twenty-one - queen's job
Humahangos akong dumating sa Watch Tower para kausapin si Sir Audun, ang Knight Commander ng Haegl. Nasa likuran ko si Ark na kanina pa ako pinipigilan sa gagawin ko. Alam kong istriktong order 'yun sa kanila na huwag sabihin sa'kin kung anong nangyayari at nilabag 'yun ni Ark pero ano ba? Hindi rin naman siya magiging full-pledged knight kaya hindi na niya kailangang alagaan 'yung record niya.
Nadatnan ko siyang nakatingin din sa mga warships na mabagal na umuusad papunta sa lugar namin. Nilapitan ko siya pero hindi ko pa rin naialis ang atensyon ng Knight Commander sa mga barko. Kalmado ang ekspresyon ng mukha niya pero napansin ko ang higpit ng hawak niya sa espada niya.
"Anong ibig sabihin ng mga warships na 'yun?" Tanong ko.
"Not something you have to worry about," sagot niya habang nakatingin pa rin sa malawak na karagatan.
Nakaramdam ako ng matinding inis sa sinabi at naging pagtrato sa'kin ni Sir Audun. Hindi lang 'yun nakasakit sa'kin bilang susunod na reyna ng Haegl kundi bilang isang babae.
Noon pa lang alam ko ng may male superiority complex si Sir Audun. Alam naming pareho ni Queen Genima na ayaw niyang nakikinig o tumatanggap ng utos mula sa isang babae. Labag sa loob niya kapag sinusunod niya ang mga utos at bilin ng nanay ko noon. Kitang-kita 'yun sa bawat pagkuyom ng mga kamao niya at sa mga tingin niya sa reyna noon. Pilit niya mang itagong naiinis siya sa sarili niya dahil nasadlak siya sa pakikinig na lamang ng utos mula sa isang babae, alam naming hindi siya masaya sa trabaho niya.
Bakit pa namin siya hinahayaang maging Knight Commander? Simple lang. Magaling siyang tagapamahala ng hukbo. Alam niya kung ano 'yung ginagawa niya. Alam niya kung ano 'yung gusto niyang mangyari at maayos din siyang magplano. Higit sa lahat, mahal niya ang Haegl. Handa niyang itaya ang buhay niya para lang ma-protektahan 'yun. Para sa nanay ko 'yun na 'yung pinakamahalagang katangian para manatili si Sir Audun sa pwesto niya hanggang ngayon. Hindi na baleng hindi siya igalang, 'yung buong Haegl na lang.
"Sir Audun, ako ang susunod na reyna ng Haegl—"
"That's the point isn't it? You're not yet the queen. So go back to your training and let me handle this."
"Pero—"
"Girl, your only job is to sit and look pretty for people," pahayag niya habang nakatingin sa'kin.
Na-recognize ko 'yung tingin na 'yun kasi ganun din siya noon tumingin sa nanay ko kapag nag-uusap sila. Parang naiinis, parang nandidiri. Hindi naman sa'kin ang pagiging babae ah? Hindi ba niya ako pwedeng tignan at irespeto bilang tao o half-Haeglic man lang?
Inayos ko ang tayo ko at itinaas ang noo ko. Tinignan ko siya ng buong tapang at nagsalita.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung anong nangyayari. I am going to be your queen. Hindi mo man ako sundin ngayon sinisigurado ko sa'yong luluhod ka kapag nakaupo na ako sa trono."
Nakakuyom ang kaliwang kamay niya habang nanatili naman ang higpit ng pagkakahawak niya sa espada niya. Nung una akala ko huhugutin niya na 'yun para patayin ako dahil sa sobrang inis niya. Hindi na niya kinayang itago ang nararamdaman niyang galit pagkatapos kong magsalita. Halos mag-apoy ang mga mata niya sa kabila ng nagyeyelong lugar na kinatatayuan namin. Hindi ako natakot sa kanya. Ni isang kaba wala ako. Pagkatapos ng Haegl, ako ang pangalawang priority niya. Galit man siya sa'kin, wala siyang magagawa kundi protektahan ako.
Patuloy kaming nagsukatan ng tingin. Pati ang mga knights at trainee knights na kasama namin sa Watch Tower ay hindi rin makakurap habang inaabangan ang mga susunod na galaw namin. Kung may naging sumbatan man sina Queen Genima at Sir Audun noon, hindi ko maalala. Pero buo ang loob kong ngayon lang may isang babaeng nangahas kumausap ng ganito sa Knight Commander.
Forty-six years old na si Sir Audun at going eighteen pa lang ako pero alam kong hindi nasusukat sa taon ang respeto. Kailangan niyang matutunang isantabi ang superiority complex niya at tanggaping babae ang mamumuno sa Haegl. Kailangan niyang tanggapin na hindi palaging nasa itaas ang mga lalaking katulad niya. Kailangan niyang maintindihan na hindi 'yun ang palaging dapat mangyari.
"I can't tell you what I don't know," saad niya sabay agad na bumalik sa pagtanaw sa mga barko na para bang nahihiyang ibinuka niya ang bibig niya at nakipagusap sa'kin.
"Hindi mo alam? Ibig mong sabihin ngayon niyo lang nakita ang mga 'yan?"
"Nagpadala na ako ng mga messenger para alamin ang pakay nila. Don't worry, my queen," nagngingitngit niyang sagot. Ibinato niya 'yung 'my queen' na para bang lason 'yun para sa kanya.
"Nagpadala ka? Ilan? Paano kapag dahas pala ang pakay ng mga 'yun dito? Paano kapag hindi na sila bumalik? You sent them on a suicide mission!" Nanggagalaiti kong pahayag.
"They are knights! They will die for Haegl and they will die for you. Alam na nila 'yun bago pa sila pumasok dito. Kaya umalis ka na at tigilan mo na ang pagsasalita sa'kin na parang hindi ko alam ang ginagawa ko. You're just going to be the queen. You're not going to be in front of the battle lines," galit na galit niyang pagkakasabi.
Nilagpasan na ako ni Sir Audun para bumaba ng Watch Tower pero sandali siyang huminto sa tapat ni Ark at pinuna ang pagkakamali nito.
"You're under probation. Make another mess again and I'm kicking you out of the base," atyaka na nagtuloy-tuloy na lumisan ang Knight Commander. Wala namang angal na tinanggap ni Ark ang kaparusahan ng pagsuway niya sa utos sa kanya.
Nagsialisan na rin ang mga kasama nitong mga knight and trainee knight. Naiwan kasama namin ni Ark ang ilang orihinal na nagbabantay sa Watch Tower.
Pagkauwi ko ng Arctic Castle, agad kong pinatawag 'yung nagaayos ng schedule ko at ipinalipat lahat ng trainings ko para mabigyan ng mas mahabang oras 'yung sa Defense. Imbes na isang klase lang sa isang araw ang tini-take ko, ginawa ko ng dalawa. May pito akong dinadaluhan kasama na 'yung Council Meeting na sinamahan ko na ng Poise sa umaga para hindi sayang ang oras. Kaya tatlong araw akong may tig-dalawang klase tapos 'yung apat na araw na natitira sa'kin ibinigay ko na sa training ko sa Defense.
Namili na rin ako ng ipapalit ko kay Sir Troy para magturo sa'kin. Pinili ko 'yung kasalukuyang nagsasanay sa mga baguhan pa lang ng trainee knight. Kung kinakailangan kong maki-klase sa kanila gagawin ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.
Hindi ko alam kung ginagawa ko ang lahat ng ito dahil sa nainsulto ako sa mga binitawang salita ni Sir Audun kanina o kung natatakot lang talaga ako sa mga mangyayari sa hinaharap. Hindi ko kasi maiwasang pagkone-konektahin ang mga bagay. 'Yung panaginip ko, 'yung inaasal ni Daddy these past few days, atyaka 'yung mga warships. Alam kong kayang mamatay ng kahit sino para sa susunod ng reyna ng Haegl pero hindi talaga maalis sa utak ko 'yung sinabi ni Queen Genima na kailangan kaya ko ring protektahan ang sarili ko. Hindi ko lang 'yun gagawin para sa'kin kundi para na rin sa Haegl at sa mga Haeglics na umaasa sa'kin. Kung ano man ang mangyari, kung ano man ang dumating, gusto ko handa ako.
Pagkatapos ng naging paguusap namin nung gumagawa ng schedule ko eh tumungo ako sa veranda sa kwarto ni Daddy. Nakita ko siyang humihigop ng tyaa habang nakatingin sa kawalan. Sandali ko siyang pinagmasdan bago tuluyang umupo sa tabi niya.
"Iniisip mo pa ring bumalik ng Ashwood?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ako aalis ng wala ka. Alam mo 'yan."
Naamoy ko ang bakas ng alak noong magsalita siya. Doon ko napansing hindi pala tyaa ang kanina pa iniinom ng tatay ko kundi matapang na wine. Hindi mahilig uminom si Daddy. Buong buhay ko hindi ko pa siya nakitang tumikim ng kahit anong alak. Ngayon lang. Kaya nakakasiguro akong kung ano man 'yung iniisip niya, ganun 'yun katindi para mapainom siya ng alak ng wala sa oras.
"Daddy, kung sasabihin mo lang kung ano 'yung gumugulo sa'yo baka matulungan pa kita. Hindi ako sanay na nagkakaganyan ka. Tayo na lang ang natitira rito. Wala na tayong ibang higit na maaasahan kundi ang isa't isa," wika ko habang nakatingin sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa tasa. Nanatili ang atensyon niya sa kamay ko at hindi pa rin nagsalita. Ilang sandali pa ay kumalas siya sa hawak ko at muli ay lumagok ng alak.
"Dahil ba 'to kay Tita Elvir? May dapat ba akong malaman tungkol sa inyong dalawa?"
Hindi na ako nakapagtimpi. Hindi ko na kayang tiising nakikita ang Daddy kong nahihirapan. Gusto kong malaman niya na kung ano man 'yung pino-problema niya, pwede niyang sabihin sa'kin. Kasi ano ba namang klaseng anak ako kung hindi ko siya kayang intindihin 'di ba?
Inilapag ni Daddy ang tasa niya sa mesa at humarap sa'kin. Nakita ko ang kalmado niyang mukha na hindi kapani-paniwalang nagpakalma na rin sa'kin.
"Okay lang ako. Namimiss ko lang talaga ang Ashwood. Atyaka hindi ako umiinom dahil sa may problema ako, maniwala ka. May nakapagsabi lang sa'king mas makakatulong ang alak para malabanan ang malamig na klima ng Haegl," sabi niya sabay ngiti sa'kin. Atyaka na siya tumayo tangan-tangan ang tasa niya at lumabas ng kwarto.
Naiwan akong nakaupo sa veranda habang pinapanood ang dahan-dahang paglubog ng araw. Nag-iisip kung paano ko ba matutulungan ang isang taong ayaw namang magpatulong sa'kin. Wala naman akong magagawa eh. Ayaw sabihin sa'kin ni Daddy ang gumugulo sa kanya. Mas mainam na lang sigurong isipin na may mga kanya-kanya tayong problema na tayo lang talaga ang makakaayos. Ayaw ko mang pabayaan si Daddy, hindi ko naman siya mapipilit sabihin sa'kin ang problema niya. Atyaka may mga sarili rin naman akong iniisip na hindi ko masasabi sa kanya. Siguro katulad ko, ayaw niya lang ding mag-alala ako ng sobra para sa kanya kaya pinili niya lang ilihim 'yun sa'kin. 'Yung mga 'yun na lang ang iisipin ko.
Sumapit ang hatinggabi pero hindi pa rin ako natutulog. Usapan kasi naming dalawa ni Ark na magkikita palagi sa kwarto kada-alas dose ng hatinggabi. Pati mga knightguards sa labas ng kwarto ko kinasabwat na rin namin para lang magkasama kami palagi.
Lagpas na ng trenta minuto sa orasan pero wala pa rin si Ark kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng konting kaba. Paano kapag siya ang pinaginitan ni Sir Audun sa base at pinahirapan siya run? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama nang dahil lang sa'kin. Kung may isa mang knight na hinding-hindi ko papayagang mag-alay ng buhay para sa'kin, si Ark 'yun. Una dahil hindi naman talaga niya gustong maging knight, pangalawa kasi gusto kong hayaan niya akong sumalo lahat ng paghihirap na deserve ko.
Maga-ala una na nang marinig ko ang dalawang mahihinang katok sa pinto ko. Napagusapan namin ni Ark na 'yun 'yung magiging sign na siya na 'yung nasa pinto. Dali-dali akong bumangon at pinagbuksan siya. Sumalubong sa'kin ang naka-itim na shirt at itim na jeans na si Ark. Nakaka-relax talagang tignan kapag hindi niya suot 'yung armor niya. Pakiramdam ko normal na Haeglic lang din siya. Pakiramdam ko pwedeng-pwede talaga kami.
"Bakit ngayon ka lang? May nangyari ba?" Agad kong tanong sa kanya.
"I'm under probation, remember?" Natatawa niyang sagot sabay hila sa'kin palapit sa kanya at halik sa pisngi ko bilang pagbati.
Wala naman kaming masyadong ginagawa ni Ark. We just talk about the most random things and sleep. Hindi 'yung sleep na uhmmm... you know, not in a sexual way. We just sleep. Actual sleep. Kasi mas komportable nga namang matulog kapag katabi mo 'yung taong mahal na mahal mo. 'Yung mga hindi naming nasabi sa isa't isa nung madalas pa kaming mag-away noon napaguusapan din namin. So parang kinikilala rin namin ulit ang isa't isa.
Kapag kasama ko rin si Ark saglit kong nakakalimutan 'yung mga gumugulo sa'kin. Para bang nagbabakasyon ako kapag nandyan siya. Nandun lang kami sa ulap, palutang-lutang. Hindi iniitindi kung ano mang mga bullshits 'yung naiwan namin sa ibaba.
"Dumaan ako sa mga Noe kanina," biglang sabi ni Ark nung iniwan ko siya sa upuan para kumuha ng maiinom.
"Pumunta ka kina Clyde?" Hindi ko makapaniwalang tanong nung bumalik ako at iabot sa kanya ang isang tasa ng kape.
Tumango si Ark matapos humigop ng kape at tumingin sa'kin.
"Nakausap ko si Mrs. Noe. May sakit lang daw si Clyde. Hindi niya sinabi kung ano pero nagpapahinga na raw siya ngayon at hindi muna tumatanggap ng bisita."
So 'yun ang explanation kung bakit ganon ang itsura ni Clyde nung nakita ko siya. Siguro na-depressed din siya dahil ayaw siyang paalisin ng mga magulang niya. Kung pwede lang siyang bisitahin.
Nabunutan ako ng konting tinik sa dibdib nung malaman ko kung ano ang nangyari kay Clyde. Agad kong ipinagdasal sa isipan ko ang agarang pagbuti ng pakiramdam niya para makapagusap na rin kami. Hindi naging maayos 'yung naging paguusap namin noong inakala niyang ako ang nagsumbong sa mga magulang niya tungkol sa tangka niyang pagtakas kaya gusto kong maayos kung ano man 'yung natitirang gusot sa pagitan namin.
Napatingin ako kay Ark. Noon pa lang very vocal na siya sa nararamdaman niyang selos kay Clyde. Kaya nung sinabi niyang pumunta siya sa mga Noe para alamin kung anong nangyayari kay Clyde natuwa talaga ako. Kasi pakiramdam ko nagiging secured na siyang siya lang talaga 'yung mahal ko. Siguro kapag gumaling na si Clyde pwede na silang maging magkaibigan.
"Bakit mo ginawa 'yun?" Tanong ko.
"Ang alin?" Tanong niya rin sabay lapag ng tasa sa mesa.
"Bakit ka pumunta sa mga Noe at nagtanong ng tungkol kay Clyde?"
"Kaibigan mo siya. Ayokong magalala ka kaya ako na mismo ang nagtanong."
Napangiti na lamang ako sa isinagot niya. Pinanood ko siyang kumain. Pinipilit niya akong sumalo sa kanya pero mas nabubusog ata ako sa kakatitig sa kanya kaya tinanggihan ko na lang 'yung alok.
Gaya ng dati nagusap ulit kami tungkol sa kung ano-anong mga bagay na nasa utak namin. Ikwinento kong maglalaan ako ng mas maraming oras sa Defense. Sabi niya gusto niya sanang siya ang magturo sa'kin pero hindi pa siya ganon ka-confident para magturo ng reyna.
Halos isang oras lang kaming nagkasama. Nagpaalam na kasi siyang bumalik sa base dahil nga under probation siya. Sabi ko sa kanya huwag na niyang intindihin kasi hindi naman na siya magiging full-pledged knight pero ang sabi niya ayaw niyang mapaalis sa base at tumira kasama ng mga magulang niyang ituturing lang siyang isang malaking disappointment kaya ayun, hinayaan ko na lang din siya.
Nung nakaalis na siya talagang na-predict ko na na hindi na ako makakatulog. Hindi na ata ako sanay matulog ng wala si Ark kaya ganon. O baka hindi lang talaga maalis sa isip ko 'yung mga problema ko. Kaya nagbasa na lang ako ng libro hanggang sa sumikat na 'yung araw.
Sa almusal, nakatanggap ako ng letter mula sa teacher ko sa Econ na nakalimutan kong hindi ko pala napasukan kahapon. Humihingi siya ng dagdag bayad para sa 'nasayang'niya raw na oras. Isinantabi ko muna 'yung letter at hindi muna inisip. May mas malalaki pang bagay akong pino-problema kesa sa isang Econ teacher na mahilig sa pera.
Nakakapagtakang hindi lang 'yun ang nagiisang liham na natanggap ko ngayong araw. Nakatanggap din ako ng maikling liham galing kay Sir Audun. Kung tutuusin note nga lang 'yun at hindi sulat. Ang sabi ay bisitahin ko siya bago ako dumiretso sa training ko ngayong araw. Sumagi sa isip ko na baka hihingi siya ng tawad pero agad din 'yung nawala dahil alam kong nandun pa rin 'yung nakakainis niyang male superiority complex.
Kaya labag man sa kalooban ko, 'yun nga ang ginawa ko pagkatapos kong mag-almusal at mag-ready para sa magiging araw ko. Dumiretso ako sa opisina niya sa base at nakita siyang nakaupo habang may binabasang kung ano sa mesa niya.
Ilang minuto rin akong naghintay sa sulok para lang matapos niya 'yung binabasa niya at mag-offer siya ng upuan sa'kin. Sa wakas naman ay isinantabi niya na rin 'yung pinagkakaabalahan niya at pinaupo ako sa harapan ng mesa niya.
Iniusog ni Sir Audun 'yung papel na kanina niya pa tinitignan simula nung pumasok ako sa opisina niya sa tapat ko. Automatic akong napasulyap doon at naramdaman ang sarili kong unti-unting nangilabot sa bawat letrang nakasulat sa maliit na papel na 'yun.
HAEGL IS OURS
Lahat ng letra isinulat gamit ang dugo. Muling nanumbalik sa mga alaala ko 'yung lalaking nagtangka sa buhay ko sa Ashwood. 'Yung lalakeng imbes na ako ang mapana eh si Clyde ang pinuruhan. Naalala ko 'yung sinabi niyang kanila ang Haegl at babawiin nila 'yun sa'min. 'Yung nanlilisik niyang mga mata habang nakatingin sa'kin. 'Yung halos magdugo niyang mga kamay dahil sa tindi ng pagkakakuyom ng mga kamao niya.
Natatakot ako. Hindi ko 'yun ikakahiyang aminin pero naalala kong nasa harapan pa ako ng Knight Commander kaya inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at inayos ang sarili ko. Hindi ko hahayaang maliitin niya na naman ako dahil sa kasarian ko kapag napansin niyang natatakot ako. Ako ang susunod na reyna ng Haegl. Ang sabi ni Tita Elvir, gusto akong koronahan ng lahat dahil sa weak ako at madaling i-manipulate. Ipapakita ko sa kanilang lahat na mali ang inaakala nila.
"Sino ba sila?" Tanong ko habang nakatitig pa rin sa duguang sulat.
"Hindi ko alam. Pero sigurado akong mauuwi ito sa gyera. Hindi ang mga warships ang dapat nating intindihin. Nasisigurado kong warning lamang ang mga iyon. Kailangan nating maging handa dahil sigurado akong hindi manggagaling sa mga warships na 'yun ang sasagupain natin," buong kumpyansang pahayag ni Sir Audun.
Para niyang saglit nakalimutan kung sino ang kausap niya. Absorbed na absorbed siya sa pagpapaliwanag sa'kin. Alam kong kapag nabalik siya sa senses niya maiinis ulit siya sarili niya at sasabihing wala akong alam sa gyera. I'm just a little girl. I have no knowledge of the words of swords. Pero mali siya. Ipapabatid kong mali siya.
"Siguro nga distraction lang 'yung mga warships pero pwede ring back up sila kapag pumalya 'yung magiging pag-atake sa Haegl," komento ko.
Sinukat ako ng tingin ni Sir Audun na parang isang gurong nagaalangan kung bakit tama ang mga sagot ko sa lahat ng tanong sa exam samantalang ang alam niya ay ako palagi ang nahuhuli sa klase. Gusto kong ngumisi at magyabang sa kanya pero hindi ito ang tamang panahon para run.
"Pag-atake?" Tanong niya.
"Alam kong alam mong 'yun ang gagawin nila. Napaka-obvious pero ang hindi natin mahuhulaan ay kung kailan. Pwedeng mamaya. Pwedeng ngayon na."
Wala masyadong paga-aklas o gyerang naganap sa buong kasaysayan ng Haegl pero sa tuwing pinapapunta ako sa library ng mga teachers ko kapag may assignments ako, hindi ko maiwasang ma-distract sa mga librong tungkol sa mga gyera o ang mga tactics para run. Alam kong para lang 'yun sa mga magiging knight pero hindi pa rin ako natinag sa pagbabasa 'nun. Parang hinihila ako ng mga 'yun papunta sa kanila. Tinatawag ako na parang kabahagi ko na sila noon pa. Habang binabasa ko rin ang mga 'yun hindi ko maiwasang ma-excite. Automatic na lang na nagwo-work 'yung utak ko kapag nagbabasa na ako.
"Kaya kita pinatawag dito. Kailangan namin ng mga bagong armas," wika ng Knight Commander.
"Bakit niyo pa ako kailangan? Pwede niyo namang idiretso kaagad sa mga blacksmiths," natatawa kong sagot.
"You see, that's the problem, my queen. They don't want your frozen roses anymore. They need gold and silver."
"Pwede naman kayong humiram sa bangko. Gagawa ako ng sulat—"
"Alam mong transparent sa mga Haeglics ang mga pera at lahat ng nangyayari sa loob ng bangko ng pamumunuan mo. Lahat ng ibinibigay sa mga establishment ipinapaalam sa lahat para maiwasan ang pagdududa at pamimintang ng korapsiyon. Kapag nalaman nilang nagpakawala ka ng malaking halaga para sa mga bagong armas magtatanong sila kung bakit. Hindi mo pwedeng sabihin sa kanilang magkakaroon ng gyera. Hindi pa natin kilala kung sinong mga kalaban natin. Wala kang maibibigay na impormasyon sa kanila. Dalawa lang ang pwedeng maging reaksyon nila. Sasabihin nilang nagsisinungaling ka at balak mong pagnakawan ang Haegl o matatakot at magpapanic silang lahat."
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Gallion Gale Noe is willing to help. He said you just have to ask," sagot niya.
Hindi pwede. Hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa kanya. Sigurado akong pipilitin na naman niya akong magpakasal kay Clyde. Sigurado akong 'yun ang hihingin niyang kapalit ng pagtulong niya. Sinadya niya 'to. Sigurado akong may kinalaman din siya kung bakit ayaw ng tumanggap ng frozen roses ng mga blacksmiths bilang kapalit ng serbisyo nila. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Tauhan ka rin ba niya? Inutusan ka ba niyang gawin 'to?" Galit kong pahayag.
"Wala akong alam sa mga ibinibintang mo. Kung ano mang hindi pagkakaunawaan ang meron kayo ng Gallion Gale na 'yun wala akong pakialam dun. I want to save Haegl and as much as I don't want to admit I can't save it without you. So you better prove me you're the queen this kingdom needs."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro