Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

thirteen - beautiful dream

note - daaaaamn hindi ko alam pero napa update ako ng wala sa oras dahil sa cari x ark feels ko like wth akala ko nawala na yun pero binasa ko ulit yung mga published chapters ng iced tas na realize kong fooling around stage pa lang cari x clyde tas si ark holy crap si ark huhuhu his feelings for cari is so freaking legit kung nararamdaman niyo lang talaga nararamdaman ko okay so yep naisipan kong hnd pa end game ang cari x clyde may chance pa si ark 

p.s. lintek talaga nung sinulat ko to tumutugtog only exception huhuhu okay ang dami ko ng sinabi lol 

_________________________________________

          Usually kapag nagaaway kami ni Ark pinapabayaan ko lang lumipas ng ilang araw. Alam ko kasing mag-aaway lang ulit kami kapag sinubukan naming magusap at ayusin 'yung gusot namin pero naisip ko ngayon na siguro, siguro dapat naguusap din talaga kami. Palagi kong nakakalimutan na pareho na kaming nagbago. Pareho na kaming nag-mature. Hindi na kami 'yung dating mag-high school sweetheart noon na walang iniintindi kundi kung paano kami makakaupo sa tabi ng isa't isa ng hindi nasisita ng teachers namin.

          Aaminin kong mas nabawasan na 'yung pagiisip ko kay Ark simula nung naging close kami ni Clyde atyaka nung nagsimula ulit ang trainings ko. Dati kasi palagi pa akong naco-confuse kung gusto ko pa ba si Ark o hindi na. Palaging ang gulo-gulo ng feelings ko para sa kanya. Muntik na ngang "hindi na" ang isagot ko run sa tanong ni Clyde kung gusto ko pa si Ark.

           Alam mo 'yung pakiramdam na akala mo naka-move on ka na kasi hindi mo siya palaging nakikita at nai-encounter? Na okay ka kasi wala siya sa paligid at hindi mo naririnig 'yung boses niya? Ganon 'yung naramdaman ko eh. Akala ko tapos na tapos na talaga lalo na nung nag-usap kaming titigilan na namin pero 'yun pala gumaling lang ako sa pagtatago ng feelings ko. Nung nakita ko siya, nung sinabi niyang nagseselos siya dun ko naramdamang hindi pa ako ganun ka-over sa kanya.

          Ark always felt like home. Na-realize kong na-take for granted ko siya kasi alam kong palagi siyang nandyan para sa akin. Alam kong kahit iba 'yung pinapakita niya, ako pa rin 'yung priority niya. Sabi niya nga 'di ba? Naging trainee knight siya para sa'kin. Oo, overprotective siya at lahat-lahat pero kung ako 'yung nasa kalagayan niya ganun din ang gagawin ko. Totoo nga talagang hindi mo maiintindihan ang isang tao hangga't hindi mo nailalagay ang sarili mo sa lugar niya.

          Kaninang dinner halos hindi ko nagalaw ang pagkain ko dahil sa kakaisip kay Ark at sa mga sinabi niya. Sure, may parte pa rin sa utak kong naiinis dahil sa pagkausap niya kay Clyde pero mas nangingibabaw 'yung pangungulila ko sa kanya and I hate myself for that. Kasi kahit saang anggulo ko tignan isa ulit 'yun sa mga selfish thoughts ko. Hindi kami pwede. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanyang namimiss ko siya, na may feelings pa rin ako sa kanya, at lahat-lahat kasi hindi na tama. Sisirain lang kami 'nun pareho. Besides, hindi ako pwedeng ma-distract. Kailangan kong mag-focus sa trainings ko.

          Nakakatawa. Sabi ni Ark distraction si Clyde pero it turned out siya naman pala talaga ang gumugulo sa utak ko.

          Halos magkanda-hilo-hilo na ang mga knights na nagbabantay sa pintuan ko dahil sa'kin. Hindi pa rin kasi ako pumapasok sa loob at patuloy na naglalakad pabalik-balik sa harapan nila. Alam ko kasing kapag pumasok na ako sa loob hindi na ako makakalabas hanggang mag-umaga na. Kapag pinilit kong lumabas siguradong tatanungin ako kung saan ako pupunta or worst, sasamahan ako sa pupuntahan ko. And trust me, ayokong puntahan si Ark sa quarters nila kasama ang mga tagabantay ko. Hell, I'm not even sure if I really wanted to go there. Hindi ko alam kung gusto ko kasi to be honest, pakiramdam ko kailangan ko. I need to see him. I need to talk to him.

          "Papasok na po ba kayo?" Tanong nung isang knight. Nairita na siguro siya sa'kin.

          "Konting minuto pa," sagot ko atyaka ulit ako naglakad pabalik-balik sa harapan nila.

          "Pasensya na po sa pangingialam pero kung gusto niyo po siyang puntahan, gawin niyo na po," hirit pa nung knight na nagsalita rin kanina. Katulad ko, nagulat din 'yung kasama niya at napatingin sa kanya.

          Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil sa helmet nila pero sa nakikita ko run sa knight na nagsalita na para siyang nakangiti. Medyo nasisilip ko kasi 'yung wrinkles sa gilid ng mga mata niya. Hindi naman siya matanda kaya naisip ko baka nakangiti siya.

          "Sino po?" Pagmamaang-maangan ko.

          "Si Ark po. Pasensya na po pero nakita ko po kasi kayo kaninang nagtatalo."

          Hindi sikreto sa mga mamamayan lalo na sa mga knights ng Haegl na may namagitan sa'min ni Ark. Palagi kami noong naglalakad-lakad sa kung saan-saan ng magka-holding hands. Kapag minsan nanunood kami ng mga practice ng mga knights sa harapan ng base nila dahil malapit lang 'yun sa academy. Pinanood nila kaming lumaki at magmature. Pinanood din nila kaming maghiwalay.

          "Tingin mo dapat lang na puntahan ko siya?" Tanong ko.

          "Ito lang po ang masasabi ko; kung may isa man po sa aming lahat na handang mamatay para sa inyo ng paulit-ulit, si Ark po 'yun."

         Isang full pledged knight na ang nagsabi. Nakakatawa kasi trainee pa lang si Ark pero ganun na katapang ang tingin sa kanya ng mga senior niya. Nakakatawang nakaka-proud.

          Tinanguan ko ang knight na nagbigay sa akin ng payo at pinasalamatan. Hindi na ako naglakad ng pabalik-balik sa harapan nila. Huminga ako ng malalim at ginamit ang back door ng palasyo para makapunta sa Knights' Base.

          Malaki ang base at sa pinakadulo nun ay ang quarters ng mga trainee knight. Bawat kwarto ay may tatlo o apat na trainee. Hindi ito ang unang beses kong bibisita run. Nung mga bago-bago pa lang si Ark sa pagsali run at ako sa trainings ko, pumupuslit ako sa quarters nila para makita siya. Maguusap kami. Magkukumustuahan. Magaaway. Hanggang sa mas napapadalas na 'yung pagaaway kaya isang araw minabuti kong huwag na siyang bisitahin.

         R-263. Nakatingala ako sa harap ng pinto ng kwarto nila Ark habang paulit-ulit na binabasa 'yung pangalan nung kwarto. Tuwing naaalala ko 'yung mga paguusap na nauuwi na lang sa pagaaway nanginginig ang mga tuhod ko na parang gusto ko na lang ulit tumakbo at magkulong sa kwarto ko. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya pero alam ko ang mga hindi dapat.

          Huminga ako ng malalim at pilit inalis ang mga negatibong ideya sa utak ko. Kumatok ako ng tatlong beses sa kulay puting pinto at naghintay. Bumukas iyon at ipinakita sa'kin si Ark. Hindi siya naka-armor. Naka-itim siyang shirt at itim ring jogging pants. Nakapaa rin siya. Nakapatong sa suot niyang damit ay ang color charcoal na jacket na regalo ko sa kanya nung sixteenth birthday niya. Nahirapan akong kontrolin ang mga luha ko nung makita ko iyong suot-suot niya.

          Tumigil 'yung mabilis na pagtibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya noong nagkaaminan na kaming dalawa ng tunay naming nararamdaman para sa isa't isa. Akala ko nawawalan na ako ng feelings sa kanya 'nun pero na-realize kong hindi na nabubulabog 'yung puso ko kasi unti-unti na 'yung nagiging comfortable sa kanya. Hindi ko na kailangang magpanggap, hindi ko na kailangang kabahan, hindi ko na kailangang matakot.

          "Ark," sambit ko.

          "Anong kailangan mo?" Bored niyang pagkakatanong sa'kin.

          "Gusto ko sanang..." Gusto kong malaman mong namimiss kita. "Gusto kong humingi ng tawad sa nasabi ko kanina."

          Saglit na tumingin sa likuran niya si Ark atyaka ibinukas na ng tuluyan ang pinto niya at sinenyasan akong pumasok. Nakita kong mag-isa lang si Ark sa kwarto.

          "Ikaw lang dito?" Tanong ko kahit obvious naman ang sagot. Kahit ano na lang talaga basta may mapagusapan lang. Basta marinig ko lang ulit 'yung boses niya.

          "Nasa market 'yung iba. Nagi-inuman," saad niya habang inaayos 'yung kama niya. Dalawang double decker ang nasa kwarto. Nakuha niya 'yung babang kama.

          Pinaupo niya ako sa kama niya at tumungo naman sa maliit na lamesang nasa sulok ng kwarto nila. Pinanood ko siyang magtimpla ng dalawang tasang kape. Habang pinapanood ko siya hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Minadali ko 'yung pinunasan bago pa niya maiangat ang ulo niya't makita ako. Nung natapos na siya, bumalik siya sa harapan ko at iniabot sa'kin 'yung isang tasang tinimplahan niya. Umupo siya sa katapat na kama nung kanya at tahimik na humigop ng kape.

          Halos limang malalaking hakbang lang ang pagitan naming dalawa pero pakiramdam ko ang layo niya pa rin. Hindi niya ako tinitignan, hindi niya ako kinakausap. Naghihintay lang siguro siya sa kung ano pa ang sasabihin ko.

          "Galit ka pa ba sa'kin?" Tanong ko.

          "I can never be mad at you. You know that," wika niya habang nakatingin sa'kin.

          "Alam kong palagi kitang tini-take for granted. Alam kong palagi akong nagagalit sa'yo kahit kapakanan ko lang naman 'yung iniisip mo. I'm sorry—"

          "Why are you really here, Cari?" Frustrated niyang tanong.

          "Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo," sabi ko. Alam kong alam niya na. Alam kong nakikita niya sa mga mata ko kasi nakikita ko rin sa mga mata niya.

          "Bakit hindi?"

          "Huwag mong gawin 'to sa'kin—"

         Mabilis niyang nailapag sa sahig ang tasa at tumayo. "I should be the one telling you not to do this to me! I thought we both already agreed to stop this madness?!" Galit na galit niyang pahayag.

          If love is madness then you have all the right to call it that way.

          Napapikit na lamang ako. Agad ko 'yung pinagsisihan kasi nang dahil dun mas lalong umagos ang mga luha sa pisngi ko.

          "Pinipilit kong kalimutan ka. Sinisikap kong protektahan ka sa malayo kasi hindi ko alam kung makakatiis pa akong hindi ka mayakap o mahawakan man lang. Tapos ngayon nandito ka? Para ano? Mag-sorry? Kaya mo namang gawin 'yan sa hallways 'di ba? Bakit ka pa pumunta rito?"

          Gaya ng ginawa ni Ark kanina, inilapag ko rin sa sahig ang kape ko at tumayo. Binabalak ko na sanang tahimik na lumabas ng kwarto niya pero nung nakita ko 'yung mga mata niya hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Sobra siyang nasasaktan. Sobra siyang nahihirapan. Once again, lahat ng iyon dahil na naman sa ka-selfish-an ko. Pareho kaming naghihirap mag-move on dalawa tapos nang dahil lang sa namimiss ko siya sumugod na agad ako rito? Ano bang iniisip ko?

          "Again I am sorry—"

          Bago ko pa mabuo 'yung sasabihin ko mabilis na naidampi sa'kin ni Ark ang mga labi niya. And before I could kiss him back, because god knows how much I wanted to, he removed his lips from mine.

          "Don't kiss me back if you can't take the risk. If you can't live without a throne and a crown, don't do it. If you can't see a future other than here, don't do it. If you can't picture kids with eyes like ours playing on a ground not made of ice, don't do it. Don't give me false hope because you know I will always choose you."

          Nakadikit ang noo niya sa'kin habang hawak niya ang magkabilang braso ko. Amoy na amoy ko ang caffeine sa bawat paghinga niya at sigurado akong hindi 'yun ang nakakaadik dun kundi ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

          Gustong-gusto kong halikan siya pabalik. Gustong-gusto kong piliin din siya katulad ng pagpili niya sa'kin pero kahit gawin ko 'yun may iba ng nagmamay-ari sa'kin. Naipangako ko na ang sarili ko sa Haegl at sa mga taong naninirahan dito. Hindi rin ako magiging masaya kasama siya habang dala-dala ko 'yung bigat ng konsensya ko. Namatay ang nanay ko ng dahil sa'kin. Bilang kabayaran kailangan kong tuparin 'yung mga pangarap niya sa'kin kasi 'yun lang ang tanging magagawa ko para makabawi sa kanya.

          Nakita ko 'yung kinabukasang sinasabi ni Ark. Nakita ko na bago pa ako pumunta rito. Mga batang tumatakbo sa beach na may mga matang gaya ng akin at kanya. Ako na dala-dala ang apleyido niya. Uriel. Carissa Uriel. It is a very beautiful dream and a very impossible one too. Masakit man para sa'kin, kailangan kong kalimutan lahat 'yun.

          "I love you but I can't choose you," bulong ko sa kanya at dahan-dahang ipinadaan ang hinlalaki ko sa mga malalambot niyang labi niya.

          Inalis ko ang pagkakahawak ni Ark sa'kin at nagmadaling lumabas ng pinto. Hindi na ako nangahas pang tumingin sa mga mata niya kasi hindi ko alam kung kakayanin ko pang umalis. Tyaka lang bumuhos ng tuloy-tuloy ang mga luha ko nung nakalabas na ako ng Knights' Base.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro