko namang pinandilatan ng mata si Rome. "Nature lover he-he." Patay ka sa akin mamaya.
"Very Good! Ganyan nga Julie. Keep it up"
"Of course! Malay natin maging basurera ako in the future."
"Eh?" Yikes! Ano ba itong pinagsasabi ko. Peru mukhang hindi naman iyun pinagtuonan ng pansin ni sir Arnaldo. "Teka, sinong estudyante ba iyang tinutukoy mo Rome kanina?"
Ngumiti lang ang loko, "Oh nothing sir, na itanong ko lang naman."
"Okay, pumasok na kayo sa klase ninyo"
Ang sarap talagang gilitan ng leeg ng lalaking ito! Makita mo, makakaganti din ako sayo. Hindi mo ba alam na masarap ang paghihiganti? Ha! Nauna na nga ako sa kanya. Ipinasok ko nalang yung basura sa bag ko. Eww!
"Julieta!" Bahala ka hindi talaga kita lilingunin."Ang ganda mo ngayon ah." Nilingon ko siya at tinaasan lang ng kilay. Fine, 'di ko matiis na lingunin siya.
"Inggit ka?"
"Hindi, ang totoo niyan nagtataka nga ako kung paano ka gumanda ngayon e sa pagkakaalam ko ay pangit ka naman kahapon?" Naikuyom ko ang mga kamao ko. "So what's your secret?"
"Buwesit ka!" Kinuha ko nga iyung basurang ipinasok ko sa bag ko at ibinato iyun sa kanya. "Tigilan mo ako dahil sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo! Baliw ka! Praning!"
"Ano ba talaga? Praning o baliw?"
"All of the above!" Hindi pa talaga ako nakuntinto dahil nilapitan ko pa siya at inapakan ang isang paa niya. "Ouch! Baliw ka ba?!"
I stick my tounge on him. "Serves you right! Baboosh." Saka ko siya tinalikuran leaving him in pain. Pauna lang yan dahil kapag ako nainis pa sayo ng sobra susunugin ko na ang bahay mo!
Wala sa mood na pumasok na ako sa classroom ko. Naasar talaga ako sa Rome na iyun. Simula noong magka-classmate kami noon sa kindergarten ay hindi na talaga niya ako nilulubuyan. Buti nalang at lagi siyang nasa star section kaya at least naman may peace of mind ako sa classroom.
"Buwesit!" Pabagsak kong inilapag ang mga gamit ko sa desk ko bago na upo. "May araw din talaga sa akin ang lalaking iyun."
"Uy Julie bakit na naman bagsak iyang mukha mo? Na matayan ka ba ng pusa?" Humarap sa akin si Maria na nasa harap ko nakaupo.
"Hay naku Maria siguro nag LQ na naman iyung dalawa?" Segunda naman ni Kim na nasa tabi ko naman naka upo.
"EQ kami!" FYI, never kong magugustuhan iyang hambug na feeling hari na si Rome na iyun. Kahit na siya na lang ang matirang lalaki sa mundong ito magbi-bigti nalang ako.
"Anong EQ Kim? Iyung pampers? Nasa dictionary na ba ang word na iyun?"
Si Maria ang isa mga kaibigan ko since kinder kasama ni Kim. Sabihin nalang natin na may pagka-weird yang si Maria at mahirap talagang hanapan ng explanation ang trip niya sa buhay. Kung baga masyadong praning ang imagination niya. Wala ding buhay kung mag-salita.
Si Kim naman ang hyper at super cheerful sa amin. Overdose yata sa mga vaccine noong bata kaya lumaking praning. Medyo kikay at para pang megaphone ang bibig. They always clash kasi 'di naman sila magka-wavelength ng utak dahil mas matalino nga iyang si Maria kaysa kay Kim. Well, sa aming tatlo pumangalawa lang ako kay Maria. Naks!
"Ano ka ba Maria, hindi pampers iyun. Ano iyun? Ano, new English word iyun. Hindi ko pa lang na babasa basta peru tinandaan ko naman ang website." Mahilig siyang mag-research peru 'di niya talaga nahahanapan ng tamang sagot.
"Pwede ba Maria at Kim gamitin ninyo naman iyang mga utak ninyo. Enemies Quarrel iyun, like duh? Where's your brains?"
"Hindi pala iyun pampers?" Inilabas naman ni Maria ang tab niya. "Peru meron din iyan sa dictionary diba?" Not to mention lagi pa siyang poker face kaya mahirap talagang e-distinguish kung nagjo-joke ba siya o hindi. Tumingin ulit siya sa amin ni Kim. "Na download ko na pala ang Meriam Webster Dictionary sa tab ko kaya hindi na tayo mahihirapang e search ang mga malalalim na mga salita." Napa-palm face nalang talaga ako.
Paano ko ba sasabihin sa kanya na gawa-gawa ko lang iyun?
"Maupo na kayong lahat." Sakto namang dumating na ang teacher namin kaya nag-settle na kami sa mga seats namin. "I have an announcement." Saka naman ako inatake ng antok. Hindi kasi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hinintay ko pang ma download lahat ng episodes ng Fushigi Yugi... pinag-aadikan ko ang uso noon - trip!
"May lilipat galing sa star section sa klase ninyo."
Inaantok na talaga ako. Hindi ko na nga naririnig iyung mga sinasabi ni ma'am sa amin. Nanlalabo na rin yung paningin ko. Hindi na nga nasasalo ng kamay ko ang mukha ko kaya dumadaosdus na hanggang sa siko ko. Buti nalang talaga at na sa likod ako.
"Bakit po ma'am?"
"Sino po siya ma'am?"
"Hindi po ba siya matalino?"
"Gwapo po ba ma'am?"
"Isa-isa lang pwede? The thing is may bagong student na dumating peru sa halip na dito siya sa klase ninyo ay mas gusto niyang nasa star section siya. Wala namang magawa ang principal natin dahil medyo nakakatakot iyung tatay nung bata. Kilala ninyo naman ang principal ninyo. But anway, huwag kayong mag-alala dahil friendly naman ang lilipat sa klase ninyo. Gwapo na nga, matalino pa."
"Sino po ma'am?"
"Mr. Montague pumasok ka na."
"Salamat po, hi classmates!"
"Uy si Rome! Yehey!"
"O.M.G. si Romeo."
"Huwag ka ngang tangeks Maria si Rome iyan. Patay na kaya si Romeo"
"Pwede kaya siyang bisitahin Kim?"
"Mamaya sasamahan kita esi-search ko muna kung saang cemetery para 'di tayo maligaw."
"Saan mo gustong maupo Rome?"
"Bakante po ba iyang katabi ni Julie?"
"Si Piero ang nakaupo diyan. Peru I'm sure Piero wouldn't mind. You may now take your seat Rome."
"Salamat po."
"Ma'am!"
"Bakit Ana?"
"Hindi po ba tadhana na pinaglapit sila Julie at Rome?"
Anong tadhana?! Bakit pinaglapit sila Julie at Rome? Sino si Julie? Teka diba ako si Julie? Bigla akong nagising at ganoon nalang talaga ang gulat ko nang pag-tingin ko sa kaliwa ko ay nandoon na si Rome. Anong ginagawa niya dito?
"Good morning Julieta," itinaas pa niya ang isang kamay para alisin iyung na dikit na hibla ng buhok sa pisngi ko. "Mukhang ang sarap ng tulog mo ah."
"Romeo and Juliet!" Narinig ko pang sigaw nung isa kong kaklase."Rome and Julie, diba po romantic ma'am? Montague at Capulet." Doon lang talaga ako naka-react. Kaya pinalis ko yung kamay niya.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Dito ang classroom ko bakit?"
"H-Hindi pwede! Masyado kang matalino."
He leaned closer and whisper, "Huwag mo namang ipagkalat na bobo ka talaga nakakahiya naman sa mga kaklase mo."
"Umalis ka dito!" Tumayo pa talaga ako at sinubukan siyang hilahin pa tayo. "Hindi ka taga-section two."
"Taga-section two ako." Pinalis niya iyung mga kamay ko at inisang hila ako paupo ulit sa upuan ko gamit ng isang kamay. Naiinis ako kasi ang lakas niya. "Now behave and be a good student at magsisimula na tayo sa klase."
"Ms. Capulet may problema ba kayo ni Mr. Montague?" Pagtingin ko naman sa harap ay muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko. Kanina pa ba sila nakatingin sa amin? "Bakit parang wala ka namang kaalam-alam sa nangyari kanina? Nakikinig ka ba sa akin kanina Julie?"
"Eh? A-Ano kasi ma'am -"
"Natutulog po kasi siya ma'am."
Pagtingin ko sa kanya ay kinindatan niya pa ako. Tumataas na naman ang presyon ko sa lalaking ito. Umiinit na bumbunan ko! Bwesit ka Rome! Kailangan talagang e-share sa lahat ang mahimbing kong pagnanakaw ng tulog.
"Julie?!" Tumaas tuloy ang kilay ni ma'am. Napayuko lang tuloy ako. "Sorry po ma'am."
"Huwag ninyo na po siyang pagalitan ma'am." Manahimik ka diyan Rome ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako napapagalitan. "Alam ko namang ako ang nasa panaginip niya." Marahas na napatingin ako sa kanya. Anong sinabi niya?!
"Ayee! Ang sweet naman talaga ni Julie."
"I know," naninigkit na talaga ang mata ko sa kanya. "I'm very flattered, thanks Julieta for always dreaming of me."
"SABING HINDI JULIETA ANG PANGALAN KO EH!"
"Ayee! The more you hate, the more you love daw. Guys, pansin ninyo si Rome lang ang laging tumatawag kay Julie ng Julieta? Isn't it too sweet?!"
"There's something talaga sa kanila. I'm super kilig."
"Stop it now class," sinaway na sila ni ma'am. "Hayaan nyo na sila Romeo and Juliet - este sila Rome and Julie." What? Pati ba kayo ma'am? "Open your books na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro