President's Desk {One Shot}
President's Desk {One Shot} by Greyyy
"Akala ko ba matapang ka? Bat 'di mo subukan sa'ken?"
Date Started & Finished: August 31, 2013 - 9:41 PM
_______________________________________________________
"Wena, date tayo."
Sinamaan niya lang ako ng tingin atyaka niya ulit sinabi 'yung sinabi niya sa'kin kanina.
"President." Matipid niyang sagot.
Gusto niya kasing tawagin ko siyang President. Eh ayoko nga eh! Gusto ko Wena! Lahat na lang sila tawag sa kanya President! Ano nang kaibahan ko sa kanila? Gusto kong maging special para sa kanya! Kahit sa pagtawag man lang!
"Bat ba?! Wena nga gusto ko!" Pagpupumilit ko.
"Para kang bata. Lumayas ka na nga sa harap ko." Sabay irap nito sa'kin at balik sa pagsusulat ng kung ano-anong report.
Hirap talaga kapag masungit 'yung nililigawan mo. Kapag sobrang busy. Kapag sobrang seryoso. Kapag sobrang lamig ng pakikitungo sa'yo. Lalo na kapag Presidente ng buong Student Council--ang pinakamalaking org sa school.
"Sagutin mo muna ako! Wena~ date tayoooooo~" Pangungulit ko sa kanya.
"Ayoko." Aray. "Nasagot ko na. Kaya umalis ka na."
Alam ko namang 'yan isasagot niya eh. Kelan ba niya ipagpapalit 'yang mga trabaho niya para sa'kin? Para namang mamahalin siya ng mga 'yan. Wala nang makakatalo sa pagmamahal ko para kay Wena 'no! Wala na!
"Pasalamat ka talaga maganda ka kahit nagsusungit ka. Kung hindi matagal na kitang nilayasan." Pahayag ko.
"Sana nga pangit na lang ako kapag nagsusungit. Para palagi kang wala sa harapan ko." Pagsusungit pa rin niya.
Tignan mo 'to. Pinapaalis niya ako 'di ba? Busy siya. Tambak siya sa paper works. Pero may gana pa rin siyang makipagsabatan sa'kin. Kaya ito 'yung gusto ko sa kanya eh. Ito 'yung natatanging pag-asang natitira sa'kin.
Wena <3 <3 <3
Okay. Medyo bakla 'yung mga heart 'dun sa tabi ng pangalan ni Wena. Pero paki mo? Mahal ko nga eh. Tagal ko na kayang sinusuyo 'yan. Pero wala eh, pusong bato pa rin. Ano bang dapat gawin sa gantong babae?
Hindi naman ganyan si Wena dati eh. Kapag kinakausap 'yan, panay ang ngiti. Palabati pa 'yan sa mga tao. Pero wala eh. Tinamaan ng lintek at sa maling tao pa nainlab. Tangina lang. Nagkaboyfriend kasi 'yan, kaso ginago siya kaya ang resulta? Nagka-phobia sa love ang kawawang Wena ko.
Kung bakit kasi hindi ako 'yung sinagot niya dati 'di ba? Tignan mo, iniwan na nga siya nung boyfriend niyang sira-ulo, andito pa rin ako. Puta naman! Saan ka pa ba makakakita ng gantong lalake?!
Kaya Wena naman! Pagisipan mo! Ginto 'tong pinapakawalan mo!
"Ayaw mo na ba talagang subukan, Wena?" Out of the blue kong tanong sa kanya.
Bigla naman siyang napatigil sa pagsusulat. Nilapag niya 'yung ballpen niya tyaka siya napatingin sa'kin. Ganda talaga nito eh. Kung hindi lang talaga nanlilisik 'yung mga mata pagdating sa'kin.
"Subukan ang alin?" Naiirita niyang tanong sa'kin.
"Magmahal." Sagot ko.
Awtomatik naman siyang napairap nang dahil sa sinabi ko. Wala eh. Bitter talaga 'tong Wena na 'to. Bat kasi ayaw niya 'kong tikman para naman maalis 'yang pagkabitter niya?! Sweet kaya ako -_____-
"Ayoko." Tipid talagang sumagot nito!
"Ang duwag mo, Wena." Mas lalong nanlisik ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin, "Akala ko ba matapang ka? Bat 'di mo subukan sa'ken? Bat 'di mo 'ko subukan?"
"Para saktan mo rin ako?" Walang kaemo-emosyon niyang sagot sa akin, "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong tigilan mo na 'ko?"
Natawa na lamang ako, "Kung gaano katigas ang puso mo, ganun din katigas ang ulo ko."
Ayaw ko sanang sabihin 'yung totoo na matigas ang puso niya pero 'yun naman talaga 'yung totoo. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit may mga taong katulad niya eh. Kapag nasasaktan nagkukulong sa sarili nilang mga mundo. Tumitigas ang puso. Nabibitter.
Hindi ba dapat kapag nasaktan ka, magmove on? Tapos ipakita mo run sa kung sinong gagong nanakit sa'yo na matatag ka't walang kaso 'yung ginawa niya sa'yo? Pagsisihin mo siya na sinaktan ka niya?
Di ba dapat ganon?
Anong nangyari kay Wena? Pag minsan nga gusto ko na ang iuntog utak niyan eh. Kahit sobra-sobra ko 'yang mahal, tangina! Ayaw makinig niyan sa kahit kanino eh. Sobra niyang kinukulong sarili niya. Pinapahirapan niya lang sarili niya eh. Mas lalo tuloy akong naaawa. Mas lalo ko tuloy siyang gustong tulungan. Mas lalo ko tuloy gustong iparamdam na mahal na mahal ko siya.
"Subukan mo lang ulit." Sambit ko, "Baka malay mo. Bukas o sa makalawa mamatay ako. Tas wala nang ibang manligaw sa'yo kasi sobrang sungit mo."
Hindi na siya umimik at nagpatuloy na sa pagsusulat. Hindi na rin niya ako kinibo. Kaya iniwan ko na lang siya run sa opisina niya.
Bahala siya dyan. Pag ako nagsawa ewan ko na lang.
Pero asa naman kayong magsasawa ako. Masyado ko atang mahal si Wena para na lang sumuko.
{Next Day}
Sama ng pakiramdam ko. Nagpaulan kasi ako kahapon. Nakalimutan ko kasi payong ko sa locker kaya sumugod ako sa ulan para lang makauwi. Ito tuloy ako, sinisipon, inuubo at medyo nilalagnat pa. Kaso hindi ako pwedeng mag-absent.
Di ko ata kayang hindi makita si Wena kahit isang araw lang!
Pinilit kong pumasok. Pero antok na antok naman ako. Kaya hindi ko lang din siya makulit ngayon. Masama talaga pakiramdam ko at wala ako sa mood gumawa ng kahit ano. Kung wala lang talaga rito si Wena, umabsent na ako eh. Haaay...
"Hoy." Wena?
Kahit na sobrang sakit na ng ulo ko, pinilit ko 'yung buhatin para lang makaharap si Wena. Pinilit ko ring ngumiti.
Nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha habang hinihintay siyang magsalita. Ano kayang sasabihin nito sa'kin? Sasagutin na ba niya 'ko? Siguro 'pag nangyari 'yun pwede na akong mamatay.
"Anong meron sa'yo?" Tanong nito sa'kin. Concern ba siya?
Gustong-gusto kong ngumiti at asarin siya pero hindi ko talaga magawa. Medyo napipikit na nga 'yung mga mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko eh. Gusto ko ringmagsalita pero wala. Hindi ko na talaga kaya.
"Mamansin ka naman!" Bulalas nito.
Gusto akong makausap ni Wena? Bago 'to ah. Feeling ko talaga sasagutin na niya ako. Hehehe.
"W-Wena..." Mahina kong sabi.
"Hoy Kellin! Ano ba?!" Magagalit na 'to sa'kin.
Ginamit ko ang natitira kong lakas para higitin ang kamay niya at ipatong 'yun sa noo ko. Maramdaman niya sanang nag-aapoy ako sa lagnat. Magpakita naman sana siya ng konting awa't pagmamahal!
"Kellin, nilalagnat ka!" Sigaw nito.
Malakas si Wena kaya naitayo niya ako sa kinauupuan ko. Kilala ko si Wena, kahit hirap na 'yan, hindi 'yan hihingi ng tulong. Abot langit ang taas ng pride niya. Kaya kahit pinagtitinginan na siya ng mga kaklase namin, dedma lang siya. Ibang klase talaga.
"Wena..." Tawag ko sa kanya.
Napayakap ako sa kanya. Kahit sa harap pa 'yan ng klase wala akong paki. Kahit sa harap pa 'yan ng mga teachers, mas wala akong paki. Ito na siguro ang huli kong lakas tas malow-lowbat na 'ko.
BInulungan ko siya, "Magiging matapang ka na ba sa'ken?"
"Magpagaling ka muna, tanga." Bulong din nito sa'kin.
Napangiti ako.
Pagkatapos 'non, bigla na lang nawalan ng ilaw ang buong paligid. Nawalan na 'ko ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro