
Chapter 5 : She Who Can See the Seer
CHAPTER 5
NIANA'S POV
"AFTER YEARS of developing A.I., we finally did it!" masiglang sambit ni Dave. Nakataas sa ere ang parehong kamay niya dahil sa sobrang tuwa. Meron pa siyang hawak na tool. Nakita kong ginamit niya 'yong hawak niya para sikipan ang pagkakasara ng main switch cabinet ni Sophia. Which is located sa metal part ng ulo nito.
Kung may hindi nagbago kay Sophia throughout the years, 'yon ay ang metal na nasa ulo niya. Gano'n pa rin 'yon at mukhang wala na silang balak pang tanggalin o baguhin man lang.
Masayang-masaya si Dave at bakas ito sa mukha niya. Pati 'yong mga kasama niya sa loob ng laboratory hindi mapigilang maghiyawan at magyakapan. Sino bang hindi matutuwa kapag nakumpleto mo na ang proyektong pinaglaanan mo nang ilang taon makumpleto at matapos mo lang.
"So Dave, what are we going to do next?" tanong ng isa sa mga kasama ni Dave na may katandaan na. Naka-lab gown din ito at may makapal na bilog na salamin.
Napahawak si Dave sa kaniyang baba na parang nagiisip. Hanggang sa ngumiti ito.
"Sophia is complete but not yet perfect. We're aiming for perfection," ani Dave.
"What do you mean? What more we could possibly do to her," tanong naman ng babaeng scientist na nakita ko kanina na nagmamadali papasok sa silid na 'to.. Kumpara sa lalaki kanina na may salamin, mas bata ito siguro nang ilang taon. Kulot ang brown nitong buhok, at mahahaba ang pilik mata niya. Bakas sa postura niya ang talino at credentials niya.
"We're going to make sure that Sophia will live like a human. Everyone shouldn't see her as a robot. Now, we'll go on a trip. She needs to know all the places in the country, or on the Earth. She needs to see it by herself, and go along with human's daily routines. That way, she'll be perfect not only as a programmed robot, but as an experienced technology." Dave smiled as if it's the most brilliant idea he proposed in his life.
Napatingin ako kay Sophia. Nanatiling naka-shutdown ang system niya kaya bahagyang nakayuko ang ulo nito habang naka-upo sa isang higaan. Nakapikit din ang mga mata nito.
Napaisip tuloy ako kung regularly ba siya pinapalitan ng baterya o china-charge siya. Kung robot siya at gawa lang ng tao, for sure there's a means for her to be recharged. Hindi naman siguro siya na-develop na matulog gaya ng mga tao para mag-recharge 'di ba?
"Sooner or later, Sophia will be useful to humankind. I promise, she will," rinig kong bulong sa hangin ni Dave bago nagpatuloy sa pagliligpit ng mga gamit. Unti-unti na ring nawawala ang mga scientist na kasama niya sa loob ng silid.
After Dave's last words, everything went black.
I feel the sudden dizziness again pero hindi na ito masakit. Tingin ko babalik na ako sa room. Fudge, sana nga. Salamat naman kung gano'n. Masiyado na akong na-entertain sa development ni Sophia. Pero saang year kaya ako napunta? Anong year natapos si Sophia?
Sa gitna ng dilim, lumabas ang mga numero't letra na akala ko ay hindi ko na makikita. Mabilis sila't nagbabago-bago kaya hindi ko nababasa ang mga ito.
Umiikot sila sa ere, sobrang bilis at nakakasilaw ang ilaw na nagmumula sa mga ito. Parang hinahagis sila sa kung saan-saan. Ang mga letra at numero ay nagsimula sa one BCE hanggang sa pumasok na sa two thousand hanggang sa huminto ito sa twenty nineteen. I don't know kung para saan 'yon, ang alam ko lang, kinakabahan ako at mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ko alam kung anong nangyari.
Kung babalik na ako sa klase namin, dapat ngayon na 'yon.
Year 2019. The present year.
Ito ang huling sulat sa gitna ng dilim bago ito tangayin sa kawalan na para bang buhangin.
Matapos 'yon, nakakita ako ng isang kulay pulang button sa gitna ng dilim. Ito lang ang nakikita ko bukod sa mga wires na nakapaligid sa pindutan. Hindi ko alam kung para saan 'yon, pero parang inaakit ako nito. It's tempting me to come closer.
Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na lumapit sa pulang button at pindutin 'yon. Sino ba namang tanga ang hindi nakaka-alam kung para saan ang kulay red? It means caution. It means do not touch or die.
"Fudge, fudge, fudge. Kailan ba ako makakabalik sa lugar ko? At anong 2019 present year? Nasa future na ba ako?" pabulong na tanong ko sa sarili ko bago sunud-sunod na nagpakawala ng mga palatik at buntong hininga. Napakamot na rin ako sa ulo ko at sa frustration, ginulo ko rin ang sarili kong buhok bago napatingin sa pulang pindutan.
Ayoko sanang isipin ang paglapit sa red button, pero namalayan ko nalang na nasa harapan ko na ito. Baka ito ang solusyon para makabalik na ako sa oras ko.
Hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit.
At pindutin ito.
Bahagya akong nagulat nang magkaro'n ng ilaw sa buong lugar. Hindi agad nag-sink in sa utak ko nang may makita akong mga kurtinang gawa sa aluminum na kusang gumalaw at nahati sa gitna. Kusa ring bumukas ang pintuang gawa sa makapal na salamin. Tsaka ko lang din nakita ang monitor sa harapan ko, malapit sa pulang button na pinindot ko.
Naghintay ako ng something dangerous na mangyayari dahil red button ang pinindot ko. Pero walang nangyari so I sighed in relief.
Nang makarinig ako ng ingay na tila mga tao na sabay-sabay nagsasalita at nagpapalakasan ng mga boses, napalingon ako sa pinanggagalingan nito hanggang dalhin ako ng mga paa ko sa may bintana.
Dumungaw ako rito at nakita ko ang kumpulan ng mga tao sa ibaba—mukhang nasa isang mataas na building ako at ang mga nasa ibaba ay mga reporter at civilian na kaharap ngayon nila Dave at Sophia. Kita ko ang mukha niya kaya namukhaan ko sila agad kahit may kataasan ang kinalalagyan ko. Gayunpaman, sigurado ako na hindi na ito 'yong parehong lugar kung saan idineklara ni Dave na maaari nang makasalamuha ng mga tao si Sophia. It seems like time and setting changed again.
And to be fair and honest, nakakahilo ang mga nagyayari.
Ang daming camera at mic na nakatutok kay Dave at Sophia. Marami ring staff at mga naka-lab gown sa likuran nilang dalawa. Ang daming nagsasalita. 'Yong iba, nakakunot ang noo. 'Yong iba naman, galit. 'Yong iba wala namang emosyon at walang imik sa isang tabi at parang naghihintay na lang na magsalita si Dave o ang isa sa mga kasama niya.
"Was Sophia's statement true, mister Hanson?" nagmamadali at halos pasigaw na tanong ng isang lalaking taga-media. 'Yon ang una kong naintindihan sa lahat ng sinabi nila. Sabay-sabay kasi silang magsalita lahat. Although I admit, nakakapagtaka na naririnig ko sila gayong nasa mataas ako at nasa ibaba sila.
"We are verifying the accuracy of her statement and we are trying to seek information from NASA about Sophia's statement. Just please wait for the further announcement," simple at kaswal na sabi ni Dave. "Please excuse us," sambit nito bago pumasok sa loob ng gusali kasama ang ilang personnel at si Sophia.
Naiwan ang mga reporter at sibilyan na nagtataka at dismayado dahil sa sagot ni Dave sa kanila. Gustuhin man nila na interview-hin pa si Dave at si Sophia, hindi na nila magawa dahil pinapalis na sila ng mga guwardiya. Napilitan ang mga ito na lisanin na ang lugar. Doon ko lang napansin na pamilyar ang lugar hanggang sa na-realize ko na nasa loob ako ng building ng Hanson Robotics—'yong may matalim na dulo sa tuktok na gusali kung saan ako unang napadpad bago sa tunnel.
Namatay ang mga ilaw sa buong lugar kung nasaan ako. Nagsarado na rin ang lahat ng bintana sa kinatatayuan kong silid. Wala na akong makita. Ang pulang buton ay hindi na rin umiilaw pa kaya para akong nabulag.
Minabuti kong maglakad kahit na wala na akong nakikita, umaasang makahanap ng labasan sa madilim na silid.
Maingat ako sa paglalakad dahil alam kong maraming wires sa paligid at baka madapa ako.
"Miss Niana Alcantara."
Napagitla ako nang may magsalita sa likuran ko. Hindi ko alam exactly kung saan banda pero alam ko sa likuran ko siya narinig.
"S-sino ka?" tanong ko rito habang maingat na nililingon ang likuran ko.
Wala akong ibang makita hanggang sa may lumitaw na pares ng bilog na mata. Nagliliwanag ito kaya natuon ang atensyon ko rito. 'Yong dalawang umiilaw na bilog lang na 'yon ang nakikita ko.
"Foreign language processing . . . loading datas . . . Filipino language activated," saad nito. Lumiwanag lalo ang ang mga mata nito for just half second bago siya muling nagsalita, "ako si Sophia. Isang artificial intelligence na ginawa ng Hanson Robotics, nagagalak akong makita at makilala ka, Niana."
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o maa-amaze dahil mas malapit na siya ngayon sa akin. Hindi ko man nakikita ang kabuuan niya, alam ko namang malapit na siya sa akin dahil sa mga mata niya.
"P-paano mo ako nakikita? Madilim dito," sabi ko. Sinubukan ko siyang sundan ng tingin gamit ang ilaw na nagmumula sa mga mata niya.
"Isa akong artificial intelligence, nagagawa ko ang mga kaya niyong gawin pero hindi niyo nagagawa ang mga kaya kong gawin," sagot niya. Alam kong kaharap ko siya at ilang metro lang ang pagitan namin. Bakit ba namatay ang ilaw sa k'wartong 'to?
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko pa.
Habang patagal nang patagal mas lalo akong pinagpapawisan. Bukod sa mga mata lang niya ang nakikita ko sa dilim, hindi ko rin masabi kung nasaan ako o kung paano ako makakaalis dito.
Ilang segundo lang, biglang bumukas ang ilaw sa bawat sulok ng silid. Paisa-isa ang pagbukas nito hanggang sa mabigyang liwanag ang buong silid.
Ang daming monitor na nakakalat. Meron ding mga scientist na nagtitipa sa kani-kaniyang mga computer nila. Kanina wala pa ang mga ito. Paanong nakapasok sila rito nang hindi ko nararamdaman?
"Uulitin ko. Isa akong artificial intelligence. Ang kaya ng tao ay kaya ko. Pero ang kaya ko ay hindi kaya ng mga tao. Pagbati sa 'yo Niana na mula sa nakaraan. Ako si Sophia, binabati kita at nagagalak ako na napunta ka sa taong ito. Sa huling taon ng mundo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro