Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IV

Neko's note: GUYS IF YOU HAVE ALREADY READ ZIPPER MO BUKAS, MAS MALALA ANG MGA MURA DITO KAYSA DOON HAHA. Mas serious na kasi to compared sa ZMB na light lang. Kaya ayon guys, just giving a warning kasi puro mura talaga 'tong kwento na 'to. Hehe.

Leave a vote and a comment. Love love.

F O U R

Xyza Thisbe's Point of View

Nagising ako nang may pumupunas sa mukha ko. Nakaamoy din ako ng lavender sa kwarto ko. Nakita ko si Boss Neko na pinupunasan ang mukha ko.

"O, buti naman gising ka na," bungad niya sa akin nang makita niyang gising ako.

Imbes na cliche line tulad ng "Nasaan ako?" ang tanungin ko (which is obviously ay nasa apartment ko ako ngayon) ay tinanong ko si boss ng, "Ano oras na? Shift ko na ba?"

Tinawanan lang ako ni boss. Kung hindi ko lang love 'to pinakain ko na 'to sa aso doon sa baba.

"Mage-eleven pa lang," sagot niya pagtapos tumingin sa orasan. "Obviously hindi mo pa shift. 'Wag ka muna papasok bukas. You need to rest."

Napakunot ang noo ko. Umupo ako at sumandal sa pader. Tangina.

Napadukmo ako nang maalala ko ang mga nangyari. Muntik na naman akong ma-rape. And I didn't do anything. I almost let it happen again.

Hindi ko namalayan ay humihikbi na naman ako. Wala na akong pakialam kahit andito si boss dahil lagi naman siyang nandiyan para sa akin. Hindi naman kasama si boss sa populasyon ng hinayupak na dapat mabagsakan ng paso sa ulo.

I felt her patting my shoulder, encouraging me to cry. Hinayaan niya lang akong umiyak which is the best thing ever dahil ayokong makarinig ng kahit anong encouraging words ngayon. Kasi, kahit anong sabi nila ng mga salitang 'yon ay hindi nito mapapagaan ang loob ko.

"Kuha muna kita ng tubig," sabi ni boss saka umalis. Wow. Boss ko kinukuhaan lang ako ng tubig. Gawin ko kayang alila si boss.

Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko. Kita ko ang repleksyon ko doon at kitang-kita ang pamumula ng mga mata ko. Nagsimula na naman akong umiyak dahil naiimagine ko kung ano ang itsura ng helpless na si Thisbe nang muntik siyang pagsamantalahan ng isang hinayupak.

"Thisbe, bobo ka talaga. Ang hina-hina mo!" bulyaw ko sa sarili ko habang pinupukpok ang ulo ko. "Bakit ba hindi ka na lang namatay!" galit na sigaw ko sa repleksyon ko sa salamin.

Tumatakbong dumating si boss at saka hinila ang mga kamay ko.

"Thisbe, stop. Stop hurting yourself," mahinahon niyang pagpapakalma sa akin. I breathed heavily as I let my tears fall. "You're not weak, okay? You are the strongest person I've ever known. Don't let it get you."

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatulala. My eyes are still leaking ffs!

"I let him, boss—I fucking let him."
"No, you didn't. Nagulat ka lang. You are strong, Thisbe. Think of all the hardships you've gone through. Kinaya mo 'di ba? Kakayanin mo ulit." Hinawakan niya ang mukha ko at saka pinunasan ang luha ko. I gasped for air kasi nahihirapan na akong huminga kakaiyak. Pero kahit anong punas ko sa pisngi ko ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo nito.

Pinainom ako ni boss ng tubig at saka hinagod ang likod ko para kumalma. Good thing is it helped me.

"Are you okay now?" I nodded dahil by default nang oo ang sagot mo sa tanong na 'yon. Kahit pa hindi ka okay, kailangan okay ang sagot mo dahil 'yon ang dapat kahit na pinaglololoko lang natin ang mga sarili natin.

Mukha namang hindi naniniwala si Boss. I tsked at saka humiga ulit at ibinaon ang mukha ko sa unan.

"Go home, boss. Hindi mo ako kapatid. Ririnu needs you more than I do."
"Malaki na 'yong aso na 'yon. Kaya na niya sarili niya."
"So sinasabi mong maliit ako, boss?"
"Oo, pandak ka, e," nang-aasar na sagot niya.

Itinaas ko na lamang ang hinlalato ko. Hindi ko inangat ang ulo ko dahil umaasa akong masu-suffocate ako rito at mamamatay but sadly nakakahinga pa rin ako. Hinaplos ni boss ang ulo ko na parang pinapatahan ako. I am having a hard time stopping my eyes from leaking.

Her way of patting me. It's like my mother's touch. It was like mom's touch. I miss it.

"Thisbe, alam mong I am always here, 'di ba?" Tumango ako kahit na nakabaon pa rin ang mukha ko sa unan. "Magsabi ka lang kapag hindi ka okay." Tumango lang ulit ako. Para akong 'yong mga aso na naka-display sa sasakyan na tango lang nang tango. "Are you listening?"
"Yeah," sagot ko kahit na hindi ako sure kung naiintindihan ako ni boss.

She doesn't have to know how shit I feel right now.

"Alright, go sleep," she commanded. At kahit na anong pigil ko ay naramdaman ko na lang na pumipikit ako hoping that tomorrow will be better.

*****

Nagising ako nang hindi tumutunog ang alarm which is suspicious. Mabuti na lamang ay dreamless sleep ang naranasan ko at wala akong panaginip tungkol sa mga hinayupak na 'yon.

Pumikit ako nang mariin.

Kakayanin kong lumaban. Mga hayop sila. Hindi dahil naunahan nila ako ay magtutuloy-tuloy na.

Bumangon ako at tiningnan ang orasan ko—sa kasamaang palad ay malapit na akong ma-late kung hindi pa ako kikilos ngayon.

Bwisit. Bwisit na pangyayari kahapon. Bwisit na pangyayari ngayon. Bwisit na buhay 'to! Pero kahit na asar na asar na ako sa panti-trip sa akin ng tadhana ay bumangon pa rin ako at sinubukang ituloy ang buhay.

I stood up groggy. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko pero hindi ko 'yon pinansin. I know na mawawala rin 'yon as the time goes by.

Pagtapos ko mag-ayos ay aalis na sana ako kaso may nakita akong note sa lamesa.

"Go eat breakfast. 'Wag ka na pumasok sa work, ok? You deserve rest. Don't worry, bayad 'yong araw mo. —Koneko"

Wow. Pinaghahanda ako ni boss ng makakain. Parang masaya rin pala 'to, a. Kung hindi lang traumatizing, masaya na sana ako. If this is just a normal day I'd probably tease boss for caring to me.

I tsked again, trying to block those thoughts. Kung iiyak lang ako sa isang tabi walang mangyayari sa akin. Hindi ako makakakain at wala akong tutuluyan. Walang mangyayari sa akin so my emotions aren't needed. They would just be hindrances in my life.

Kinain ko ang hinanda ni boss saka umalis na papasok. Pumara ako ng tricycle dahil ayoko nang maglakad. Hindi baleng tipirin ko ang sarili ko sa pagkain, kahit na kupal 'tong driver dahil 35 singil kahit malapit ay hindi na ako maglalakad ulit. Maaraw man o hindi. Walking distance lang ang school namin mula sa labas ng village pero wala akong pakialam. Walang maglalakad!

Nang makarating ako sa school ay taas noo akong naglakad. Mabuti na lang at mabilis magpatakbo si kuya ng tricycle (kaya sige na nga, hindi na siya kupal kahit mahal singil niya) kaya may 15 minutes pa ako before mag-start ang class. Tulad ng dati ay iwas ang tingin nila sa akin na para bang may nakahahawa akong sakit. Parang dati halos sambahin ninyo ako, ah? People really change. In the end, they'd do something shit to you. In the end, you only have yourself to lean on. No one will be there until the end cause once they know your secrets, wala ka na rin.

Papunta ako sa classroom ko at nakakalat sa hallway ang mga estudyante. Akala mo talaga hindi sila nagpa-plastikan. Mga ulul! Those so-called-friends are talking shit behind you. I just rolled my eyes at nothing.

"Xyza," tawag sa akin ng isang malamig na boses. Hinayupak. Bakit kilala ko na ang boses niya?

Hindi ko siya nilingon.

At saka bakit Xyza tawag sa akin ng hinayupak na 'to? Doesn't he know that Xyza is the name of a weak person? I rolled my eyes again and smirked. This hinayupak is now Damon-yo.

Narinig ko ulit ang pagtawag niya pero nagbingi-bingihan ako. Ang mga hinayupak na estudyante ay nakatingin na sa akin/amin na halos nakanganga na. Some of them are even whispering "Si DA ba 'yan?" Kumunot ang noo ko, shet si Damon ba si DA?! But whatever. Wala akong pakialam.

Act normal Thisbe. Hindi mo siya kilala. Wala kang kilalang Damon-yo. Hindi ka niyan niligtas kahapon at wala kang utang na loob sa kaniya.

Mabilis akong naglakad at para lang makalayo kay Damon-yo na tumawag sa akin. Ramdam kong hinahabol niya ako. Hinigit niya ang kamay ko kaya napasinghap ako.

Tangina. Para akong napaso sa hawak niya. Nanginginig ako. Nagtutubig na naman ang mga mata ko at hindi ko 'yon ma-control. Huminga ako nang malalim saka hinarap siya nang sigurado na akong kalmado na ako.

"O?" I asked coolly. 'Wag ninyo itanong kung paano ko nagawa 'yon. Kahit ako walang ideya.

Dahil nasa hallway kami, ramdam kong nasa amin na talaga ang atensyon ng lahat ng estudyante. Hindi ko alam kung dahil ba ako si Thisbe o siya si Damon (or DA na unconfirmed pa). Basta ang alam ko, masama ang titig sa akin ng mga hinayupak na babae.

Hindi ko sila maintindihan. Minsan iwas sila sa akin, madalas ay kung makatitig sila ay parang ni-spoil ko sa kanila 'yong movie na gusto nila. Bakit ayaw nilang maging consistent? Pagtatadyakan ko mga mukha nila, e.

Binawi ko ang braso ko mula kay Damon-yo dahil nanlalambot na naman ang mga tuhod ko dahil sa takot.

"About kahapon," sabi niya na parang wala lang 'yon.
"Ha? Anong meron kahapon?" takha kong tanong or should I say nagpapanggap.
"'Yong muntik ka—"
"Hindi ko alam 'yon!" sigaw ko na nanlalaki ang mata. Tangina, may balak ba siyang ipaalam sa lahat? Nanti-trip ba 'tong si Damon-yo?
"Anong hindi mo alam?" Wala mang emosyon ang mukha ay ramdam kong naguguluhan ang boses ni Damon.
"Alam kong maganda ako pero luma na 'yang style mo." Umiling-iling pa ako para pandagdag sa acting.

Tangina, you guys are dumb naman na pinaniniwalaan ang mga shit 'di ba?! Paniwalaan ninyo 'to ngayon!

Nagkaroon ng mga bulungan ang mga insekyorang hinayupak. Mostly ay nagdi-disagree na maganda ako kahit na dati gandang-ganda sila sa akin.

"Huh?" tanong sa akin ni Damon na nakakunot na ang noo. Wow. I'm now getting an expression from him.
"Bro, kung gusto mo ulit ng kiss, hindi na pwede. Mahal ako, 'di mo alam?" I said emphasizing the last sentence while giving deathly stares to the hinayupak stupidents na nakikinig sa amin.

Nagsingisian naman ang mga stupidents sa gilid-gilid na wala namang ambag sa lipunan at sa buhay ko kaya itinaas ko ang hinlalato ko. Hindi sila natinag at hindi man lang umiwas ng tingin kaya dinalawa ko 'yon at iwinagayway.

"Pakayuuuuu, pakayuuuu, tengene ninyo, pakayu," kanta ko nang wala sa tono in the tune of "Thank you, thank you, ambabait ninyo, thank you."

Damon laughed wholeheartedly kaya napatigil ako at itinuro ko siya gamit ang hinlalato ko kaya mukha akong naka-pakyu sa kaniya. But holy shizz, Damon is laughing, it must be the end of the world.

Nang mapalingon ako sa paligid ay marami ang napatulala at ang iba ay nagmamadaling kunin ang mga cellphone nila para siguro makuhaan ng picture. Santo ba siya?

"DA laughed?!" bulong ng hinayupak na babae sa gilid ko. Okay. Confirmed DA is Damon but I still refuse to call him that. Corny naman ng DA. At saka bakit nga ba hindi ko na-realize 'yon? Bobo ko na ata, a.

"Woah there Damon-yo. Sino sumapi sa iyo?" Turo ko pa rin sa kaniya na gulat na gulat. Agad naman siyang tumigil sa pagtawa at bumalik ang mukha niyang walang ekspresyon. Teka, parang lumamig ang paligid?

Napasinghap ang mga taong nakarinig.

"Did she just call him Damon-yo?" shocked na sabi ng epal sa tabi. Gusto ba niya siya na lang makipag-usap. Arte naman. Tulak ko siya sa hagdan, e.

"That's so funny," he said coldly. Kung siya magsasabi na nakatatawa ang isang bagay nang ganiyan ang ekspresyon niya, manlulumo ka kasi hindi kapani-paniwala, e. 'Yong itsura ba naman niya ay sobrang seryoso na hindi mo mabasahan ng emosyon.
"Whatever." Time to fly fly. Nagsimula na akong maglakad pero pinigilan na naman ako ni Damon.

Nagulat ako dahil iba ang sensasyon na hatid niya sa akin ngayon. Kung kanina ay takot ngayon ay iba—saya?? Para niya akong kinuryente sa hawak niya. Tangina. Hindi ata Damon-yo 'to, Zeus ata siya.

"Ano ba?!" asar na sabi ko saka iwinakli ang hawak niya sa akin. Nakakatakot 'yong ganoong pakiramdam. Sanay akong takot ang nararamdaman ko kaya ayoko na iba ang nararamdaman ko sa kaniya.

"'Yong kahapon nga," pagbabalik niya sa usapan kanina. Napa-face palm ako mentally dahil hindi makaramdam ang Damon-yo na ayokong pag-usapan.
"Hindi ko nga alam 'yon," asar na sabi ko.
"I saved you last night. Is that how you'd thank me? I expected more," sabi niya pero wala akong naramdaman na galit. It's like he's just asking. Ni hindi nga siya sarcastic, e. Nagtatanong lang talaga.

Pinasingkit ko ang mga mata ko.

"Hindi ko nga alam 'yan. Bahala ka mag-ilusyon diyan."
"That motherfucker tried to rape you," pagkasabi niya noon ay biglang nanahimik ang lahat.

Nagkaroon ng mahinang bulungan at tawanan, though hindi ako sure kung mahina ba 'yon dahil naririnig ko. May narinig akong:

"Muntik daw rape-in? Gusto niya kamo."
"Baka nagpabayad talaga siya tapos akala ni Fafa DA e nire-rape siya tutal diyan naman siya magaling."
"Sus, bayaran naman 'yan."
"Nagmura ba si DA?! Omg. He's so effing hot."

Napapikit ako nang mariin. Naikuyom ang kamao.

'Wag kang mananakit, Thisbe. Gago ka kailangan mo lang maka-graduate. Wala kang pera. Nakaasa ka lang sa scholarship dito sa school. Pinagbigyan ka lang kahit masama image mo. Tandaan mo, walang laban ang mga bullied, walang gagawin ang shitty mong school kaya hindi ka makakapagsumbong. Tiisin mo lang, Thisbe. Tiis lang.

Xyza Thisbe, kalma lang. Isa kang Elemenop at kakanta ka lang ng ABCD para kumalma. Hindi ka pwedeng magpakita ng kahinaan kasi babalik na naman ang weak Xyza.

Ngumiti ako kay Damon, kahit naman nagpapasalamat ako sa kaniya hindi ko maiwasang mabwisit sa kaniya. Kahit naman wala akong pake sa mga hinayupak na ito ay nabu-bwisit pa rin ako kapag sinusundan ako ng tingin.

"Last mo na 'yan, Damon-yo ka. Isa pa, aabangan na kita sa labas ng school at hahamunin ng suntukan," mahinang banta ko sa kaniya na sapat na para marinig niya lang.

Humarap ako sa audience namin na hindi ko alam kung bakit ako ang laging trip.

"Tangina ninyo mga chismosa, doon nga kayo! Wala na nga kayong ambag sa lipunan wala pa kayong ginawa kung hindi pag-usapan ako. Ano? Bored na bored sa boring ninyong buhay? Kung gusto ninyo ng buhay ko, palit tayo mga pakayu, hinayupaks!" bwisit na sigaw ko dahil hindi na ako makapagpigil.

Agad akong nag-walkout at saka nagmadaling pumunta sa restricted area ng school.

Doon ako tatambay sa punong may malaking ugat at baka finally, kunin na ako ng engkanto kasi, like what I've said, there is no shittier place than this school.

Ilang minuto na akong nakapikit at dinaramdam ang hangin. Mas okay na 'to. Masaya na ako na ganito ang nararamdaman ko kaysa naman gusto kong manapak ng tao na hindi na pwede kasi baka ma-suspend na ako.

"Hey."

Tangina naman. Engkanto sabi ko hindi Damon-yo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro