Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7. Sexual Tension



ISANG elegant sleeveless white dress ang suot ni Elle sa araw ng kasal. Si James ay guwapung-guwapo sa suot na crisp white long-sleeved shirt, black pants at Paul Smith designer leather shoes. Sa gazebo sa garden ng mga Yulo ginanap ang kasal. Sa mansiyon na rin ang reception na munting salu-salo lang naman bagaman at isang sikat na restaurant ang magbibigay ng catering services.

Hindi maitago sa mga mukha nina Meril at Xyza ang kilig. Katulad ang papa ni James na hindi nawawala ang ngiti mula nang ibaba roon ni Jaron sakay ng wheelchair. Masaya rin ang mukha ng mom niya pero hindi halos ngumingiti ang kanyang ama.

Present din sa kasal ang isang tiyuhin ni James at si Tita Menchu.

Halos hindi mabigkas ni Elle ang wedding vows nila na simpleng-simple lang naman. Nanlalamig siya, ninenerbiyos at excited. Ganito pala talaga ang feeling ng isang ikinakasal. “James, I-I accept you, as my lawfully w-wedded husband, for richer or for poorer, i-in sickness and in health, til death do us part.”

Nang ianunsiyo na ng huwes na kasal na sila, isang damping halik lang sa labi niya ang ibinigay ni James. Hindi niya alam kung bakit nagpipigil ito gayong kasal na sila. Ramdam naman niya na sa mga huling araw na nagdaan bago sila ikasal ay patuloy sa pagtaas ang sexual tension sa pagitan nilang dalawa. Na magkakiskisan lang ang kanilang mga balat ay ramdam na agad niya ang biglang pagtaas ng temperatura sa paligid.

“Ready ka na ba sa honeymoon, beshie?” pabulong na tanong sa kanya ni Meril nang lapitan siya nito at ni Xy. “Isuot mo mamaya yong regalo ko sa ‘yo, ha?”

“Basta ‘wag ka agad babangon sa bed pagkatapos ng—alam mo na,” pilyang bilin naman ni Xy, “para magka-honeymoon baby kayo.”

“Grabe kayong dalawa. Eto nga ninenerbiyos na ako ngayon pa lang.”
Ngumisi si Xy. “Kasi naman tinulugan mo si James sa kama mo dati. Eh di sana nakapag-practice na kayo noon pa lang.”

“Grabe sha.”

Bago matapos ang kainan ay nagkaroon sila ng pagkakataon na magkasarilinan ng kanyang ama. “Dad, bakit parang malungkot ka? Aren’t you happy for me?”

“Of course I’m happy for you, anak.”

“Para kasing hindi, eh.” Yumakap siya rito.

“Masaya ako na nahanap ka na ng mahal mo. Siguruhin lang ng lalaking iyan na hindi ka niya paiiyakin. Ako ang unang makakalaban niya kapag sinaktan ka ng James na iyan. Basta tatandaan mo, anak, you’ll always be my princess no matter what.”

Sa kabila ng sinabi ng dad ni Elle ay hindi mawala sa dibdib niya ang pagtataka sa nakitang lungkot sa mukha nito.

Pero hindi nagtagal at nakalimutan na niya ang inaalala. Kailangan na nilang magmadali ni James para hindi sila mahuli sa flight nila patungong Dakkak. Doon ang kanilang honeymoon.

“I think I know your father,” sabi kay Elle ng biyenan niyang lalaki nang magpaalam na sila rito. “I saw him with Mel so many years ago.”

“Sino pong Mel?” nagtatakang tanong niya.

“Just take care of yourselves, okay?” sabi lang nito sa halip na sagutin ang tanong niya. “Don’t worry about me. Nandito naman si Jaron. Have fun.”

MALIGAMGAM sa pakiramdam ang tubig nang lumusong si Elle sa beach. Napakaganda nga ng Dakkak  gaya ng pagkakalarawan sa kanya ni James nang nasa eroplano pa lang sila kanina. Sa mga travels niya ay madalas na sa norte, sa Palawan, sa Bicol at sa Cebu lang siya nakakarating. Ngayon pa lang siya nakatungtong sa Mindanao.

Hapon na sila dumating. Nagpahinga lang sila sandali. Wala pang kalahating oras na naiidlip ay gumising na siya. Para siyang kinakawayan ng dagat kaya iniwan niya ang asawang himbing pa.

Pag-akyat pa lang niya kanina sa eroplano ay nakadama na siya ng antisipasyon. Lalo na at panay ang haplos ni James sa kanyang braso, dampi ng halik sa kanyang ulo, halik sa gilid ng pisngi niya. At hindi na nito halos binibitiwan ang kanyang kamay habang ang hinlalaki nito ay panay ang laro sa likod ng palad niya.

Somehow nararamdaman niya na lahat ng kilos nito ay preparation sa foreplay na magaganap sa kanilang honeymoon. Kaya ngayon ay parang laging may nagliliparang paruparo sa kanyang sikmura.

Ang aim ni James ay magkaanak agad sila. Ngayon lang niya naitanong sa sarili na handa na ba talaga siya na maging isang ina?

Naging napakabilis ng lahat. Parang nagpatianod lang siya sa mga pangyayari, at ngayon ay kasal na siya.

Walang duda na mahal na niya si James. Naniniwala rin siya na mahal siya nito. Pero hindi naman lahat ng mga taong nagmamahalan ay nagpapakasal agad. Kahit pa nga para sa good cause gaya ng sa ikasisiya ng ama nitong may terminal illness. Hindi lang talaga maalis sa isip niya na nagkamali siya ng disisyon. Na mali ang timing ng pagpapakasal nila ni James.

She mentally shook her head. Ano pa ba ang saysay ng mga iniisip niya? Wala nang mababago sa mga pangyayari. Kasal na siya ngayon—isang bagay na maaaring habangbuhay niyang ipagpasalamat o pagsisihan.

Sumisid siya at nang lumitaw sa ibabaw ng tubig ay nasa harap na niya ang nakangiting si James.

“Ginising mo sana ako, heart. Para nasamahan kita.”

“Naisip ko lang na kulang pa ang pahinga mo.”

Kinuha nito ang mga kamay niya at iniyakap sa baywang nito bago ipalibot sa likod niya ang mga braso nito. Dama ni Elle ang init ng katawan nito kahit nakalubog siya sa hanggang dibdib na tubig. “Kung magpapahinga ako, gusto ko kasama ka…” Hindi nito inaalis ang malagkit na titig sa mga mata niya. “I haven’t kissed you properly.”

Nag-init ang mukha niya pero nagawa pa niyang biruin ito. “Proper kiss nga ang halik mo sa akin sa kasal kanina, ah.”

Inilapit nito nang husto ang mukha sa mukha niya at pinagdikit ang kanilang mga noo. “There’s a more proper kiss than that, my heart…Would you like me to show you how?”

“Huwag na. Napipilitan ka lang yata,” tukso niya, hindi mapigilan ang pilyang ngiti.

“Don’t tease me, woman. I’m aching to kiss you now…” bulong nito. “I think we better get back to our room…” maaligasgas ang boses na bulong sa kanya ni James.


......................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro