Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MGFFH -7: Waking Up Next to my Angel.

MGFFH –7: Waking Up Next to my Angel.

//Cifer Capulet’s Point of View//

Shit! Paano ‘to nangyari? How can fate be this cruel to us?! Fvck! 

Gabrielle Angelo Nuñez is Astarotte’s Guardian Angel?! Yung mahal ni Astarotte? Yung dahilan kung bakit ako na-busted? Yung karibal ko sa lahat ng bagay simula noong third year high school ako?! 

Well, shit happened!

“A-Anghel ka?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Hindi ko ‘to ine-expect!

“Astarotte’s Guardian Angel to be exact.” He said in a calm tone. Look! May pakpak at halo pa siya! Fvck! Anghel nga talaga!

“Paano nangyari ‘yun?!” Hindi makapaniwala kong tanong.

“Katulad ng nangyari sa’yo. Ang kaibahan lang, ako anghel ikaw demonyo.” 

Aba gago ‘to ah! Nagtatanong ako ng maayos tapos ganyan ang isasagot?! Bullsht ka lang na anghel ka! Makakatikim ka talaga sa akin sinasabi ko sa’yo!

“Gago ka pa—” Susuntukin ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ‘yung pulso ko paraan upang mapigil ang kamao ko sa pagtama sa mukha niya.

“Huwag mo ‘kong sinusubukan Cifer. Alam mong hindi mananalo ang kasamaan laban sa kabutihan.” Yeah. Like whatever! Hindi na ‘yan uso ngayon! Bwisit ‘to! 

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya noon sa akin. Siya ang dahilan kung bat na-busted ako kay Astarotte! Siya ang dahilan kung bakit ako namatay! Sht siya! Buti namatay na rin siya para hindi na niya makuha si Astarotte sa akin! 

Bigla niya akong sinuntok, “Stay away from her.” Utos niya sa akin.

“Bakit ko siya lalayuan?! Pareho lang tayong guardian niya.” Sabi ko sabay pahid ng dugo mula sa labi ko. Ngumisi ako.

“Ang kaibahan lang, tinuturuan mo siya ng masama. Stay away from her and forever rot in hell Cifer. Doon ka nababagay.” Pahayag niya.

Makapanghusga naman ‘tong gagong ‘to! Anghel ka lang eh! Bwisit! Pero sige! Pagbigyan! Tignan ko lang kung sino ang hahanapin ni Astarotte sa huli. Kahit sino ka pang gago ka, kahit anghel ka ngayon, ikaw pa rin si Gabrielle Angelo Nuñez, ang putanginang karibal ko!

//Gelle Montague’s Point of View//

Ano pa bang magandang intro para sa sarili ko? Sige, ang pinakamadali na lang…

I’m Gelle, Astarotte’s guardian angel.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ngayon lang ako dumating samantalang medyo matagal na si Cifer sa tabi ni Astarotte. Ngayon lang kasi ako inutusan at pumayag.

Pagkatapos kong paalisin si Cifer sa lugar ni Astarotte, bumalik ako sa langit at kinausap si St. Peter.

“St. Peter, paano po nangyari ‘yun?” Tanong ko sa kanya.

“Ang alin?” 

“Paano pong namatay si Cifer? Bakit siya po ang naging Guardian Devil ni Astarotte?” 

“Aba, malay ko sa bossing niya. Alam mo kasi Gelle, lahat ay may rason. Hintayin na lang natin kung ano.” Pahayag ni St. Peter.

Napakamot ako sa ulo ko, “Pero po, alam naman po nila kung anong nangyari sa aming tatlo noon ‘di ba?”

“Gelle, bantayan mo na lamang si Astarotte. Yun ang makapagpapasaya sa’yo, ito na rin ang pagkakataon mo para makabawi sa kanya.” Tapos naglakad na papalayo si St. Peter.

Tama. Kailangan kong bantayan si Astarotte. Hindi pwedeng makalapit sa kanya si Cifer. Dahil alam kong walang magandang maidudulot sa kanya ang devil na ‘yun. 

Bababa ako sa lupa para bantayan ang babaeng mahal ko at para makabawi sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganun. Ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon.

Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari at kinahinatnan ng buhay ni Astarotte ngayon. Sana pala… naging matapang na lamang ako. 

***

Si Astarotte ang pinaka-special sa akin nung third year high school kami. She’s my best friend and we used to be together everytime! Siguro kada-oras kaming magkasama. Seat mate kami, magkapit-bahay, magkadikit ang bituka kumbaga. 

Kaya siguro hindi napigilan ng puso kong mahulog sa kanya dahil bukod sa maganda siya, napakabait niya. Malayong-malayo siya sa style niya ngayon na palamura at walang awa sa iba. 

Si Astarotte noon? Sobra kung tumulong sa iba. Yung tipong isusubo niya na nga lang magagawa pa niyang ipamigay sa iba. 

Nang dahil dun, mas minahal ko siya. Hindi ko nga inisip na magiging ganun din ang pakiramdam niya para sa akin. Hanggang sa isang araw malaman ko na lang…

//Flashback//

Birthday party slash despidida ko noon. Hindi alam ni Astarotte na aalis ako, sinadya kong hindi ipaalam sa kanya dahil alam kong masasaktan siya at baka magtampo. Ayoko namang birthday na birthday ko eh magkagalit kami ng bestfriend ko… ng taong mahal ko.

Gusto kong maging memorable ‘yung party na ‘yun para naman kahit papano may baunin ako papuntang New York ‘di ba? Ayoko sanang umalis kaso nandun ang work ni Mommy eh.

Hanggang bigla na lang akong hinatak ni Astarotte papunta sa likod bahay naming, at doon na nagsimula ang pagiging memorable ng party na ito…

“May gusto sana akong sabihin sa’yo.” Pahayag nito habang nakatitig sa mga mata ko at hawak ang dalawang kamay ko. 

“Ako rin eh…” Total dalawa na lang kami rito, gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang pag-alis ko.

“Sige ikaw muna.” 

“Please, mauna ka na.” 

Napansin ko ang panginginig ng kamay niya na kasalukuyang hawak ko, “Gabrielle, mahal kita. Mahal kita hindi lang bilang kaibigan. Mahal talaga kita.” 

Nagulat ako sa ipinagtapat ni Astarotte sa akin. Ang saya-saya ko pero mas malaking parte ng puso ko ang nalulungkot. Dahil alam kong hindi pwedeng maging kami dahil aalis na ako. Iiwan ko rin siya kaya bakit pa ako magsasaya? 

Pero karapatan din naman niyang malaman kung anong sinisigaw ng puso ko, ‘di ba?

Hinawakan ko ‘yung magkabilang pisngi niya, “Alam mo ba kung gaano mo ‘ko pinasaya ngayong birthday ko? Pero kung gaano ako kasaya, ganon ‘din kalungkot. Astarotte, mahal na mahal kita, hindi rin bilang isang best friend. Pero…” Mas lalo akong nahirapang sabihin sa kanya nang masilayan ko ang ngiti sa kanyang labi, “…hindi pwedeng maging tayo.” Napayuko ako.

“Ano?!” Pasigaw niyang tanong. Aish! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

“Hindi mo kakayanin ang LDR.”

“Anong LDR?! Bakit LDR?! Gab ano ba?!” Aww. Ito na! Tumulo na ‘yung mga luha niya at sumunod na rin ang akin.

“Aalis ako –kami. Isasama na ako ni Mommy sa New York. Astarotte, ayokong mahirapan tayo. Ayokong mahirapan ka.” Explain ko sa kanya. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya.

“Pero pinapahirapan mo na ‘ko ngayon! Please Gab, dito ka na lang! Wag ka ng umalis, please?” Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata. At dahil dun, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

“Hindi pwede. Mahal kita okay? Pero… hindi pwede eh. Kalimutan mo na lang… ako.” 

Kumalas siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya, “Sht naman!” Ito ang first time na narinig ko siyang magmura. 

Tapos bigla na lang siyang tumakbo papaalis ng bahay namin. Ang bilis niyang tumakbo habang umiiyak. Sinubukan ko siyang habulin pero na-interrupt ako ng mga bisita pero nung nakatakas ako sa kanila eh agad kong sinundan si Astarotte.

Tumakbo ako para lang mahabol ko siya pero huli na…

Nabundol na siya ng isang sports car at nakita ko na lamang ang dugong dumadaloy mula sa ulo niya. Ang akala ko mawawala na siya…

Agad kong hinigit ang kwelyo ng lalaking bumundol sa kanya. Pinagsusuntok ko siya pero hindi ko alam na may kutsilyo siyang dala paraan upang masaksak niya ako. 

Bumagsak ako sa tabi ni Astarotte, nilingon ko siya at hinawan ang kamay niya at sa ‘di kalayuan ay isang kotse na wasak-wasak at mukhang nabangga agad na tumakbo run ang mga kalalakihan na kanina ay nasa likuran lamang. At narinig ko…

“Bilis tulungan muna natin si Christofer!” 

Pagkatapos nun, bigla na lamang tumigil ang pagtibok ng puso ko at ‘dun ko na lamang napagtanto na sa mismong kaarawan ko, nagwakas ang buhay ko.

//End of Flashback//

Pumasok ako sa kwarto ni Astarotte. Umupo ako sa kama niya at tahimik na pinagmasdan siya. Astarotte, kasama na kita ulit… makakabawi na ako sa’yo. 

//Astarotte Serafica’s Point of View//

Pagkamulat na pagkamulat ko sa mga mata ko eh isang perpektong anghel ang nasilayan ko. Omo! Nasa langit na ba ako?! 

Gwapo siya, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata at mapupulang mga labi! At may… may… 

Sht literal na anghel!

Tangina may pakpak at may halo?! Sht sht! Nasa langit na ata talaga ako! –Pero bat naman ako mapupunta ‘run eh ang sama-sama ko?

Bigla siyang ngumiti at uwaaaa! Tunaw na ba ako?! Ang gwapo niyaaaaaaaaa :””>

“Good morning.” Bati niya sa akin habang nakangiti.

Nalunok ko ata dila ko? Shems! Hindi ako makapagsalita! Tulaley ako nang dahil sa kapugian niya! Uwaaaa!

“Nag-pray ka na ba?” Tanong niya sa akin habang nakangiti pa rin!

Kung si Cifer mahilig mag-smirk siya mahilig ngumiti!! –Ay teka, asan si Cifer? Luminga-linga ako sa paligid ng kwarto ko pero wala siya. Asan naman ‘yun?

“S-Sino ka?” Tanong ko sa kanya.

“Ako ang guardian angel mo.” Sabi niya tapos ngumiti ng napakalawak.

Shet! Kaya siguro wala si Cifer dito? Totoo kaya? Ang gwapo niya kasi eh! Mukha talagang anghel.

“Totoo?” 

“Oo naman.” Tapos pumikit siya at umaktong nagdarasal. “Gayahin mo ‘ko at magpasalamat ka kay Lord God dahil panibagong araw na ibinigay niya sa’yo.” Kahit nakapikit siya nakangiti pa rin siya. Haaay… ang gwapo!

Pumikit na rin ako at nagpasalamat sa Panginoon. Pero ang salitang ‘salamat’ lang ang sinabi ko. 

“Maligo ka na tapos bumaba para makakain ng almusal.” Tapos iniabot niya sa akin ang twalya ko. Ang sweet naman niya :””>

Pumasok ako sa banyo at naligo. Ewan. Di ako sanay magising sa umaga ng wala si Cifer pero pagbigyan na lang siguro. Minsan ko lang makakasama ang guardian angel kong gwapo eh. 

Pagkatapos kong maligo eh lumabas ako ng banyo nang nakatapis ng tuwalya. At nakita ko ang damit pampasok ko sa kama. Pati… panty at bra? Anla :O

Sigurado ba siyang guardian angel ko siya o yaya? Ansaveeeh!!

Bumaba na rin ako at nakita ko siyang naghahanda ng plato habang nakangiti pa rin? Umupo ako at nagsimulang kumain. Tinitignan niya lang ako tapos nakangiti pa rin siya.

“Hindi ka kakaen?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi ako kumakain. Ngiti mo palang… busog na ako.” Tapos ngumiti ulit siya.

Anla?! Baka naman ako dapat ang magsabi niyan? Ang gwapo kasi niyang ngumiti eh, “Asus. Bolerong anghel! Ano bang pangalan mo?” Tanong ko sa kanya tapos uminom ako ng tubig.

“Gelle Montague.” 

Bigla kong naibuga ‘yung ininom kong tubig sa sinabi niya. Dali-dali naman siyang lumapit at pinunasan ang bibig ko.

“Dahan-dahan kasi.” 

Montague?! Eh ‘yung isa Capulet tapos ito Montague? Ano ‘to Romeo and Juliet? Baka naman si Cifer at itong si Gelle ang meant to be?! Shet mababaliw ata ako sa kanilang dalawa!

Pagkatapos kong kumain ay niyaya akong pumunta ni Gelle sa isang ‘masayang lugar’. Hindi ko alam kung saan ‘yun pero pumayag na rin ako. Hindi naman siguro ako ipapahamak ng anghel ko ‘di ba?

Pagkatapos ng ilang minutong pagkukulong sa limousine eh nakarating na rin kami sa tinurong lugar ni Gelle. Pagkalabas ko… simbahan?!

Anong ginagawa ko rito? O_______O

“Pasok na tayo!” Masigla niyang pahayag at hinawakan niya ang kamay ko. At hindi lang basta hawak! As in naka-intertwine ang fingers namin na parang holding hands talaga! Shet, feeling ko nagblu-blush ako xD

Pumasok kami sa loob. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa simbahan simula nung maaksidente ako. Ang tagal na nu? Alam ko naman kasing wala akong lugar dito dahil masama ako. Pero ito na eh… anghel kasi ang kasama ko.

Lumuhod siya, pinikit ang mata at nagdasal. Di kalaunan ay gumaya na rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako gumaya bigla ko na lang naisipang magdasal.

“Alam kong ang dami ko nang utang sa inyo, mga pagkakasala. Mahirap lang kasi eh, hindi ko maalala lahat ng nangyari sa akin noon. Ang hirap at ang sakit. Ang dami ko pong tanong sa isipan ko pero wala pong sagot. Bakit ganun? Sana… bumalik na ang alaala ko.” 

Pagmulat ko ng mga mata ko may isang butil ng luha ang nagmula sa aking kanang mata. Agad naman itong pinahid ni Gelle na ikinagulat ko. Tumingin ako sa kanya…

“Ang ganda mo.” Sabi niya at napangiti. Sinuklian ko na lang din siya ng ngiti. 

Lumabas kami ng simbahan ng magkahawak ang kamay. Napukaw ang tingin niya sa mga batang palaboy sa tabi ng simbahan. Inalis niya ang kamay niya sa akin at pinuntahan ang mga bata.

Ngitian niya ang mga ito at hinawakan sa tuktok ng ulo nila. Binigyan niya ang mga ito ng crackers na mula sa bulsa niya. Pero kanina wala naman ‘yun ‘di ba? Paano nagkarun ng crackers ‘yun? O.o

Pinanood niya ‘yung mga bata papalayo. Sinundan ko siya sa kinatatayuan niya, “MMK ba ito?” At humalakhak ako.

Nakangiti lang siya, “Iuuwi na kita.” Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko katulad ng ginawa niya sa mga bata at hinawakan muli ang kamay ko.

Naglakad kami papunta sa limousine. Uuwi na kami sa bahay.

//Gelle Montague’s Point of View//

Ang saying makita si Astarotte habang kinakausap ang Panginoon. Alam kong mababago ko siya kahit sa sandaling pamamalagi ko sa tabi niya. 

Pinagmamasdan ko siya habang papauwi sa bahay. Nakatulog kasi siya at kasalukuyan siyang nakasandal sa balikat ko. Sadyang napakaganda niya talaga. At iyon, ang nagpangiti sa akin.

“Cifer… Cifer… Cifer…” Sambit niya. Napawi ang ngiti sa aking labi at napalitan ng lungkot.

Kahit ako na ang nasa tabi mo… siya pa rin ang iniisip mo. Siya na siguro ang laman ng puso mo. Nakakatuwa, noon sinabi niya sa aking binasted niya si Christofer pero ngayon? Nabaliktad ata, dahil siya na ang minamahal mo.

Nakakainis. Masakit. Kung gugustuhin ko, pwede ko namang ibalik ang alaala mo eh para ako na ulit ang mahalin mo. Pero hindi ako makasarili –gusto ko na kahit nakalimutan ako ng utak mo, maalala pa rin ako ng puso mo. 

Ako na lang ulit Astarotte… ako na lang ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: