MGFFH -9: My Angel is in Love?
MGFFH –9: My Angel is in Love?
//Astarotte Serafica’s Point of View//
“Ikaw ang nagluto nito?” Tanong ko kay Gelle.
Pagkababa ko kasi sa kusina eh nakahanda na ‘yung almusal ko tapos nakaupo na si Gelle habang as usual, nakangiti pa rin.
“Oo. Dali! Tikman mo na!” Gelle.
Eh? Masarap naman ‘tong Tapsilog na niluto niya. Sandali… kung niluto niya ‘to? Eh ‘di nakita siya ng mga maid? O_____O
“Nakita ka ng mga maid?!”
“Oo.” Sagot niya habang nakangiti pa rin. Aish! Kung ganito ng ganito ang makikita ko sa umaga sana umaga na lang palagi!
“HA?!” Bulalas ko, “Anong sinabi mo sa kanila?”
“Boyfriend mo ‘ko.” Tapos uminom siya ng tubig.
“Talaga? So naniwala naman sila? Okay…” Boring kong sagot.
Sinilip niya ako habang sumusubo, “Okay lang sa’yo?”
“Oo. Hindi naman totoo ‘di ba?” Then I smirked.
Smirk. Great! Asan nga pala si Cifer? Walang hiya ‘yun. Lulubog-lilitaw ang drama! Bwisit!
“Asan nga pala si –”
“Ah! Kumain ka na! Masama ang nagsasalita habang kumakain!”
Okay? Saan ba si Cifer? At bakit parang ang weird ni Gelle? Parang may dino-dodge siyang pag-usapan? Psh… pabayaan na nga lang.
Pagkatapos kong kumain dumiretso ako sa sala at nanunood ng TV. Tumabi naman sa akin si Gelle.
“Astarotte… saan mo gustong pumunta?” Tanong niya sa akin.
“Bakit mo ‘ko tinatanong?” Sabay taas ng kilay.
“Gusto ko kasing pumasyal… kasama ka.” Tapos kinamot niya ‘yung batok niya na animo’y nahihiya.
Ang cute cute naman ni Gelle! Parang ang gandang pisilin nung mga pisngi niya! Tyaka halatang-halatang nagblu-blush siya oh! Ang puti pa naman din ng complexion niya.
“Hmmm… gusto kong pumunta sa park.” Sagot ko sa kanya.
Matagal na kasi akong hindi nakakapunta run. Wala lang… kahit naman masama ako may karapatan din naman akong maging masaya ‘di ba?
“Park? Sige… tara!” Hinawakan niya ‘yung kamay ko.
“Pwedeng magbihis muna?”
“Ahy. Hehe. Sorry.” He smiled. I almost melt!
Pumasok ako agad sa kwarto ko. Pero nakaramdam ako ng pangungulila kay Cifer. Miss ko na siya, kaagad? Tsk tsk. Kung nasan man siya sana magpakita na siya sa akin >.<
Nagbihis ako. Jeans lang tapos simpleng t-shirt. For the first time, naging simple ako. Nakakatamad kasing magbihis. Tyaka hindi rin ako masyadong nag-make up. Tinatamad kasi ako eh.
Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Grabe nu? Ang ganda ko talaga! Ito ‘yung mukhang pag-aagawan ng isang anghel at isang devil eh. Ganda ko eh nu?
Habang nag-susuklay ako, nahagip ng paningin ko ang singsing na isinuot ni Gelle sa akin kagabi. Yung singsing na may pakpak na may diamonds sa ibabaw. Ang ganda talaga nito. Para talagang pang mayaman! Sa tana ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong singsing.
Bagay sa akin kasi maganda ako. Mwhahahaha!
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay bumaba na ako. Pagkababa ko sa sala eh nakita ko si Gelle na halos malaglag na ang panga habang nakatingin sa akin.
I snapped my fingers, “Ah –A-Astarotte.” Wika niya.
“Bat ka tulala?” Tanong ko sa kanya.
“Ang ganda mo kasi. Mas maganda ka… kung simple.” Ngumiti ulit siya.
Hindi ko namalayan nakangiti na rin pala ako.
Sabi niya huwag na lang daw gamitin ‘yung limo kasi mas gusto niyang maglakad. Pumayag ako kasi mas trip ko rin kasing maglakad.
Ano ba ‘tong drama naming dalawa? HHWW? Holding hands while walking? Hindi ko kasi napansin na magkahawak ‘yung kamay namin. Tinignan ko siya tapos nakangiti lang siya.
Hanggang sa makarating kami sa park ganun kami. Magkahawak ang kamay tapos siya nakangiti. Hindi ko naman makuha ‘yung kamay ko sa kanya kasi…
Sige na! Hindi na ako plastic! Gusto ko rin kasi. Para kasing nakakagaan ng pakiramdam. Feeling ko safe ako habang hawak niya ‘yung kamay ko.
Umupo kami sa isang bench, “Napagod ka ba?” Tanong niya.
“Hindi naman.”
Nakangiti siya. Samantalagang nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro ng mga bula at naghahabulan sa playground.
Ganyan din siguro ako kasaya noon.
Haay… kung naaalala ko lang talaga ‘yung noon.
“Masaya ka ba?”
Napatingin ako kay Gelle, “Siguro…”
Hindi kasi ako sigurado kung masaya ako. Feeling ko kasi may kulang. Feeling ko may nawawala –ay oo, si Cifer.
Hindi na siguro talaga ako sanay na wala si Cifer sa tabi ko. Gusto ko palagi siyang nandyan. Gusto ko palagi ko siyang nakikita. Gusto ko palagi niya akong kinukulit. Gusto ko si Cifer.
Haaay…
“May nami-miss ka ba?”
“Si Cifer…”
Nag-iba ‘yung aura ng mukha niya. Mula sa pagiging masaya at nakangiti eh parang gumuho ‘yung mundo ko pagkasabi ko lang ng pangalan ni Cifer.
“Ayos ka lang?”
“Oo.” Ngumiti siya pero halatang fake, “May bibilhin ako. Dyan ka lang.”
Naglakad siya papalayo. Hindi ko na siya sinundan ng tingin at sa halip ay ibinaling ko ang atensyon ko sa mga batang naglalaro.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik si Gelle na may dalang dalawang… ice cream?
“Ice cream?” Tanong ko.
“Sa’yo.” Iniabot niya sa akin ‘yung isa. Tapos dinilaan niya ‘yung ice cream niya.
Nagtataka ako pero kinain ko na lang din. As if naman na may magagawa pa ako eh nabili niya na.
“Tara!” Hinila ako ni Gelle.
“Ah –Sandali!”
Naglalakad na naman kami ng magkahawak ‘yung kamay. Tapos pumunta kami sa simbahan. Magdadasal na naman siya? –Ay oo nga pala, anghel siya. Hmpf!
Lumuhod siya at ipinikit ang mga mata –nagdadasal ulit siya. Ginaya ko na lang ‘din. Katulad ng panalangin ko nung una, gusto kong bumalik ‘yung alaala ko ‘yun lang.
Pagkatapos sa simbahan, naisip kong puntahan si Mommy sa sementeryo. Nagpasama ako kay Gelle.
“Siya pala ang Mommy mo.” Ngumiti siya habang tinitignan ‘yung lapida ni Mommy.
“Oo. Kahit hindi ko maalala ‘yung mga nangyari noon nung kasama ko pa siya, ramdam ko na miss na miss ko na siya.” Tumulo ang luha ko. Agad naman akong niyakap ni Gelle.
“Tara na.” Sabi ko kay Gelle.
Naglalakad na kami paalis ng sementeryo ng may madaanan akong pamilyar na puntod.
Christofer Anduez…
Si Cifer! Puntod ni Cifer!
Sandali akong natigilan sa paglalakad at pinagmasdan ang puntod niya. Hindi ko namalayan na mas naiyak na pala ako.
Si Cifer…
Mahal ko si Cifer…
“Hindi na siya babalik…” Pahayag ni Gelle.
Lumingon ako sa kanya, “Bakit hindi?!”
Hindi siya sumagot at iniwas ang tingin sa akin.
“Sagutin mo ‘ko! Bakit hindi na siya babalik?!” Tumaas na ang tono ng pananalita ko.
“Dahil hindi mo siya kailangan. Kalimutan mo na siya.”
“Kalimutan? Hindi pa ba kayo nakuntento na nakalimutan ko lahat ng alaala ko noon?! Pati ba ngayon pipilitin niyo ‘kong kalimutan ang isang taong nagpasaya sa akin?” Bulalas ko.
“Hindi siya tao Ast—”
“Wala akong pakialam! Mahal ko siya! Mahal ko siya, Gelle!” Sigaw ko.”At ang gusto ko lang… makasama ko siya at bumalik ang alaala ko. Yun lang!”
“Yun ba ang gusto mo?” Naluluha siya.
“Please. Ibalik mo niyo na ‘yung alaala ko.” Sambit ko habang patuloy na umaagos ang luha sa mukha ko.
Gelle moved closer. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Tinignan niya ako sa mga mata ko. Nakita ko, malungkot siya. Pinikit niya ang mga mata niya at hinalikan ako sa noo.
Nang nilapat niya ang labi niya sa noo ko nagsimula ng bumaha ang mga alaalang nakalimutan ko. Lahat-lahat… bumalik na.
“Mahal kita… Astarotte.” Sambit niya. Pagdilat ko, wala ng Gelle sa harapan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro