
CHAPTER 37
AYA
Pag dating ko sa hospital ay agad akong dumeretso sa room na sinend sa akin ni Yvan dahil inilipat na raw si Yves mula sa PACU.
Habang papalit ako sa nasabing kuwarto ay may naririnig akong nagtatalo mula sa loob.
“Stay out of this, Yvan!” Saglit akong natigilan nang marinig ang boses ni Yves. Wait, are they fighting?
Bigla kong binuksan ang pintuan at parehas silang napatingin sa akin. “What is happening—” Agad din naputol ang sasabihin ko nang dumapo ang tingin ko kay Yves na naka-upo sa kama ay may benda ang ulo. My heart beating so fast. Gising na nga ang asawa ko.
“Y-Yves... ” sambit ko at napakagat labi. Nakatingin lang din ito ng matiim sa akin.
Agad kong hinakbang ang aking mga paa papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. “Oh, God! You're awake!” My tears dropped again out of happiness. “You don't have any idea how I get scared. Akala ko iiwan mo rin a-ako.” I gulped because of my sob.
Bigla akong kinabahan nang hindi ito kumibo. Hindi niya man lang ako niyakap pabalik. Hinarap ko ito at hiwakan ang pisngi niya. “Hon, successful naman 'di ba ang operation, nakikilala mo naman ako 'di ba?” I asked.
Isang malamlam na ngiti ang pinukol niya sa akin. “Oo naman. Kilala pa rin kita, Aya,” anito.
Napangiti ako at muli siyang niyakap. “Mabuti naman akala ko magkaka-amnesia ka dahil sabi ng doctor baka magkaroon daw ng complications after ng surgery,” anas ko na parang nagsusumbong.
“I'm sorry,” I uttered. Nakayakap pa rin ako sa kaniya ng mahigpit. Ngayon ko lang siya ulit nayakap ng ganito. Na miss ko rin ang ganito, na miss ko rin ang asawa ko.
“Yves?” tawag ko nang hindi ito muling kumibo. Kumalas ako sa pagkakayakap ko at tinignan siya. “May masakit ba sa 'yo?” pag-aalalang tanong ko. Tinignan nito si Yvan na nakatingin din sa kaniya. “Yves?” muling tawag ko sa kaniya. This time, tinignan niya na ako.
“Are you okay? May masakit na sa 'yo? ” I asked again. Parang may iba sa kaniya
Alam ko kakagising niya lang pero bakit parang may kakaiba?
Agad kong iniling-iling ang ulo ko. Wala 'to Aya, baka naninibago lang siya because of the operation. Pangungumbinsi ko sa sarili.
Nakatingin lang ito sa akin ngunit hindi ito nag sasalita.
“Tatawagin ko ang doctor, ” ani ko at tumayo. Ito ba ang sinasabi ng doctor na complication?
Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto nang magsalita ito at tinawag niya ako . “Aya... ”
Agad akong napatigil sa pag-hakbang at nilingon siya.
“Yves!” Napalingon din ako kay Yvan dahil sa pag taas ng boses niya na para bang nagbabanta sa susunod na sasabihin ni Yves.
Sa pagkakataong ito ay nagkatinginan na ang kambal at unti-unting bumibigat ang tensyon sa kanilang dalawa.
“Sandali, anong mangyayari sa inyo?” Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“Aya, lumabas ka na lang muna mag-uusap lang kami ng kapatid kong 'to, ” malamig na sabi ni Yvan sa akin nang hindi man lang inaalis ang titig kay Yves.
“T-Teka... anong bang nangyayari sa inyo? ” nagtataka at nagugulohan kong tanong.
“Aya... pakiusap, ” muling anas ni Yvan.
“S-Sige... ”Nagugulohan man, ay muli kong hinakbang ang aking mga paa ngunit hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ay muli akong napatigil.
“Aya, Let's end our marriage.”
Parang nabingi ako dahil sa aking narinig. Ano raw?
Unti-unti kong nilingon si Yves. “Huh?” Napatanga ako na para bang hindi na absorb ng utak ko ang sinabi niya. Let's end our marriage?
“Tapusin na natin 'to. Nagkakasakitan na lang ta 'yo.” My mouth parted in shocked. Hindi ako pinaglalaruan ng pandinig ko.
“Yves, nag-iisip ka ba!?” galit na sigaw sa kaniya ni Yvan na ngayon ay naka-tayo na sa inuupuan niyang couch.
“Sabing 'wag kang makialam dito, Yvan!” asik ni Yves sa kakambal na mas ikinagulat ko.
“A-Ano bang n-nangyayari?” Nalilito kong killtanong. Unti-unti na namang bumibigat ang aking pag hinga at naramdaman ko na ang panlalamig ng buo kong katawan.
“Y-Yves?” Nanginginig na tawag ko, umaasang mali ang narinig ko sa mga sinabi niya. Nagugulohan ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nanginginig ako habang pinagpapawisan ng malamig.
“Mag hiwalay na tayo.”
Pagkatapos kong marinig ang mga salitang 'yon ay parang binuhusan ako ng nalamig na tubig. Umawang ang mga labi ko kasabay ng muling pag bagsak ng luha sa mga mata ko.
“Mag h-hiwalay? B-Bakit? ” Nanginginig ang mga labi ko. Pakiramdam ko unti-unting pinipiraso-piraso ang puso ko.
“Ayoko na,” aniya at nag nilihis ang paningin sa ibang direksyon.
“Ayaw mo na? ” Kahit parang nanghihina ang mga binti ko ay humakbang ako para lumapit sa kaniya sa kama.
“Yves, seryoso ka ba sa pinagsasabi mo?” Hinawakan ko ang pisngi inalis niya ang kamay ko dahilan upang humikbi ako.
“W-Why? Ayaw mo ba mag simula ulit t-tayo?” Muli ko siyang hinawakan sa balikat. Napalunok ako dahil parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan pababa sa aking dibdib.
Inangat niya ang tingin niya sa akin.
“Nasasaktan lang natin ang isat-isa dahil sa marriage na 'to... kaya mas mabuting tapusin na lang natin 'to.”
Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya. Hindi...hindi si Yves 'to. Hindi masasabi ni Yves ang bagay na 'to. “Ganito lang ba kadali sa 'yo ang lahat? Hindi mo na ba ako m-mahal?” tanong ko habang patuloy ang pag bagsak ng mga luha ko. This is not happening. Kung panaginip lang 'to, please God... gisingin niyo na ako.
“Aya... ” Pinakatitigan niya ako ng matiim. “Pakiusap... itigil na n-natin 'to.” His voice cracked.
“Bakit kasi!?” sigaw ko. Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa mga naririnig ko mula sa bibig niya. “Kailangan kong marinig ang rason mo! Kailangan kong marinig kung mahal mo pa ba ako, kung minahal mo ba ako!” Umiiyak na sabi ko.
”Hindi ko matatanggap ang salitang hiwalay lang, Yves! Kailangan ko ng rason mo!”
Nakita ko ang pag tiklop ng mga palad niya at pag bilog ng mga kamao niya.
“Yves, sagutin mo ako!”
“Dahil hindi kita mahal!” sigaw nito na nag patigil ng mundo ko. Did I heard it right? Hindi niya ako mahal?
“B-Bakit?” Kumuyom ang mga kamao ko habang nakatitig sa kaniya. “Sabi mo mahal mo ako! Sinabi mo rin 'yon sa sulat, Yves!” Humagagulhol na sigaw ko sa kaniya.
“Sinabi mo doon na mahal mo ako at palagi mong sinasabi 'yon pag mag kasama t-tayo...” Napakawak ako sa aking dibdib. Hindi ko Naiintindihan ang nangyayari. Paano naging ganito?
“It's just a words...” mahinang sabi niya, mas lalong nagpalakas ng aking pag-iyak.
“Hindi naman talaga kita minahal.” Muli niyang inanangat ang tingin sa akin. “Napilitan lang akong pakisamahan ka dahil sa kagustohan ni Daddy na ikasal ako sa 'yo. Nagpaka-asawa lang ako sa 'yo pero hindi kita mahal.” Ang mga salitang 'yon ang mas lalong nagpadurog sa akin. Napapapikit na lang ako habang nakakuyom ang mga kamao. Ang sakit pala. Sobrang sakit pala marinig mula sa kaniya.
“Mag hiwalay na tayo,” dugtong niya pa.
Nanginginig ako at pakiramdam ko ay mahihimatay ako ano mang oras dahil parang tinaksan ako ng lakas. Parang kinuha lahat ng lakas ko sa katawan.
Minulat ko ang aking mga mata at matiim siyang tinitigan. “Tignan mo ako sa mata at sabihin mong hindi mo ako mahal.” Takot man ako at alam kong ikaguguho ng mundo ko ang magiging sagot niya ngunit nilakasan ko ang loob kong hamunin siya sa tanong na 'yon.
Nakatungo lang ito sa ibang direksyon. “Yves, tignan mo ako sa mga mata at sabihin mong hindi mo ako mahal!” sigaw ko. Hindi ko matatanggap ng basta-basta 'to!
Unti-unti niya akong liningon at tinignan sa mga mata. “Kahit kailan hindi kita minahal, ” walang emosyon na aniya na mas lalong ikiniwasak ko.
Nanginginig ang mga labi ko habang tuloy-tuloy pa rin sa pagbabagsakan ang mga luha ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya, umaasa na babawin niya ang nga sinabi niya.
“Tinawagan ko na ang attorney ko. Maya-maya ay nandito na 'yon. Kakausapin ka niya, ” saad niya na parang wala lang sa kaniya ang lahat.
“Napaka-gago mo,” bulong ko pero alam kong narinig niya iyon.
“Wala kang kwentang tao!” malakas na sigaw ko at tumakbo palabas ng kwarto dahil hindi ki na kakayanin pa ang mga salitang maririnig ko sa kaniya.
Takbo lang ako nang takbo hangang sa makalabas ako ng hospital. “ Walang kang kwenta!! ” malakas na sigaw ki at napa-upo na lamang habang malakas na humahagulhol. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. Wala na akong pakialam sa paligid ko. “Kung alam ko lang na ganito edi sana pinigilan ko na lang ang sarili kong mahulog sa 'yo...” humagulhol na sambit ko. “Wala kang kwenta, Yves...” Niyakap ko ang mga tuhod ko 'tsaka ako umiyak nang umiyak.
Yves
Pag labas ni Aya ay doon bumuhos ang mga luha ko. Gusto ko man siya yakapin at halikan pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto mo man sabihin na kung gaano ko siyang mahal pero hindi ko ginawa. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang sakit-sakit pala pero alam kong mas masasaktan ko pa siya pag na nanatili pa siya sa tabi ko.
Nasaktan ko na naman ang taong mahal ko pero wala na akong iba pang magagawa. Hindi ko kayang lokohin siya, hindi ko kayang manatili siya sa buhay ko sa likod ng katotohanan na pamilya ko ang pumatay sa mga magulang niya.
Parang bata akong umiiyak habang naka-upo sa kama. I never thought of hurting her pero ilang beses ko nang nagawa.
“Yves...” tawag sa akin ni Yvan. Nakayuko lang ako habang humagulhol sa iyak. Naramdaman ko na lang ma may kamay nang humahagod sa likod ko.
Hindi man payag si Yvan sa gusto ko ay wala na rin siyang nagawa. Wala na akong choice, kailangan ko munang resolbahin ang problemang 'to na malayo kay, Aya. Marami na siyang pinagdadanang sakit at ayoko nang makitang miserable dahil sa akin at sa pamilya ko dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kaniya dahil sa kagagawan ng pamilyang meron ako.
FLASH BACK
“Ayaw mo bang umuwi sa bahay niyo? Halos dito kana manirahan sa bar ko,” saad ni Zircon habang nag hahalo-halo ng alak. Nandito kasi ako sa bar niya at dito na rin ako natutulog, sa second floor nito.
“Wala na rin naman akong asawang uuwian, bakit pa ako uuwi?” sagot ko habang nakatingin sa pina-paikot-ikot ko na alak baso ko.
“Dude, need mo pa ring umuwi sa bahay niyo. Paano kung bigla na lang umuwi si Aya doon? Sinong dadatnan niya roon?”
Mapait akong napangiti. “Malabo... Ilang beses niya akong pinagtabuyan. Ayaw niya na akong makita at makasama.”
“Yves, natural lang sa isang Ina ang maging ganun. Natural na na magkagano’n si Aya. Ina siya at namatayan ng anak. Let her mourn first. Lilipas din ang sama ng loob niya
After all, mag-asawa kayo at alam kung at the end of the day, uuwi at uuwi pa rin siya sa 'yo.”
Napa-angat ako ng tingin sa kaniya. “You think? ”
“Aha... she's your wife and husband ka niya. Kayo-kayo lang din ang mag dadamayan, ” turan niya habang patuloy sa pag m-mix ng alak.
I deeply sighed. “I really hope, ” mahinag saad ko at tumayo sa island counter. “I'm going home now, dude.”
“Sa bahay niyo?” Tumango-tango ako. “ Yeah.”
Tumawa ito at tinapik ako sa balikat. “Ganiyan, tama 'yan. Balik ka na lang ulit dito kung kailangan mo maiinom o 'di kaya tawagan mo ako para madalahan kita sa bahay niyo,” aniya habang mahinang natatawa.
“Sige, salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa bar mo. Uwi na ako, ” ani mo bago nag lakad palabas ng bar niya.
Pag uwi ko sa bahay ay nadtanan kong bukas ang pinto. “Aya?” Umuwi siya?
“Aya!” Dali-dali akong pumasok sa bahay ngunit napatigil din ako ng boses nila mommy at daddy ang naririnig kong nag uusap.
“Ymilio, naaawa na ako sa anak natin. Grabe ang epekto sa kaniya ng pagkawala ng anak nila ni Aya, ” anas ni Mommy na naka-upo sa sofa habang kaharap si Daddy sa isang upuan. “Mukhang masisira ang relasyon nila dahil sa mga nangyari. Naaawa ako sa anak natin, ” ani pa nito.
“Mas mabuti na rin 'yon, Linda. Kaya lang naman nating pinakasal si Aya kay Yves para mapag-takpan natin ang nangyari 4 years ago.”
Pagtakpan ang alin? Anong pinag-uusapan nila? Hahakbang na sanang muli ang mga paa ko ngunit muli akong napatigil nang mag salita si mommy. “Bakit mo pa kasi naisipan ang bagay na 'yon? Masasaktan lang natin si Yves!”
“'Yon ang gusto ni Mrs. Vasguez , Linda! 'Yon ang kagustohan ng tiyahin ni Aya. ”
Sandali, ano bang pinag-uusapan nila? What the hell is happening?
“Puwede naman nating hindi siya sundin, e. Hindi ka ba naaawa sa anak mo?! Si Yves ang mag s-suffer dahil diyan sa desisyon mo!” sigaw ni Mommy habang nangingilid ang mga luha niya.
Ano bang pinag-aawayan nila? Humakbang akong muli, ngunit nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay muli rin akong napatigil.
“Eh, anong gusto mo, ang makulong ako dahil sa pag patay ko sa magulang ngano babaeng 'yon, ganun ba?!” asik ni Daddy kay Mommy na ikinaawang ng mga labi ko.
Sinong pinatay niya? Sinong babaeng tinutukoy niya? si Aya ba?
“Mom, Dad? ” Parehas silang napalingon sa akin at kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkagulat.
“Y-Yves... K-Kanina ka pa ba riyan? ” Utal-utal na tanong ni Mommy.
Lumapit ako sa kanila.
“Anong pinagsasabi niyo? Sinong pinatay?” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ngunit nilihid lang ni Mommy ang kaniyang tingin sa ibang direksyon.
“Anong nangyayari? Sinong pinatay, Mom, Dad?” Hindi sila nag salita dahilan upang lumakas ang pag kabog ng dibdib ko.
“Dad?” Tinignan ko si Daddy. Nakita ko ang pag higpit ng hawak nito sa dyaryong hawak niya. “S-Sinong pinatay? May pinatay kayo?”
“Yves, anak, mali lang ang narinig mo. Tara muna sa labas samahan mo muna ako mag pahangin. Hinawakan ako ni mommy ngunit nag pumiglas ako.
“Dad, sino?! ” Hindi ko maiwasan ang pag taas ng boses ko. Naghalo-halo ang tumatakbo sa utak ko. Sana mali ang iniisip ko, sana mali talaga.
“Narinig ko ang pangalan ni Aya at ng tita niya, Dad.” Nanatili lang na nakayuko si Daddy. Nanginginig ang mga kamay ko. Nanginginig ang mga laman ko dahil mukhang hindi mo kakayanin kung tama itong nasa-isip ko.
“Anak, wala lang yon—”
“No, mom!” Hinarap ko si Mommy. “ I heard my wife's name. Anong tungkol sa kaniya? At sinong pinatay?! ”
My heart pounding so fast. Just the thought that daddy had something to do with the death of Aya's parents, is killing me.
“Dad! Sino?” Muli kong binaling ang tingin kay Daddy. “Magulang ba ni Aya? Magulang ba ng asawa mo ang tinutukoy niyong pinatay niyo!?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko at sumisikip ang pag hinga mo.
“Yves, please...” Hinawakan ako ni mommy sa braso habang nag uumpisa nang umiyak. The way mom begged, has really something.
Napa-iling ako habang nakatingin lang kay Daddy. Nag uumpisa na ring uminit ang gilid ng mga mata ko.
“Dad, tell me!” I screamed.
“Yes! I killed her parents!”
Sa puntong 'to ay parang nabingi ako sa aking narinig. He killed my wife's parents?
Tumayo ito at tinignan ako. “Pinatay ko ang mga magulang ni Aya dahil isa silang balakid sa buhay natin!”
Matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon ay sunod-sunod nang nag bagsakan ang mga luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro