Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 45

AYA

“Galit ka? ” tanong ko sa kaniya. Nakaupo ako sa kama habang siya naman ay  nakaupo sa sofa at nakaharap sa laptop niya. Nakarating na kami sa bahay pero hindi niya pa rin ako kinikibo. Simula noong sumakay ako sa kotse niya hangang sa nakauwi ay hindi siya nag sasalita.

“Hey... ” tawag ko ulit sa atensyon niya ngunit hindi niya pa rin ako kinikibo.

“I'm sorry, ” mahinang saad ko, dahilan upang mag-angat siya ng tingin sa akin.

“Why you lied?” malamig na tanong nito. “Wala siya tapos makikita ko magkasama kayo at nag uusap?”

“Ayaw ko kasi na magalit ka that's why—”

“That's why you lied? ” Sinara nito ang  laptop niya ay buong atensyon na tinignan ako. “Sa tingin mo ba hindi ako nagagalit ngayon dahil nag sinungaling ka? ”

“I'm sorry. Hindi ko naman talaga alam na nandoon siya, e. Ang sabi sa akin ni Calista nasa business trip siya. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako tumuloy. ”

He sighed. “Anong pakiramdam mo?”

“Huh?” Napatanga ako.

“Anong feeling mo nang makita mo muli ang dati mong asawa?” Mapakla itong tumawa na ikinailing ko.

“Masaya ba ang puso mo?”

“Aero... anong pinagsasabi mo? ” hindi ko makapaniwalang tanong. He's being sarcastic ang it's irritating.

Mahina itong tumawa. “Anong pinag-usapan niyo?”

“Is that matter? Aero, importante pa ba 'yon—”

Bigla naputol ang  ang pagsasalita ko dahil sa gulat nang hampasin niya ang table. Namumula ito sa inis. He's angry, really angry

“He's your ex- husband, Aya! Tapos makikita ko kayo magkalapit? Bakit, umaasa ka pa rin ba hangang ngayon na magkakabalikan kayo?”

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.  Tumayo ako sa kama. “Aero? Sa tingin mo ba ginusto ko na magkita kaming dalawa doon? Ano ba ang tingin mo sa akin?”

“Why? Am I wrong? Hindi ba't natutuwa ka dahil nag kita ulit kayo ng one that got away mo pagkatapos ng mahabang panahon?” sarkastikong anas ulit nito pabalik sa akin.

Bumali ang leeg ko 'tsaka tumawa ng mapakla. “I can't  believe that you're saying that words, Aero. Nakita mo lang kaming dalawang magkausap kanina, ni hindi mo nga alam kung anong pinag-usapan namin tapos mag-iisip ka ng ganiyan? Magsasalita ka ng ganiyan?”

“Kaya nga gusto kong malaman kung anong pinag-usapan niyo!” asik nito.

“Aero... ”

“Eh, ano bang gusto mong isipin ko? Ano bang gusto mong sabihin ko? Dapat ba akong matuwa dahil finally  nag kita ulit kayo ng ex-husband mo?”

Napailing ako. Ngayon lang siya nagalit at naging sarcastic ng ganito.  “Goodness, Aero. What's wrong with you?” Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig niya.

“What's wrong with me? Ako pa ngayon? Ikaw, what's wrong with you? You're already in a relationship with me pero nakikipag-usap ka pa rin sa ex mo? Sabihin mo na lang kasi na gusto mo nang makipagbalikan sa kaniya hindi 'yong mag d-deny ka pa—”

“Enough, Aero!” Hindi ko na napigilan ang pag taas ng boses ko kasabay ng panunubig ng mga mata ko.

“You're so unreasonable! Is that how you really think of me? Just because you saw the two of us earlier, you're going to judge me so quickly?”

Pinahid ko ang luha ko at at matiim siyang tinignan. “Alam ko namang mali ko dahil nagsinungaling ako. Oo inaamin ko 'yon! Pero hindi mo naman ako kailangan husgahan agad base lang sa nakita mo.”

Pinulot ko ang phone ko sa kama a at lumabas ng k'warto.  Rinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko ngunit diretso lang ako sa paglalakad hangang sa makapasok ako sa k'warto ni Krypton.

Nakakainis siya! Kaya lang naman ayaw ko na sabihin ang pinagusapan namin dahil alam kong mas lalo lang kaming mag-aaway. Naiintindihan ko naman kung anong pinanggagalingan ng galit niya pero 'yong pagsalitaan niya ako ng ganun?

Tumabi ako kay Krypton sa kama . Inayos ko muna ang kumot niya at hinalikan siya sa noo bago ako humiga sa tabi niya.

I looked at him and creased his hair. Napabuntobg-hininga ako ng malalim.
“After 5 years... I met your Dad, we met again, Krypton. You exactly look like him, ” ani ko habang nakatingin sa kaniya.

“Hindi ko alam ang nararamdaman ko, Nak. The way he begged for my forgiveness earlier, it hurts me.”

Nakatingin lang ako sa tulog at maamong mukha ni Krypton. “Tanga ba si Mommy kung sabihin kong na miss ko rin ang tatay mo?” Mapakla akong tumawa. “Hay... wala  na ako sa katinuan ko. Mali atang bumalik pa tayo rito.”

Hinawakan ko ang pisngi niya. “Your daddy Aero was so angry, 'cause mommy lied to him. Alam mo bang ngayon lang siya naging ganun? Napaka-kalmado ng Daddy Aero mo kaya nagulat talaga ako kanina sa inasta niya. Aaminin ko, it's my fault. Kahit saan naman tignan ay mali ko talaga kung bakit nagalit siya.”

Huminga ulit ako ng malalim at mahinang tumawa ulit. Mukha na akong tanga sa ginagawa ko. Kinakausap ko ang anak kong tulog kahit obvious namang hindi ako naririnig.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko para matulog kaharap si Kyrpton. Trabaho na naman bukas.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang pag bukas ng pinto, kasunod no’n ang mga yapak papunta sa amin.

Naramdaman kong umupo ito sa kama sa tabi ko. Nanatili akong nakapikit habang pinapakiramdaman ang susunod na gagawin ni Aero.

“Aya... ” Naramdaman ko ang pag haplos niya sa buhok ko. “I'm sorry,” mahinang saad nito.

“I'm sorry for being mad at you. I'm sorry if I raised my voice earlier. I'm sorry if I overreacted.”

I gulped. Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang nakikinig lang sa mga sinasabi niya.

“I'm just scared. I'm scared to lose you, to lose Krypton. I'm just afraid that the day might come when you two leave me, that Yves will take you back from m-me.”

Biglang nag cracked ang boses niya. Is he crying?

“Kayo na 'yong buhay ko, e. Sa loob ng limang taon, sa inyo nang dalawa u-umikot ang buhay ko... ”

Oh, God. He's really crying!

Imumulat ko na sana ang mga mata ko ngunit naramdaman ko ang pag dampi ng labi niya sa gilid ng  noo ko.

“Hindi ko kakayanin, Aya. Hindi ko kakayanin if I lose you both.”

Biglang bumigat ang aking paghinga at alam ko ano mang oras ay babagsak na naman ang mga luha ko.

“Kayo na ang pamilya ko, e. Mababaliw ako pag nawala kayo... ”

Naramdaman ko ang pag tayo niya. “Dahil alam ko sa loob ng limang taon... alam ko na never nawala sa puso mo si Yves.”

Muli niya akong hinalikan sa noo gano’n din si Krypton. “Goodnight, ” saad niya bago lumabas ng kuwarto.

Pag mulat ng mga mata ko ay kasabay ng pag hulog ng mga luha ko.

Sa loob ng nakalipas na limang taon... si Yves pa rin ba?  I don't want to be unfair, I don't want to hurt Aero dahil sa loob ng ilang taon,  pinandigan niya kaming dalawa ni Krypton.

Pinahid ko ang mga luha ko at niyakap si Krypton 'tsaka muling ipinikit ang mga mata ko.

--
“Sigurado ka ba na doon siya dumeretso? ”

“Yeah, I saw her. Nakita mismo ng mga mata ko na doon huminto ang sasakyan niya.”

It's mommy and daddy's voice.

Minulat ko ang mga mata ko sa dahil sa ingay nang nag-uusap. Inikot ko ang paningin ko. Nasa sasakyan ako. Saan kami pupunta?

“Mom? Dad?” Bumangon ako mula sa pag kakahiga. Agad naman silang napalingon sa akin nang marinig ang boses ko.

“Where we are going?” tanong ko habang humihikab pa.

Biglabg inihinto ni papa ang sasakyan kaya napahawak ako sa upuan.

“Dad! What was that?” saad ko dahil mutikan na akong masubsob.

“Why are you here!? ” gulat na tanong ni Mommy.

“Ako nga dapat ang mag tanong niyan sa inyo. Saan tayo pupunta? ” nalilito ko ring tanong.

“Teka... kailan ka pa nandiyan? I thought aalis ka with  your friends?” Daddy asked.

“Nandito na ako kanina pa. Yes po, i supposed to go out with them for my classmate's birthday pero hindi kinaya ng antok ko kaya natulog na muna ako sa backseat ng sasakyan. Nag alarm pa nga ako para magising ako at hindi ko ma miss ang party.”

Napahugot ng malalim na hininga si Daddy.
“Aya, you need get out of this car. Mag taxi ka na lang. May importante kaming pupuntahan ng Mommy mo. ”

“Saan po Dad? Sasama na lang po ako. Tinatamad na rin akong pumunta sa party—”

“No, Aya. Hindi ka p'wedeng sumama. Lumabas ka na diyan, ” saad naman ni mommy.

“Saan ba kasi kayo pupunta? Bakit niyo ba ako pinapalayas dito? ” naka-kunot noong tanong ko.

“Huwag ka na kasing mag tanong. May importante lang kaming aayusin ng Mommy mo.” Lumabas si Daddy sa sasakyan ay pinara ang taxing dumaan.

“Mom, bakit hindi ako p'wedeng sumama? ” mahinang tanong ko para 'di marinig ni Dad na nasa labas.

“It's confidential, honey. Kung hindi ka pupunta ka sa party ng kaklase mo, umuwi ka na lang para may kasama sina Jaxon at Andrea.” Sumimangot ako sa sinabi ni Mommy.

“Come on, Aya. Get out now.  The taxi is waiting.” I sighed, wala akong nagawa kundi ang lumabas ng sasakyan.

“Mag iingat ka ha.  Uuwi naman kami agad ng Mommy mo. ” Hinalikan ako ni Dad sa gilid ng ulo bago pumasok ulit sa sasakyan at pinaandar na ito.

“Umuwi pag hindi pupunta sa party, ha. Mag iingat ka! ” Dungaw ni mommy sa bintana bago sila umalis.

I tsked. Saan ba kasi sila pupunta bakit hindi ako p'wedeng sumama?

Sumakay ako sa loob ng taxi. “Saan po tayo ma'am? ” tanong sa akin nu manong driver.

Tinignan ko ang wristwatch ko. Mag a-alas-dyes na ng gabi, saan naman sila pupuntang importante pinagsasabi nila?

“Kuya, sundan niyo po 'yong sasakyan, ” sagot ko kay manong kaya agad naman itong nag maneho.

Huminto kami sa isang tapat ng The Fortune Club. Teka, casino?

Binayaran ko muna si Kuya bago ako lumabas ng taxi.

Anong ginagawa nila Mommy at Daddy dito? Nagsusugal sila?  Nakita kong naka-park na ang sasakyan nila at wala nang tao. Baka pumasok na sila.

Papasok na sana ako sa entrance ngunit hinarang ako ng isang bantay nila. Wait... bouncer ba 'to? Ang laki naman ni kuya.

“ID mo? Bawal pumasok ang minor, ” sabi nito.

“Hindi na po ako minor.” Kinuha ko ang ID ko at pinakita sa kaniya. Good thing nag nakakuha na ako ng government  id at driver's license. Mukha lang akong minor pero bente-dos na ako.

“Magsusugal ka? ” tanong ni kuya guard.

“Bakit po? S-Sponsoran niyo ko pera?” pamimilosopo ko sa kaniya.

“Sige, pasok na.” Agad naman itong pumagilid para makapasok ako.  Dami pang tanong, e.

Pag pasok ko sa loob ay bigla akong natigilan. Napaka-ingay. Ang daming tao, mukhang ang yayaman pa.  Nag susugal, nag iinom. Amoy alak at usok ng sigarilyo ang paligid.

Anong ginagawa nila mommy sa ganitong klaseng lugar. Damn!

Nag lakad-lakad ako para hanapin sila mama.    “Aray!” daing ko nang may mabangga ako.

“Watch your way, young lady! ” an old man warned me.

“I'm sorry.” Pag hingi ko ng paumahin. Muli itong nag lakad bitbit ang kaniyang attaché case.

Nag libot-libot ako hangang sa makita ko si mommy.

“Mommy!” tawag ko ngunit hindi niya ako narinig. Pumasok ito sa isang pinto kaya mabilis din akong tumakbo papunta roon.

I was confused. Nakalagay sa pinto Do not enter. It's prohibited pero pumasok si Mommy. Hindi na ako nag dalawang isip, binuksan ang pinto at  tumabad sa akin ang isang hagdan pababa.

“Underground?” bulong ko.  Kinuha ko ang phone ko at binuhay ang ilaw nito. Bumaba ako sa hagdan at tumambad sa akin ang isang mahabang hallway.

Dahil sa kyuryusidad ko ay nag patuloy ako sa pag lalakad.  Maraming nakasaradong kwarto na animo'y nasa isang hotel ako.

*BANG!*

Napatalon ako sa gulat dahil sa isang malakas na pag putok ng baril mula sa isang kuwarto sa dulo.

“Ahhh!!” sigaw ng isang boses kasunod no’n ang muling pag sunod-sunod ng pag putok ng baril.

“M-Mom?” Nanginginig ako habang nakatayo. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko.

'Yong sumigaw.  It was Mommy's voice.

Hinakbang ko ang  mga paa ko kahit nanginginig ako. “Mommy... Daddy...”

Patuloy ako sa pag lalakad papunta sa direksyon ng k'wartong pinanggalingan ng pag-putok.

“Mommy! Daddy!” Sunod-sunod na kumawala ang mga luha sa mga mata ko. It was mom's voice. Siya 'yong sumigaw, siya 'yon.

“Mommy! Daddy!” sigaw ko habang tuloy-tuloy ang pag agos ng mga luha ko.

Biglang bumukas ang pinto kung saan nang galing ang pag-putok at niluwa ito si Mommy habang hawak-hawak niya ang kaniyang tagiliran at duguan.

“Aya!! ” sigaw nito.

“Mommy!”

“Run! Get out of here!” sigaw niya habang tumakbo papalapit sa akin.

“M-Mommy... ”

“I said run, damn it!! ” malakas na sigaw niya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sinunod ang sigaw niya. Tumakbo ako pabalik ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay napahinto rin ako nang muli akong makarinig ng isa pang pag putok ng baril.

Unti-unti akong lumingon at halos gumuho ang mundo kasabay ng muling pag patak ng mga luha ko at pag awang ng mga labi ko nang makita si Mommy na nakadapa na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.”

“Mommy!”

Bigla akong napabangon habang habol-habol ang aking hininga. Pawis na pawis akong napahawak sa aking dibdib.

“Anong klaseng panaginip 'yon?” Napatingin ako sa picture frame na nasa bedside table kung saan ang family picture namin. It's been a long time, bakit ako nanaginip ng gano’n?

Malalim akong napabuntong hininga. Hangang ngayon ang sakit pa rin ng dibdib ko. Ang weird ng panaginip ko. Tinignan ko ang walk clock na nakasabit sa dinding alas-otso na ng umaga. Wala na rin si Krypton sa kama.

Tumayo na ako at inayos ang kama 'tsaka ako dumeretso sa banyo at nag hilamos. Pagkatapos ko ay bumaba na rin ako. Nadatnan ko so Krypton na nasa sala at nanonood ng TV.

“Good morning, baby.” Nilingon ako nito at magiliw na nginitian ako. “ Good morning, mommy!” Masiglang pag bati niya.

“Ang aga-aga nanonood kana niyan?” Lumapit ako sa kaniya sa sofa at hinalikan siya noo. “Where's your dad? ” I asked.

“He's making breakfast at the kitchen, ” sagot niya.

“Okay,  puntahan ko lang daddy mo. ” Tumango naman ito at muling tinuon ang panonood niya ng cartoon.

Pumasok ako sa kusina at nadatnan kong nagluluto ng umagahan si Aero.

Wala naman siguro akong rason para mag tampo sa kaniya. Kagaya nga ng sinabi niya kagabi, he just scared of loosing us.

“Good morning! ”

Lumingon ito at otomatikong ngumiti nang makita ako.

“Good morning. How's sleep?” he asked.

Umupo ako sa kitchen island at pinagmasdan siya habang nagluluto. “Okay naman, pero ang weird lang nang panaginip ko. ”

Pinatay niya ang stove at kumuha ng plato para ilipat doon ang niluto niya mula sa pan. “Why? Ano bang panaginip mo? ”

“My parents.”

Nilapag niya ang omelette sa harap ko at tinignan ako. “What about them?  Bad dream ba or good?”

Umiling ako. “It's a nightmare. My mom died in my dream. I know she's already dead together with my dad because of a car accident, but sa panaginip ko... Someone shot Mom from behind.”

Aero sighed and cupped my face. “It's only a dream. Baka dahil masama lang ang loob mo dahil sa pagtatalo natin kagabi kaya nananaginip ka ng gano’n. ”

Nag kibit balikat ako. Nginitian niya ako at pinatakan ng halik sa noo. “I'm sorry kung nagalit ako kagabi. Mahal lang kita.”

Hindi ako nag salita. Nagulat ito nang bigla ko siyang yakapin sa bewang. Nakaharap siya sa akin habang yakap ang bewang niya hababg ako ay nanatiling nakaupo kitchen island chair.

“I'm sorry din kung tinalikuran kita kagabi.”

I heard him giggled. “It's okay. Hindi ka na ba galit? ”

I shook my head. “Nah...”

Hinawakan niya ang mukha ko at inangat paharap sa kaniya.  Hahalikan niya sana ako nang biglang pumasok si Krypton.

“Mommy, Daddy, I'm hungry na! ” Tumawa kaming dalawa ni Aero.

Tara na nga kumain na nga tayo. “Tumayo na ako ako at kumuha ng plato tsaka dinala sa dining habang di Aero naman ay hinanda ang ibang pagkain na niluto niya.

Habang kumakain ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang napanaginipan ko, binabagabag pa rin ako. Ang weird, ang creepy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro