Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

38

Hi Ms Blue_Rej143 as promise po. This chapter is dedicated to you. Happy reading!






___________________________________

HUMINGA ng malalim si Zea bago sya bumaba sa sasakyan. Nasa harap sya ngayon ng kulungan kung saan nandoon si Brittany.







Nang araw na umalis si Ravin upang sumama sa pag-huli sa babae ay nag tagumpay ang mga ito. Nahuli ng otoridad si Braittany at napatay naman ang kinakasama nito pati narin ang iba pang tauhan ng nasabing drug lord.



"Ma'am tara na po?" tanong sakanya ng kanyang body guard. Kinuha ito ni Ravin upang masiguro ang kanyang kaligtasan. Ayaw kasi sana nitong pumunta syang mag-isa nang hindi ito kasama sa kulungan, pero alam nya ang ugali ng asawa. Hindi pa nito napapatawad si Brittany at baka kung ano pa ang masabi nito.


Sya kasi ay nagbago ang tingin sa babae ng malaman nya na nagdadalang tao ito. Dalawang buwan ng nakakulong ang babae at baka makasama iyon sa kanyang pagbubuntis. Nagpunta sya dito sa kulungan upang kausapin ito, at kung maririnig o makikita nya sa babae ang pagsisisi ay hahayaan nya itong makalabas upang makapag bagong buhay alang-alang nalang sa magiging anak nito.



Nang makaupo na sya sa visitors chair ay inutusan nya ang kasamang body guard na iwan nalang sya. Sa una ay nag-aalangan ito na kalaunan ay sumunod naman.




Ilang sandali pa ang kanyang hinintay bago lumabas si Brittany. Pag kakita nito sa kanya ay medyo nanlaki pa ang mata nito sa gulat. Sa nakikita nyang estado nito ngayon, alam nyang nahihirapan ito sa kinalalagyan marahil siguro ay buntis din ito.




"Maupo ka." Malumanay nyang sabi na sinunod naman nito.


"Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para makita kung naghihirap ba ako? Ngayon palang sinasabi ko na na oo, mahirap naghihirap ako at pwede ka nang magbunyi sa pagsasakit na nararamdaman ko." She can see the weakness, pain and fears on her eyes.



"Brit." She was composing something on her mind. Ano ba ang pwede nyang sabihin tungkol sa sitwasyon nito. Akmang magsasalita pa sya ng magsalita ulit ang babae.


"I know what I did before to Arkin and Vienna are unforgivable. Due to desperation of having child nakasakit na pala ako. But, believe me." Mataman sya nitong tinitigan. Nakikita nya rin ang pagtutubig ng mata nito ngunit pinipigilan nito ang pagtulo niyon.

"I love them the same way I love my brother. Oo galit ako sa pamilya ni Ravin dahil sila ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko. Zea, my brother is all I have." Hindi na nito napigilan ang luha. "Nag sikap ako at nag sakripisyo para sa kanya. Para lang magkaroon sya ng lahat ng pangarap nya sa buhay tapos mawawala lang sya ng ganun ganon?" yumuko na ito upang itago ang mukha sakanya.



"Brit, I am sorry for your lost. Pero kasi wala na tayong magagawa para doon. Kailangan nalang nating tangapin. Oo mahirap at masakit but, we need to do that so we could move on." Hinawakan nya ang kamay ni Brittany upang ipakita dito ang kanyang simpatya.

"Yeah I should do that. Pero huli na. Nakasakit na ko, nasaktan ko na ang mga pamangkin ko at ngayon alam kong galit na sila sakin." Malungkot itong ngumiti. "At dahil na rin sa kagagahan ko, hindi ko na mabibigyan ng maayos na buhay ang magiging anak ko." Patuloy sa pag-agos ang luha nito. Hinahaplos nito ang tiyan. "How I wish I could turn back the time. Para sana maitama ko ang mga ginawa ko. Sana hindi ako nag padaig sa galit at takot ko."


"Brit, you can't undo what you have done pero pwede ka pa namang bumawi." Nakangiti nyang sabi dito.

"What do you mean?"

"Pwede ka pang magbagong buhay. Pwede mo pang ipakita sa mga pamangkin mo yung pagmamahal mo sa kanila."


Malungkot itong ngumiti sa kanya. "How I wish I could do that. Pero sa sintensya sa akin baka ang paglaki ng sarili kong anak hindi ko na masubaybayan."

"Shhh. Don't say that."



Hinawakan nito ang kanyang kamay bago ulit magsalita. "Zea, we knew very well how long will I be staying here. At kasalanan ko yon kaya tangap ko na. Hindi ko alam kung ano talaga ang rason mo bakit ka nandito pero nagpapasalamat ako sa pagbisita mo. I also wanted to apologized for all the things I've done to you and your family lalong lalo na sa mga bata." Humangad ito upang pigilan ang patuloy na pagdaloy ng luha bago humahap ulit sa kanya. "and if not too much, I would like to ask you a favor. Gusto ko sana na pag ka panganak ko alagaan mo itong baby ko. Ayoko kasi syang lumaki dito sa selda. I want him or her to have a life she/ he deserved. Gusto kong maabot nya yung mga pangarap nya at ikaw lang ang pwede kong paki-usapan sa bagay na to." Tumayo ito at naglakad papunta sa kanyang harap. Akala nya kung ano ang gagawin ni Brittany nang bigla nalang itong lumuhod.

"I'm begging you Zea. Please take care of my baby." Umiiyak itong nakaluhod sa kanyang harap habang nag mamakaawa.


Itinayo nya ito. "Brittany, don't do that." Inalalayan nya ito at pinaupo ulit sa bangko. "Gusto kitang pagbigyan pero hindi ko pwedeng gawin." Nakita nya ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito. "Kasi Brittany dapat ang nagpapalaki sa anak nila ay ang magulang nila. And being the mother of your baby ikaw ang dapat na maging kasama nya." Naguguluhan itong tumingin sa kanya.

"Pinapatawad ka na namin. And according to Nick kaya nyang gawan ng paraan upang makalabas ka dito. Makakalaya ka na Brittany and you can be a mother to your baby and give her all the love and you want her to have."

"Really?" masaya nitong tanong na patuloy parin ang pag-iyak. Pero kung kanina ay dahil sa sakit ngayon ay alam nyang dahil sa kasiyahan ang dahilan ng pagluha nito.







PAGKALIPAS ng tatlong araw ay sinundo ni Zea si brittany sa kulungan kasama ang mga bata. Kasama rin naman nila sa Ravin pero nanatili lang ito sa sasakyan. Hindi pa kasi nakakamove on ang kanyang asawa sa nangyari at naiintindihan naman nya ito.




"Mommy, lalabas na ngayon si tita brit right?" Vienna asked. Ipinaliwanag nya kasi sa dalawa ang lahat lahat at naunawaan naman ng mga ito. Hindi na nga takot ang mga bata sa kanilang tita na ikinatutuwa nya ng husto.

"Yes baby, hihintayin nalang natin sya dito sa labas."



"Lilly? Tapos pwede na po tayong kumain sa labas with tita?" tumango sya dito na sya namang ikinatuwa ni Vienna. Tumalon talon pa ito sa kasiyahan. Nakisama narin ang kuya nito sa ginagawa ng nakababatang kapatid.


Nang makita nya si Brittany palabas ay sinalubong nya ito. Agad namang yumakap sa kanya ang babae habang umiiyak at walang humpay ang pagpapasalamat nito sakanya.

Masaya nya itong iiniharap sa mga bata.

"Brit, Vienna and Arkin wanted to meet you." Masaya nyang sabi dito.


Lumuhod si Brittany upang pumantay sa mga bata. Una nitong niyakap si Arkin at humingi ng sorry na tinangap naman ng bata. Nang humarap na ito kay Vienna ay hinawakan ng bata ang mukha nito.



"You are crying?" Vienna asked Brit. "Gutom ka narin po ba tita kaya ka umiiyak? Don't worry mommy fewie promised that right after you got out kakain na tayo." Masaya nitong sabi at pinunasan ang luha ni Britanny gamit ang panyo.


Nakita nya ang kasiyahan sa mata ni Brittany habang kausap ang pangkin. At nang tumingin ito sa kanya ay nag sabi ito ng pasasalamat.


Nasa sasakyan na sila at patuloy lang ang kakulitan ni Vienna. Tanong ito ng tanong kay Brittany na sya namang sinasagot ng babae.



"Tita you are pregnant right?" Vienna asked.

"Yes baby."


"That's means you melly as well and later on went to moon? Hmm. Where is your herband?"


Naguguluhan napatingin sa kanya si Brittany. Hindi ata nito na intindihan ang pinag sasabi ng kanyang anak.





"Marry, honeymoon and I don't know the other one." Bulong nya sa babae. "Baby what is herband you were asking to tita Brit?"





Humarap ito sa kanya. "Herband mommy like daddy Ravin to you. You are his wife and he is your herband. Not na hairband I am wearing mommy ah. Herband, a.sa.wa." Seryosong paliwanag ni Vienna na nakapag patawa sa kanila pati na rin kay Ravin na nasa harap naka upo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro