three - inventory
note - hello omg ano ba gusto kong i-ship cari x ark pero may mas character talaga si clyde eh letche omg anyway dedicated kay uppienicorn dahil sa gawa niyang super duper mega ultra ganda omgomgomg thank you sooooo much anyway guys thank you sa pagbabasa happy holidays xx
p.s. sino bang pwedeng maging clyde jusque
_________________________________________________________
Sa hinaba-haba ng pagpupumilit ni Daddy na ihatid ako sa bookstore, nakumbinse ko rin siyang pabayaan na lang akong maglakad. Walking distance lang naman eh. Siguro ten to fifteen minutes mula sa bahay. Hindi ko na rin inaasahang darating si Clyde kasi iniwan niya kahapon 'yung convertible niya para maayos ni Daddy. Atyaka to be honest, umaasa pa rin akong makakasalubong ko ulit si Ark. Gusto ko lang malaman kung okay siya.
Ilang steps pa lang ako nakakalayo sa gate nung dumating si Clyde sakay ng bike. Nakalagay 'yung dark green niyang backpack sa basket nung bike. Ang ganda nga nung entrance niya eh. Hinahangin 'yung white polo niyang sinadya niyang hindi i-botones since naka-puting t-shirt naman siya tapos 'yung buhok niya nagulo na rin nung hangin pero keri pa rin niya.
Nung makarating siya sa harapan ko at nakababa mula run sa bike, effortless niyang ipinadaan ang palad niya sa buhok niya para ayusin 'yun. Ngumiti rin siya at bumati ng good morning. Sasabihan ko rin sana siya ng magandang umaga kung hindi lang niya sinabing ihahatid niya ako gamit nung bike niya.
"Hindi ako sasakay dyan," mabilis kong pag-alma.
"Anong magagawa ko eh kinukumpuni pa ng Daddy mo si Queen?"
"Queen? Pinangalanan mo 'yung convertible mo ng Queen?"
"Yeah what's wrong with that?"
Oo nga naman. Wala namang masama run. Pasalamat nga ako't hindi ako ang tinatawag na queen. Naalala ko tuloy ang Haegl atyaka si Queen Genima.
"Basta hindi ako sasakay dyan. Maglalakad na lang ako," pagpupumilit ko.
"I promise I will be very, very careful."
Nakatitig lang ako sa kanya habang pinagiisipan kung papayag ba ako. Eh kasi ang liit na nung space na uupuan ko sa likod niya. Paano kapag nahulog ako? Alam ko ang weird ko. Sumasakay ako sa mga dambuhalang wolves pero bike lang ang weakling ko na pero iba naman kasi 'yun. At least dun nakakaupo ako ng komportable eh sa bike?
"Anong gagawin ko sa'yo kapag nahulog ako dyan?"
"I don't know. You can have Queen," confident niyang sagot.
Gaano ba kagaling mag-bike itong ulupong na 'to at pati 'yung pinakamamahal niyang convertible ay kaya niyang itaya para lang mapasakay ako sa bike?
Sa huli eh pumayag din ako. Siguro iniisip niyang nagpabebe pa ako eh sasakay din pala ako. Sorry ha? Kailangan ko lang kasi talagang makasiguradong hindi niya ako ili-lead sa kahihiyan.
Sa una smooth lang pagpapatakbo niya hanggang sa makarating na kami mismong bayan kung nasaan ang sentro ng kalakalan sa buong Ashwood. Medyo traffic kaya kinailangan ni Clyde sumingit-singit sa mga sasakyan. Doon na ako nakaramdam ng takot kasi ang bilis-bilis niyang lumusot sa mga siwang muntik nang maghiwalay top at buttom ng katawan ko. Kasabay 'nun, napakapit din ako sa gulong dahil sa pagkabigla.
"Ano ba nagmamadali ka ba?" Reklamo ko sa kanya.
"Humawak ka kasi," natatawa pa niyang sabi.
"Saan ako hahawak eh gulong na katabi ko rito?"
"Geez, princess, I mean to me."
"Corny mo ayoko nga."
"Okay then," sabi niya sabay liko at singit sa gitna ng isang truck at BMW kahit ang luwang-luwang naman nung daan kanina sa harapan. Syempre napa-holy snowballs na naman ako dahil sa gulat habang tuwang-tuwa naman 'yung ulupong sa ginawa niyang kagaguhan.
Aaminin kong isa sa mga dahilan kung bakit ayokong mag-bike ay dahil iniiwasan kong maka-close contact itong si Clyde. Alam ko na mga style ng mga katulad niya. Kunwari naa-amaze sa'yo tapos 'yun pala binabalak ka ng tuhugin. Okay, joke. Hindi ko alam. Sinabi lang sa'kin ni Daddy kagabi. Napansin niya raw kasi 'yung mga tingin ni Clyde sa'kin kahapon kaya nag-warning na siya. Mga galawang garapal ni Clyde hinding-hindi makakalusot kay Daddy 'no.
Matapos ang parang maze na paglusot-lusot namin sa kung saan-saan, naihatid din ako ni Clyde sa bookstore ng ligtas at buo pa ang dignidad. Imagine-in niyo na lang kung kunwaring nahulog ako sa gitna ng kalsada. Siguradong pagpi-pyestahan ako ng mga tao run. Ang sunod kong naging problema eh 'yung buhok ko. Nagkasabit-sabit kasi dahil sa hangin kaya ito pahirapang ayusin.
"Hindi ka ba nagdadala ng suklay?" Tanong ni Clyde habang pinapanood akong maghirap sa pag-untangle ng buhok ko.
"Hindi ko naman kailangan 'yun. Pampasikip lang 'yun sa bag," sagot ko. Napailing si Clyde at nangiti.
Pinapasok muna ako ni Clyde bago siya tumawid para pumasok sa school. Magkaharap lang kasi 'yung establishments namin.
Sakto naman ang dating ko sa R-Hole (abbreviation na napulot ko sa loko-lokong si Clyde) kasi nagse-set up pa lang sila. Binati nila ako tapos bumalik na sa mga kanya-kanya nilang gawain. Ayoko namang magmukhang useless kaya tinulungan ko na lang si Karl sa paglilinis. Nagpunas-punas ako ng mga dapat punasan. Napansin ko namang naka-lock pa rin 'yung storage slash inventory room na dapat eh kanina pa nakabukas dahil lagi namang tambay run si Sav.
"Karl, asan si Sav?" Tanong ko sa janitor na nagmo-mop malapit sa'kin.
"Nag-resign na. Inaway kasi ni Pilar. Napaka-taklesa kasi," sagot niya habang nakatingin sa gawi ng cashier.
Napansin ko ring may pagka-double bladed tongue nga si Pilar pero hindi ko naman inaasahang may magreresign dahil sa kanya. Atyaka sabi nila halos sampung taon na silang magkakasama rito kaya hindi ko ma-imagine kung gaano katinding mga salita ang binitawan ni Pilar para tuluyang umalis si Sav. Akala ko nga dati jino-joke time lang kami ni Pilar kapag pinupuna niya kami 'yun pala may times ding seryoso siya.
Habang nagpupunas ng mga bookshelves, dumako ang isip ko sa kinabukasan ko. Nung nasa Haegl pa ako, hindi ko pa iniisip kung anong gusto kong gawin hanggang sa mamatay ako. Ang mahalaga lang sa'kin 'nun makatakas sa responsibilidad ko bilang future queen. Ngayong nakatakas na ako panahon na siguro para pagisipan kung ano talagang gusto kong gawin sa buhay ko.
Isang malaking ERROR: PAGE NOT FOUND ang plumakda sa utak ko. Seryoso. Habang iniisip ko kasi 'yung future ko—mali, wala akong maisip sa future ko. Ang galing. Ayaw kong maging queen pero wala pala akong gustong gawin. Isa ba itong malaking joke time ha, Cari? Inisip ko kung saan ako magaling, kung anong mga bagay 'yung kaya kong gawin pang-habang buhay na hindi napapagod o nalulungkot, 'yung mga bagay na natural sa'kin pero... magaling lang naman akong wolf rider.
Hindi maiwasan ng utak kong mag-travel pabalik sa Winter Wonderland a.k.a Haegl. 'Yung unang pagkikita namin ni Blizzard, 'yung unang beses kong pagsakay sa kanya, atyaka 'yung una kong karera. Feeling ko kahapon lang lahat 'yun. No offense kina Jules, Van, at Halvar pero si Blizzard talaga ang pinakanamimiss ko. Hindi niya alam maglambing unless may pagkain kang dala sa kanya. Tuwing magkikita kami parang palaging unang beses. Kailangan ko siyang amuhin every time na lalapit ako sa kanya. It was like he's trying to say that it's never going to be easy being with him, that I should never let my guards down. Gusto ko 'yung ganun kasi dapat ganun tayo sa lahat ng taong nakapaligid sa'tin. Kahit gaano tayo kasiguradong hindi nila tayo sasaktan, may mga factors pa ring hindi maiiwasan na makapag-uudyok sa kanilang biguin tayo. Parang kami ng queen. Buo 'yung tiwala niyang magiging katulad niya ako kaya pinabayaan niya ako. Ang hindi niya alam nagplaplano na pala akong tumakas.
"Okay ka lang?" Narinig ko si Karl.
Doon ko lang naramdaman 'yung pagtulo ng luha ko sa magkabilang pisngi ko. Agad ko 'yung pinahid at ngumiti sa janitor. Tumango ako bilang sagot dun sa tanong niya.
Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas hanggang sa marinig ko si Pilar na nagmumura run sa area niya. Mukhang inis na inis siya sa isang basong tubig. Napailing na lang ako dahil sa mga pakutsada niya sa baso.
"Malamig na tubig na nga lang ang nais hindi pa maibigay! Utang na loob ha! Sino bang sumira nung punyetang water dispenser na 'yan at sisirain ko rin?! Letche!" Nanggagalaiting pahayag ni Pilar sabay walk out. Dumiretso siya run sa resting area kung nasaan 'yung dispenser.
Tumingin ako sa mga kasama namin. Si Karl tuloy lang sa paglilinis samantalang sini-set up naman ni Zelly 'yung computer niya. Mukhang sanay na sanay na sila sa pagta-tantrum ni Pilar ah? Bakit hindi kinaya ni Sav? Nakaka-curious tuloy kung ano 'yung sinabi ni Pilar sa kanya. Pero syempre ayokong ma-sampolan ano.
Dahil sa sarili kong kagagahan, lumapit ako run sa paying area kung saan nakapatong sa counter 'yung tubig. Pasimple ko 'yung hinawakan at dinasalan—chareng hinawakan ko lang. Pagkatapos ng limang segundo naramdaman ko na ang paglamig ng baso. Nung binitawan ko 'yun nakita ko na 'yung pagpapawis nung baso. 'Yung tipong sa unang tingin alam mo ng malamig na 'yung tubig dun?
Umalis na ako at nagpatuloy sa pagtratrabaho bago pa makabalik si Pilar. Pagkabalik niya, nakarinig kami agad ng mura. Nagtanong siya kung bakit malamig na 'yung tubig niya pero ni isa sa amin walang sumagot. Gustuhin man naming sumagot hindi namin magawa kasi ni-flood kaagad kami ni Pilar ng mga mura. Nice. You're welcome.
Nakakamiss talaga 'yung wielding training ko. Kahit pagpapalamig lang ng tubig at kung ano-anong mga bagay ang kaya kong gawin. Gusto ko pa sanang matuto kasi ayoko namang maging walking refrigerator lang pero kailangan talagang maglayas eh.
Nung naka-set up na lahat-lahat tuluyan ng nagbukas ang bookstore. Meron kaagad customers na pumasok kaya naging busy kaagad si Pilar at Zelly. Si Karl kakatapos lang maglinis kaya naglagi muna siya sa resting area. Ako naman patrol mode ulit.
"Ganda halika nga saglit!" Tawag sa'kin ni Pilar. Nakakatawa talaga kapag tinatawag niya akong Ganda. Hindi niya lang maalala pangalan ko eh.
Pagkatapos ng dramatic kong paglingon, tumama ang mata ko sa isang lalaking naka-plain white shirt at maong pants. Pareho kami ng suot na converse shoes pero 'yung kanya itim tapos 'yung akin pula. Nung una likod niya lang ang nakita ko pero pagkaharap niya sa'kin talagang napanganga ako sa pagkabigla.
"Holy snowballs," bulong ko sa sarili ko.
"Hoy Ganda! Mukha kang timang dyan lumapit ka nga rito!" Sabi ni Pilar.
Bago pa ako tubuan ng ugat sa kinatatayuan ko, sinubukan ko ng maglakad palapit sa kinaroroonan nung lalake. Utang na loob anong ginagawa niya rito? Talaga bang hindi siya susuko at hanggang dito guguluhin pa rin niya ako?
Alam kong damang-dama niyo na kung sino 'yung tinutukoy ko. Si Ark. Ang pukelyang si Ark. Okay siya. Wala siyang galos o kung ano mang gawa nung kahapon. As usual, seryoso pa rin 'yung mukha niya pero mas bumata at mas gumaan 'yung aura niya ngayon dahil inalis niya 'yung armor niya. Matagal-tagal na rin mula nung huli ko siyang makitang naka-suot ng normal kaya nakakapanibago.
"Ito si Ark. Kapalit ng bruhildang si Savannah. Na-meet na namin siya kahapon nung umalis ka na. Tamang-tama nga eh. Pagka-resign nung bruhilda pumasok itong si Pogi at nag-apply. Samahan mo muna siya run sa inventory. Maraming customers kaya ikaw muna mag-orient sa kanya," utos ni Pilar nung makarating na ako sa harapan niya.
"Ako? Bakit ako? Bago lang ako—"
"Nagrereklamo ka ba?"
Ayokong ma-Savannah kaya sige huwag na lang. Tatanggapin ko na lang ang kapalaran kong magkakasama ulit kaming dalawa ni Ark sa iisang lugar.
"Ano ba may something ba kayo dati?" Biglang tanong ni Pilar.
Automatic akong napatingin kay Ark na kanina pa pala nakatingin sa gawi ko. Para naman akong na-kuryente kaya agad akong lumingon pabalik kay Pilar.
"Wala," matipid kong sagot.
"Makatingin kayo sa isa't isa parang may dinaramdam kayo eh. Hala sige dun na kayo."
Jino-joke time ba kami ni Pilar o talagang obvious lang na ex-almost ko siya? Chareng. Anong ex-almost wala naman ganon.
Nauna na akong naglakad patungo sa inventory room. Nung nasa loob na kami in-explain ko sa kanya as fast as possible ang mga kailangan niyang gawin. Madali lang naman eh. Magche-check lang siya ng stocks. Nung tapos na ako aalis na sana ako kung hindi lang ako na-bother sa pagiging tahimik niya. Wala man lang ba siyang sasabihin? Hindi man lang ba niya ako pipiliting umuwi ng Haegl para masuot na ulit niya 'yung pinakamamahal niyang armor?
"Seryoso, ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Hindi ako aalis ng hindi ka kasama. Hindi ako pwedeng umuwi ng Haegl ng wala ka," paliwanag niya.
"Huhulaan ko, aalisin ka sa training ng queen at kakailanganin mong humanap ng bagong career."
Hindi siya sumagot kaya ipinagpalagay ko na lang na silence means yes. Wow. Okay. Hindi man lang ba siya magsisinungaling na kaya hindi siya makaalis-alis ng Ashwood ay dahil namimiss niya na akong bantayan sa Haegl kaya kailangan na niya akong maiuwi? Joke. Sinong niloloko ko? Trabaho kung trabaho. Hindi hinahalo ni Ark ang personal niyang buhay sa pagiging trainee knight niya.
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Sinabi ko dating sinukuan ko na siya. Ayoko na. Tapos ngayon nagdradrama akong parang bakla kasi dahil lang sa trabaho niya kaya niya ako gustong iuwi. Ang gulo. Ang gulo-gulo ko.
"Bakit ba gusto mong tumakas sa responsibilidad mo?" Tanong niya.
"Kasi hindi ko kayang maging reyna—"
"Kaya ka nga nati-training 'di ba?"
"Alam mo? Tama na. Nakaalis na ako. Hindi na ako babalik dun. Kaya kung ano man 'yang pinaplano mo't nag-apply ka pa rito kalimutan mo na," saad ko. Handang-handa na akong umalis. Nakatalikod na nga ako eh pero may force talagang pumipigil sa'kin. Letche.
"Hindi ako babalik ng Haegl ng wala ka."
Humarap ako sa kanya dahil sa inis. "Bakit mo ba ginagawa 'yan? Alam mong gusto kita dati. Alam mong hirap na hirap akong kalimutan ka. Pinipilit mo akong bumalik sa Haegl pero hindi mo alam na pinipilit mo rin ibalik 'yung feelings ko para sa'yo. Kaya please, umalis ka na. Pabayaan mo na ako."
I always play it cool with Ark. Parang wala lang siya sa'kin ganon. Inaaway ko siya kasi napaka-nagger niya pero sa loob-loob ko tuwing nakikita ko siya naiinis ako kasi hindi ko maalis 'yung nararamdaman ko para sa kanya.
Nakakatawa kasi dati napanaginipan kong queen na ako tapos si Ark 'yung king. Nung nagising ako naisip ko baka pwede naman. Baka kayanin ko namang maging reyna kasi kasama ko si Ark. Pero pagkatapos nung araw na 'yun nalaman kong namili na ng career si Ark. Trainee knight na siya. Siguro nung nangyari 'yun mas na-convince ako na hindi talaga para sa'kin 'yung korona.
"Hindi rin naman magiging tayo," biglang sabi ni Ark. "I'm just a semi. You're the future queen of Haegl."
Semi. Pinakaayaw kong word. Hindi siya ganon kapangit pakinggan gaya ng bitch, bastard, slut, or whatever. But trust me, kapag nasa Haegl ka at tinawag kang ganyan sobra-sobra kang masasaktan. Tinutuksong semi 'yung mga half-Haeglic. 'Yung may mga mortal blood sa system nila. Synonym nun ang iced. Minsan nung nasa academy pa ako, dahil nga walang special treatment kahit future queen ka pa, nasabihan akong semi at iced nung mga pure blooded Haeglics. Actually, palagi akong nasasabihan ng ganun lalo na nung mga babaeng naiinggit sa'kin at sa magiging future ko. Hindi ko na lang pinapansin pero masakit talaga.
Kung bakit sinabi ni Ark na hindi kami pwede? Kasi kapag semi ka at nagasawa ka isa pang semi, mai-eliminate na nun 'yung pagiging Haeglic nung offspring niyo. 'Yung anak niyo considered ng mortal. Kaya kapag semi ka it's either magasawa ka ng pure blood or hayaan mong i-cast away ng Haegl 'yung anak niyo since mortal na talaga siya.
"Good luck sa trabaho mo," wika ko atyaka na lumabas ng inventory room.
Isa rin 'yung pagiging semi naming dalawa sa mga dahilan kung bakit hindi talaga naging kami. Alam naming eventually kailangan din naming maghiwalay at magkanya-kanya.
Simula nung paguusap namin ni Ark hindi na ako tumingin dun sa pinto ng inventory. Nagfocus ako sa pagpapatrolya. Hindi rin siya lumabas nung kwarto kahit nung lunch.
Alas kwatro ng hapon nung dumating si Clyde para sunduin ako. Inutusan ako ni Pilar na sulatan 'yung birthday card na nabili ng isang customer na sa kanya talaga naka-toka. Pumunta sa tapat ko si Clyde at nginitian ako.
"How is it going princess?"
"Huwag mo nga akong tawaging princess," sabay irap sa kanya.
"Relax, okay? Why do you hate me so much?"
Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagsusulat. Nahirapan akong mag-concentrate sa pagsulat nung pangalan ng customer dahil sa kakatitig ni Clyde. Ramdam na ramdam ko kasi eh. Tinignan ko siya ng masama para maramdaman niyang naiirita ako.
"Tigilan mo nga 'yan," pagsita ko sa kanya.
"Stop what?" Natatawa niyang tanong.
"Tigilan mo 'yang pagtitig mo."
"How about you stop being so beautiful first so that I can stop myself?" Sabi niya sabay pakita ng smug face niya.
Proud na proud talaga siya run sa banat niya eh 'no? Hinayaan ko na lang siya. Minadali ko na lang ang pagsusulat. Ewan pero na-drain ata ako nung kakarampot na minuto naming paguusap ni Ark kaya gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
Narinig kong bumukas 'yung pinto sa likod.Pinto 'yun ng inventory room kaya ibig sabihin sa wakas lumabas na rin si Ark. Hindi ko napigilang mapalingon. Nakita ko siyang nakatingin sa direksyon namin ni Clyde. Nagkatinginan kami pero agad din siyang umiwas. Nagpaalam na siya kay Pilar at naunang umalis ng bookstore.
"What was that? Stalker mo ba 'yun?" Tanong niya. Hindi ko sinagot si Clyde. Ipinasa ko na kay Pilar 'yung card para makauwi na.
Pinakiusapan ko si Clyde na kung pwede eh maglakad na lang kami pauwi sa bahay. Matapos niya akong asar-asaring takot daw ako at kung ano-ano pa ay pumayag din siya. So ayun, naglakad kami tapos gina-guide niya na lang 'yung bike niya.
"Magsimula ka ng magkwento," sabi niya.
"Wala akong ikwekwento sa'yo."
"Dapat nagsisimula ka ng mag-open up sa'kin. Matagal-tagal mo rin akong makakasama," panunukso niya. Shoulder to shoulder na kami eh ang lawak-lawak nung daan kaya itinulak ko siya para makalayo sa'kin kahit konti.
"Ang dami mong alam."
"I just wanna know you better, you know?"
"Ang trabaho mo lang, ihatid at sunduin ako. Hindi mo kailangang malaman 'yung mga bagay tungkol sa'kin."
Napabuntong hininga siya. "Damn it. I know why you're doing that. You think I'm flirting with you, right?"
"Hindi ba?" Banat ko.
"Cari, I'm a flirt. I admit it. Pero hindi ko gagawin sa'yo 'yun," sincere niyang pagkakasabi sabay lakad papunta sa harapan ko kaya syempre napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. "Unless you want me to."
Pang-commercial ng toothpaste ang ngiti ni Clyde habang nakatingin sa'kin. Nagsha-shining, shimmering pa pati mga mata niya. Kung ibang babae siguro ako kikiligin na ako sa kanya pero hindi eh. Nakakatawa kasi 'yung mga banat niya. Pati siya nakakatawa rin.
"Ang dami mo talagang alam," sabi ko sabay pitik sa noo niya.
Ang dami pa niyang kabalbalang sinabi bago kami makarating sa bahay. Kinumusta niya kaagad 'yung convertible niya pagkapasok namin dun. Hindi na nga siya nagpaalam sa'kin eh. Tumakbo lang kaagad siya run sa garahe. Akala ko nga paghahahalikan pa niya 'yung kotse eh.
Pagkapasok ko sa bahay, nadatnan ko si Daddy na nakaupo sa tapat ng mesa. May kaharap siya run na unfortunately ay nakatalikod sa'kin. Pero hindi na niya kailangang lumingon para makilala ko siya. 'Yung mga nakaukit pa lang na frozen flowers sa korona niyang gawa sa ice kilala ko na siya eh. Atyaka naka-lugay rin 'yung buhok niyang kasing puti ng yelo. Naka-damit siya ng normal. Long-sleeved shirt, black pedal pants, at combat boots. Taray talaga. Pang-mortal 'yung damit pero nakasuot pa rin ng korona.
Pero holy snowballs... nandito ang queen ng Haegl.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro