MGFFH -10: My Memories + Astarotte's Love.
MGFFH –10: My Memories + Astarotte’s Love.
//Astarotte Serafica’s Point of View//
“Star mahal kita!”
“Hindi mo kakayanin ang LDR.”
Shit! Bumalik na talaga lahat-lahat. Lahat ng alaala ko. Binasted ko pala si Cifer noon? Tapos ako naman, binasted ni Gelle. Uwaa! Magkaka-konektado kaming tatlo.
Nung gabing ‘yun, kaming tatlo sana ang namatay nang magkasabay. Pero himalang nakaligtas pa ako. Ano ba talagang rason?
Gusto kong makausap si Cifer. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung… mahal din ba niya ako. Kung… mahal pa rin niya ako.
“Ma’am! Dumating na po ang Daddy niyo.” Sabi nung katulong namin.
“Ah. Okay…”
Si Daddy. Naalala ko rin lahat ng paghihirap niya sa akin noon. Hindi pala siya ganun kasama. Sadyang nakalimutan ko lang talaga lahat ng pag-aalaga at pagmamahal niya sa akin. Yung pilit niyang pinupunong pagkukulang ni Mommy sa akin.
Tapos nagawa ko pa siyang sabihan ng mga masasakit na salita. Naging pasaway ako sa kanya when all he ever wanted was for me to be happy and comfortable.
Bakit ako naging pasaway? Bakit ako naging masama?
Naalala ko tuloy si Farrah. Remember her? The Queen Bee of S.A? She’s my bestfriend. Naalala ko lang. Hahaha! Napakatanga ko para awayin ang sarili kong bestfriend. Nasaktan ko rin siya.
Na-realize ko, kaya ako nagbago dahil sa nawala ang alaala ko. Dahil sa napaka-desperada kong maalala ‘yun, naging ganito ako. Tsk tsk…
Lahat ng memories na ngayon eh naalala ko na –nagpapaiyak sa akin. Kagabi pa ako hindi makatulog dahil sa kakaisip ng lahat ng ‘yun. Hindi ako nakatulog sa kakaiyak dahil pinagsisisihan kong lahat ‘yun. Ang dami kong nasaktan. Lahat sila, mga taong mahal ko at mahal ako.
Ang tanga mo Astarotte!
Bumaba ako para makita si Daddy. Si Daddy naka-upo sa sofa. Halatang pagod. Mas lalo tuloy akong nakonsensya.
“Daddy…” Tawag ko sa kanya.
“Astarotte.” He said and he smiled.
Kahit pagod na siya, he can still manage to put a smile on his face. Kahit masyado ko na siyang na-disrespect, mahal pa rin niya ako.
“Daddy. I’m sorry!” Bulalas ko tapos yumakap ako sa kanya. “Daddy sorry sa lahat ng nagawa ko pong masama sa inyo. Sa lahat ng ginawa kong nagpasakit ng ulo niyo at ng puso niyo. Sorry talaga Daddy. Sorry.” I buried my face on his chest. I feel like I am a 5-year old girl again. Damn!
“Baby, I don’t mind it anymore. Pinatawad na kita, noon pa lang. I love you my daughter.” My Daddy kissed my head.
So ayun. Ayos na kami ni Daddy. Gusto kong puntahan si Farrah. Pero baka mag-away pa rin kami. But I have to take the risk. Kailangan kong makipag-ayos sa kanya. Gusto ko ulit siyang maging best friend.
Kaya nagpahatid ako sa driver namin sa bahay nila Farrah.
Wooo~ inhale, exhale. Kaya ko ‘to!
Kumatok ako at agad naman akong pinagbuksan ng pinto… ni Farrah.
“Woah. Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo rito? Bitch.” Ouch. Nang dahil sa akin, ang laki rin ng pinagbago ni Farrah. Nang dahil sa kasamaan ko, naapektuhan ko siya. I made her this. A monster.
“Farrah…” Agad akong lumuhod sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata ni Farrah. “I’m sorry. I’m sorry sa lahat-lahat ng nagawa kong mali sa’yo. Alam kong ako ang dahilan kung bakit ka naging ganyan. Farrah, patawarin mo ‘ko. Alam ko marami akong nagawang mali sa’yo. Pero lahat ng iyon, pinagsisisihan ko. Farrah… bestfriend.”
Nagulat na lang ako ng lumevel sa akin si Farrah at, “Bestfriend!” Agad niya akong niyakap habang umiiyak siya. “Ang tagal-tagal kong hinintay na sabihin mo ‘to best! Naging matigas ako, pinili kong kalabanin ka dahil baka sakaling kapag natalo kita, bumalik ka na sa akin. Pero hindi eh –hindi ko alam kung bakit ka naging ganyan. Pero best, mahal kita! Salamat bumalik ka na.”
“Sorry Farrah.”
Tadaaaa! Bati na kami ni Farrah! Bakit parang ang dali? Madali talaga kapag pinagsisihan mo lahat-lahat. Aish! Isa na lang ang kulang. Bwisit na Cifer =_________=
Puntahan ko kaya sa puntod niya? Baka naman nandun siya ‘di ba? Sige, pupunta ako.
***
--Cemetery.
“Cifer! Bwisit ka! Kung nasaan ka man! Pwede bang magpakita ka na sa akin? Gago ka talaga eh! Kung kailan bumalik na ‘yung alaala ko tyaka ka aalis? Manligaw ka na ulit sa akin! Di na kita babastedin. Shet ka! Tangina naman kasi mahal kita!”
Para akong tanga rito sa tapat ng puntod ni Cifer. Kinakausap ko ‘yung puntod niya. Pero wala akong paki. Gusto ko lang talagang mailabas ‘tong nararamdaman ko ngayon. Aish! Umiiyak na naman ako! Mukha akong weakling T_______T
Hindi sinasadyang nabaling ang tingin ko sa katabing puntod ni Cifer.
Shet! O_____O
‘Gabrielle Angelo Nuñez’
Bakit… ngayon ko lang napansin ito?
//Gelle Montague’s Point of View//
Pinapanood ko mula sa langit si Astarotte. Naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang i-comfort. Pero naaawa rin ako sa sarili ko. Kung patuloy akong lalapit sa kanya –patuloy ko lang ding sasaktan ang sarili ko.
Umasa ako na kapag bumalik ang alaala niya, babalik siya sa akin pero hindi nangyari ‘yun. Si Cifer pa rin ang hinahanap niya. Para sa kanya, isa na lang akong alaala.
Tignan mo nga naman. Ngayon niya lang napansin ang puntod ko sa tabi ni Cifer. Ibig sabihin –ang tagal ko nang nandyan, pero ngayon niya lang ako nakita dahil si Cifer ang nagmamay-ari ng buong atensyon niya.
Ang sakit. Pero ano pa nga bang magagawa ko?
Hanggang dito na lang ako… pinagmamasdan siya mula sa malayo.
//Cifer Capulet’s Point of View//
Ang saya-saya ko. Bakit? Kasi kahit bumalik na ‘yung alaala ni Star, ako pa rin ‘yung iniisip niya. Ako na ‘yung mahal niya.
Kaso, hindi ko pa rin pwedeng sabihing mahal ko siya. Kapag ginawa ko ‘yun… mawawala ako sa kanya. Hindi ko na siya makakasama.
Tsss… umiiyak na naman siya rito sa kwarto niya.
“Kailan pa naging iyakin ang Queen bitch ng S.A?” Wika ko habang papalapit sa kanya.
Lumingon siya sa akin, “Cifer?!” Ngumiti ako.
Oo nga pala. Hindi ako makalapit sa kanya. Bwiset na angel ring >___<
“Bat ayaw mong lumapit?” Tanong niya.
“Isang tanong, isang sagot –Mahal mo na ba ‘ko?”
“Oo… Cifer… mahal kita.”
Napangiti ako, “Then remove that angel ring.”
Tinignan niya ‘yung angel ring tapos hinubad niya ‘yun. Napangisi ako at agad na lumapit sa kanya.
“Long time no see, Astarotte.” –Ako.
“Tss… Ngayon ka lang? I hate you.” Sabay irap niya sa akin.
“Huh? Kakasabi mo lang kanina na mahal mo ‘ko eh!”
“I do. Pero iniwan mo ‘ko! Palagi mo na lang akong iniiwan that’s why I hate you!”
I hugged her, “I’m sorry.”
“Cifer. I love you.”
Napapikit na lang ako. Gustong-gusto kong sabihing mahal ko rin siya pero paano ako? Hindi ko na siya makikita o malalapitan ‘pag ginawa ko ‘yun. Damn!
Instead of answering ‘I love you too’. I just kissed her to show and to let her feel how much I love her too.
Damn it! “I love you, my Star…”
Unti-unti ko na lang naramdaman ang kakaibang init sa katawan ko. Feeling ko nasusunog ako –shit! Nasusunog talaga ako! Literally!
“Cifer! You’re in fire!” Sabi ni Star.
Fvck! I’m doomed! I was so careless. Nasabi ko ‘yung hindi ko dapat masabi. I just can’t help it! Shit!
“Everything will be alright my Star. I love you…”
With those last words, I disappeared. I found myself here… in the real hell.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro