C23: Masanay
"RUBY, and'yan na si prince charming mo sa labas!" pagtawag ni Angela sa akin.
Mabilis kong niligpit ang aking nagkalat na gamit sa desk and made sure it was clean before I went to see Joseph.
"Ang haba na talaga ng buhok mo, sis. Naaapakan ko na ba?" tampal ni mayor sa balikat ko habang nakangisi ng malawak.
"Hindi naman, but yeah, I think you're stepping at my hair na," biro ko.
"Gaga. Sige na, dun ka na sa gwapo mong fafa," he pushed me out the door. I saw Seph leaning on the railings.
Every girl wants to be in my shoe right now. After the intramurals last week, mas marami na ang taong nakakakilala sa aming dalawa. This guy in front of me was the main reason why. He was the only guy who asked me out on a date in front of many people. Feeling ko talaga ako na. Ako na, ako na talaga.
After the event, hindi ko na nahagilap si Adam. He was gone through thin air, ni-hindi n'ya ako nagawang i-congrats noon. I'm not expecting him to congratulate me, I just thought na wala ng hard feelings to each other matapos n'yang masaksihan (at ng maraming tao) ang ginawa ni Seph para sa akin, na kahit s'ya ay hindi nagawa sa akin nung kami pa.
I hate comparing both past and present pero hindi ko talaga maiwasan. Siguro dahil dalawa lang naman sila ang naging at magiging lalaki sa buhay ko (excluding my deceased father). Hindi pa ako sure sa isang ito.
"Hey," he smiled and slowly took a step forward to me.
Napakagat labi na lang ako nang makita kung gaano s'ya kagwapo. Shet naman, bakit ba ito nainlove sa akin?
Oh yeah, that's right. Alam ko na pala ang sagot.
Kasi maganda ako. Period walang aangal!
"Wanna grab lunch together?" he asked, staring at me.
I noticed my classmates' presence watching us from behind the door. Para lang silang nanonood ng telenovela sa telebisyon ah? Tch.
"Sure but where?"
Madalas kaming kumain sa canteen, but as days passed, unti-unti na akong nawawalan ng gana dahil sa mga matang nakatitig sa amin sa tuwing kumakain kami. Sanay akong tinitignan pero hindi ng ganito kalala.
"Mcdo? Jollibee? KFC? Hukad? Name it, we'll go there," ngiti n'ya.
Ang mamahal naman ng suhestyun n'ya. Wala bang mura?
"Mag-carenderia na lang tayo," sabi ko, but I only got him laughing for a sec. My forehead creased looking at him. "What the fuck are you laughing at? Mas matipid sa carenderia kesa sa restaurants and fast-food chains na sinabi mo."
"I know, at alam ko rin na pilit mong iniiwasan ang mga titig ng tao. Nakakatawa lang na sa carenderia mo gustong kumain gayung mas marami namang tao dun," naiiling s'yang ngumiti at inakbayan ako. Nilapit n'ya ang kanyang bibig sa tenga ko para bumulong. "Let's buy food and have lunch in the boarding house. How's that?"
My cheeks redden as I slapped his wrist. "Gago ka. Baka kung ano pa ang gawin mo sa akin."
Walang ibang tao dun kasi nasa university ang lahat. At kung hindi ka naman estudyante, baka nasa trabaho iyong ibang tenants. Natawa s'ya sa ginawa ko habang himas-himas ang pulsong sinampal ko.
"Precious naman, gutom na ako. Hindi ka ba naaawa sa future husband mo?" nag-puppy eyes pa ang loko, hindi naman bagay.
Gwapo naman neto.
"Sige na nga," pagsuko ko. Dinuro ko s'ya sa gwapo n'yang mukha at binantaan mo na. "Kapag ikaw may gawing masama sa ganda ko, lagot ka talaga kay mama!"
"Don't worry about it, Precious. I won't do anything to you... yet," ngisi n'ya.
Naiiling akong naglakad pababa ng hagdanan. He was following me to the lobby when a group of three girls halted for a moment to call him.
"Seph!" anito ng babaeng may maiksing buhok.
Eto rin iyong kasama n'ya sa comshop noon. Kunot ang noo n'yang binalingan ang babae.
"What?"
"The plates, groupmates tayo, hindi ba? You need to help," napatingin s'ya sa akin, she trailed her eyes at me from head to foot. "And stop flirting muna."
Ang arte ng aligi na ito ha? Sarap tirisin ng buhay. Pasalamat s'ya at good mode ako dahil hindi n'ya talaga magugustuhan kung nasa beast mode ako today.
"Can we talk about this later, Mariel? I'm just going to eat lunch with my girl."
Napakagat-labi ako para pigilan ang isang ngiti. Heard that girl? I'm his girl daw. May magagawa ka pa ba dun, e inangkin na n'ya ako kahit hindi pa naman nagiging kami.
"Stop lying to your girl," mariin n'yang binigkas ang mga huling salita. Bigla-bigla na n'ya lang hinawakan ang kamay ni Seph. "I saw you eating lunch with Mark and the others kanina. So, please lang, help us with the plates muna okay?"
Nagtiim bagang ako para magpigil ng inis sa nakikita ng mga mata ko. What the fuck, dude? And he lied to me.
"Kumain ka na pala, Joseph," kalmado kong sabi habang pinipilit na ngumiti. "Just go and help with the plates. I will eat with Angela na lang."
Agad akong naglakad palayo sa kanila. Padabog akong pumasok sa loob ng lobby namin. I thought he was going to follow me, but he didn't. Wala ako nakitang Joseph Rivera na sumunod sa akin, and he didn't even smack the girl's hand holding his. Parang ayos lang sa kanyang mahawakan ng babaeng 'yon.
Teka nga lang. Bakit ba ako nagseselos, e wala naman akong karapatan. He's not mine, ni-hindi pa nga s'ya nanliligaw sa akin. We're going out for a couple of days pero counted ba 'yon? Wala naman s'yang sinasabi na nililigawan n'ya ako.
I always need confirmation for assurance. Pero sure ako na may something talaga sa babaeng iyon at kay Joseph, e. Umiinit ulo ko, takte.
"Akala ko sabay kayo ng Joseph mo?" tanong ni Gelai ngatngat ang Nagaraya.
Sinabay ko na siya sa pagkain ko dahil dun sa nangyari kanina. Ayoko namang magpagutom dahil lang sa bad trip ako. Hindi 'yon sapat na rason para magdiet ng hindi sinasadya kaya heto kami ngayon at nasa canteen, kumakain. Hinila ko talaga s'ya papunta dito para samahan ako.
"Sumama s'ya sa babae n'ya. May gagawin daw, busy," matabang kong sagot sabay subo.
"May babae na agad? E hindi pa nga nagiging kayo?"
"Ganun talaga, pinagnanasaan s'ya ng maraming babae, in short marami akong competitors."
Akala ko nga mas trip ni Joseph itong si Angela. Mali ako sa part na 'yon.
"Ewan, so complicated naman."
I continued ingesting my food when someone called my name. I looked around only to see him running to me, with Mark at his side. Napangiwi si Angela nang makita kung sino ang kasama ni Seph and decided to continue eating.
"I've been looking everywhere for you," he said, holding his knee, catching his breath.
"Akala ko ba sumama ka na sa babae mo?" inis kong sabi nang hindi s'ya tinitignan.
"What girl?"
"Yung short hair."
I saw his displeased reaction looking at me. "She's not my girl, Precious. Ikaw lang ang babae sa buhay ko."
At dahil marupok ako, kinilig ako ng slight sa sinabi n'ya. Iba rin talaga bumanat ang isang Seph, tengene.
Bumaling ako kay Gelai, binigyan n'ya ako ng "wag-kang-marupok-ghurl-shuta-ka-lam-kong-kinilig-ka-pero-'wag-kang-mamula-sa-harap-n'ya" look. At may halong pang-aasar ang kanyang ngisi at ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.
"I'm sorry I didn't follow you a while ago. Kailangan ko kasi s'yang pakiusapan na tutulong ako mamaya sa plates," sinsero n'yang sabi.
I nodded. "Ok lang, engineering ka nga pala."
Kapag engineering student ka, kailangan mong i-balance ang paglalandi mo. Siyempre, naiintindihan ko siya. Mahirap ang kinuha n'yang kurso at fully loaded din siya minsan dahil thesis month na nila. He's a graduating student, so as Mark and the others. Kaya siguro single pa rin itong si Mark kasi busy sa plato.
He pinched my cheeks, pinanggigilan n'ya iyon sa harap ng dalawa naming kasama. Nahiya naman ako kasi respeto sa singles, diba?
"Ang cute-cute mo talagang magalit."
Winaksi ko 'yon agad dahil sa inis. "Tigilan mo nga yang pisil-pisil mo. Baka lumaylay na itong pisngi ko," sabi ko at hinawakan ang aking malulusog na pisngi.
"Basta ha mamaya, kain tayo sa boarding house?" ngumisi siya ng pagkalagkit while his eyebrows were moving back and forth.
I glanced at Gelai's amusement hearing our conversation. Her eyes were full of malice looking at me.
"Mamaya," sabi ko na lang. I'll pretend I didn't see that. "Umalis ka na sa harapan ko before I change my mind."
"Great, babawi ako sa 'yo. I'll see you later then," he caught me off guard, kissed my cheeks, and ran away fast with Mark.
"Bweset talaga ang lalaking 'yon kahit kailan!" inis kong inubos ang lunch ko.
I know I'm blushing right now, but I ignored it anyway.
"Iba rin kayo magharutan. Sa harap pa talaga ng singles," irap nito sa akin.
"Bitter," ngisi ko. "Bakit hindi ka na lang magkagusto kay Mark? Gwapo naman siya, ah."
"Habulin ng bakla."
That made me laugh dahilan para mabulunan ako ng 'di sinasadya. Pumasok yung kapirasong kanin sa loob ng ilong ko, punyeta!
"Hahahaha. Tanga mo talaga," tumawa s'ya ng pagkalakas.
"Che!"
Lutang na lutang ako nung pumasok sa afternoon class. My mind was still at the canteen. I know what I'm feeling right now. I definitely know why I feel this.
I'm in love with the guy, that's why.
But he's not courting me, so I'm not really sure if he wants me in his life.
Do I really want to take the risk and be hurt again?
***
Umuwi ako ng bahay mag-isa. Angela said that she will be accompanying Mark at the mall, bibili daw ng presents for his mom's birthday. On the other hand, Ivy disappeared from my sight. Diretso ang labas n'ya nung dinismiss na kami ni sir Baltazar.
Naghubad ako ng blouse and skirt when I heard a loud knocked outside the door.
"Who's that?"
"Hija, andito ako para singilin ka sa bayad mo sa renta."
Kinabahan ako ng marinig ang boses ng landlord namin. Mabilis kong sinuot pabalik ang palda at nagbihis ng damit pambahay bago ko s'ya pinagbuksan. Nakita ko ang kunot niyang noo dala na rin siguro ng katandaan, mukhang galing pa yata s'ya sa kanyang trabaho dahil sa suot n'yang business casual.
"I paid last month, Sir."
"Last last month kamo," marahas s'yang bumuntong. Frustration and rage were evident on his face. Hindi n'ya talaga maitago-tago iyon dahil nasasanay s'yang galit. "Dalawang buwan ka ng hindi nakakabayad ng upa, Hija. Last month and this month."
Napayuko ako dahil sa hiya. Isang lawyer ang landlord namin at housewife naman ang kanyang asawa. It scares me knowing that he can easily sue me because of my unpaid accounts.
"Pasensya na po talaga, hindi pa kasi nagpapadala si mama."
"My wife is giving you one month to pay for the rent. Last week, next month. Okay na ba 'yon sa'yo?" kalmado n'yang sambit.
I nodded. "Opo. Pasensya na talaga."
He left the boarding house riding his car. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis ang kanyang sasakyan. Sht, I badly need a job right now.
Right-freaking-now.
Nagbihis ako ng shorts at agad na inabot ang cellphone ko na nasa desk. I scrolled online for available jobs or other job vacancies that I could temporarily apply for when I heard another knocked on the door. This time, it was a gentle knock.
"Knock, knock."
A curve slightly formed my lip when I heard his freaking voice.
"Who's there?"
"Joseph."
"Joseph who?"
"Joseph mo, hindi Joseph ni Mary."
Bweset ha! Talo na n'ya talaga ako sa banatan.
I bit my lower lip to stop a smile and opened the door for him. Nakita ko s'yang nakangiti habang may bitbit na malaking supot ng pagkain.
"Para saan 'yan?" turo ko sa cellophane.
Mukhang galing pa sa isang mamahalin na restaurant ang pagkain.
"For tonight's dinner. I told you before, babawi ako sa'yo."
"I heard you, but you haven't said anything about dinner."
He shrugged and made a playful reaction. "You don't want to? I bought it for you."
"I want to, but-"
"It's settled then, no buts for tonight's dinner," he said, tracing my features from head to toe, staring back at my eyes after. "Get dress. Punta ka sa kwarto namin mamayang 7 PM."
Nagtataka ang mukha ko ng tignan s'ya. "Why would I do that? Pwede naman tayo sa tambayan na lang kumain ah?"
"That won't do and I don't want to. I prefer a small and quiet, private room dinner date for us. I'll start preparing the food," he said with finality and caught my cheeks to kiss.
Hindi na ako nagulat sa kanyang ginawa because I'm getting used to it already.
"Why are you always doing that caught-off-guard kiss?"
"Gusto ko lang na masanay ka. Marami pa akong halik na gagawin sa 'yo hindi lang sa pisngi."
Namula ako bigla.
"Walang hiya ka talaga, Joseph. Bweset!" he ran away fast laughing his heart out.
So, he wants me to get used to it? And what he's doing to me is very effective because I might miss it when it's gone.
And I think that's a bad idea.
--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro