two - convertible
{ note } - hello guuuuuys ang tagal ko ring hindi nakapag note lol anoooo magpapasalamat lang ako sa inyong lahat hehehe love you guys okay ano tbh medyo boring first part kaya pwede niyong i-skip charot huwag hahaha x
p.s. nasa taas si carita hahaha
____________________________________________________
"She's gonna kill me, you know."
Tinignan ko si Daddy at imbes na takot ang makita ko natatawa pa siya atyaka humigop ng kape. Inabot kami ng umaga dahil sa kwentuhan. Nakapag-breakfast na nga kami't lahat-lahat hindi pa rin kami natapos. Once or thrice a year lang kami nagkikita ni Daddy kaya natural na naiipon ang mga kwento namin para sa isa't isa. Buti nga pinapayagan pa ako ng reynang pumunta rito kahit papaano.
Sinabi ko lahat ng pinadaanan ko para tuluyang makaalis ng Haegl. Nung una ini-encourage niya akong bumalik kasi nga pareho kaming takot sa Ice Queen pero nakapag-decide na ako, nakaalis na ako ng Haegl kaya bakit pa ako babalik dun?
"Malalaman at malalaman niya rin kung nasaan ka," dagdag pa ni Daddy.
"Eh 'di magtatago ako. Tutulungan mo naman ako 'di ba?"
Ngumiti siya at inilapag ang tasa ng kape sa mesa. "Alam mo, last year nung pumunta ka rito kasama si Gen? Nung iniwan mo kami saglit para bumili ng softdrinks? She blamed me because you started complaining about your trainings. She said there's too much of me in you. That's why you're not growing up like a typical royal Haeglic does."
Usually kapag nakapangasawa ang isang Haeglic ng mortal, lalake man siya o babae, sasama siya sa Haegl at dun na magi-stay. Naghiwalay sila Daddy at Queen Genima one year pagkatapos akong ipanganak. Kapag tinatanong ko sa kanilang dalawa kung bakit pareho nilang sagot ay may mga relasyon daw talagang hindi nagwo-work kahit gaano niyo kamahal ang isa't isa. Feeling ko nga ang queen lang ang naniniwala dun tapos 'yung kay Daddy scripted lang.
Maayos naman si Daddy. Kasing-edad siya ng queen. Mekaniko si Daddy ng mga sasakyan tapos nangingisda rin siya from time to time kaya dapat malakas siya kaya palagi siyang nagi-exercise. Physically fit nga siya eh. Pati ang pogi pa niya. Imposibleng walang may kursunada sa kanya rito. Palagay ko nga in love pa rin siya sa queen kaya hindi pa siya nakakahanap ng bagong love interest.
"Mahal mo pa rin ba siya?" Tanong ko. Weird kasi alas otso ng umaga tapos heart to heart talk agad kami.
"Palagi niyang sinasabi na may mga relasyon talagang hindi nagwo-work. I don't believe that. Nakaya namin noon. Nadagdagan lang naman ng kasal," natawa si Daddy ng mapait kaya napahawak ako sa kamay niya para kahit papaano maging okay siya. "Naisip ko naman noon na hindi magiging madali ang buhay kasama siya kasi reyna siya ng isang parang napaka-imposibleng lugar. Akala ko handa ako pero iba pala talaga kapag nandun ka na sa sitwasyon. I told her I had to leave because the weather is killing me. Ang totoo hindi ko lang maamin sa kanya na selfish ako. I wanted her all by myself. Hindi pwede kasi 'yung nasasakupan niya mismo ang kahati ko sa kanya."
Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Kanina lang nagtatawanan pa kami ni Daddy tapos ngayon nagdradramahan na kami. Siguro hindi na rin napigilan ni Daddy kasi matagal na siyang magisa. Wala siyang masabihan ng mga saloobin niya kaya ngayong nagtanong ako tungkol sa kanila nagkaroon siya ng pagkakataong mailabas lahat.
Kung gaano kabilis nagbago 'yung mood namin kanina ganun din kabilis bumalik sa pagiging masayahin si Daddy. Nakita ko namang pinipilit niya lang kaya nakisakay na rin ako. Ayoko na munang magisip ng kung ano-ano tungkol sa Haegl o sa queen.
"Daddy, ano kaya kung magaral ulit ako?" Pagiiba ko ng topic.
"Kailangan mo pang maghintay next year. Matagal ng nagsimula school year kaya hindi ka muna nila pwedeng tanggapin," sagot naman niya.
Holy snowballs... oo nga 'no? December na nga pala. Sayang. Gusto ko pa namang magaral ulit kasi hindi ko na-enjoy 'yung school sa Haegl. I-pull out ba naman ako kaagad para mag-training? Sayang talaga.
"Kung magtrabaho na lang kaya ako?" Suggestion ko.
Kumunot ang noo ni Daddy at tinignan ako ng pagkasama-sama. Kahit talaga yelo matutunaw kapag ganon katindi titig niya.
"Hindi ka magi-stay rito para magtrabaho," giit niya.
"Hindi rin ako magi-stay rito para tumunganga at panoorin kang magtrabaho."
"Hindi tayo ganon kahirap para magtrabaho ka."
"Daddy naman pakibawasan ang ego. Hindi ko naman sinasabing hindi mo 'ko kayang buhayin. Ang gusto ko lang ma-enjoy ko 'yung stay ko rito sa pamamagitan ng pagkilala sa lugar at sa mga taong nandito. Atyaka kahit nga walang sweldo tatanggapin ko pa rin," wika ko.
Walang nagawa si Daddy kundi bumuntong hininga at pumayag. Ito gusto ko kay Daddy eh, lagi niyang iniisip kung saan ako sasaya. Hindi siya kagaya ng queen na kung ano ang dapat, kahit sakit na sakit ka na, kahit mamatay-matay ka na sa kakahindi, sige pa rin.
"Kakilala ko 'yung security guard sa bookstore sa tapat ng school. Dadaanan ko siya mamaya. Itatanong ko kung pwede ka run kahit taga-ayos lang ng libro," sabi ni Daddy na nagmamaasim pa rin.
Napatayo ako dahil sa tuwa at niyakap siya. "Thank you, Daddy. Love you. Dapat talaga hindi kayo naghiwalay ng queen para natututo siya ng good parenting sa'yo."
Nagpaalam na si Daddy para mangisda muna dahil wala pa namang nagpapagawa ng sasakyan sa kanya. Naiwan akong nagaayos ng mga gamit ko kasi hindi ko nagawa kagabi.
Habang nagtutupi ako ng mga damit, hindi ko maiwasang isipin kung kumusta na sina Jules at Van. Pati rin si Halvar. Syempre lalong-lalo na si Blizzard. Naisip kong kailangan ko ng mabuhay ngayon ng wala sila. Nakakalungkot pero dapat kasi eh. Oo, namimiss ko rin ang queen pero kapag nai-imagine ko na 'yung galit niya sa'kin kinakabahan ako at nanlalamig kaya hindi ko muna siya masyadong iniintindi.
Pwede na raw akong magsimula ngayong araw sa bookstore sabi ni Daddy. Ibinalita niya 'yun pagkauwi niya sa bahay nung tanghali. Pinipilit niya ako na bukas na lang pumasok pero na-excite ako kaya nagpahatid na kaagad ako run. Kahit hapon na't lahat-lahat tumuloy pa rin ako. Nai-excite talaga akong i-explore itong Ashwood atyaka makakilala ng mga bagong kaibigan.
Unang basa ko pa lang dun sa pangalan ng bookstore natawa na ako ng bahagya. Pangalanan ba namang The Rabbit Hole? Okay pwede kasi doon nahulog si Alice dun sa Alice in Wonderland na story pero paano kung may ibang tao na hindi nakakaalam 'nun? Hole? Seriously?
Pagkarating ko run syempre ang unang bumati sa'kin eh 'yung security guard na kaibigan ni Daddy. Halos magkasing-edad lang sila ni Daddy pero siya halatang mahilig sa alak dahil sa tyan niya. May bald spot siya sa tuktok ng ulo niya. Wala silang similarities pero naalala ko si Halvar sa kanya. In-introduce din ako sa apat pang tauhan sa bookstore. Si Pilar na cashier, si Sav na nagi-inventory, si Karl na all around taga-ayos at taga-linis ng buong lugar, atyaka si Zelly sa customer service. Medyo maliit lang naman 'yung lugar kaya hindi kailangan ng ganun karaming tao.
"Ano ulit pangalan mo? Carita?" Tanong ni Pilar habang ngumunguya ng gum. Naalala ko tuloy agad si Jules. Jusque hanggang dito ba naman may tatawag pa rin sa'king Carita?
"Carissa kasi. Bingi neto," pahayag ni Karl habang nagma-mop ng sahig.
"Hoy, lumipat ka naman ng nililinisan! Kanina ka pa dyan gusto mo lang makita itong si Ganda eh," banat naman ni Pilar sabay tingin sa'kin at ngiti. "Pagpasensyahan mo na 'yun at uhaw sa pagmamahal. Anyway, ano tignan-tignan mo lang 'yung mga customer. Minsan kasi binubuksan na 'yung libro tapos babasahin na lang sa sulok," bilin niya.
Tumango ako atyaka bumalik na sila sa mga trabaho nila pagkatapos akong i-orient. Kung ano 'yung sinabi sa'kin 'yun na lang ginawa ko. Nagaayos din ako ng mga librong ginulo-gulo at iniwan na lang na nakatiwangwang. Maraming customer na estudyante kaya hindi ko maiwasang mainggit. Gustong-gusto ko na rin ulit magaral.
Habang nagpapatrolya ako ako sa gitna ng aisle ng mga bookshelves nang may mapansin akong pasimpleng nagbabasa sa pinakadulong area sa pinakahuling aisle. Kunwari nakayuko-yuko lang tapos may ibang ginagawa pero tinatakpan ng jacket 'yung binabasang libro.
Bored na ako't lahat-lahat kaya sinugod ko kaagad 'yung tao. Naka-hoody siya kaya hindi ko ma-determine kung babae ba siya lalake o ano.
"Excuse me? Hindi ito charity. Kung gusto mong basahin 'yang libro magbayad ka," saad ko. Hindi ko naman gustong magtaray pero kasi mukha namang may kaya siya. Sa brand pa nga lang ng sapatos niya halata ng makwarta siya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin. Hindi ko alam kung dahan-dahan ba talaga o tunay ngang bumagal ang pag-ikot ng mundo hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Inalis niya 'yung hoody na nakatakip sa ulo niya dahilan upang masulyapan ko ng maigi ang buong mukha niya. Walang gaanong espesyal sa kanya. Para lang siyang isang tipikal na high schooler pero ang pogi niya. Akala ko doon na natatapos ang atraksyon ko sa kanya pero nung ngumiti siya... holy snowballs—
Syempre joke lang lahat ng iyon. Tumingin lang siya sa'kin saglit tapos bumalik dun sa libro. Hindi niya rin inalis 'yung hoody niya. Ipinagpatuloy niya lang 'yung ginagawa niya na parang wala siyang narinig. Ang natatanging katotohanan lang dun sa joke ko kanina eh 'yung pogi siya.
"Sungit mo naman dati naman wala ka rito ah," sabi niya habang nakasubsob pa rin sa binabasa niya.
"Malamang bago ako. Hala sige na pumila ka na sa cashier para hindi ka parang dagang nagtatago dyan."
"Wala akong pera eh."
"Eh 'di lumabas ka na."
Doon lang siya tuluyang napatingin sa'kin. Napansin kong El Filibusterismo ni Jose Rizal 'yung binabasa niyang libro.
"Miss naman, exams ko na bukas kailangang-kailangan ko lang magreview," pakiusap niya tapos 'yung tingin pa niya as in mukhang kawawa. Halata rin 'yung eyebags niya atyaka mukha talagang stressed na stressed na siya. Ayos naman si koya, stressed na nga pogi pa rin.
Gusto kong maawa pero ayoko namang sumablay sa unang araw ko rito sa trabaho ko. Itong paglilibot at paninita na nga lang gagawin ko tapos hindi ko pa magagawa ng maayos? Pero kasi... mukha talagang kawawang tupa si koya.
"Nako kuya hindi talaga pwede eh," wika ko. Kung kanina may konting force 'yung unang approach ko kanina, nagdahan-dahan naman ako ngayon.
"Sige na Miss, wala talaga akong pera ngayon eh. Kakabayad ko pa nga lang ng tuition ko," dagdag pa niya sabay pakita nung kanang bulsa niyang walang laman.
Dahil sa awa, pinabayaan ko na lang siya. Tumungo na lang ako sa ibang aisle. Wala naman na sigurong ibang makakakita sa kanya 'di ba? Si Pilar busy, si Karl sa labas naman naglilinis, si Sav nasa store room, samantalang may ina-assist naman si Zelly. Bumuntong hininga ako at nag-arrange na lang ng mga libro sa unang shelf.
Matapos ang halos dalawang oras na paglilibot at pagaayos, napadaan ko 'yung lalakeng naka-hoody kanina at tuluyan na nga siyang umalis ng bookstore. Sinundan ko siya ng tingin. Namangha ako sa kakapalan ng mukha niya nung makita kong sumakay siya sa isang mamahaling vintage car. Isang convertible. Holy snowballs.
Napansin ako ng security guard na si Mang Bert na nakatingin dun sa lalake habang pinapaandar niya ang kotse niya. Nilapitan ko si Mang Bert at nagtanong.
"Tunay po bang walang datung 'yung lalakeng 'yun?"
"Si Clyde? Kita mo ngang may kotse o. Mayaman 'yan," natatawa pang sagot niya sa'kin.
"Eh bakit two hundred pesos na libro lang ayaw pa niyang bilhin?"
"Nauubos kasi pera niyan kakapaayos nung sasakyan niya. Sali kasi ng sali sa mga drag racing kahit alam niyang pabulok na sasakyan niya," paliwanag ni Mang Bert atyaka na ulit tumayo run sa dati niyang posisyon.
May perang pampagawa ng convertible pero walang perang pambayad ng librong mas higit niyang kailangan para sa exams niya? Ang gago naman pala ni koya. Letche hindi ako makapaniwalang naawa ako sa mokong na 'yun. Walang kwenta.
Hanggang ten o'clock pala ng gabi bukas 'yung bookstore pero ipinaalam na pala ako ng tatay kong magtratrabaho lang hanggang alas singko. Hindi na ako sasalungat sa desisyon niya. Wala rin naman kasi akong magawa run. Pagkatapos ko nga minsan mag-ikot-ikot nagbabasa na lang din ako ng libro.
Napagdesisyonan kong maglakad na lang pauwi ng bahay. Ayoko ng hintayin si Daddy na sunduin ako. Ayokong i-baby niya ako. Sa Haegl nga kung ano-ano na lang ginagawa ko pero wala pa ring special treatment kaya dapat dito wala rin. Dito na nga lang ako as in completely na walang title at walang expectation sa'kin ang mga tao rito na balang araw pamumunuan ko sila kaya dapat lang na feel na feel kong commoner lang ako.
Minsan ng naikwento ni Daddy sa'kin kung bakit Ashwood ang pangalan ng lugar na ito. May history kasi sina Eistius (Ice God), Liarde (Fire Goddess), at Fellion (Earth God). Sabi nila na-in love si Eistius kay Liarde kahit alam niyang ikamamatay niya 'yung pagmamahal na 'yun kasi nga Fire Goddess si Liarde. Kaso kay Fellion naman na-in love si Liarde pero hindi interested si Fellion sa kahit anong relasyon. Mas gusto niyang mag-create ng kung ano-ano. Dahil sa galit ni Liarde sa pangi-snub sa kanya ng Earth God, pumunta siyang lupa atyaka sa isang forest niya ibinuhos ang galit niya. Natural magkakaroon ng wild fire. Pagkatapos nung insidenteng 'yun, naging abandonado 'yung forest hanggang sa may mga taong makahanap sa lugar at nag-decide na mag-settle dun. Pinangalanan nilang Ashwood ang lugar kasi nung dumating sila obvious na obvious pa rin 'yung pagkasunog nung forest kahit medyo may katagalan na mula nung mag-tantrum si Liarde.
Naalala ko lang 'yung history kasi kahit saan ako tumingin may mga nakikita pa rin akong sunog-sunog na puno. Medyo malapit kasi sa forest 'yung bahay ni Daddy. Gusto niya run kasi malapit daw sa dagat para raw makapangisda siya anytime he wants. Palusot pa siya eh alam ko namang hinihintay niya pa ring muli siyang bisitahin ng queen.
Habang naglalakad ako at nagtititingin sa mga puno, may napansin akong isang matangkad na lalakeng naka-white armor. 'Yung helmet niya nasa kaliwa niyang kamay habang nakasandal siya sa isang puno. Nakasabit naman mula sa tagiliran niya 'yung espada niya. Hindi ko malaman kung tina-try niya bang mag-camouflage pero angat na angat talaga 'yung suot niya eh.
May mga tao talagang akala mo hindi mo mamimiss tapos kapag nakita mo na lang tyaka mo mararamdamang masaya ka kasi nakita mo ulit sila.Isa sa mga taong 'yun ay si Ark. Akala ko talaga hindi ko mamimiss 'yung pagna-nag niya tapos 'yung palagi niyang pagsi-seryoso pero kita mo nga naman, mali pala ako.
Hindi ko na hinintay makalapit sa'kin si Ark, sinalubong ko na siya. Alam ko namang pipilitin lang niya akong umuwi.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Ikaw ang dapat magsabi sa'kin kung anong ginagawa mo rito," seryoso niyang sagot.
Oo, namimiss ko rin 'yung Ark dati na nakilala at nakasama ko sa academy pero may something attractive talaga sa pagiging trainee knight niya lalo na kapag ang seryoso ng mukha niya.
"Kumusta ang Ice Queen?"
"Galit. Disappointed. Pinapahanap ka."
Kahit naman may dinaramdaman ang reyna hindi niya pa rin ipapahalata sa mga taong nasasakupan niya. Chill chill pa rin kahit galit na siya o malungkot. Nakaka-amaze lang kasi kaya niyang itago 'yung tunay niyang nararamdaman. Bagay na bagay talaga siyang maging reyna. Kung ako 'yung nasa kalagayan niya tapos nalaman kong tumakas ang anak ko? Baka nakalbo na ako sa kakahanap sa kanya. Pero syempre, queen siya, may mga mas importante pa siyang kailangang gawin kesa sa paghahanap sa taong ayaw namang magpahanap kaya isang trainee knight na lang ang ipinadala niya. Smooth.
"Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Sumama ka na sa'kin," sabi ni Ark sabay higit sa kaliwa kong pulso.
"Hindi na ako babalik dun," sagot ko naman habang nagpupumiglas.
Nagpatuloy ang hilahan namin hanggang sa mas humigpit ang mga hawak niya to the point na napapangiwi na ako sa sakit.
"Cari please don't make me do this," pakiusap niya habang nakahawak na sa braso ko.
Hinihila ko pa rin ang sarili ko palayo sa kanya hanggang sa may marinig akong bumubusina. Sabay kami ni Ark na napatingin kung saan nanggagaling 'yung tunog. Nasa likuran na pala namin 'yung Clyde na nakasakay dun sa convertible niya. Pareho kaming hindi nakagalaw ni Ark dahil sa pagkabigla. Naramdaman ko na lang na itinulak niya ako palayo para siya lang ang mabundol nung sasakyan.
Na-realize ko lang na tinutulungan pala ako ni Clyde makatakas kay Ark nung sigawan niya ako.
"Miss, halika na!"
Hindi ako kaagad nakatakbo kasi hindi ko maiwan si Ark. Kahit naman may proper training na siya at 'di hamak na mas malakas na siya ngayon kumpara noon, nasasaktan din naman siya. Gusto ko sanang i-check kung okay lang siya pero alam kong kapag ginawa ko 'yun mapipilitan akong sumama sa kanya pabalik sa Haegl.
Papaalisin ko na sana si Clyde dahil nga gusto kong siguraduhing okay lang si Ark nung makita ko siyang patayo na. Na-confirm ko ng okay lang siya kaya kumaripas ako ng takbo pasakay sa kotse ni Clyde. Agad naman iyong pinaharurot ni Clyde habang nakatingin pa rin ako kay Ark hanggang sa makalayo na nga kami't hindi ko na siya maaninag.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" Saad ni Clyde.
"Bakit mo ba 'yun ginawa?! Paano kung hindi ako naitulak ni Ark?! Paano kung napatay mo kami?! Siya?!" Sigaw ko.
"Woah, chill ka lang. Gusto ko lang namang makatulong. Tatakutin ko lang sana siya. Hindi ko naman intensyong ituloy pero nagkaproblema sa brake eh. Atyaka bakit ka ba concern dun sa assaulter mo?"
"Assaulter? May assaulter bang itataya ang buhay niya para run sa taong inaagrabyado niya?" Sarcastic kong pagkakatanong.
"Tangina oo nga pala," sabi niya. Napa-cringe naman ako run sa pagmumura niya. "Eh sino ba 'yun? "
"He's a knight."
"Knight?" Natatawa niyang sabi.
Oo nga pala. Wala dapat alam ang mga mortal sa Haegl. Although marami ng rumors na naglilipana simula nung era na lumikas ang mga Haeglic dito, hindi pa rin dapat malaman ng mga mortals na may Haegl. Greedy ang mga tao. Hindi kami nakasisigurong hindi nila ii-exploit ang Haegl at ang mga natural resources nito. Sinira na nila ang mundong tinitirahan nila, hindi kami papayag na pati Haegl isunod nila.
"Mahabang kwento," wika ko.
"Okay, fine. Pero bakit ka niya hinihila ng ganun?"
"Mahabang kwento."
"Seriously?"
Nakatingin siya sa'kin imbes sa daan kaya ipinihit ko 'yung ulo niya para makita niya ang dinadaanan namin. Utang na loob, paano ba siya nakikipag-drag racing eh napaka-reckless niya. Talagang magkakasira-sira itong convertible niya kung hindi niya iingatan 'no.
"I'm Clyde, by the way. In case you're too shy to ask."
Napatingin ako sa kanya dahil sa inis. Nakita kong nakangiti siya sa'kin tapos as in mararamdaman mo talaga 'yung yabang sa aura niya? Ibang-iba run sa kuyang nasa bookstore, jusque.
"Hindi mo man lang ba sasabihin ang pangalan mo?"
"Cari."
"Ihahatid na lang kita since naaaliw ako sa mga facial expressions mo," sabi niya at bahagyang natawa.
Makukuntento na sana ako sa pangiirap sa kanya pero naalala ko 'yung kabalbalang ginawa niya sa'kin kanina sa bookstore.
"Bakit mo sinabing wala kang pera kanina sa bookstore samantalang may panggastos ka sa sasakyan mo?" Tanong ko.
"Let me guess. Mang Bert told you?" Hindi ko siya kinibo. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa sagutin niya ako. "Wala talaga akong pera kanina. Kakagaling ko lang sa mekaniko kahapon. Kailangan ko ulit bumalik dun ngayon kasi may karera sa Sunday," paliwanag niya.
"May panggastos ka sa ibang bagay pero sa pagaaral mo wala?"
"Hindi na kita tinanong tungkol dun sa knight mo, okay? Don't fuck with my business," naiirita niyang pagkakasabi.
Natahimik na lang ako tulad ng gusto niya. Nirespeto niya 'yung gusto ko kaya rerespetuhin ko rin ang gusto niya. Hindi naman ako mahirap kausap. Atyaka hindi rin naman ako ganun ka-interesado sa buhay niya.
Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto. Siya nagdra-drive ako iniisip kung ano ng nangyari kay Ark.
"I'm sorry. That was rude and I shouldn't have said that," biglang pahayag ng katabi ko. "Saan ka ba umuuwi?"
Actually kanina ko pa hinihintay na magtanong siya kung saan ako nakatira. Sabi niya kasi ihahatid niya ako eh paano niya ako maihahatid kung hindi niya alam ang daan? So ayun, itinuro ko sa kanya 'yung daan. May mga konting side comments kami tungkol sa isa't isa pero hindi naman na kami nagtalo or nanahimik nung tulad kanina.
Nung makarating kami sa tapat ng bahay nakita ko si Daddy na nagaabang na run. Bumeso ako sa kanya. Magpapasalamat na sana ako kay Clyde pero inunahan niya ako ng malutong na mura.
"Holy shit, he's your dad?" Tuwang-tuwang sabi ni Clyde.
"Clyde," pag-acknowledge ni Daddy sa kanya atyaka niya iyon tinanguan.
"Crap, yeah. May utang pa pala ako sa inyo."
So 'yung mekanikong sinasabi ni Clyde ay si Daddy? Ang liit lang talaga ng Ashwood.
"Six thousand four hundred," sabi ni Daddy.
"I promise I will pay you. Kailangang-kailangan ko lang talagang maipaayos 'yung brake. Kahit tanungin niyo pa anak niyo," pahayag ni Clyde.
Tinignan ako ni Daddy at hinintay magsalita. "Muntik niya na kasi akong mabundol kanina kaya nag-offer siyang ihatid ako bilang compensation."
"See? Magbabayad naman po talaga ako. Talagang nakaltasan na naman allowance ko. Kung gusto niyo para makabawas ako paunti-unti sa utang ko ihahatid-sundo ko ang anak niyo sa trabaho niya. O kahit saan siya pumunta tawagan or i-text niya lang ako and I'll drive her. Just please, sir," desperadong pakiusap niya kay Daddy.
Hindi ko alam na ganun ka-importante sa kanya 'yung sasakyan niya para magpakaalila siya sa iba maayos lang 'yun. Tinignan ko si Daddy at mukhang pinagiisipan niya ang suggestion ni Clyde. Sa bagay, magagamit ko rin 'yung offer niya. Hindi na mahihirapan si Daddy na maghatid-sundo sa'kin. Atyaka may makakasama na akong maglibot sa buong Ashwood.
"Sige. Basta ayusin mo pagpapatakbo kapag kasama mo anak ko," wika ni Daddy.
"Yes I promise I'll threat her like a queen."
Awkward? Kasi queen daw eh 'yun nga 'yung ayaw kong maging. Hindi ko tuloy napigilang matawa. Pareho silang napatingin sa'kin pero umiling ako para sabihing wala lang.
Nauna ng pumasok si Daddy sa bahay nung nagpaalam na sa kanya si Clyde. Susunod na rin sana ako pero nagsalita pa si koya kaya napalingon ako.
"Magkakaroon na tayo ng time para run sa 'mahabang kwento' mo," saad niya sabay kindat pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro