Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 20


[JV's POV]

Sinundo ulit ako ni Clement para sabay kaming pumasok sa paaralan. Tagilid akong nakaupo at nakaharap sa kaniya. Pansin ko ang pagiging masaya ni Clement habang nagmamaneho, nakahawak ang isa niyang kamay sa aking kamay na siya ko namang pinipisil kanina pa, at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa manibela.

Napakunot ang aking noo ng tumaas ang sulok ng kaniyang bibig. "Babe, baka matunaw ako kakatitig mo?" Napairap nalang ako sa kawalan.

"Edi matunaw ka." masungit kong sagot.

Tumawa siya ng marahan ngunit mabilis rin itong nawala, bumuntong hininga siya na parang may gustong sabihin.

"Sooo babe..." paninimula niya. Hindi ako sumagot at hinintay ang susunod niya pang sasabihin.

"Kumusta na si Kuya Zed? Kinausap mo na ba siya?" Tinigil ko ang pagpisil sa kamay niya.

Actually hindi ko pa siya nakakausap pagkatapos ng mangyari kagabi. Naging tahimik na siya pagkatapos non, kahit pa noong pauwi kami ay hindi niya ako kinibo. Kaninang umaga naman ay hindi rin siya sumabay sa hapagkainan, malamang sa malamang inis pa rin yun sa ginawa kong hindi pagsabi sa kaniya or baka kung may ano na siyang ginagawa para pagdusahan ni Jaylor ang mga nagawa niya.

Pinisil ni Clement ang aking kamay na siyang nagpabalik sa aking wisyu.

"They said, "Silence means yes" but I think that's not applicable for your answer, right?" tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako at pumikit. "And now it is."

Akala ko ay katahimikan nalang ang mamagitan sa aming dalawa.

"Babe..." tawag niya.

"Hmm?" malambing kong tugon. Iminulat ko ang aking mata at tinignan siya.

"Would you still gonna write some notes for me?"

"No." diretso kong sagot.

"Pretty please..." Sumilyap siya sa akin ng saglitan at nagpout. Napasimangot ako.

"Bakit ba kasi sa dinami-rami ng hihingiin mo nong birthday mo ay yan pa ang naisipan mo ha?"

His lips pressed against each other. Di siya kaagad sumagot.

Pinisil ko ang kamay niya ng mas malakas. "Sasabihin mo o sasabihin mo?" pagbabanta ko sa kaniya.

Nagsalubong ang kaniyang kilay at tumingin sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Umirap siya bago ibalik ang kaniyang tingin sa daan.

"Well....naiingit ako kay Jaylor." mabilis at mahina niyang sabi. Napasimangot ako, bat siya maiingit kay Jaylor? At ano namang conncetion ng notes kay Jaylor?

"Hindi ko naman sinusulatan ng notes si Jaylor, bat ka maiingit sa kaniya?"

Bumuntong hininga siya, parang ayaw niyang sabihin kaya pinisil ko ulit ang kamay niya.

"Hindi mo siya sinusulatan ng notes pero sinusulatan mo siya ng love letters, okay?" masungit niyang sabi.

Tumaas ang isang kilay ko. "Sooo?"

"See babe that's the thing. Naiingit ako na may natatanggap siyang sulat sayo." masungit niyang sagot...ulit.

"Hindi naman ako pwedeng humingi ng love letters sayo, right? So notes it was that I asked. Okay?" Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya. "I want to see how you write and know the feeling if I received some letters from you, but notes will do." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero sapat na iyon para aking marinig. Napangiti ako at nagpigil ng tawa dahil sa nalaman ko, isama mo na rin ang iritado niyang itsura.

"You're asking me to write some love letters to you....indirectly" komento ko. Hindi siya sumagot. Doon na ako napahagalpak ng tawa.

"Kung naiingit ka edi nagseselos ka rin kay Jaylor nong kami?" pang-aasar ko. Hindi siya sumagot at mas lalong nainis ang itsura niya.

"Awee, you're so cute, my love!" Pinisil ko ang pisngi niya dahil sa gigil. Nawala ang kaniyang pagkasungit at napalitan ito ng ngisi.

"My love?" Saglitan niyang kinagat ang kaniyang labi para pigilan ang kaniyang tawa. "What did you call me again?" At siya na ang nang-aasar ngayon. "Repeat it, my love." Nakakainis.


Hindi rin ganon katagal at nakarating na rin kami sa school. Pinagbuksan ako ni Clement ng pinto, as always, at sabay kaming pumasok sa building.

"Babe...I mean my love malapit na ang classroom ko, wala ka man lang bang pabaon kahit isang..." Sinulyapan ko siya at tinaasan ng kilay. Ngumuso ang loko.

"Wala." Inirapan ko siya at tumingin ulit sa dinaraanan. Bigla kong naramdaman ang init ng palad niya sa likuran ko malapit sa aking baywang. Agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya at pinandilatan.

"Sabi ko walang PDA." Nag-peace sign siya at nagpigil ng tawa. Aba natatawa pa talaga siya ha.

Huminto kami bago madaanan ang pintuan ng classroom nila. Humarap siya sa akin at mukhang nagpapabebe. Tumikhim ako para pigilan ang aking pagngiti, para kasing siyang shunga sa ginagawa niya.

"Pumasok ka na po.." Tinignan niya lang ako ng diretso sa aking mga mata, nawala ang pagpaout niya at biglang bumaba ang tingin niya papunta sa...

Napatikhim ako ulit dahil sa ginawa niya, biglang nag-init ang tenga ko. Muling bumalik ang tingin niya sa mga mata ko. "Pasok na Clement kung ayaw mong sipain kita papasok." Pinilit kong maging masungit.

Nagkaroon ng mapilyong mga ngiti sa kaniyang labi at muling bumaba ang kaniyang tingin. "Okay fine..." Bumalik ang pagtingin niya sa aking mga mata. "My love."

Pinisil niya ng saglitan ang aking braso at kumindat bago tumalikod. Papasok na siya sa pintuan pero tumingin ulit siya sa akin.

"Love, baon mo..." Napakunot ako dahil sa sinabi niya. Inilapit niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig at hinalikan ito sabay baba nito at inihipan. Ako naman tong isa na nakisakay sa trip niya ay pakunwari ring hinuli ang inihipan niya. Kumaway pa siya bago tuluyang pumasok sa kanilang classroom. Omaygahd. Napatawa ako ng marahan. Napabuntong hininga nalang ako at itinapat sa aking puso ang kamay na siyang pinanghuli ko sa flying kiss na pinakawalan ni Clement.



[Zed's POV] The hampaslupang kuya of JV

Nakaharap ako sa salamin habang inaayos ang aking necktie. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito.

"Come in," walang gana kong sabi.

Pagkabukas ng pinto ay pumasok si Tatay. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin ulit sa salamin.

"You can't do this without my permission," seryoso niyang sabi. "Why do you even have to do this? What happened that made you come up with this kind of decision?" nag-aalalang tanong niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking balikat.

Nakita ko mula sa salamin ang pagkairita ng kaniyang itsura. Hindi ko pa sinabi ang nalaman ko sa kaarawan ng aking kapatid. Inalis niya ang kaniyang kamay sa aking balikat. Itinigil ko rin ang pag-aayos ng aking necktie at humarap sa kaniya.

"Tatay, you once told me that a business partnership should have a good relationship, you also need to trust your partner, right? Well now, the relationship between me and my sister to Jaylor is not good. And by that it affects my decisions for continuing our partnership with theirs. I don't want them to have connection with ours. I'm part of this business and I'm also the one who insisted to you to have partnership with them. Now I'm ending it."

"You didn't answer my question, son." seryoso niyang sabi.

"I don't like liars." matipid kong sagot.

"What exactly happened?" Mukhang di matinag si Tatay sa tanong niya. Gusto niya ata talagang malaman.

"Jaylor is the reason for all of this. He hurt my sister, very much. After all I did, we did...to their family? After all the good things...we did---"

"Still, you're not answering my question. What exactly happened?"

"Ugh." Napahilamos nalang ang kamay ko sa aking mukha. Naglakad ako papunta sa aking kama at umupo.

"Jaylor and my ugly sister have this, you know. Then this guy hurt her, he cheated and made my sister looked stupid, and just when I heard from Timothy what really happened when she broke her ankle and stop playing badminton." Ramdam ko ang galit sa puso ko sa tuwing maaalala ko ang sinabi ni Timothy patungkol sa babaeng nagtulak sa kapatid ko sa hagdan.

"So hindi aksidente ang nangyari sa kapatid mo sa hagdan?" inis na tanong ni Tatay. Tinignan ko lang siya at hindi na sumagot pa.

"And Jaylor was there?" Hindi ko ulit siya sinagot at tinitigan lang ang galit niyang pagmumukha.

"Yah, you better get going." maawtoridad niyang sabi. "I'll come." pahabol niya.

"Okay." Lalabas na sana siya sa aking pintuan ng may pahabol ulit siyang salita. "You'll tell me every single thing you know."

"Okay." I'm sorry ugly sister but Tatay needs to know everything, this is the only way he will totally agree with me to be done with their family.



[JV's POV]

Nakaampat lang ako sa lamesa habang hinihintay ang pagdating ni Ma'am Bangs para sa una naming klase sa umaga.

"What's with the smile?" Nilingon ko si Timothy na kakaupo lang sa kaniyang upuan. Nakakunot ang noo nito habang inaayos ang kaniyang bag.

"Wala. Bakit close ba tayo?" pagsusungit ko sa kaniya. Hindi siya sumagot pero inirapan niya ako.

"Well, masaya lang naman ako." Oh yan sinagot ko na dahil mukhang ewan itong katabi ko. "Ikaw, ba't ka nakasimangot?"

"Kelan ba ako hindi sumimangot?" Tinaasan niya ako ng kilay at isinaksak ang dalawang earphones sa magkabilang tenga niya. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Anyari sayo?" pagtatanong ko. Tinignan niya lang ako ng walang ekspresyon.

"Wala kang baon na barnuts?" Pag-iiba ko ng topic. Inalis niya ang isang earphones niya at tumingin sa akin.

"Wala. Ubos na, at hindi na kita bibigyan kahit kalian, 'kay? Kaya manahimik ka na riyan. Wala akong ganang kausapin ka." Isinaksak niya pabalik sa kaniyang tenga ang isang pares ng earphones. Naalis ang pagkakaampat ko at pinamasdan ko lang siyang yumuko sa aming lamesa. Ouch naman Timothy! Grabe ka sa'kin ha!?

Magmula nong last na practice namin ng waltz naging mailap na siya sa akin. Pati nong birthday ko hindi niya rin ako masyadong kinausap. May nagawa ba akong kasalanan kay Timothy? Hay nako bahala na nga siya riyan.

Napabuntong hininga nalang ako at nagkibit balikat. Kinuha ko ang aking bag at hinanap ang aking ballpen at sticky note, naalala ko kasi ang pagpaparinig ni Clement kanina.

Ano naman kaya ang sasabihin ko kay Clement? Hindi kasi ako nakakapag-isip ng maayos kapag mismong hinihiling ng tao ang gusto nilang ipagawa sa akin. Para kasi akong naprepressure or iniisip ko na baka hindi nila magustuhan ang gagawin ko. Sana kasi hindi nalang nagparinig si Clement kanina, gagawin ko naman 'yun eh kahit na hindi niya na sabihin.

"Nag-away ba kayo ng bebe mo? Ba't ganyan ang itsura mo?" Napasinghap ako dahil sa pagsasalita ni Heihei, hindi ko na namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko at kumuha ng upuan para makikiusyuso sa aking ginagawa.

"Hindi kami nag-away, pero ito kasi, ano ba ang pwede kong isulat dito?" Itinuro ko ang sticky pad na nasa aking lamesa.

"Para saan ba?" bulong niya.

"Gusto ko kasing bigyan ng note si Clement," nahihiya kong sagot. Ngumiti na naman ng nakakaasar si Heihei.

"Isulat mo ang gusto mong sabihin." Tsaka nagtaas baba ang kaniyang kilay.

"Wala nga akong maisip." Napahawak ako sa aking ulo.

"Speaking of note, kilala mo na ba ang naglalagay non sa locker mo? Si Clement rin ba ang naglalagay non?" excited niyang tanong. Dahan-dahan naman akong tumango at sunod-sunod na hampas ang natanggap ko sa kaniya.

"Huy babae mamaya ka na nga kiligin, tulungan mo muna ako rito," frustrated kong sabi.

"Okay, okay." Huminga siya ng malalaim at inayos ang kaniyang uniform.

Tumahimik siya at ngumiwi na parang nag-iisip. "Ah!" Isang hampas na naman ang natanggap ko sa kaniya dahil mukhang may naisip na siyang pakulo.

"Wag mo nalang muna siyang bigyan ng note kasi ginagawa niya na yan sa'yo, atsaka yun ang inaasahan niya, so parang hindi siya masu-surprise, right? Kaya iba nalang." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, well tama naman siya. "What if ang ibigay mo nalang muna sa kaniya ay pagkain?" Nanlaki ang mata ko at napakurap-kurap sa kaniyang harapan.

"Pagkain? Like I'm gonna cook for him?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. Sunod-sunod na tango ang sinagot niya sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Heihei alam mo namang wala akong talent diyan diba?"

"Pag-aralan mo, mapaturo ka! Dali na! Arte-arte nito! Atsaka para naman sa kaniya...ayieeee!" Isang sundot sa aking tagiliran ang ginawa niya. Nakakainis talaga ang babaeng 'to.

"Sige na nga, pero kanino ako magpapaturo, sayo?"

"Ba't pa sa akin kung pwede naman sa kuya mo?" Napahinto ako.



[Zed's POV]

Pinagbuksan kami ng guard ng pinto sa restaurant, binati niya kami ni Tatay pero wala akong ganang sumagot kaya tinanguan ko nalang siya. Walang katao-tao sa loob ng resto maliban sa mga stuffs dahil pinaprivate ko ito. Bumuntong hininga ako ng makita ko sa gitnang bahagi ang pamilya nila Jaylor na nakaupo sa isang round table. Naka-company attire silang magpamilya at pinipilit nilang maging maayos tignan dahil sa mangyayari ngayon.

Ng makalapit na kami sa kanila ay tumayo sila para makipagkamayan sa amin. Ibinaba ko na muna ang dalawang folder kung saan nakapaloob ang mga contratang pipirmahan namin mamaya.

"Let's get to business." seryoso kong sabi. Umupo na rin ako at maging si Tatay sa harap nila.

"So sa tingin ko naman ay handa na kayo sa pagtatapos ng partnership niyo sa amin?" Pinilit ngumiti ni Mr. Castro sa amin, pero hindi ko siya nginitian. Katabi niya ang bastardo niyang anak at sa kabila naman ay ang kaniyang asawa na si Mrs. Castro at katabi naman nito si Lexy. Pinatawag ko na pati si Jaylor at Lexy para makita nila ang resulta ng ginawang kabulastugan ni Jaylor.

"Ano ba ang naging problema at parang biglaan naman ata ang pagdedesisyon ninyo?" malumanay na tanong ni Mrs. Castro. Mukhang hindi alam ng mga magulang nila Jaylor ang ginawa niyang kalokohan sa aking kapatid. Marapat nalang na itikom ko ang aking bibig sa bagay na iyon, ayoko namang sa akin pa nila malaman.

Tinignan ko si Jaylor na nakatitig lang sa akin, ibinalik ko ang tingin kay Mr. Castro. "Well, alam naman natin Mr. Castro na matagal ng nalulugi ang kompanya ninyo, no offense pero kung 'di dahil sa partnership na meron kayo sa amin ay matagal na sana itong bumagsak." Bumuntong hininga ako bago ko ipakita ang mga papeles na kung saan ay naroon lahat ng record ng performance ng kompanya nila.

"Sa ating partnership, ang side niyo lang ang nakakakuha ng benefit. Paano naman ang sa amin? We don't wanna do this, but the financial of our business also needs to be protected and I don't want that our money will come to waste...soon."

"Baka pwede pa naman natin tong pag-usapan?" Nakangiti lang si Mr. Castro pero batid ko ang pagmamakaawa niya.

"Actually we're talking, right? Still my decision cannot be changed."

"Kailangan pa namin ng panahon para mabawi namin ang perang nawala sa kompanya namin at para makabangon." Ngayon ay si Mrs. Castro na ang nagsalita.

"Pare...bakit naman ganito?" Tumingin si Mr. Castro kay Tatay.

"I'm sorry Mr. Castro but let's keep this meeting professional." maawtoridad na sagot ni Tatay.

"Is this really professional?" sarkastikong tanong ni Jaylor. Pinaghugpo ko ang aking kamay dahil baka kumuyom ito at masuntok ko ulit ang pagmumukha niya.

"Yes, Jaylor. Are you implying something?" seryoso kong tanong sa kaniya.

"You don't have to do this." Napatingin kay Jaylor ang mga magulang niya.

"Hijo, what is it?" pagtataka ni Mrs. Castro.

Huminga lang ako ng malalim at hinintay ang susunod niyang sagot, pero tumahimik lang siya.

Tumikhim ako ng balutin na kami ng katahimikan. "So..I think I still have reason for our partnership to be cut." Bumalik ang tingin sa akin ni Mr. Castro.

"Malaki na ang naging utang niyo sa aming kompanya dahil sa pagtulong namin sa kompanya ninyo na makabangon ito. And I can't take the risk..." Saglit kong sinulyapan si Jaylor. "to trust you to give our money back."

"We just need some time.." pagmamakaawa ni Mrs. Castro. Pansin kong nakayuko lang si Lexy at hindi nagsasalita, mukhang ayaw niya ng dumagdag.

"I'm sorry but I think five years is enough." sabi ni Tatay.

Tinignan ko ulit ang mag-asawa. "Since you still have your hacienda at San Fernando, that will serves as your payment for everything. 'Coz I think it can compensate a big portion of your liability with us even though that hacienda is not enough."

"Pero yun nalang ang natitirang pamana sa amin ni Lolo," pagproprotesta ni Jaylor.

I don't care.

"Bibigyan ko kayo ng isang linggo para maghanap ng perang ipambabayad na kasing halaga ng hacienda niyo para sa mga utang ninyo sa amin. Kung hindi, hacienda niyo ang kapalit," walang emosyon kong sabi sa kanila.

Wala silang imik na nakatingin sa amin ni Tatay.

"I bet you're convinced with our reasons to make this partnership, destroy. Now, let's sign this contract." Binuksan ko ang dalawang folder at ipinaharap sa kanila ang isa at sa akin naman ang isa. Pumirma na ako at pumirma na rin si Tatay.

"Please.." pagmamakaawa ni Mr. Castro, "not the hacienda."

"Kung hindi ang hacienda, ano?" Hindi siya nakasagot sa aking tanong. Paano siya makakapagbigay ng iba kung 'yan nalang natitira nilang pagmamay-ari na kayang makapagbigay ng malaking halaga?

"That's our collateral, can't remember?" seryoso kong tanong. Huminga ng malalim si Mr. Castro at yumuko. Kinuha niya ang kaniyang ballpen sa kaniyang tuxedo at pumira, maging si Mrs. Castro ay pumirma na rin. Pinagpalit ko ang dalawang folder at muli kaming pumirma at maging sila.

Pagkatapos ng pirmahan ay isinarado ko na ang folder at tumayo na kaagad, hindi ko na masikmura na makaharap ang bastardong anak niya.

"Thank you for your time." sabi ko. Muli kaming nagkamayan.

That's what you get, for now.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro