twenty - inverted crown
Simula nung bumalik si Tita Elvir sa Arctic Castle, hindi ko maiwasang mag-alala sa biglaang pagbabago ni Daddy. Para siyang palaging aligaga at kinakabahan. Nung una nga niyang nalaman na inalis ko 'yung banishment ni Tita Elvir pinagalitan niya kaagad ako. Kesyo nilagay ng dating reyna run ang kapatid niya dahil alam niyang makakasira lang siya rito sa palasyo at sa buong Haegl. Palagi rin siyang nasa Eistius Shrine. Nung tinanong ko kung anong problema niya sabi niya namimiss niya lang ang Queen Genima, at pabayaan ko na lang daw muna siya at mag-concentrate sa training ko. Lahat ng iyon pwede kong palagpasin pero hindi itong kaisa-isang bagay. Sa tuwing magkikita kami, kunwari sa hapagkainan, palagi niyang binabanggit na umalis na lang kami ng Haegl. Bumalik na lang daw kami sa Ashwood. Tuloy-tuloy rin ang pagtatanong niya kung gusto ko pa ring maging queen. Pwede raw akong mag-quit at tutulungan niya akong tumakas.
Palagi ko siyang tinatanong kung anong problema pero ayaw niyang sabihin sa'kin. Lahat ng ito nagsimula nung bumalik si Tita Elvir mula sa banishment niya. Ayokong ipagdugtong 'yung dalawang bagay na 'yun kasi wala namang sense, like bakit maaapektuhan si Daddy sa pagbabalik ng kapatid ng dati niyang asawa? 'Di ba?
Ito pa, kahapon ng isa nadatnan ko silang parang nagtatalo sa may veranda na malapit sa kwarto ni Daddy. Doon kami nagbi-breakfast kaya natural na dumayo ako run tapos 'yun. Nakita ko silang parang nagkakainitan. Actually, si Daddy lang 'yung mukhang inis. Si Tita Elvir ganon pa rin, mukhang chill na chill.
Ayokong isiping may past sila, okay? Sobrang cliché 'nun. Atyaka hindi naman makahulugan makatingin si Tita Elvir kay Daddy o si Daddy sa kanya. Parang wala lang. Normal na inis sila sa isa't isa. Si Tita Elvir kasi hindi pa rin niya tanggap na nag-asawa si Queen Genima ng mortal. Kaya sobrang labong maging ex-lovers sila o kung ano man. Kaso kung iru-rule out ko 'yung possibility na 'yun, wala na talaga akong ibang maiisip na dahilan kung bakit nagkakaganun si Daddy. Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko.
Saglit ko munang isinantabi ang pag-iisip ko tungkol kina Daddy at Tita Elvir para ngumiti at bumati ng magandang umaga kay Mr. Gallion Gale Noe. Papalapit siya sa'kin at mukhang ang ganda-ganda ng gising niya dahil sa mala-model niyang ngiti. Doon ko lang napansin 'yung similarities nila ni Clyde. Mas kamukha nga niya 'yung Daddy niya kesa sa Mommy niya. 'Yung bruhildang si Laurice kasi nagmana sa ina eh.
"Good morning, my queen," bati sa'kin ng Daddy ni Clyde.
"Good morning po."
Wow. Dati naiinis ako kapag tinatawag akong queen or whatever pero ngayon parang wala na lang sa'kin. Parang sige, okay na, pwede na. Siguro nga kailangan ko na ring sanayin ang sarili kong matawag na queen. Kasi 'yun naman talaga ang mangyayari pagkatapos ng apat na buwan.
"Gusto ko lang sanang ipaalala sa'yo 'yung proposal?" Nangingiting tanong niya sa'kin.
"Proposal?"
"Nakalimutan mo na ba 'yung sinabi sa'yo ni Laurice?"
Well, nice. Walang kumusta-kumusta. Straight to the point. Walang sinasayang na oras. Ganon ba talaga kapag successful businessman? Walang panahong magpaligoy-ligoy at mag-act nice? Kung ano 'yung pakay niya ipapaalam agad sa'yo? Okay, hindi nakakainis. Nakakabigla lang.
Muli kong naalala 'yung sinabi ni Laurice dati. 'Yung kailangan ko raw pakasalan si Clyde para hindi na siya umalis ng Haegl. Well, mukha namang na-solve na nila 'yung problema na 'yun sa pamamagitan ng pagbibigay ng maximum security kay Clyde gaya ng isang bilanggo. Ni hindi ko na nga masyadong nakikita si Clyde eh. Baka kinulong na talaga siya sa bahay nila.
"Hindi ko po talaga magagawa 'yung gusto niyong mangyari. Kung magpapakasal man po ako, gagawin ko 'yun kasi mahal ko 'yung papakasalan ko. Hindi dahil naaawa ako sa kanya o sa pamilya niya. Magandang umaga po ulit. Ikamusta niyo na lang po ako sa asawa't dalawa niyong anak," magalang at nakangiti kong pahayag. Atyaka na ako nagpatuloy sa paglalakad ko papuntang Academy para sa Economics class ko.
Habang naglalakad ako bigla na lang sumulpot sa likuran ko si Ark. Simula nung gumaling siya mula run sa mga injuries niya, nagpalipat kaagad siya ng schedule. Iniwanan na niya 'yung Watch Tower at bumalik na sa pagiging trainee knightguard ko. Trainee knightguard slash boyfriend. Hindi ko nga ramdam na knightguard ko siya. Kasi kung magbantay siya at mag-alaga sa'kin sobra-sobra pa. Kulang na lang buhatin niya 'ko papunta sa pupuntahan ko para hindi na ako mapagod.
"My queen," tawag niya sa'kin. Lumingon ako sa kanya at nakita siyang may dala-dalang isang bulaklak ng daisy. Ngumiti siya atyaka kinuha 'yung kanang kamay ko at hinalikan 'yun. Iniabot niya sa'kin 'yung bulaklak atyaka ipinakita 'yung ngiti niyang kinababaliwan ko.
"Ano 'to? Hindi mo naman ako kailangang bigyan ng bulaklak araw-araw," natatawa kong tanong.
"Gusto lang kitang mapangiti."
"Ano ka ba, kahit wala 'to mapapangiti mo pa rin naman ako."
"Well, I like to see you smile wider," sagot niya sabay ngisi.
Nagkatinginan kami habang papalapit siya para humalik sa'kin. Buti na lang nakita ko kaagad 'yung kumpol ng mga knight na padaan na sa tapat namin kaya naitulak ko siya kaagad palayo. Napatingin din siya run sa mga nagdaan at tumingin sa'kin na para bang naiinis. Tinawanan ko na lang 'yung itsura niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kapag minsan nakakalimutan niyang duty niya at kailangang nasa likod ko lang siya. Napupunta kasi siya sa gilid ko eh. Pati mga kamay niya ang likot. Kung hindi hahawakan 'yung kamay ko, aakbayan ako. Natatawa na lang akong kinikilig eh. Kapag pa-obvious na siya sinisiko ko na lang para matauhan.
"Bakit pala mukhang nagalit sa'yo si Mr. Noe kanina?" Tanong niya.
"Wala 'yun. Masama lang gising tapos hindi ko nabati kaagad," sagot ko.
Hindi ko sasabihin sa boyfriend kong gusto akong ipakasal ng mga Noe kay Clyde 'no. Baka ano pang gawin nito. Alam ko namang hindi pa rin siya comfortable kay Clyde. Baka maghigpit na naman siya't lahat-lahat. I mean, mahal ko si Ark, pero nagsisimula pa lang kaming ayusin 'yung pagiging overprotective niya. Atyaka tinanggihan ko rin naman na 'yung proposal na 'yun kaya wala na ring dahilan para banggitin pa sa kanya.
Tumango na lang si Ark atyaka naglakad na lang ulit kami. Pareho nga ata naming sinasadyang bagalan ang paglalakad para hindi pa kami maghiwalay ng landas eh. Kung pwede lang sanang huwag na lang mag-attend nung Economics at makipagharutan na lang kay Ark eh.
Hindi na talaga ako makapaghintay maging reyna. Ang selfish pero hindi ako nai-excite para makapag-rule na o ano man. Nai-excite ako kasi mababago ko na 'yung rule kung saan bawal kami ni Ark. Pagkatapos siguro 'nun, bahala na. Gagalingan ko na lang siguro? Hah, ewan. Basta ang alam ko mas mapapanatag ako kapag nasa tabi ko siya.
Papalapit na kami sa academy nang biglang may sumulpot mula sa Eistius Shrine at sinalubong kaming dalawa ni Ark. Nung una hindi ko siya nakilala dahil sa itim na hood na nakatalukbong sa kanya. Nung in-adjust niya 'yun at tumingin sa'kin, doon ko lang unti-unting napansing kilala ko pala siya.
Halatang pumayat ang buong pangangatawan niya. Kapansin-pansin din ang mga pasa sa mukha niya. Mukha rin siyang nanghihina at may pilay sa kaliwang binti. Habang tinitignan ko siya hinahanap ko kung nasaan 'yung palabirong lalakeng nakilala ko noon sa Ashwood. Nung nakita ko 'yung mga mata niya wala ng ningning o ngiti. Naglalakihang eyebags na lang na nagsasabing hindi pa siya nakakakuha ng disenteng tulog.
"Clyde..." sambit ko.
"Cari kahit anong gawin o sabihin nila, promise me you'll never accept that proposal," pakiusap niya sa'kin.
"Anong proposal?" Tanong naman ni Ark.
Saglit akong napatingin sa boyfriend ko pero bigla akong hinawakan sa magkabilang braso ni Clyde. Pati mga kamay niya halos buto't balat na lang din. Nung una automatic akong napaatras dahil sa sakit pero hindi ko na rin 'yun ininda nung nagsalita ulit siya.
"Promise me."
"Okay..."
Atyaka na siya tumakbo habang paulit-ulit na tumitingin sa likuran o sa gilid niya na para bang iniiwasan niyang mahuli o masundan ng kung sino man.
Nakaramdam ako ng sobrang pag-aalala para sa kanya. Ilang linggo ko rin siyang hindi nakita tapos susulpot na lang siya bigla ng ganon ang itsura. Naiintindihan ko pa 'yung pakiusap niyang huwag kong tanggapin 'yung proposal pero ang hindi ko alam ay kung bakit ganon na ang nangyari sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang kutuban ng masama sa kung anong nangyayari sa pamamahay ng mga Noe. Kailangan kong bumisita run para malaman kung ano talagang tunay na kalagayan ni Clyde. Bahala na kung kukulitin lang ulit nila ako tungkol sa proposal. Nag-aalala lang talaga ako para sa kabigan ko.
"Anong proposal?" Pag-uulit ni Ark.
Napatingin ako sa kanya at nakita ang curiosity sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit pa ako nag-iisip ng idadahilang kasinungalingan sa kanya. Mahal ko siya. Siya ang significant other ko at kung may gumugulo man sa'kin kailangan kong ipaalam sa kanya. Kung gusto kong magtagal kami kailangang maging honest kami sa isa't isa.
Huminga ako ng malalim atyaka na sumagot.
"Gusto ng mga magulang ni Clyde na pakasalan ko siya. Nang sa ganon hindi na siya lumayas dito sa Haegl. Pero promise, hindi ko tinanggap o hindi ko naisip tanggapin I—"
"It's okay. I believe you. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa'kin. Gusto ko lang malaman kung ano 'yun," saad niya.
Agad akong napangiti. Saglit kong nakalimutan ang mga matang nakapaligid sa'min at yumakap sa kanya. Naramdaman ko sa tuktok ng ulo ko ang mga labi niya at napangiti sa pagdampi ng mga iyon. Nawawala talaga lahat ng mga pangamba ko pansamantala kapag kasama ko siya. Kapag nandito ako sa mga bisig niya. Kapag nakatingin ako sa mga mata niya.
Napabitaw lang kami sa isa't isa nang mapansin naming tumatakbo ang ilang mga knights papunta sa main entrance ng Haegl. Para ngang hindi nila kami napansin ni Ark eh. Basta tuloy-tuloy lang sila sa gate. Mas dumami ang nakiusyoso. Pila-pila sa harapan ng gate habang may tinitignan sa labas 'nun. Naintriga ako syempre kasi wala naman silang ibang makikita run kundi mga tubig.
Na-curious din si Ark sa kung anong nangyayari kaya bago ko pa siya mapigilan ay may hinarangan na siyang isang trainee knight na pabalik galing sa main entrance. Mukha siyang kinakabahan. Ano 'yun na-seasick siya?
"Anong nangyayari?" Tanong ni Ark sa kasamahan niya sa training.
"Ano kasi—" Napatigil ang lalake nang makita ako. Tumingin siya kay Ark at para bang sinenyasan siyang paalisin ako.
Lumingon sa'kin si Ark na tila ba nanghihingi ng permiso sa'king lalayo muna sila. Hindi ako sigurado pero tinanguan ko na lang din siya. Ano ba namang magagawa ko? Hindi pa ako reyna. Kung hindi ko pwedeng malaman eh 'di hindi ko pwedeng malaman. Kailangan kong paghirapan ang korona ko pati na rin ang tiwala ng buong Haegl.
Lumayo ng ilang metro sina Ark. Itinuon ko na lang ang atensyon ko run sa mga nagpupumilit pa ring makalabas saglit ng gate para makita kung ano man 'yung pinagkakaguluhan ng iba. 'Yung ibang natapos ng tumingin nagdidiskurso. Katulad nung trainee knight na hinarangan ni Ark, mukha rin silang kinakabahan. Pero mas angat 'yung pagtatanong sa mga mukha nila.
Dahil sa pagtingin ko sa mga kumpol ng mga knights sa entrance, hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ulit si Ark. Naramdaman ko lang nung masagi niya 'yung forearm ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Halata ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Mukha siyang tensed at confused. Gusto ko sanang tanungin kung anong sinabi nung kasama niya kanina pero gusto kong siya mismo 'yung magkusang magsabi sa'kin. Ayoko siyang pilitin o kung ano man. Ayokong maramdaman niyang pini-pressure ko siyang mag-share ng mga bagay na labag sa kalooban niya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko na lang sa kanya.
Tumango lang siya sa'kin at nagpakita ng pilit na ngiti. Sinenyasan niya akong mauna na sa paglalakad kaya 'yun ang ginawa ko. Tahimik siyang nakasunod sa'kin habang tinutunton namin ang daan papuntang academy. Ganon pa man, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa ikinilos ni Ark. Pakiramdam ko may iba pang nangyayaring importante.
Hindi na ako nakatiis kaya huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Ano bang nangyayari? Bakit sila nagkukumpulan sa main gate?"
Napalunok si Ark habang nakatingin sa'kin. Ramdam ko sa mabigat niyang paghinga na pinagiisipan niya kung sasabihin niya sa'kin o hindi. Pareho ring nakakuyom ang magkabilang kamao niya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Hindi ako sigurado kung mapapakalma ko siya pero sinubukan ko pa rin.
"Okay lang kung ayaw mong sabihin—"
"Gusto kong sabihin pero hindi pwede," pagwawasto niya sa sinabi ko.
"Okay lang. Naiintindihan ko..."
"Pero mali. Kailangan mong malaman. You're gonna be the queen," frustrated niyang pagkakasabi.
"Ano ba 'yun?"
Hindi na sumagot si Ark sa tanong ko. Sa halip ay hinila niya ako papunta sa main entrance. Nakipagsiksikan kami sa mga knight at trainee knight na nag-aasam makasulyap sa kung ano mang nasa labas ng Haegl. Hindi nga nila napansing nandun na ako at nakikitingin na rin.
Nang makalabas kami hindi ko alam kung saan ako titingin para makita kung ano man 'yung pinagkakaguluhan nila. Halos nalibot ko na ang buong paligid pero hindi ko pa rin mahanap kung ano 'yun. Iniabot sa'kin ni Ark 'yung binoculars at itinuro kung saan ako dapat mag-focus. Ginawa ko lahat ng sinabi niya at unti-unting nasilayan kung ano 'yung kanina pa pinagtatalunan ng mga knight.
Sa may timog-silangan, bahagya pang natatakpan ng mga makakapal na ulap ang tatlong naglalakihang itim na warships. Pati 'yung mga sails nila kulay itim. Unti-unting tumindig ang mga balahibo ko kasabay ng napakabagal na pag-usad ng mga barkong pangdigma na 'yun. Mas lalo pa akong kinabahan nang mamataan ko ang mga bandila sa tuktok ng tatlong iyon. Tig-iisa sila ng bandila pero iisa lang ang itsura at disenyo ng mga iyon. Itim na may kulay puting koronang nakabaliktad.
Muling nanumbalik sa'kin ang panaginip ko tungkol sa mga apoy na lumalamon sa yelo ng Haegl. Wala akong napanaginipang mga barko pero hindi ko maiwasang isipin... paano kung ito na 'yun?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro