Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

bukang-liwayway at takipsilim

Ikaw ang bukang-liwayway
ngunit hindi na ang takipsilim
Ikaw ang simula
ngunit hindi na ang wakas
Matutulala, hihikbi, hihiyaw
Sa pagsapit ng gabi ay magmimistulang asong
ulol na aalulong sa pula at tila
nagbabagang buwan

Mahahagilap na naman ng pangalan mo
ang aking labi
Ikaw muli ang natatanging magiging
bukambibig
Ikaw pa rin kahit hindi na ikaw ang takipsilim
o ang wakas
Ikaw pa rin kahit sa pangmatagalang dilim
ako'y iyong itinulak

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro