twelve - distraction
"Kumain ka ba ng almusal? Nasaan ang energy mo?" Natatawang tanong sa'kin ni Miss Sedonnah Avi habang pinapanood akong mag-wield... or nah kasi hindi ko naman talaga magawa.
Isang oras akong hindi nakagalaw sa upuan ko kaninang breakfast dahil sa dami ng kinain ko. Talagang nag-ipon ako ng lakas para rito sa klaseng 'to pero wala pa rin.
Pati 'yung nangyari kahapon tungkol dun sa pagbabanta nung banished Haeglic inalis ko na rin sa utak ko para lang magkaroon ng hinayupak na inner peace. Mas naging mahirap 'yun kasi kinagabihan din nung na-meet namin siya ibinalita sa'king namatay dahil sa sobrang lamig 'yung lalake. Ganon kasi ang ginagawa ng mga knight sa mga mortals or banished na pinapaamin nila. So ayun, walang na ngang nakuhang info sina Audun, nawalan pa sa kanila ang kaisa-isang lead nila sa isang pag-aalsa.
Huminga ako ng malalim at mas lalo pang in-extend ang kamay ko. Nag-concentrate ako at in-imagine ang gusto kong palabasin mula sa mga kamay ko. Isang napakalaking bloke ng yelo. Inner peace plus energy... inner peace plus energy...
"Augh!" Pahayag ko ng sobrang frustration. Napasalampak ako sa sahig at nainis sa sarili ko.
Kalahating oras ko ng sinusubukang mag-wield. Papatapos na ang klase ko pero wala pa rin akong progress. Kahit 'yung kaisa-isang pinagmamalaki kong perfect ice cubes hindi ko na rin magawa. Wala na. Wala na akong pag-asa.
"Bakit ba hindi ako katulad ng nanay ko?" Saad ko.
"Huwag mong ikumpara ang sarili mo kay Genima. She was on another level. Nung ka-edad mo siya? Gumagawa na siya ng hanging bridges para lang sa practice," kwento ng teacher ko.
Wow. Is that supposed to make me feel better? Kasi mas lalo lang akong nainis at naawa sa sarili ko. Imagine, ako ice cube lang tapos siya hanging bridges na?
Napatingin ako kay Miss Sedonnah. Nakatingin siya sa kawalan habang nakangiti. Okay hindi ganong ngiting-ngiti pero alam mo 'yung makikita mo sa mga mata niyang may naiisip siyang magagandang bagay na nagpapasaya sa kanya? Naalala ko tuloy ulit tuloy 'yung mga tsismis dati na sinuyo niya si Queen Genima. Habang nakikita ko siya mas lalo lang akong nako-convinced na nangyari talaga 'yun.
"Nung nasa Academy pa kami, magi-skip kami ng klase para pumunta sa White Woods at mag-wield dun ng kung ano-ano. Bumuo kami ng isang maliit na park. 'Yun ang naging huling creation namin bago siya magsimulang mag-training para sa queenship niya," dagdag pa niya.
Pakiramdam ko habang sinasabi niya 'yun hindi ako ang kausap niya. Parang pinapaalala niya lang sa sarili niya 'yung mga good stuff tapos wala siyang pakialam na nakasalampak ako sa nagyeyelong sahig habang frustrated na frustrated sa sarili ko. Hay, pag-ibig nga naman.
Hindi ko alam kung bakit curious na curious ako kung nagkagusto ba siya dati sa nanay ko. Nagiisip ako kung paano ako mabe-benefit ng katotohanan pero may something talaga na very satisfying kapag na-confirm mo 'yung theory mo. Gusto kong malaman para hindi na ako mukhang tangang tanong ng tanong kung nagka-something ba siya sa nanay ko.
"Nagkagusto ka ba sa reyna?"
Nawala 'yung ngiti sa labi niya pero 'yung ningning sa mga mata niya nandun pa rin nung tumingin siya sa'kin.
"I like so many things," sagot niya sabay ngiti.
"I mean, you know, romantically?"
"I loved her. Romantically. But sadly, the throne has to have an heir."
"Sinasabi mo ba na kung hindi kailangan ng heir ng throne magiging kayo sana ng nanay ko?" Naiinis kong tanong.
Walang kaso sa'kin kung anong sexuality niya. Ayoko lang nung tono nung sagot niya sa'kin. Para niyang sinasabi na nagpakasal lang si Queen Genima kay Daddy para magkaroon ng susunod na ruler ng Haegl. Na walang naramdamang kahit anong pagmamahal ang reyna para sa Daddy ko. 'Yun ang hinding-hindi ko matatanggap kasi alam ko, nakita ko at naramdaman kong meron.
Umiling si Miss Sedonnah. "Kung hindi kailangan ng trono ng tagapagmana hindi ko susukuan ang nanay mo. Don't worry. Your mother loved your father more than anything else. Even more than Haegl."
Pagkatapos niya akong i-assure na minahal nga talaga ng reyna ang Daddy ko, nakita kong nawala 'yung ningning sa mga mata niya. Nakita kong nasaktan siya. Nakonsensya tuloy akong nainis ako sa kanya kanina. Mahirap siguro talagang maging katulad niya. Imbes na intindihin ko siya nagalit pa ako kasi hindi man lang ako tumigil para pakinggan muna siya.
"Sorry..." mahina kong sabi.
"It's fine. May tanong ka pa ba?"
Tumayo na ako mula sa pagkakasalampak at umupo sa tabi niya.
"Lahat ba ng leaders ng Haegl dapat magagaling ding wielders?"
"Wielding is a natural gift. Pwede 'yung matutunan pero gugustuhin mo munang mamatay bago mo talaga ma-master. Kadalasan, pure bloods lang ang meron 'nun. Hindi naman ikaw ang kauna-unahang uupo sa trono na half-mortal kaya ang sagot sa tanong mo ay hindi," paliwanag niya sabay ngiti.
Disappointed at frustrated pa rin ako kahit nalaman kong hindi lahat ng naging leader ng Haegl ay born wielders. Siguro kasi ang taas ng standards ko. Syempre ikaw ba naman ang maging anak ng reynang born leader na nga wielder pa. Nakakainis. Ayokong sisihin ang pagiging half-mortal ko pero 'yun lang talaga ang naiisip kong dahilan kung bakit palpak ako sa klaseng 'to.
"I'll tell you a secret. Hindi mo kailangang maging wielder para maging isang magaling na reyna. King Alric was never a wielder. Mas may alam nga sa kanya dati si King Arren sa wielding dahil na rin sa pagsama-sama niya kay Queen Aemilia," kwento pa niya.
Pinasubukan ulit sa'kin ni Miss Sedonnah ang mag-wield. Masasabi kong sa pagkakataong iyon ibinuhos ko na talaga ang lahat-lahat ng makakaya ko. Akala ko magagawa ko na pero wala pa rin. Kung may secret technique para magawa ko 'to pwede bang ngayon pa lang sabihin na niya sa'kin?
"I don't get it. Bakit si Tita Elvir kahit mukhang tensed na tensed at palaging galit nagagawa pa ring makapag-wield?" Rant ko.
Nagulat naman ako sa biglang pagtawa ni Miss Sedonnah. Saglit siyang lumabas at nung bumalik siya may hawak-hawak na siyang mga dahon na kulay gray. Inilapag niya 'yun sa mesa at pinasuri sa'kin.
"Quislings. Elvir's addicted to that. Ginagawa niyang tyaa. Binibigyan siya nito ng unlimited energy pero tinatanggalan siya ng inner peace. Ngayon, kapag nagwi-wield siya madalas imperfect ang mga nagiging creations niya. Strong but imperfect and hideous."
Naalala ko nung gabing tumakas ako sa Haegl. Inalok niya ako 'nun ng tyaa. Hindi ko tuloy alam kung manghihinayang akong hindi ko 'yun tinanggap. Siguro kung uminom ako 'nun kahit konti nakaka-wield na ako ngayon.
"Time na. Next week na lang ulit," sabi ni Miss Sedonnah sabay tayo sa upuan niya.
"Thank you... at sorry ulit."
Ngumiti siya sa akin at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Ilang minuto pa akong naiwan para mag-practice pero kahit anong gawin kong pilit hindi ko pa rin mapalabas 'yung wielding powers ko... kung meron man.
Pagkalabas ko nakita kong naguusap sina Clyde at Ark sa may 'di kalayuan. Syempre initial reaction ko eh nagulat. Hindi naman sila friends para magka-heart to heart talk. Hindi ko rin naman sila marinig kasi kahit hindi ganun kalayo sinigurado nilang hindi ko maririnig 'yung paguusap nila. Kaya ang ginawa ko ay nag-obserba ng mga expression ng mga mukha nila.
As usual, seryoso pa rin si Ark. Habang tumatagal mas lalo ko lang nakakalimutan kung gaano kaganda 'yung ngiti niya dahil sa palagi na lang siyang seryoso. Si Clyde naman nagagawa pang ngumiti-ngiti. 'Yung ngiti niyang nakakairita ganon? Para silang yin at yang. Ang dami nilang pagkakaiba.
Hindi ko alam kung kanina pa sila naguusap nung nasa loob pa ako pero saglit lang ang naging palitan nila ng mga salita atyaka na unang nag-walk out si Ark. Weird, hindi man lang siya tumingin sa gawi ko. Hindi man lang niya ako napansin.
Paglingon ni Clyde sa likuran niya nakita niya kaagad ako. Wala kasing kahit anong posteng pwedeng pagtaguan sa corridor. Napangiti siya ng malawak nung makita ako atyaka nag-jog papalapit sa'kin.
"Princess!"
Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako tatawaging princess at kung bakit pero kailangan na talaga niyang tumigil sa kaka-princess niya. Magiging queen na ako 'no—okay joke. Ang corny lang talagang matawag na princess ni Clyde.
"Anong pinagusapan niyo ni Ark?" Tanong ko.
"Oh, nothing. He just told me to stay the hell away from you because I'm distracting you," proud na proud pa niyang sagot.
Hindi na ako nagulat sa dahilan ng paguusap nila. Ginawa na rin ni Ark 'yun kina Jules at Van. Muntik na nga rin niyang pagsabihan noon si Halvar eh. Pero wow, okay, hindi naman kami ganon kadalas magkasama ni Clyde para pagsabihan siya ni Ark 'di ba? I mean, hindi kasing dalas nung pagsama-sama ko kina Jules at Van?
"Bakit parang tuwang-tuwa ka pa?"
Umiling lang si Clyde at nagpatuloy sa pagngiti. "Am I distracting you?"
Napakunot ako ng noo dahil sa tanong niya. Una kasi nakangiti siya na parang positive comment ang masabihang "distraction". Pangalawa, bakit niya 'yun tinatanong sa'kin?
Pero seryoso... nadi-distract ba ako sa kanya? Nagagawa ko naman lahat ng assignments at research ko. Nakaka-attend naman ako sa mga klase ko. Kaya ko namang mabuhay araw-araw ng hindi siya iniisip—okay siguro once or twice a day lang pero kahit hindi siya sumaglit sa utak ko okay naman ako.
"Hindi?" Patanong ko sagot.
"Why not?"
"Kasi hindi ka ganon ka-pogi para maging distraction ko," biro ko sa kanya sabay takbo.
Gusto ko pa sanang mag-stay run para abangan kung magta-tantrum si Clyde dahil sa sinabi ko pero minabuti kong sundan na lang si Ark. Binilisan ko ang takbo ko hanggang sa wakas ay naabutan ko rin siya. Tinapik ko siya sa likuran at agad naman siyang huminto at tumingin sa'kin.
Wala sa amin ang unang nagsalita nung una at nagpatuloy kami sa paghihintayan. Naging madali sa'king maghintay kasi nakatuon lang ang atensyon ko sa mukha niya kaya win-win. Hanggang sa wakas ay hindi rin siya nakatiis at siya ang naunang nagsalita.
"May sasabihin ka?"
"Yep. Balita ko kinausap mo raw si Clyde."
Tinignan lang ako ni Ark at naghintay na ituloy ko ang sasabihin ko.
"Pinapalayo mo raw siya sa'kin kasi distraction siya?" Patanong kong sabi.
"Tinutulungan lang kita. Ayokong bukas o sa makalawa magbago na naman ang isip mo't ma-ingganyo ka ulit lumayas," sagot niya.
Crap. Crap. Crap.
Ayokong mag-assume pero hindi ko mapigilan. Iniisip ko na paano kung ginawa 'yun ni Ark kasi nagseselos siya sa amin ni Clyde? Aaminin ko medyo napapalapit na kami sa isa't isa so baka 'yun nga ang dahilan kung bakit niya pinapalayo si Clyde sa'kin. Pero napagusapan na rin namin dati ni Ark na magiging civil na lang kami sa isa't isa so baka mali rin ako.
Ano ba 'tong mga naiisip ko?
"Ark, kaibigan ko siya. Katulad nina Jules at Van. Wala ng kahit sinong makakapagpabago ng isip ko tungkol sa pagiging susunod na reyna," paliwanag ko.
"Kaibigan mo siya pero kaibigan ka lang ba niya?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Cari, you might not see it because you're too busy trying to convince yourself that he doesn't like you but I know. I know he's a pure blood so you can be with him anytime you want but he won't stay. He never does. Ayokong iwanan mo ulit ang Haegl at ang mga taong umaasa sa'yo para lang sa kanya."
"Kung dahil lang 'to sa nagseselos ka or—"
"Damn it, is that what you want to hear?" Naiinis niyang tanong. "Oo nagseselos ako pero hindi ko 'to ginagawa dahil 'dun. Pwede bang kahit minsan lang pakinggan mo naman ako?"
"I'm sorry—"
"No, Cari. You have to accept that everything's not about you," pahayag niya at tuluyan ng naglakad papalayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro