Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

LOVE-AT-first-sight? Nah! Meril dismissed the idea as soon as the thought entered her mind. Gaya noong una niyang makilala si Jaron Yulo may isang buwan na ang nakararaan, nilulunod na naman siya ng presence nito.  Instant attraction. Chemistry. Kung ano man ang tawag sa pakiramdam ng sobrang aware siya sa isang tao. Na kahit ilang upuan ang nakapagitan sa kanila ni Jaron ay para bang magkatabi lang sila at nararamdaman niya ang init ng balat at ang pagkiskis ng balahibo nito sa balahibo niya.

Again, for the umpteenth times her eyes darted to Jaron. Nagulat siya dahil kahit nakikipag-usap ito sa mga kasama nila ay nakatitig pala sa kanya. The simple meeting of their eyes shot a delicious tingling sensation down her spine.

Pinot Noir ang ininom nila na bagay para sa steak. Kaunti lang. Kaya hindi pa siya lasing para makaramdam ng kakaiba.

Naroon sila sa Melo’s Steakhouse sa Bonifacio High Street. Patapos na ang dinner celebration nila para sa isang done deal ng North Pacific—ang kompanya nila, at ng Yulo Advertising—ang ad agency nina Jaron.
Parang maipapahiya niya ang sarili ano mang oras. Kaya gusto na niyang mauna na umalis sa kanyang mga kasama. Daig pa niya ang nakainom ng love potion. Panay ang sulpot sa imagination niya ng mga eksenang hinding-hindi niya gagawin sa isang acquaintance lang, at mas lalo na sa isang kliyente.

Ayaw mawala sa isip ni Meril na parang ang lambot at masarap halikan ang mapupulang labi ni Jaron. Parang masarap paglaruin ang mga daliri niya sa matangos na nose ridge nito. Sa pecs. Sa abs. Sa lahat ng parte ng katawan nito na mas magbibigay ng sexual satisfaction sa kanilang dalawa.

And his eyes… his dark eyes were like twin pools anyone like her would gladly drown. Sulyap lang nito ay nagdadala na ng masarap na kilabot sa kanyang mga talampakan hanggang sa kanyang anit.

Hindi gusto ni Meril ang nararamdaman. Hindi siya ganito sa pagkakaalam niya. Sa dalawang naging boyfriend niya noon, hindi niya naramdaman ang ganito ka-intense na attraction. At hanggang halik na mababaw lang ang nakaya niyang gawin.

Kahit nauwi sa wala ang past relationships niya, natapos naman ang mga iyon nang maayos. Naging magkaibigan pa rin sila ng mga ex niya.

Somehow she felt the guilt after ending the relationship. Nagkakagusto siya sa umpisa. Pero sa halip na lumalim ang damdamin niya sa mga ito ay bumababaw. Pumupusyaw. Lumilipas. Kinasasawaan niya. Kaya matagal na panahon na siyang hindi nakikipagrelasyon. Ayaw na niyang makasakit ng damdamin.

Hindi alam ni Meril kung ano ang problema sa kanya para maging sawain. Naaawa siya sa dalawa niyang ex. Iyong una, si Santi ay muntik pang mag-propose. Nang maramdaman niya na nagiging seryoso na ito ay napilitan siyang makipag-break. Awang-awa siya kay Santi. Hindi niya gustong saktan ang damdamin nito. Ayaw lang talaga niyang mapasubo sa isang commitment na hindi niya kayang panindigan hanggang sa huli.

Mas madali para kay Meril na kalasan si Drew. Gustong umabante ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng sex. Akala yata ay madadala siya sa subtle seduction. French kiss pa nga lang ay hindi na niya kayang gawin kung ito ang kahalikan. Ang mas matindi pa kaya doon?

Inintindi niya na lang si Drew. Boys will always be boys, sabi nga. Pero dahil doon ay napabilis ang pakikipag-break ni Meril dito.

Hindi sila nag-away. Sinabi lang niya nang maayos na nagkamali siya. Patawarin sana siya nito. Na hindi niya pala talagang mahal. Na infatuation lang pala ang naramdaman niya at lumipas na. Mas gusto na lang niyang maging kaibigan si Drew. In fact, after ng breakup nila, ipinakilala niya agad ito sa isang colleague. May anak na ang mga ito ngayon at malapit na ring magpakasal. Ninang pa nga siya ng baby ng dalawa.

At ngayon, nagpapagulat sa kanya ang malalim na atraksiyon na nararamdaman niya para sa kliyente nilang si Jaron Yulo.

Nagpaalam siya na mauuna nang umalis sa mga kasama. Kailangan niyang maibalik sa dating huwisyo ang sarili. Kailangan niyang makalayo kay Jaron Yulo at sa atraksiyon na nararamdaman dito. Kailangan niyang makabalik sa dati kung saan kaya niyang hawakan ang isip at kalmadong emosyon.

Pero pagtungtong pa lang niya sa pavement kung saan naka-park ang kotse ay naramdaman na niyang nakasunod si Jaron. Nakatalikod siya at hindi ito nakikita. Ewan kung paano niya naramdaman na si Jaron ang kasunod niya.

“Miss Saylon, wait! Meril…”

May nagbubulong sa kanya na hindi siya dapat lumingon. Na nagbingi-bingihan na lang sana siya. Sumakay siya sa kanyang kotse. Hindi nga lang niya magawang paandarin kahit ang dapat niyang ginagawa ay pausarin iyon at humarurot na palayo. Worse, lumingon pa siya kay Jaron. “Jaron…”

Ewan kung nararamdaman din nito ang nararamdaman niya. Walang kurap na nakatitig sa kanya ang mga mata nito na malalim kung tumingin. It was as if his eyes alone were commanding her to recognize the unseen force between them. The force that pulled at her every senses, telling her to succumb to the attraction. “Can we talk?”

“What about?”

Pinagalaw lang nito ang mga balikat at inilahad ang mga palad na parang hindi nito maisip ang mga tamang salita. Still, his eyes spoke volumes. At mas tumindi pa ang sexual awareness na nararamdamn niya dito. Hindi mainit ang panahon pero daig pa niya ang nasa gitna ng isang nagbabagang sigâ.

Isinenyas nito kung puwede itong pumasok sa loob.

Binuksan ni Meril ang power lock ng kotse. Nang makapasok na si James, muli, naramdaman niya ang mainit at masarap na kilabot kahit malayo ang distansiya nila sa isa’t isa. Parang napupuno ng presensiya nito ang bawat space sa kotse niya.

“Do you need me for anything?” untag niya nang hindi magsalita si Jaron. Nakaupo lang ito at nakatingin sa kanya.

“Yes…” humihingal na sabi nito na parang nakipag-compete sa triathlon. “Yes, Meril… I need you.” Hinawakan nito ang magkabilang gilid ng mukha niya at walang seremonyang inangkin ang mga labi niya sa isang makaputol-ulirat na halik na tumagal ng maraming segundo.

....................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro