EPILOGUE
{ E P I L O G U E }
//Astarotte Serafica’s Point of View//
“Everything will be alright my Star. I love you…”
Last words ni Cifer bago siya nasunog tapos nawala. Ang akala ko hindi na siya aalis eh. Ang akala ko magkakasama na kami pero hindi eh. Kung kailan sinabi niyang mahal niya ako tyaka siya nawala –ulit! Hindi ko na nga maintindihan ang nangyayari eh. Like duh?! Tao lang ako! Pwede bang ipaintindi niyo sa akin kung anong nangyayari?
Hindi ko na kasi alam kung anong iisipin ko eh. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung may pintuan nga lang papuntang underworld siguro matagal na akong pumunta ‘dun, masundan ko lang si Cifer.
Shet! Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang makasama! Please naman Cifer, bumalik ka na ulit. Nag-aalala na ako eh. Paano kapag hindi na siya bumalik? Paano kapag hindi ko na siya makita? Hindi ko ata alam kung anong mangyayari sa akin kapag nangyari ‘yun… lalo na ngayon na wala man lang pasabi eh umalis siya.
Cifer… bakit ngayon mo pa ako naisipang iwanan? Palagi ka na lang ganyan eh! Palagi mo na lang akong iniiwan ng walang pasabi! Nakakasanayan mo na ‘yan! Nakakainis ka!
“Anak? Get ready okay? We’ll be leaving after 20 minutes.” Sabi ni Daddy habang naka-dungaw sa pintuan ko.
“Yes Dad.” Sagot ko na lang.
Ipapasyal daw ako ni Daddy sa company namin. Gusto niya raw akong ipagmalaki sa mga employees niya. Ipagmamalaki niya raw ako kahit wala naman akong ginawang maganda. Haay… parang nakakahiya. Pero bahala na, dun masaya si Daddy eh. Time ko na rin siguro para mapasaya siya.
Nakatingin lang ako sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko. Paano kaya ako matutulog at gigising ng walang isang Cifer sa tabi ko? Paano?
Nahagip ng mata ko ang isang coupon at isang ballpen. Naisip ko, ano kaya kung sulatan ko na lang si Cifer? Hindi naman mahirap magbasa ‘di ba? Sige, susulatan ko na lang siya.
Cifer,
Asan ka na? Akala ko ba mahal mo ‘ko? Bakit mo ‘ko iniwan dito? Sabog ka talaga ‘nu? Bumalik ka na lang kasi. Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ka nasunog pagkatapos mong sabihing mahal mo ‘ko? Bakit ka nawala? Ang dami-dami kong gustong itanong sa’yo. Ang dami-dami kong gustong malaman pero wala ka naman dito para sagutin ‘yun. Hindi naman sa naiinip ako sa kakahintay sa’yo, pero sana naman nagpasabi ka bago ka man lang umalis ‘di ba? Para hindi ako muntangang naghihintay at nagtatanong sa sarili ko rito.
Naalala ko tuloy nung binasted kita noong third year tayo. Akalain mo ‘yun? Ikaw ‘yung binasted ko noon pero ikaw ‘yung hinahanap ko ngayon. Hindi kasi kita type noon. Ang sama-sama mo kasi! Puro basag-ulo ang alam mo, nagnanakaw ka pa ng mga key answers sa exam kaya syempre total turn-off. Gwapo ka naman talaga noon eh, talagang ayaw ko lang sa mga bad guys.
Pero ngayon? Wow lang. Parehas na tayong masama, kaya siguro tayo nag-click. Hindi pa rin talaga palaging tama ‘yung ‘opposites attrack’ nu? Magkaparehas kasi tayo ng ugali. Naalala ko ‘yung unang beses kang nagpakita sa akin bilang si Cifer, ang guardian devil ko. Hindi ko inakalang ‘yung guardian devil ko mamahalin ko. Ganun pa man, masaya ako kasi dumating ka sa buhay ko. Masaya ako kasi nakasama kita. Kaya ikaw! Bumalik ka na ha? Di ba tuturuan mo pa ‘ko ng bad things? Then, come back and do bad things with me.
Huwag kang mag-alala, mahal pa rin kita.
PS: Pag hindi ka bumalik –isusuot ko ulit ‘yung angel ring para hindi ka na makalapit sa akin!
Astarotte… Star :)
Tiniklop ko ‘yung coupon tapos pinatong ko sa lamesa ko. Sana makita ni Cifer ‘to.
Bumaba na ako para makaalis na kami ni Daddy.
“Daddy, let’s go.” Pag-aaya ko kay Daddy.
Sumakay kami sa limousine ni Daddy. Tapos nagbiyahe na.
“Bakit ang tamlay mo?” Tanong ni Daddy.
“Wala Daddy, masaya lang ako kasi kasama ko kayo.” Nginitian ko si Daddy.
Masaya akong kasama si Daddy pero in the other hand, nangungulila ako kay Cifer. Nag-aalala ako sa kanya. Paano kapag hindi na siya bumalik?
Paano kapag pagbalik niya hindi na niya ako mahal?
Aish! Ayokong mag-isip ng kung ano-ano! Naiinis ako!
Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa company ni Daddy. Bumaba na kami ng limousine. Nauna si Daddy. Ako? Ito matamlay pa rin. Sa totoo lang, first time kong makakapunta rito kaya luminga-linga ako sa paligid.
Saktong paglingon ko sa isang malaking building na katapat ng company namin ay may namataan akong isang assassin. May baril siya at handa niya nang barilin si Daddy.
“Daddy!”
Sigaw ko sabay harang kay Daddy. Bigla na lang akong nakarinig ng putok ng baril ng dalawang beses.
//Third Person’s Point of View//
--Narration.
Tinamaan ng bala si Astarotte sa likod, sa parteng malapit sa puso nito. Agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital. Ipinasok siya sa emergency room. Naiwang umiiyak ang Daddy ni Astarotte na dapat sana ay siyang tumanggap ng balang tumama kay Astarotte.
“Ayoko ng maulit ang nangyari sa Mommy niya! Ayoko na!” Sigaw ng Daddy ni Astarotte habang nakasandal sa pintuan ng emergency room.
Ganoon din kasi ang nangyari sa Mommy niya. Nabaril din dahil sa inggitan sa business. Takot na takot ang Daddy niya at hindi malaman ang gagawin. Magkahalong galit at takot ang nararamdaman nito. Sinisisi niya rin ang sarili nito dahil sa nangyari sa anak nito.
“Ako sana ang tinamaan ng bala. Ako sana! Ako sana at hindi ang anak ko! Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko.”
Yan ang mga naglalaro sa isipan ng Daddy ni Astarotte. Gusto niyang balikan ang taong bumaril sa anak niya at patayin din ito. Pero sumagi sa isipan niya na mas mabuti pang magdasal na lamang siya ng taimtim para sa kaligtasan ng anak nito.
Samantalang ginagamot naman si Astarotte. Habang ginagamot siya, naglalakbay ang isipan ni Astarotte sa iba’t ibang lugar. Nadaanan niya ang dalawang daan, at kailangan niyang mamili kung saan siya dadaan.
Sa kanang daan, kung saan maaliwalas, maganda at payapa natagpuan niya ang isang anghel –si Gelle. Nakangiti ito sa kanya, subalit mabilis na nahalata ni Astarotte ang nagkukubli sa ngiting iyon –pasakit. Nakalahad ang palad ng anghel na animo’y nag-aayang sumama rito.
Natagpuan naman ni Astarotte ang nagmamay-ari ng puso niya sa kaliwang daan –si Cifer. Sa daan na ‘yun, masisilayan mo ang lungkot, galit at lahat ng negatibong emosyon. Naisip ni Astarotte,
“Yun na ata ang langit at ito naman ang underworld.”
Napangisi si Astarotte. Patuloy niyang pinagmamasdan si Cifer –tumalikod si Cifer at handa ng umalis. Nabigla si Astarotte subalit isa lang ang pumasok sa isipan niya,
“Kailangan kong makasama si Cifer.”
Inihakbang na niya ang mga paa niya at handa na siyang sundan si Cifer sa kaliwang daan. Subalit bigla siyang nagising at natagpuan ang sarili habang nakahiga sa isang hospital bed.
Samantalang pinapanood naman siya ng kanyang Guardian Angel mula sa langit –si Gelle. Nasasaktan si Gelle, dahil kahit nasa langit siya, kung saan lahat ng tao ay nagnanais makapunta at manirahan doon, nalaman niyang sa underworld pa rin pipiliing pumunta ni Astarotte –dahil kay Cifer.
“Siya pa rin ang pinili mo…”
Naisip ni Gelle. Pinipigil niya ang mga luha niya pero hindi niya ito nakayanan. Hindi niya kayang hindi malungkot at umiyak lalo na’t alam niyang kahit anong gawin niya, si Cifer pa rin ang pipiliin ni Astarotte.
“Si Cifer pa rin…”
//Astarotte Serafica’s Point of View//
Pagkatapos ng ilang weeks na pagpapahinga ko sa ospital pinilit ko na si Daddy na iuwi ako. Ayoko na ‘run. Naiinis lang ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yung panaginip ko. Yung dalawang daan na nakita ko. Hindi rin maalis sa isip ko si Cifer. Bakit ba wala pa rin siya?
Pumasok ako sa kwarto ko. Tumalon sa tuwa ang puso ko nang may makita akong sulat sa lamesa ko. Naka-fold ‘yun at may nakasulat na ‘Star’. Alam ko galing kay Cifer ‘to. Agad ko ‘yung binuksan at binasa.
Star,
Sorry kung iniwan kita nang wala man lang pasabi. Palagay ko, habang-buhay na akong magso-sorry sa’yo. Sorry kasi wala ako dyan para alagaan ka, pasayahin ka at sagutin ang mga tanong mo. Yung tanong mo siguro na kung bakit ako nawala nung sinabi kong mahal kita, ‘yun lang siguro ang masasagot ko.
Star, nawala ako nang sinabi kong mahal kita dahil ‘yun ang consequence ni satanas. Kapag sinabi ko sa’yong mahal kita, mawawala ako. Hindi na kita makikita o makakasama. Mananatili na lamang ako rito sa underworld. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi sabihing mahal kita kaya ito ako ngayon, nagdudusa. Siguro habang binabasa mo ‘to, kasalukuyan akong pinapahirapan. Ginusto ko ‘to eh, hindi naman ako mapupunta rito kung naging mabait ako ‘di ba? Pero pinili kong maging masama kaya pinili ko ring mapunta rito. Pero kahit nandito ako –iniwan ko pa rin ang puso ko sa’yo. Yan na lang ang maibibigay ko sa’yo.
Sorry, dahil hindi na ako makakabalik…
PS: Huwag mo na ulit iwawala ang alaala mo, ingatan mo na ‘yan. Baka kasi makalimutan mo ulit ako, hindi ko na kaya ‘yun. Star, mahal kita, huwag kang mag-alala dahil forever na ‘yon.
Cifer.
Feeling ko natunaw ‘yung puso ko pagkatapos kong basahin ‘yung sulat niya. Hindi ko napigilang mapa-iyak at mapahagulgol. Ang sakit-sakit. Masakit malamang hindi na siya babalik ngayong alam kong mahal ko na siya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nung una pa lang, alam naman na nating hindi kami pwede ‘di ba? Una, patay na siya. Pangalawa, devil siya at tao ako. Pero pinilit pa rin namin ‘tong pagmamahalan na ‘to.
Gusto ko siyang sundan, pero alam kong hindi siya matutuwa kapag ginawa ko ‘yun.
Minabuti kong magtungo sa puntod ni Cifer. Doon ko iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kung pwede nga lang ibalik ko ‘yung nakaraan –hindi ko na ulit siya babastedin. Pero hindi na pwede eh. Wala na.
Kailangan kong tanggapin na wala na. Wala na kaming pag-asa. Gagawin ko na lang siguro ‘yung inutos niya, aalagaan ko ‘yung alaala ko. Dahil ‘dun ko lang nakasama si Cifer. Sa alaala ko lang siya nakasama at makakasama.
“Pano ba ‘yan, wala ka na. Sino nang magiging ka-loveteam ko?” Napangiti ako ng mapait, “Bakit kasi hindi tayo pwede ‘di ba? Bakit kasi kung kailan mahal na kita tyaka naman hopeless case nang maging tayo. Cifer, ang sakit-sakit eh. Ang hirap-hirap. Iniisip ko pa lang na wala ka na feeling ko gusto ko na ring mawala. Paano ba ako magpapatuloy nang wala ka? Cifer, masyado kitang mahal eh, mahal na mahal…”
Kinausap ko na lang si Cifer dito sa puntod niya. Sana naririnig niya...
//Cifer Capulet’s Point of View//
Ang hirap. Sobrang hirap magpaalam kay Star. Sobrang hirap na hindi mo siya nakikita at nahahawakan. Ang hirap. Pero wala naman akong magagawa. Gustuhin ko mang makatakas dito sa imyernong ‘to, hindi ko magawa. Tapos na ang mission ko kay Star.
Sana lang walang gagong manloko o manakit sa kanya. Yun na lang ang hiling ko.
At least… kahit nasasaktan at nahihirapan ako sa underworld ngayon. Nakakaya ko pa ring ngumiti dahil kahit papano… alam kong mahal ako ni Astarotte.
This story might bid its goodbye, but my love for her is like the pain I’m suffering right now here in hell –it’s endless.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro