Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8

Kaiden Cervantes

Mga tatlong araw din akong puro si Mavis Estrella na lang ang sinesearch sa internet. Binulabog ko pa si Cube kakatanong ng kung ano-ano. Buti at di naman mataas ang singil nito kapag nagbibigay ng impormasyon.

Now, I could finally peacefully eat breakfast without thinking if Mavis is getting married. Pumunta lang daw ito sa bridal shop kasama si Giyo dahil may pupuntahan silang kasal. Chaperone niya lang si Giyo, for short. Oo, yung Gin Yoko Salvador, yung lalaking may pink na buhok talaga ang kinababahala ko eh. Klarong may gusto kay Mavis. Kailangan ko siyang imbesitigahan nang mabuti pero ang sabi ni Cube ay walang masyadong impormasyon sa lalaki, marahil dahil pinagtatakpan ng Lambarde.

"Kaiden, son, we're having dinner together with your brothers today. Pupunta ka, 'di ba? Di ba?" My mother's excited voice made me wince as I paused from eating my toasted bread for breakfast. Nakaspeaker na ang phone ko kaya balewala lang akong nakinig sa sinasabi ni Mom. "Kaiden Cervantes! Nakikinig ka ba anak?!" Parang dinig ko hanggang dito ang sigaw niya. Nagpatuloy lang ako sa pagnguya kaya kagaya ng dati ay nagreklamo na naman ito. "Toasted bread na naman ba ang agahan mo?! Kaya sinasabi kong dito ka lumagi sa bahay para makakain ka nang maayos!"

"I'll buy my own condo unit," I murmured after having my last bite. Kinuha ko ang ginamit kong plato at nilagay sa dishwasher. Mahirap na. Masabihan pa akong burara ng mga hotel staff.

"Nakahanap ka na ba ng unit?" pag-uusisa ni Mom. "Do you want me to help you?"

"Nah, don't worry, Mom. Si Dread na ang nagpresintang maghahanap para sa akin." Now that I'm thinking about it. It's really weird how that irritating moron decided to do something for me. Wala pang hininging bayad. Isang napakalaking milagro.

Baka may babae na 'yon? Pero imposible. Pangalawa lang yata yun kay Mavis sa pagkaseryoso. Kung maghahanap man yun ng babae, yung paniguradong papakasalan niya na.

Tsk. Sana all na lang. Tangina.

"Oh? Si Dreadmore? Miss ko na ang batang 'yon! Pati ang makulit na si Dox! I haven't seen them for years! Invite them for dinner, will you?"

Sabi na eh.

"Busy sila buong araw eh," pagsisinungaling ko at narinig ko naman si Mom na nagsabi tungkol sa panghihinayang nito kaya napipilitan akong nagsalita ulit. "I'll invite them next time."

Habang hawak-hawak ang phone ay naupo ako sa sofa sa living room ng suite at napatitig sa nakabukas na TV. Na-mute ko pala ito kanina. Kinuha ko ang remote at ini-unmute pero hininaan ko lang. Nasa telebisyon ang isang pamilyar na lalaking may platinum blonde na buhok. Parang ini-interview pa ito ng isang talk show host.

I swear I haven't seen him though. Maaalala ko ang ganyang mukha. Sa kagwapuhan nito ay nakakainsulto na. Lamang lang ito ng isang paligo sa akin.

Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka ito ang mga tipong lalaki ni Mavis. Maputi at parang prinsipe. Takte.

"Talaga? Okay, okay!" Masaya ang boses ni Mom kaya hindi ko na mapigilang matawa. "Oh wait a minute. You can also invite your ex-girlfriend! Si Mavis! Miss ko na ang magandang dalagang 'yon!" Muntik nang malaglag ang phone sa kamay ko dahil sa narinig. Fuck. Bakit pa kailangang maalala ni Mom si Mavis?! Putragis. Ilang beses niya nga lang nadatnan sa bahay ang ex ko, ni hindi nga sila close. Bakit ba laging nananadya ang mga tao ngayon?Una si Dread na nagpaparinig lagi, ngayon naman si Mom. "Hello? Anak? Are you still there?"

I blinked.

"Y-Yeah," I said and cleared my throat.

"Oh okay. So as I was saying invite Mavis over. Naalala mo pa naman ang ex mo panigurado dahil niloko mo siya at siya ang naging unang nobya mo, 'di ba?"

Nakamot ko ang ulo ko sa pinagsasabi ni Mom. Baka maging yelo na ako kapag tititigan ako nang mas malamig ng babaeng yun. At isa pa, pati pamilya ko talaga ay pinapaalala palagi sa aking nagloko ako sa relasyon. Fuck.

"Mom, wala na kami. Tapos na kaya bakit ko pa siya iimbitahin?" Diretsa kong sabi nang may halong iritasyon. "We're not even friends anymore. I don't want to bother her."

"Gusto ko lang naman siyang makausap."

"For what?" singhal ko at unti-unti nang nagagalit. "Forget it, Mom. Ikaw na nga ang nagsabi. Niloko ko yung tao. Ang kapal naman ng mukha kong magpanggap na 'di ko siya ginago 'di ba?!" I said with gritted teeth. "Sige, may gagawin pa ako."

At agad ko nang pinatay ang tawag, pati ang phone ko. Napakabastos ng ginawa ko pero nakakagalit din kasing paulit-ulit ko nang naririnig 'yan.

Oo, alam kong manloloko ako. Nanggagago ako ng mga babae pero kapag tungkol na sa ginawa ko kay Mavis ng usapan, ayokong marinig. Sumasakit ang loob ko kahit kasalanan ko naman. Peste.

Muntik ko nang matapon ang phone kung 'di lang tumawa ang mga tao na nasa TV. While trying to calm myself down, I turned the volume up to know what they were saying.

Tsismoso ako eh ano?

"So you're still single now?" the female host curiously asked the guy and smiled happily. "Pwede pa mag-apply?"

Haha. Wala na talagang delikadesa kapag makaharap na ng ubod ng gwapo.

"Ah sorry. I'm pretty much occupied with my business right now and some projects."

Nadismaya ang mga nanonood ang ang host na parang nawalan na ng gana. Dahil wala naman akong gagawin, nanatili ako sa sofa at pinanood ang buong programa.

May pamilyar talaga sa lalaki pero hindi ko talaga maalala. Ah tangina. Baka nakita ko lang 'to sa mga magazine o 'di kaya'y billboards. Modelo raw kasi ito, sabi ng host. Hindi na rin nakakagulat.

"So do you have anything to say before we end this episode, Amon?"

Amon. Amon. Hindi ba pangalan yun ng demonyo? Maraming variation ang spelling ng Aamon at isa na ito roon. Sino bang magulang ang nagpapangalan ng ganito sa mga anak nila? Well, andiyan na rin naman si Dreadmore. Kaawa-awa talaga ang pangalan nito. Hahaha!

"Nakikisimpatya ako bro," sabi ko sa TV at napatawa sa kabaliwan ko.

"Oh, I just wanna say hello to Mavis! Helloooo my friend~"

I froze and frowned. Sinabi ba nitong Mavis? Umiling ako. Imposible naman na may kaibigang ganito ang ex ko. Parang ang layo ng mga personality nila.

"Mavis?" takang tanong ng host at nanlaki ang mga mata. "You mean Mavis Estrella?"

"Yep." Nanlaki ang mga mata ko. Putragis! Di nga?! "She's the owner of Estell."

"Wow!" bulalas ng host. "So what's your relationship with Miss Mavis?"

Kahit sinabi na nung Amon kanina na "friend", sinisigurado pa rin ng host. Tsk. Klarong fangirl 'to.

"She's my adviser when it comes to business," he said and shrugged. "But we're close enough."

Mabilis ko nang pinatay ang TV at nagpakalumbaba sa sofa. Tulala na naman ako dahil sa ex ko. Pakiramdam ko ay pinakulam niya ako para isipin siya lagi. Napakaweirdong bumakambibig siya nang halos lahat ng tao ngayon. Takte. Di naman ako ganito noong nasa US pa ako nitong nakaraang linggo ah.

I should've just stayed out of the country. Tsk. Aminado rin kasi akong miss ko na ang magandang mukha ni Mavis. Di ko alam pa'no ko siya natiis hindi makita nang limang taon. Dati-rati'y pagkagising ko sa umaga, para na akong timang na tinititigan ang wallpaper ng phone ko, ang nakasimangot niyang mukha.

Ang cute at ang ganda niya talaga dati.

Ngayon... Sumasakit ang ulo ko sa naaalala. She's too sexy. Adulting struck her hard. Mature na mature na ito umasta at ang pormahan ay napakasopistikada na. Naalala ko pang isang malaking sweater at pants ang suot nito noong una ko siyang nakilala. Kahit ganun ang suot niya, lumitaw pa rin ang kanyang natural na ganda.

Ang korni ko pa nga noon at sinabihan pa siya agad na gusto ko siyang maging girlfriend. Anlakas ng loob ko nung gabing 'yon, nakakagulat. Torpe ako nun eh pero nung makita ko siya, pakiramdam ko ayoko nang maagawan. Kung makaangkin eh ano, tsk. Ang gago ko talaga.

Napabalikwas ako at tumayo.

Gusto kong maglakad ulit doon.

Wala pang isang oras ay narating ko na ang subdivision namin. Dumiretso ako sa bahay namin para i-park ang kotse ko sa labas. Gulat pa si Mom nang makita ako pero sinabihan ko lang siyang gusto ko munang maglakad-lakad. Nagkausap na kami at nagsorry na ako sa pagsigaw ko rito sa phone.

Hindi naman mainitin ang ulo ko dati pero ngayon...

Sinilid ko ang mga kamay ko sa bulsa at tinahak ang pamilyar na daan, yung maling daan papunta sa bahay nina Mavis. Naalala ko pa ang pamumula ng mukha niya nang mariyalisa iyon.

Nakakamiss din pala.

I sighed and calmly walked towards the direction of her house. Ilang minuto ang layo nito sa bahay namin. Kapag nilalakad lang nang  hindi nagmamadali, umaabot sa bente minutos. Marami akong nakikitang mga umaalis sakay ang mga kotse nila, panigurado ay papasok sa trabaho nang maaga. Ala sais pa kasi.

Matapos ang mahabang paglalakad, tumambad sa akin ang pamilyar na puting gate ng mansyon. Tanaw ko mula rito sa labas ang fountain na nasa gitna ng front lawn ng bahay ni Mavis.

Gusto ko lang makita ito para maalala ang mga nangyari noon. Akma na sana akong aalis nang mapansing may kotse sa loob.

Nandito ba si Mavis?

Lumapit ako sa gate at napahawak pa sa metal  na bar para makita nang maayos ang kotse pero natigilan nang natulak ko ito pabukas.

It's not locked?

Kumunot ang noo ko. Napakapabaya naman.

"Hey, who are you?!"

Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa lalaking may dalang hose na sumulpot sa gilid ko. Nagdidilig ba ito ng halaman?

Pero teka nga ba't parang kilala—fuck. Is this the guy I saw on television?!

"Amon?!"

"Oh? Kilala mo ako?" tanong nito gamit ang Filipino kaya nagulat ako. Akala ko ba ay Ruso ito? "Are you a fan? A stalker?"

Hindi ko magawang masagot ang tanong niya dahil iniisip ko nang mabuti kung anong ginagawa ng walanghiyang modelong 'to sa bahay nina Mavis. Sikretong boyrfriend ba siya ng ex ko?

Wait, wait... Platinum blonde hair. Natampal ko ang noo. Right. Kaya pala pamilyar siya kasi siya pala yung tinutukoy na "The King" sa paparazzi site tungkol kay Mavis. Natatakpan ang mukha niya noon at kita lang itong platinum blonde niyang buhok.

"Hoy," naiinis na ani ng lalaki at tinaas ang dala-dalang hose. "Kung di ka sasagot, babasain kita nito." He mentioned on the program that they're friends but are they just friends? Nakasuot pa ito ng pantulog kaya hindi ko mapigilang isipin na dito ito natulog.

Pero nandito naman siguro ang parents ni Mavis 'di ba?

"Nandito ba sina Tito at Tita?" naninigurado kong tanong sa lalaking nagngangalang Amon. "Kakilala ko sila."

"Huh?" Bumalatay ang pagkabigla at pagkalito sa kanyang mukha at nagkasalubong ang mga kilay. "What do you mean?"

Nagtaka naman ako sa inasta nito.

"Kilala nila ako. Gusto ko lang sana silang kumustahin."

"Seryoso ka ba?" he asked. "O baka binibiro mo ako. Hindi pa halloween gago!"

Tangina minura pa ako.

"I'm serious," I said with a frown. "I haven't heard from them for years."

"Ah..." He paused then said, "Are you very close with them? Baka magulat ka kasi."

"Ha? Naguguluhan kong tanong. "Why would I be surprised?"

Lumipas ang ilang minuto na tumitig lang ito sa kawalan bago nagbuntong-hininga.

"Limang taon nang patay sina Tito at Tita."

"What?"

Talagang hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"They died in an accident."

Naaksidente sila, kung ganun... Hindi ko alam kung paano ko napigilang mapasigaw sa galit sa sarili ko.

Limang taon, katulad ng kung ilang taon akong umalis ng bansa at iniwan si Mavis. Bumigat ang pakiramdam ko sa naiisip.

Naalala ko kung paano kaswal ang pagtrato niya sa akin noong isang araw, na para bang wala akong kasalanan. Napayuko ako at mariing kinagat ang aking labi sa pagpipigil.

Bakit... Bakit nangyari 'to?

"K-Kelan sila eksaktong namatay?" nauutal kong tanong.

"Ah, December 23 yun. I can't forget since it's almost Christmas. What bad timing, right?"

"That's impossible..." I murmured. "Why would—" December 22 noong nagkahiwalay kami. Kinabukasan ay kinuha na sa kanya ang mga magulang niya.

Hindi... Sumusobra na ang tadhana. Kung bakit ba na sa araw na yun pa? Hindi naman masamang tao si Mavis. Fuck. How could they be dead?! Sila lang ang kinakapitan ng anak nila!

At bakit... Bakit hindi ko man lang inalam kung kumusta siya matapos kaming maghiwalay?

Napakasama kong tao. Habang pilit ko siyang kinakalimutan ay mag-isa siyang nagluluksa.

Bakit?

Bakit hindi niya kayang sumigaw sa akin na napakawalang kwenta kong tao? Iniwan ko siya sa panahong pinakakinailangan niya ako. Bakit hindi niya pinaparamdam sa aking galit siya?

The thought of seeing Mavis mourning all alone made my heart clench. Napapikit ako nang mariin at nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko.

Habang nakatitig sa dalawang kabaong mag-isa nang walang sinumang mag-aalo sa kanya o magsasabing kailangan niyang magpatuloy. Nobody could've hugged her because she would never let them. I could've been there. She would've buried her face as she let her tears out, as she cries her heart out.

Pero wala ako. Nang sinabi niyang maghiwalay kami, wala akong ginawa. Naging duwag ako at inisip na baka hindi niya ako mahal, na baka biro lang ang lahat. But my feelings aren't much compared to the pain she must've felt that day.

Mavis wasn't heartless. Iyon ang naintindihan ko nang iniwan niya ako. We were both hurting and she must've felt it was her fault. I know her even if she tries to hide it so much. Kadalasan ay sinisisi niya ang sarili kahit pinapakita niya ang kabaliktaran. She's selfish to the point that she became indirectly selfless.

Pero bakit...

Bakit hindi niya sinabi? Bakit? At paano ko siya nagawang iwan?!

She must have waited for me to come back. Bur I didn't and she was left feeling unloved and inadequate. Marahil ay dinadalaw na naman siya ng mga bangungot niya tungkol sa mga naging desisyon niya sa buhay.

Naalala ko ang umiiyak na mukha ni Mavis na kuha mula sa Ino's at nanghina ang tuhod ko at sumalampak nang upo sa lupa.

Mavis could've broke down and let it all out if someone was there for her.

"Oh man, why are you crying? Ganun kayo kaclose?" sabi ng lalaki habang impit akong umiiyak sa mga kamay ko. "Holy shit. You're a crybaby!"

"D-Did you know if she cried during the funeral?" tanong ko kay Amon. "Did she?"

Katahimikan lang nito ang sumalubong sa akin kaya ginulo ko na lang ang aking buhok habang nagpatuloy sa pagluha.

"Hey, kakain na tayo—Kai?" Napatingala ako at kahit hindi ko siya masyadong nakikita dahil sa mga luha ko, napatayo ako at dumiretso sa direksyon niya. "What are you—"

Biglaan ko siyang niyakap at nagsalita.

"I'm sorry... I'm sorry..." nagsusumamo kong sabi at niyakap siya nang mahigpit. Hindi siya gumalaw at hinayaan lang akong umiyak. "I'm sorry..."

"Para saan?" taka niyang tanong.

"Y-Your parents..."

"Wala kang kasalanan, Kai," bulong niya kaya natigilan ako at pinunasan ang mga luha ko para matitigan siya nang mabuti. Her face was calm but her gray eyes were cold. "Your mistake was a different story from theirs. Naaksidente sila at hindi ikaw ang may gawa nun."

"But I should've been there for you," I mumbled. "Ako ang boyfriend—"

"Ex-boyfriend," pagtatama niya at napailing. "Don't cry just because of that. Ako naman ang nakipaghiwalay sa'yo."

"No—"

"Nakaraan na yun, Kaiden. Maraming taon na ang lumipas," she said. "And I'm fine now." Her eyes seemed clear but I could see something else.

Are you really?

Gusto ko iyong itanong pero wala na akong karapatan kaya dahan-dahan ko siyang pinakawalan at napatitig na lamang sa kanya.

Yumuko lang siya at tumalikod at hindi na lumingon pa sa akin.

Dati-rati'y nahihiya siya sa bawat titig ko.

"Vis, Vis! Wait for me!" sabi nung lalaking Amon kaya napalingon ako sa kanya. He looked at me for a second and grinned. "You look miserable."

Then he ran after Mavis as I stood there feeling like an idiot..

I knew that I deserved it all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro