Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3. Bed Partner


“YOU’RE too quiet,” puna kay Elle ni Sir James nang tumatakbo na sa kalsada ang kanilang sinasakyan. “Natatakot ka talaga? Don’t worry, hindi masakit ang flu shot. At napakabilis lang. I do this every year. Magaan ang kamay ni Dr. Chua kaya hindi ka masasaktan.”

Bahagyang ngiti lang ang naging sagot ni Elle. Kung alam lang ni Sir James na malayo na ang tinakbo ng isip niya. At mali ito. Kahit gaano pa kagaan ang kamay ng doktor na magtuturok sa kanya masasaktan pa rin siya. Dahil parang pag-ibig lang ang turok ng karayom. Sinasabing hindi ka masasaktan. Parang kinagat ka lang ng langgam. Na sandali lang ang sakit.

Pero ang totoo masasaktan ka. Kakagat ang sakit na mararamdaman hanggang sa kaliit-liitang parte ng isip at puso mo. Dadalhin mo ang bigat sa dibdib mo sa bawat sandali, sa bawat araw. Hanggang sa hindi mo na mabilang ang mga oras at araw at buwan at makasanayan mo nang masaktan. At mawawala lang ang sakit kapag naawa sa iyo ang Diyos, gisingin ka isang umaga na pawi na ang sakit, na nawala na ang pait at magaling na ang puso mo. 

Nang tumapat na ang kotse sa clinic ay hindi muna ito bumaba. Hinarap siya nito. “Elle, you have to trust me on this, okay? Importante ang vaccine na ito sa iyo. Pero kung talagang hindi mo kaya, kahit nandito na tayo, okay lang sa akin kahit hindi ka na magpaturok.”

Paano ba siya makakatanggi kung ganito ito ka-conscientious? “Malaki na ako, Sir. Kakayanin ko po ‘to.” Sana lang ay mapagtiwalaan niya ang sarili sa sinabi.

Sa palagay ni Elle ay wala pang tatlong daang metro ang layo ng clinic mula sa office building ng Yulo Advertising. Ang inakala niyang lalaking doktor ay babae pala. Bata pa at maganda. Maputi at makinis ang kutis. Bigla tuloy siyang na-insecure sa pagiging morena.

Malapad ang pagkakangiti ni Doktora Chua nang harapin sila. Nakipagbeso pa ito sa kanyang amo. “Tita Menchu called me a while ago. Magpapa-flu vaccine ka raw.”

“Hindi ako, si Elle.”

Ikinagulat niya na dinala lang siya roon ni Sir James para paturukan. Hindi naman pala ito magpapaturok. Bigla tuloy siyang nahiya. Sino ba siya para bigyan nito ng ganoon kalaking importansiya? Pangkaraniwang empleyada lang naman siya.

“Oh! I thought it was you.” Tiningnan siya ng doktora na parang noon lang napansin na kasama siya ni Sir James. Nawala ang malapad na ngiti nito.

“Go easy on her,” sabi rito ng amo niya. “May phobia si Elle sa needles. Ayokong madagdagan ang takot niya. I don’t want her to get hurt.”

“Okay. So, may kapalit na pala si Chastity?”

“You could say that, yes.”

Naguluhan si Elle sa palitan ng salita ng dalawa. Kung tama ang pagkakuha niya, ang Chastity n sinasabi ng doktora ay dating girlfriend ni Sir James. At akala nito ay siya ang kapalit. Medyo may pagkataklesa ang doktora pero bakit hindi itinama ng boss niya ang maling akala ng doktora? Bakit ito nagsinungaling?

Natigil siya sa pag-a-analyze nang ilabas na ng doktora ang disposable syringe at isang maliit na ampule ng flu vaccine. Biglang bumalik ang takot niya sa injection. Nanlamig ang mga kamay niya.

Maagap na hinawakan ni Sir James ang isang kamay niya. Kinuskusan na ng doktora ng bulak na may alcohol ang kanyang punong braso. Napapikit na lang siya. “It’s okay. Saglit lang ‘to. Kayang-kaya mo.”

Sa pagitan ng pagsasalita ni Sir James ay naramdaman niya ang turok ng karayom. Napisil niya nang mariin ang kamay nito. Pero aaminin niya, hindi siya gaanong natakot dahil sa ginawa nito. Nakahinga siya nang maluwag nang mailayo na ang syringe sa kanyang braso at takpan ang tinurukan ng kapirasong bulak na idinikit ng micropore tape. Saka lang siya bumitiw sa kamay ng amo.

“Nice one, Doc. Thank you. I guess we should go now.”

Natuwa si Elle na nagyaya na agad si Sir James na umalis sila roon.

“We should see each other sometime, James” pahabol ng doktora bago sila makalabas. “Catch for the lost time. Isama mo ‘tong girlfriend mo.”

“Sure.”

“Bakit po hindi mo itinama ang maling akala ni Doc Chua sa atin? Employee mo lang naman po ako, Sir, ah.” Hindi siya nakatiis na hindi tanungin ang boss niya nang nasa loob na sila ng kotse.

“I’m sorry. Ginawa ko lang ‘yon para matigil siya sa kakatanong. So, how is it? Natakot ka ba nang sobra kaninang turukan ka?”

“Konti lang po. Salamat po na hinawakan mo ‘ko. Nabawasan ang takot ko. Pero masakit talaga ang turok niya.”

“Masakit pa ba?”

“Hindi na po. Salamat po, Sir, sa pagdadala mo sa akin sa clinic. Naabala ka pa tuloy. Puwede naman na ako na lang ang pumunta at magpaturok.”

Tumawa ito. “I don’t think na magagawa mo na pumuntang mag-isa sa clinic para sa flu shot. Ang putla mo kanina. Tingin ko nga kung hindi kita hinawakan baka takasan mo si Doc Chua.”

Natawa na lang siya. Ewan ba kung bakit sobra ang takot niya sa iniksiyon. Pero sana pagkatapos ng experience niya kanina ay maging mas matapang na siya sa susunod. “Salamat po talaga. Sobrang busy natin ngayon sa office pero nagpakaabala ka pa na dalhin ako sa clinic.”

“Tandaan mo, every single soul in my office is special. So you also deserve special treatment.”

Lalong humanga si Elle sa kanyang boss. Napakabait nito. One in a million na lang siguro ngayon ang mga amo na katulad nito.

“Magpakita ka daw kay James bago ka umuwi, Elle,” bilin ni Tita Menchu bandang hapon.

“May sinabi po ba sa inyo kung bakit?”

“Wala. Ang alam ko lang, may pinakuha sa messenger sa labas. Ayun, pagbalik ng messenger sinabi sa akin ni James na huwag kang uuwi hangga’t hindi ka muna nagpapakita sa kanya.”

Hindi niya gusto ang pagkakangiti ni Tita Menchu. Parang nanunuksong ewan.

Dahil abala siya sa trabaho, lampas nang alas sais nang magawa niyang magligpit ng gamit. Wala na noon si Tita Menchu. Medyo nag-aalangan pa siyang kumatok sa private office ni Sir James. Nang buksan niya ang pinto ay nakita niyang nakatukod ang siko nito sa mesa at ang palad ay nakasapo sa noo na para bang pasan ang daigdig.

Nakaramdam siya ng awa sa amo. Parang napakarami ng problema nito. “Sir? Okay ka lang po ba? May masakit po ba sa inyo?”

Nag-angat ito ng tingin at tumuwid sa pagkakaupo. Itinutok ang tingin sa kanya. “Kung sasabihin ko bang may heart ache ako, gagamutin mo?”

Naging ngiwi yata ang ngiti niya. Parang gusto na lang niyang lumabas ng silid. “Sir, wala po akong powers para gawin ‘yon. Pero puwede ko po kayong tulungan na humingi Doon sa may power para ka gamutin.” Isinenyas ko ang hintuturo sa itaas.

“Kailangan ko ‘yan, Elle. Kailangan ko ng mga taong ipinaparamdam ang concern lalo na sa mga times na kailangang-kailangan ko.”

Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin. “Kung… kung kailangan mo po ng mapapagsabihan ng problema, handa po akong makinig, Sir.”

Ngumiti si Sir James. Biglang nag-transform ang mukha nito na parang bumata ng sampung taon. “Thank you, Elle. Thank you. Hindi mo lang alam, malaking bagay na sa ‘kin ‘yong tanungin mo ‘ko kung okay lang ako. And yes, okay lang ako… Pauwi ka na ba?”

“Yes, Sir.”

Yumuko ito at may kinuha sa drawer ng desk. Isang kahon ng imported na dark chocolates ang iniabot sa kanya. “Gusto ko lang ibigay sa iyo ‘to kaya kita pinapadaan dito.”

Nagtaka siya. “B-bakit mo po ako binibigyan ng chocolates, Sir?”

“Alam ko na hindi madali para sa iyo ang pagharap mo sa takot sa flu vaccine kanina. Reward mo ‘yan dahil pinilit mong maging matapang.” 

“S-Sir?”

“Sige na. After a long day, you also deserve to rest.”

Nahihiya man, tinanggap na rin niya ang kahon ng tsokolate. Ang totoo, pumapalakpak ang kalooban niya sa tuwa na mabigyan nito ng favorite comfort food niya. Pero higit pa roon, gusto muna niyang lunurin ang sarili sa katotohanan na isang guwapong hottie ang nagbigay sa kanya ng chocolates. She flashed him a wide smile. “Thank you po dito. Sige po, ‘uuna na ‘ko. Pahinga ka na din po, Sir.  Deserve mo din po ang pahinga.”

“Thank you.” Ngumiti uli ito. “Ingat.”

Ewan pero biglang natanggal ang pagod ni Elle.

NAGPILIT pumasok si Pawie pero sa kalagitnaan ng trabaho ay nagpaalam ito. Hindi pa raw nito kaya ang katawan. Muling nilagnat ito at mukhang nabinat. Si Bonn naman ay hindi na nakapasok dahil natuluyan na itong trangkasuhin. Mabuti na lang at nakapasok na si Arthur. Kaya lang hindi raw ito makakapag-overtime sa araw na iyon dahil hindi pa raw ito tapos maglipat. Naglipat-bahay pala ito kaya nag-leave. Kaya ang nangyari, siya lang ang nakapag-overtime sa creative department. Mabuti na lang at sinamahan siya ni Tita Menchu.

Bandang alas siyete ng gabi ay lumitaw roon si Sir James, may bitbit na pagkain mula sa take out counter ng isang restaurant. Tutulong daw ito sa kanya. Tatlo silang nagsalo-salo sa dala nitong Chinese seafood noodles, beef broccoli at fish fillet.  Nagpasalang pa si Sir James ng brewed coffee kay Tita Menchu dahil napansin daw nito na mahilig siya roon. Nagpakabusog sila at nagtrabaho hanggang sa magpaalam si Tita Menchu bandang alas nuwebe. May kasama naman na daw siya kaya uuwi na ito para makapasok nang maaga kinabukasan.

Ayos lang naman kay Elle. Pero bigla siyang nakaramdam ng pagkaasiwa nang wala na roon si Tita Menchu. Nasa ibabang floor ng building ang security guard. Sila lang dalawa roon ni Sir James na nagpatugtog pa ng magandang music mula sa laptop nito.

Tahimik lang siya. Sinisikap na magpakaabala sa trabaho kahit ramdam niya ang presence ni Sir James. Dahil yata roon kaya hindi siya nakaramdam ng kahit kaunting pagka-antok.

There is no denying that James Yulo is one hell of a male hottie. Kaya nga crush niya ito. Kaya niyang hawakan ang sarili kung para sa aspetong iyon lang. Nahihirapan lang siya kapag naging maasikaso, maalaga ang kanyang amo. Bumabalik sa isip niya ang mga katangiang minahal niya noon kina Lloyd at Radley. Ayaw na niyang mahulog na naman at mabigo. Ayaw na niyang magsara na naman ng isang pinto sa kanyang puso.

Pagdating ng alas dos nang madaling-araw ay napipikit na si Elle sa antok. Kung kailan patapos na ang ginagawa niya. Patuloy pa rin sa pagtugtog ang music. Isang classic song na hindi niya alam kung sino ang singer pero may lyrics na “As sure as I’m standing here, you never have to be afraid.” At sa lamyos ng boses ng lalaking singer ay para siyang hinihila na matulog.

Napakislot siya nang may dumantay na palad sa kanyang balikat. Bigla siyang nagising nang paglingon niya ay makita ang sympathetic na ngiti ni Sir James. “I made us some coffee. Mamaya mo na lang balikan ang ginagawa mo. Doon muna tayo sa pantry.”

Sa pantry, nasa table na ang dalawang tasa ng umuusok na kape at isang cookie jar na puno ng raisin and butter cookies. “Sana po, Sir, tinawag mo na lang ako kanina. Ako na lang sana ang nag-prepare nito.”

“You always do that for the company. Tita Menchu told me na lagi kang nag-aasikaso dito. Elle, kahit man lang sa ganito, mapakita ko din sa ‘yo, your efforts didn’t go unnoticed.”

Para siyang malulunod sa paraan ng pagtitig ni Sir James. Hindi lang paghanga ang nababasa niya sa mga mata nito. Naglihis siya ng tingin. Hindi tama na makabasa siya roon ng dahilan para kalimutan niya ang natutuhang hard-learned lessons mula sa kanyang nakaraan.

“You’re not unaware that you’re beautiful, aren’t you?”

Saglit na nalito siya sa ginamit nitong puro negative adverbs. Sa pangkaraniwan ay confident siyang ngingiti at kukumpirmahin ang sinabi nito sa pabirong paraan. Pero daig pa niya ang isang pa-demure na babae ng mga oras na iyon. Hindi niya masalubong ang mga mata ni Sir James. “Alam din po ng nanay ko.”

Tumawa ito. “Bakit, may nagsabi na ba sa iyo na hindi ka maganda?”

“Madami na po.” ‘Pangit’ ang tawagan nila ng mga kaibigan niya noon sa high school. 

“But you’re not. You’re beautiful. Really. You’ve got a nice pair of expressive eyes a lot of men would surely want to drown in them. Aren’t you concerned that we’re alone here at this unholy hour?”

Biglang nag-shift sa pagiging flirtatious ang ngiti nito. Dapat siyang kabahan. Pero wala siyang makapang kaba nang mga oras na iyon. “Mas dapat po siguro na maging concerned ka sa sarili mo. I mean, sa reputation mo po, Sir, kapag may ginawa ka na dapat kong ipag-alala.”

“What about your boyfriend?” hindi pa rin nawawala ang malagkit na tingin nito.

“Ex na po siya, Sir.”

“Bakit naman?”

“Ayoko na po siyang pag-usapan.”

“Mahal mo pa?”

Umiling siya. Siguro kung may martyr complex siya baka pinatawad na lang niya si Radley at binalikan. Dahil naging perfect ito. Naramdaman niya na minahal talaga siya. Nagkataon lang na ang isang pagkakamali nito ay ang pagkakamali na walang kapatawaran sa bokabularyo niya. Pero halimbawa nga na pinatawad niya si Radley at sila pa rin hanggang ngayon, nasisiguro niya na iisip-isipin pa rin niya ang pagtataksil nito. Lagi pa rin siyang magdududa. Baka may mga pagkakataon pa na maging dahilan ng kanilang pag-aaway. Ano pa ang saysay ng isang relasyon kung walang pagtitiwala?

Pero kung mahal mo talaga…

Kung minsan pinagdududahan na rin niya kung minahal nga niya talaga si Radley. O kung minahal man niya, isang pagmamahal lang na hindi lumampas sa aspetong pisikal at emosyonal. Minahal niya dahil. Hindi minahal niya kahit.

“What about me, Elle? Will you consider loving someone like me?”

Daig pa niya ang ninakawan ng kakayahang huminga.

NAKAMAANG lang si Elle kay Sir James. Sinusubukan lang ba siya nito kung gaano siya katibay o kung gaano siya karupok para itanong ang ganoong intriguing na bagay? Isipin na lang na hindi pa sila natatagalang magkakilala. “Everything is possible, Sir. But then, we always have a choice. And it will always be a question of doing it or not. Of deciding for it or against it.”

“To indulge or not to indulge, that’s the most appropriate question,” dagdag pa nito, lalong lumapad ang ngiti. “I like you, you know…”

Noon na siya kinabahan. Kabang may kahalong kilig. Sinong magsasabi na ang isang katulad ni Sir James ay magkakagusto sa kanya? Kung totoo ngang gusto siya nito.

“I intend to have you, Elle. Kaya sana huwag mo akong iiwasan.”

Parang may mali sa sinabi nito pero hindi na niya pinansin. Ang mas napansin niya ay ang pansin na ibinibigay nito ngayon. Ganoon na lang ang pagsisikap niya na pigilang mailabas ang kilig. Sobrang bilis pala sa babae ng James Yulo na ito. Mahirap pigilan na hindi rin magkagusto. Para siyang magnet na walang kakayahan para pigilan ang sarili na ma-attract din dito. “Para pong hindi maganda na magliligawan ang isang boss at ang isang employee,” sabi na lang niya sa kawalan ng masasabi. Sa sulok ng isip niya, kumakapit pa rin siya sa gahiblang self-preservation.

“Mas hindi maganda ‘yong attracted ka at mahal mo na pero magdi-deny ka pa.”

“Siguro po attraction lang. Parang usok. Lilipas din.”

“So what’s your bet? In a month’s time, mawawala din ang feelings ko sa iyo?”

“Baka po mas maaga pa sa isang buwan.” Gosh! Bakit ba sa ganito nauwi ang pag-uusap nila?

“Dare?”

“Sir, baka po dapat na tayong bumalik sa trabaho?”

“You’re evading the subject,” he said with a lopsided grin. “Bakit ayaw mong pumusta? Dahil ba sa alam mong matatalo ka?”

Napabuntong-hininga siya. “Sir, hindi po dapat pinaglalaruan ang feelings.”

“I agree. Alam ko din kung bakit umiiwas ka, at kung bakit idini-deny mo na may feelings ako sa iyo at attracted ka din sa akin…”

Lumitaw sa utak niya ang salitang presumptuous. Pero hindi niya magawang bigkasin. Hindi bagay. Narito nang lahat ng katangian na magugustuhan ng isang babae. Kung tutuusin siya pa ang babagay sa salitang presumida kung tungkol din lang dito. At totoo naman talaga na napansin na niya ito doon pa lang sa restaurant na tinutugtugan nito ng piano. Attracted na siya rito noong unang araw na makita niya ito sa opisina.

“Dahil natatakot ka na maging ex din ako tulad ng ex mo. Natatakot ka na masaktan ulit.”

“Yes,” matapang na pag-amin niya.

“If I will offer you marriage, will you reconsider?”

Napanganga si Elle. Nasisiraan na ba ito ng ulo?

PICK UP the phone, Meril! Please, pick up the phone! Tahimik pero nagpa-panic na si Elle. Tapos na ang presentation nila sa client. Nairaos at aprubado na. Mahigit tatlumpong oras na siyang gising. Parang babagsak na siya sa pagod at puyat. Namimigat na ang talukap ng mga mata niya. Kaya naisip niya na tawagan at magpasundo na lang kay Meril at magpahatid sa apartment nila ni Xy.

Nakapang-anim na subok na siya na tawagan ang numero nito pero unattended pa rin. Sa ikasampung subok ay sumuko na siya. Malamang na nasa labas ito at naiwan na naman ang cell phone sa bahay. Si Xy sana ang tatawagan niya. Kaya lang ay nasa Laguna pa ito at mamayang gabi pa uuwi.

Bahala na. Hindi na lang siya magga-Grab at baka kung saan siya madala ng driver kapag nakatulog siya sa sasakyan. Susubukan niyang mag-abang na lang ng jeepney.

Pero pagdating niya sa lobby ng office building ay nadatnan niyang naghihintay roon si Sir James.

“I’ll take you home,” seryosong sabi nito. “And don’t refuse this time.” Boss na boss ang dating nito nang mga oras na iyon. Isang boss na nag-uutos sa empleyado nito.

Hindi alam ni Elle kung ano ang mararamdaman. Gusto niya dahil crush niya ito at hindi na siya mahihirapan na mag-commute para makauwi. Pero ayaw niya dahil nahihiya siya. Magkaiba sila ng kalagayan sa buhay. Natatakot siya na lalong mahulog dito. Na baka masaktan na naman siya. Kaya lang, dahil siya ay nasa loob pa ng pinapasukan, at inuutusan siya ng kanyang boss, wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa gusto nito.

Tinanong kaagad nito kung saan siya ihahatid. Sinabi niya ang direksiyon ng apartment nila ni Xy.

“You do a lot to a man’s ego, Elle.” Parang himig-nagtatampo na sabi nito nang tumatakbo na ang kotse.

“One month, Sir,” napapahikab nang sabi niya. “Advocate po ako ng kasabihan na hindi dapat minamadali ang mga bagay gaya ng boy-girl relationship.”

“Paano kung lumampas na ang one month at mapatunayan ko sa iyo na walang pagbabago sa feelings ko at gano’n ka din sa akin?”

“Saka ko na lang po sasagutin ‘yan kapag natapos na ang isang buwan.” Nasundan muli ang hikab niya kanina. Sana lang ay tumigil na ito sa kasasalita at hayaan na siyang makapagpahinga.

“Alright, if you say so. But you’re being heartless here. Don’t you think?”

“Not heartless, Sir. Just being careful.” Hindi na niya namalayan kung may sinabi pa si Sir James. Nakatulog na siya.

Nakaramdam ng pangangalay si Elle kaya kumilos siya para pumihit sa kabila. Pero hindi siya makapihit! May mainit na bagay na nakadagan sa katawan niya at maging sa kanyang hita!

Pagtingala niya ay bumulaga sa kanya ang himbing na mukha ni Sir James. Katabi niya itong natulog sa kama!

....................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro