MGFFH -4: I only remember Star.
MGFFH –4: I only remember Star.
//Astarotte Serafica’s Point of View//
--3:00 AM.
Hindi ako makatulog. Arrrggh! Bigla na lang akong nagising ng walang dahilan! Buti pa si Cifer natutulog. Psh, nakakainis!
Habang tinitignan ko siya, sinimulan ko ng i-examin ang mukha niya. Kahit nakapikit siya, I can imagine his round brown eyes. Tapos ‘yung matangos niyang ilong, grabe pang-artista ang dating. His soft cheeks? Eh hindi ko pa naman kasi nahahawakan, pero gusto ko. Hihi, pwede kaya? Ahem, at ‘yung labi niyang kasingpula ng cherry parang ang sarap halikan. All in all? Parang ang sarap niyang lapain! Rawwr!
“Do what you want, I know you can’t resist me.” PUTRAGES! Gising pala ang mokong! Anla! Nahalata niya kayang pinagnanasahan ko siya? O_______O
“Fvck you.” Sagot ko sa kanya sabay irap.
Well yes, he’s irresistible pero napaka-conceited niya! Napaka-yabang! Tsss, but it makes him hotter. Ewan ba, feeling ko any time pwede ko siyang lapain eh. Alam mo ‘yun? Grabe kasi siya ka-gwapo kaya hindi ko rin masisisi ‘yung mga tumitingin sa kanya kaso, they must know that he’s mine.
Why so possessive? Wala lang, ayoko lang talaga na may kahati sa lahat ng bagay. Kung ano ‘yung gusto ko, akin lang dapat. Hmmpf! Naalala ko na naman si Farrah Angeles! Yung bruha na ‘yun?! Halos tunawin sa tingin si Cifer! Tangna nun!
“What’s on your mind?” Tanong sa akin ni Cifer pagkatapos niyang umupo at sumandal sa head board.
“You –I mean damn you!” Shit shit shit! Muntik na! Aish! >______<
He chuckled, “It’s okay, hindi ka naman mamatay ‘pag sinabi mo sa aking ako talaga ang iniisip mo.” He sexily crawled to the end of my bed where I am sitting. I can smell his sweet sent and I can feel his warm breath as he whispered, “It’s pretty obvious, you’re lusting over my body Astarotte.”
UWAAAAAAAA! Para akong kinuryente! At para akong tinusta sa sobrang init! Shitness! Ganito ba talaga ang epekto ng isang Cifer Capulet sa akin? Grabe! He’s so hot! Fvck it! ‘Pag pinagpatuloy niya pa ‘yang teasing niya sa akin, naku! Lalapain ko na siya eh! Takteng hindi na ako makapagpigil!
“Gagu! Lumayo ka nga!” Tapos tinulak ko siya. Pero lalake nga talaga siya, matikas ang katawan kaya medyo hindi siya natablan nung tinulak ko siya, ni hindi nga siya gumalaw eh! And now! He’s smirking, again!
“You’re blushing.” He looked at my neck and traced it with his index finger. “Didn’t I tell you that you’re so hot?” He bit his lower lip.
“Pakyu! Tigilan mo nga ako!” Tumayo ako sa kama at tinignan siya ng masama.
“Ang pakipot mo naman! Dyan ka na nga!” Nag-pout siya tapos humiga ulit sa kama.
Psh. Ayoko kasing gawin! Yes, I flirt with boys pero hanggang make out session lang! Hindi ko na pinapaabot sa point na pati ‘yung ano ko ay ibibigay ko. Ano sila sine-swerte? Asa! Ibibigay ko lang ‘to sa lalakeng papakasalan ko, at wala ni-isa sa mga flings ko ang papakasalan ko kaya sorry sila.
Umupo na ulit ako sa tabi niya at sumandal sa head board, “I can’t sleep.” Complain ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin, “So what?! Do you want me to sing a lullaby for you? Well fvck off because I will never do that!” Tapos tumalikod na siya.
Problema nito? Siya pa ang may ganang magalit samantalang siya ‘yung nambitin –I mean nang-akit sa akin kanina? Gago ‘to ah!
“What the heck is your problem?” Tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa akin with ‘naiirita-look’ “Ikaw kasi eh! Pakipot ka pa! Alam mo bang ilang weeks na akong hindi nakakatikim ng babae?! Tanginang ‘yan!” Reklamo niya.
“Eh gago ka pala eh! Anong akala mo sa akin parausan? Pucha, umayos ka nga!”
Akala nito porket hot siya madadala na ako sa kanya? Well, muntik na pero... aurgh! Hindi naman ako ganun karupok para ibigay ang sarili ko sa kanya. Like duh?! Hindi naman siya ang lalakeng papakasalan ko!
“Then let me sleep!” Sabi niya tapos tumalikod ulit.
Niyugyog ko siya, “Hindi ka matutulog hangga’t hindi pa ako nakakatulog! Bumangon ka dyan! Mag-usap tayo.”
Naiirita siyang bumangon at umupo, “Fvck! What?!”
“Wala lang. I just need someone to talk with. I’m bored and I can’t sleep.”
“Eh ‘di kausapin mo ‘yung aparador mo!”
“Eh ‘di nagmukha naman akong tanga nun? Sige na kasi!” Pamimilit ko sa kanya.
“FINE! Talk!” Labag sa loob niya pero pumayag siya.
“When I was 8 years old, my mom died. Nabaril siya ng mga kaaway ni Daddy sa business. Of course I cried, pero dahil din kay Daddy mabilis akong naka-move on. Pagkaraan ng ilang months, bumalik na ako sa normal. Nami-miss ko si Mommy pero hindi na ako umiiyak. Isang araw, nakita ko si Daddy na may dine-date na isang magandang babae. I don’t like her. I like my mom, there’s no one better than her because she’s already the best. My Dad explained, so I listened and believed. Pagkalipas ng ilang taon, ganun pa rin si Daddy. Nakikipag-date sa mga models, palagi ko nga siyang nahuhuling nakikipaghalikan sa office niya sa bahay eh. But I didn’t care, I hate him already. Pagkatungtung ko sa third year high school...” Kwento ko kay Cifer. Wala akong pakialam kung tumawa siya, gusto ko lang magkwento.
“Tss. Alam ko na ‘yan.” He said in a bored tone.
“I know, I just wanted to talk.” I looked at him, “Ikaw? Ano bang meron sa underworld?”
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at nagsimulang mag-isip, “Underworld is good. Wala masyadong problema. Puro sarap lang. Nasusunod lahat ng gusto ko. Basta, it’s so nice to be there.” Pahayag niya.
“How about your life –as a human?” Tanong ko sa kanya.
“I don’t remember anything except from...”
“From what? Who?”
“Star. It was the very first word that came out from my mouth when I woke up in hell.” He explained.
“Baka naman mahilig ka lang sa star?”
“I don’t know. Pero ang alam ko at ang nararamdaman ko... tao si Star.”
Star? Pangalan ko ‘yun ah, “Alam mo ba, Star ang palayaw ko.” Then I smiled, “Sabi ni Daddy, Star daw ang nickname ko, pero parang pangalang pang mabait eh, eh hindi naman ako mabait.” I bitterly laugh, “Kaya Astarotte na lang. Coincidence huh? Baka naman nagkita na tayo dati? Baka naman, isa ka sa mga nagpapantasya sa akin sa school? HAHAHAHA!”
“Psh. Shut up. That’s impossible.” Pahayag niya.
“I know right.” I yawned, “Can we sleep now?”
Nag-nod siya tapos humiga na ako. Bago ko pa ipikit ang mga mata ko eh aalis na sana siya pero hinila ko ‘yung kamay niya.
“Fvck you! Just stay!” Sabi ko sa kanya.
Ewan ko ba kung inaantok na talaga ako o talagang nag-smile siya sa akin. Oo, as in smile talaga ‘yun at hindi smirk! Pero ewan, ang gwapo-gwapo niya.
//Cifer Capulet’s Point of View//
Ang tagal namang makatulog nito! Kailangan ko pang bisitahin si bossing eh. May itatanong lang ako. Amputa naman. Tsk, tulog naman na siguro siya ‘di ba? Takte, makaalis na nga.
So pumunta ako sa underworld at nadatnan si bossing na kumakain ng mansanas. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Lumapit ako sa kanya.
“Bossing!” Umupo ako sa tabi niya, “Ano... may itatanong lang sana ako.”
“Ano ‘yun?” Tanong ni bossing sa akin.
“Ano... bakit wala akong maalala nung dumating ako rito?”
“Ewan ko. Nabagok siguro ‘yung utak mo. Bat mo ba tinatanong ‘yan ha?” Naiiritang tanong sa akin ni bossing.
“Wala, naisip ko lang.” Napayuko na lang ako.
Noong una, gulong-gulo ‘yung utak ko kung bakit wala akong maalala nung nahulog ako rito sa underworld pero nung lumaon eh hindi ko na inisip pa. Masaya kasi talaga rito. Pero isa lang ang hindi matanggal sa isip ko...
Kung sino ba si Star.
“Bossing, dito muna ako matutulog ah? Miss ko na ‘yung mga chix ko eh.” Then I grinned.
“Geh.”
Dumiretso na ako sa silid ko rito sa underworld at humiga sa kama ko. Iniisip ko si Star at iniisip ko rin si... Astarotte? Gaga kasi ‘yung babaeng ‘yun. Pinapahirapan ako sa trabaho ko. Alam mo ‘yun? Katulad nung isang gabi, sinagip ko siya mula sa humaharurot na sasakyan. Good deeds ‘yun! Alam kong nakita ‘yun ni bossing kahit hindi niya sabihin sa akin. Natatakot tuloy akong pumalpak =_____= Hindi ko naman kasi alam kung anong pumasok sa kokote ko at sinagip ko pa ‘yung babaeng ‘yun! Tangna!
Makatulog na nga! Sana sa panaginip hindi na ako sundan nung Astarotte na ‘yun >.<
***
“Cifer!” Wow, yabang ah! First name basis. Psh! “Gala tayo.”
“Astarotte, hindi ako nandito para makipag-date sa’yo.” Sagot ko sa kanya.
“Gunggong! Sino bang nagsabing makikipag-date ako sa’yo? Sabi ko ‘gala’ hindi date! Sira! Bahala ka na nga! Ako na lang mag-isa.” Tapos nag-walk out na siya at lumabas na sa gate nila.
Aish! Malamang Guardian Devil ako kaya dapat ko siyang sundan. Haay, pasalamat lang siya maganda at sexy siya eh. amf >_____<
Simula kagabi naiinis na ako sa kanya. Bakit? Bitinin ba naman ako?! Akala ko pa naman bibigay na siya ‘yun pala... putek!
Kaya sinundan ko lang siya sa paglalakad. Psh, mayaman at maraming kotse tapos naglakad papuntang mall? Kamusta naman ‘yun? =______=
“Hoy! Bakit ka ba naglalakad?” Sigaw ko sa kanya.
“Trip ko lang. Masaya eh.” Sagot niya.
“Bobo! Hintayin mo ‘ko!” Tapos tumakbo na ako papalapit sa kanya.
Ilang sandali pa ng paglalakad ay nakarating na kami sa mall. Amf. Mga babae talaga mahilig sa materyal na bagay. Pumasok siya sa mall, pagkapasok niya eh may lalakeng sumalubong sa kanya.
“Hii~!” Masiglang bati ni Astarotte sa kanya. Aba! Siya pa ang unang lumandi?!
“Hello.” Tapos hinigit nung lalake sa bewang si Astarotte at hinalikan sa labi.
Puta! Wala ba ako rito para gawin nila ‘yan?! Tyaka ‘di naman niya ‘yan boypren ah! Fling niya lang ‘yan! Shet! Gusto kong sunugin ‘yung lalake hanggang sa matusta siya at maging abo! Punyetik! Itigil niyo ‘yan!
Pinaghiwalay ko sila, “Tangna pare! Girlfriend ko ‘yan eh!” Sabi ko run sa lalake.
“Psh. Girlfriend? Siya? Asa ka pare! Hindi nagpapaligaw o nagbo-boyfriend si Astarotte. Puro flings lang! Kaya huwag mo siyang solohin pare! Ngayon ko nga lang ulit nakita ‘yan eh.” Sagot nung lalake. Putangina! Susunugin ko na talaga ‘to!
“And so?” Hinigit ko ang kwelyo niya, “Leave or I’ll burn you.”
“Relax pare! Tinignan ko lang naman ‘tong si Astarotte eh. Sige, una na ako. Solohin mo na siya.” Tinignan?! Hinalikan mo nga eh! Gago ka! Pakyu! >_______<
Pinakawalan ko na siya at agad naman siyang naglakad papalayo sa amin. Tinignan ko si Astarotte na mukhang gulat na gulat.
“Makikipaghalikan ka na nga lang sa mall pa. PDA...” Tapos naglakad na ako. Psh!
“Jelly beans?” Sabi niya at ngumisi siya.
Kumunot ang noo ko, “Anong jelly beans? May gulay bang ganun?”
“Ang ibig sabihin nun, JEALOUS! Slowpoke!” At naglakad na siya papalayo sa akin. Mabilis ba ang lakad niya or talagang hindi ko lang talaga siya hinahabol?
Sht. Anong sinabi niya?! Ako jealous? Kanino? Sa kanya? Gaga pala siya eh! Hindi ako nagmamahal kaya hindi ako magseselos! Putrages =___=
Susundan ko na sana siya nang biglang may bumulong sa akin ng...
“It’s time for you to remember everything, Cifer.”
Pagkasabing-pagkasabi niya noon, nag-flash sa utak ko lahat ng memoryang nakalimutan ko. At isang pangalan lang ang nasambit ko...
“Star...”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro