Noona -21-
Noona -21-
Naunang umalis si Jungkook keysa sa akin. Paulit-ulit yung sinabi nya sa ulo ko at pakiramdam ko nakakagawa ako ng malaking kasalanan dahil doon.
Bumalik ako sa dressing room na parang tinakasan ng kaluluwa. Wala akong ganang makipag-usap sa mga nakakasalubong ko at may nababangga na rin ako ng di namamalayan.
Kinuha ko yung bag ko at saka lumabas ng building para maka-uwi na. Pagdating ko sa building namin ay bumungad sa akin yung pinto ng dorm ng Bangtan. Gusto ko sanang pumasok para kausapin si Jungkook kaso baka wala pa sila kaya dumiretso na lang ako sa dorm namin.
Pagkapasok ko ay may nakita akong sticky note na nakadikit sa ref namin.
Yoora,
Pinapatawag tayo ni PD-nim. Sunod ka na lang pagkatapos mong maka-uwi
EunSoo Unnie
Nagpalit ako ng damit saka nagpahinga saglit. Parang mas nakakapagod yung nangyayari sa amin ni Jungkook ngayon.
Hindi kasi talaga ako sanay na seryoso sya masyado, gusto ko palagi syang nakikitang nakangiti o nakatawa. Dagdag pang galit ata sya dahil doon sa nakita nya noong nakaraan.
Pumara ako ng taxi na maghahatid sa akin sa Big Hit. Ng makarating ako ay nasa practice room sila Unnie at nagsasayaw. Walang ganang inilapag ko yung bag ko sa gilid at sumabay sa kanila sa pagsasayaw.
"Yoora!" napatingil ako sa pagsasayaw ng makarinig ako ng malakas na sigaw. Nakita kong nakatingin sa akin sila Unnie at mukhang nag-aalala.
"Kumain ka ba? Kanina ka pa nagkakamali at kanina pa rin ako sigaw ng sigaw dito pero hindi mo ako pinapansin" sabi ni Hyemi Unnie sa akin. Nagbow ako sa kanilang tatlo bilang paghingi ng tawad.
"Mian" sabi ko, lumapit sa akin si EunSoo Unnie at kinapa yung leeg at noo ko.
"Kumain ka ba kanina?" malumanay na tanong nya kaya tumango ako. Pinaupo nya ako sa sofa na nasa gilid at binigyan ng tubig.
"Talaga? Nalamigan ka?" tanong nya ulit. Bigla kong naalala na nagtagal ako sa parking lot kanina ng walang jacket kaya siguro nilalamig pa rin ako hanggang ngayon.
"Sinisinat ka oh" sabi nya akin. Inabutan nya ako ng isang tabletang gamot at ipinainom iyon sa akin.
Lumapit sa amin si Hyemi at Jera Unnie na mukhang nag-aalala din.
"Ayos na ba kayo ni Jungkook?" biglang tanong ni Jera Unnie kaya nagulat ako. Paano nya nalaman ang bagay na yon? Hindi naman sa tinatago ko yun, ayoko lang na pati sila ay mamoblema sa problema ko.
"Sinabi sa akin ni Jin, hinalikan ka ba talaga ni Taehyung?" dagdag nya. Umiling ako.
"Hayaan mo na muna sya, bata pa sya kaya may mga bagay na ipipilit nya kahit hindi naman yun yung totoo" payo sa akin ni Eunsoo Unnie. Tumango ako at nagpasalamat sa kanila.
Mga ilang oras pa nagpractice sila Unnie, sinubukan kong sumabay sa kanila kaso lalong sumama yung pakiramdam ko kaya pinagpahinga na lang nila ako.
"Yoora!" napamulat ako ng mata ng biglang may tumawag sa pangalan ko at bahangya akong niyugyog. Nakita ko si Hoseok Oppa na nakaupo sa tabi ko at nakatingin sa akin.
Umupo ako mula sa pagkakahinga at kinapa nya agad ang noo at leeg ko. "Nilalagnat ka pa" sabi nya.
Napayakap naman ako sa sarili ko, masyadong malamig dito sa practice room. Maya-maya ay may naglagay sa akin ng jacket para hindi ako lamingin. Si Taehyung.
Tumingin ako sa loob ng practicr room at nandoon ang Bangtan sa loob pero wala sila Unnie.
"Sila Unnie?" tanong ko. Umupo si Taehyung sa likuran ko at isinandal ako sa kanya.
"Kausap sila ni PD-nim, tungkol ata sa fan signning event nyo sa susunod na araw" sagot ni Seokjin Oppa sa tanong ko.
Malapit na nga pala yun kaya hindi ako pwedeng magkasakit. Maya-maya ay bumukas yung pinto ng practice room at pumasok sila Unnie kasama si Manager Oppa ng Bangtan.
"Jeon Jungkook kelan ka pa natutong tumakas sa shoot nyo?" tanong ni Manager Oppa kay Jungkook na nagsasayaw ngayon sa harap ng salamin. Hindi sya tumigil, patuloy lang sya sa pagsasayaw at parang walang kumakausap sa kanya. Lumapit si Manager Oppa sa music player at pinatay yung tugtog na sinasayaw ni Jungkook.
Doon sya napatigil at napatingin kay Manager Oppa sa salamin.
"Nanood ako ng Music Core hyung" sagot nya.
"Anong mas mahalaga yung panonood mo ng Music Core o ang shooting ng MV nyo? Hindi ka na nga maayos yung first shooting nyo, hindi ka pa umatend ngayon?" halata na sya boses ni Manager Oppa na galit sya.
Hindi na sumagot si Jungkook, nagbow na lang sya sa harap ni Manager Oppa saka lumabas ng practice room.
"Aba't!" hahabulin pa sana ni Oppa si Jungkook pero pinigilan na sya ng NamJoon Oppa.
"Hyung, hyung ako na ang kakausap sa kanya ok? Sorry kung hindi na naman namin natapos yung shoot ng MV ngayon" sabi ni Namjoon Oppa sa Manager nila. Ang Bangtan na lang ang kinausap ni Manager Oppa, kailangan na raw nilang matapos yung MV dahil naipangako nila sa mga partners ng BigHit na ilalabas nila yun sa isang buwan.
"Empress, be ready sa fansigning event sa makalawa, arraseo? Yoora magpahinga ka na" sabi ni Oppa bago lumabas ng practice room.
Matapos nun ay umuwi na kami, pagdating namin sa dorm ay nandoon na si Jungkook at nakaupo sa labas ng dorm nila.
"Saeng nandito ka na pala" sabi ni SeokJin Oppa kay Jungkook. Inenter ni Seokjin Oppa yung passcode ng dorm nila at nagsipasukan na sila Yoongi Oppa.
Papasok na sana si Taehyung ng harangin sya ni Jungkook. Lahat kami ay nagulat dahil sa ginawa nya. Naka-alalay sa akin si Eunsoo Unnie samantalang nasa loob na sila Hyem Unnie.
"Hyung" seryosong tawag ni Jungkook kay Taehyung. Nagkatinginan silang dalawa.
"Hinalikan mo ba talaga si Noona?" tanong nya. Matagal bago na kasagot si Taehyung, lalapit na sana ako sa kanila pero pinigilan ako ni Unnie.
"Ano naman sayo kung hinalikan ko si Yoora? Bumalik naman na sya di ba?" balik na tanong ni Taehyung kay Jungkook. Napakuyom ng kamay si Jungkook at nakangisi si Taehyung.
"Hyung" tawag ulit ni Jungkook kay Taehyung. Inawat na sila ni Seokjin Oppa pero wala pa rin.
Maya-maya ay tumawa si Taehyung."Grabe ka maknae, hindi naman ako yung taong basta-basta manghahalik lalo na kung si Yoora yun." sabi ni Taehyung tapos tinapik-tapik nya yung balikat ni Jungkook.
"Wag kang magalala, hindi ko sya hinalikan" biglang sumeryoso yung mukha ni Taehyung pagkatapos nyang sabihin na hindi nya ako hinalikan.
"Kasi ang gusto ko kapag hinalikan ko sya, girlfriend ko na sya" hindi ko narinig yung sinabi ni Taehyung dahil mahina.
At habang naglalakad papasok ng dorm nila si Taehyung ay isa lang ang nararamdaman ko, parang unti-unti na akong lumalayo sa kanya.
------------
Guys, inuunahan ko na kayo. T^T.. I can't update na ng mas madalas this time.. Marami na kaming gawain eh.. Pero syempre iuupdate ko pa rin to.. Baka nga lang sa bakasyon na since ayun maraming ngang gawin then minsan pag-uwi ko ko eh gusto ko na lang matulog. Sorry talaga, lalo na sa mga naghihintay ng UD at napopost pa sa profile ko.. Promise po iuupdate ko po as soon as magbakasyon kami at babawi po ako nga 10 chapters agad haha Tapos ang story.. Joke lang pero I'll try para mabawi ko yung paghihintay nyo..
So habang naghihintay kayo ng UD... Sinong gusto ng dedications?? If you want, then comment your username then kung gusto mo mga naunang chapters pwede mong sabihin kung ano doon then kung ayaw mo eh sa mga future chapters ka na lang. Pero ako na ang bahala kung anong chapter ka XXD.
Kunyari UNNIE ( yan ang itatawag sa akin, wag author dahil wala ka na agad dedication kapag author ang itinawag mo sa akin -_-. SAENG kung mas matanda ka sa akin, to know my age just see Jeon Jungkook's age)kung anong gusto mong chapter sa mga nauna or sa future chapters) then may password Whahaha..
Know the real name of my LIFE right now.. Whahaha I have been mentioning his Stage name a couple of times so know his real name.
Sample:
_DOKyungSooBias
Chapter 12
**** **** *****
Yan, kapag tama yung sagot nyo sa password ay nay dedication kayo whaha. Ang demanding XD
Sa may gusto lang naman, kung ayaw di pinipilit XXD !!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro