Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

seventeen - council

note - damn this chapter is still so lame but i promise the next one will be cute lol thank you guys ily x

________________________________________________

          Hindi ko maiwasang malungkot para kay Jules. Matagal na kaming magkakaibigan ni Van at nakita ko kung paano siya umarte sa harapan ng mga babae. Hindi siya ganito kaseryoso. Hindi siya ganito kung mag-effort. Kaya naaawa talaga ako sa kanya. Minsan na nga lang magseryoso si Jules sa maling tao pa.

          Mas lalo pa akong nalungkot pagkarating ko sa kwarto ko. Sa ibabaw ng kama ko may tatlong daisies na nakapatong. Hindi ko na kailangang mag-isip pa kung kanino galing 'yun. Naisip ko kaagad na pasasalamat 'yun galing kay Jules.

          Napabuntong hininga ako at inilagay muna ang mga daisies sa isang vase. Doon ko rin nilagay 'yung mga carnation. Ipinatong ko 'yun sa lamesa sa tabi ng kama ko at pinagmasdan. May hawak akong libro tungkol sa Econ pero 'yung mga mata ko nakatingin pa rin sa mga bulaklak. Iniisip ko kung tama bang binawi ko kay Laurice 'yung bouquet. Talaga palang dapat hindi nagdedesisyon kapag galit.

          Sa totoo lang hindi lang naman ako nagagalit kay Laurice dahil sa sinabi niya tungkol kay Jules eh. Mas higit akong nagagalit dun sa pananaw niya sa'min ni Ark. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko 'yung mga huling sinabi niya.

          Akala ko kasi tanggap ko na. Akala ko kapag kinalimutan kong kailangan kong magkapamilya in the future, kapag kinalimutan kong kailangan kong mamili ng magiging katuwang, kapag kinalimutan kong kailangan kong bigyan ng heir ang Haegl... akala ko makakaya ko. Pero sa tuwing naiisip kong gagawin ko lahat 'yun na hindi si Ark 'yung nasa tabi ko? Sobrang sakit. Sobrang hirap tanggapin. Kasi gustong-gusto kong makasama si Ark sa future ko. Gustong-gusto ko siyang piliin.

          Naputol ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng katok sa kwarto ko. Nauna ko ng sinabi kaninang hindi ako kakain dahil busog pa ako kaya palagay ko si Daddy 'yun at mangungulit lang para kumain ako. Nagpunas ako ng mga luha at nagtalukbong ng kumot. Magkukunwari na lang akong tulog.

          "Cari... are you okay?"

          Imbes na kalmadong boses ni Daddy ang marinig ko, narinig ko 'yung malalim at seryosong boses ni Ark. Siguro napansin niya rin kanina ang pagbabago ng mood ko nung inihatid niya ako rito. Nagtaka rin siguro siya kung bakit dala ko pa rin 'yung bouquet na dapat ay para sa Poise teacher ko.

          "Pwede ba akong pumasok?" Rinig ko pang sabi niya.

          Alam kong malungkot talaga ako kapag pati si Ark ayokong makausap. I mean, gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung kaya kong kausapin siya. Baka maiyak na lang ako bigla kapag nandyan na siya. Baka rin hindi ko mapigilan ang sarili ko tapos kung ano-anong masabi ko sa kanya na sa huli ay pagsisisihan ko rin. It's just... there are times when what you want is not what you need.

          Ibinalik ko ang kumot ko at nagtalukbong. Ipinikit ko ang mga mata ko at inipon lahat ng self control ko sa katawan para lang hindi tumayo at pagbuksan ng pinto si Ark. Thankfully, gumana naman 'yun. Pagkaraan ng ilang minuto hindi ko na siya narinig ulit sa pinto ko.

          


          Kung hindi pa ako kinatok ng mga maids baka natulugan ko lang ulit 'yung Council meeting. Linggo ngayon at 'yung inaakala kong buong araw kong pahinga eh kalahating araw lang pala. Nakalimutan ko kasing kailangan kong kitain 'yung mga head ng mga importanteng establishments sa Haegl tuwing alas tres ng hapon sa Linggo. Dati ko na 'yung ginagawa nung buhay pa si Queen Genima pero iba na ngayon. Kailangan ko na talaga silang pakinggan. Kailangan ko ng matutunan kung paano hindi maantok kapag nagsasalita na sila.

          Hindi si Ark ang nag-escort sa'kin papuntang study room ng palasyo kundi 'yung dalawang dating knightguard na humahalili sakanya kapag hindi niya ako feel makita. Mabuti na rin muna sigurong hindi kami magkita. Nadadala lang kami ng feelings namin para sa isa't isa eh.

          Buo na ang Council pagkabukas ko pa lang ng pinto. Hindi sila tumayo, nag-bow, o kahit anong pagpapakita ng paggalang. Wala namang kaso sa'kin 'yun dahil alam kong hindi pa ako reyna. Sa katunayan mas gusto ko 'yung nakikita pa rin nila ako bilang ako. Simpleng Haeglic na nagtri-training para maging leader nila.

          Mauupo na sana ako sa pinakadulong upuan, 'yung upuan ko dati nung saling pusa pa lang ako sa meeting noon pero sinenyasan nila akong maupo sa head. 'Yung dating upuan ng nanay ko. Tingin ko nga nahinto pa ako 'nun para lang pagmasdan 'yung upuan bago ko 'yun kunin. Nakakalungkot na nakaka-overwhelm na ako na 'yung uupo sa upuang 'yun.

          Anim ang myembro ng Council at kasama na run ang reyna. Isa-isang magsasalita ang mga kasapi tungkol sa nangyayari o nangyari sa nasasakupan nilang establishment. Tungkulin din ng mga members na mag-suggest o punahin ang kung ano man ginagawa ng leader ng Haegl. Taga-payo rin sila kung may isang mabigat na bagay na pinagdedesisyonan.

          Unang nagsalita ang Principal ng Academy na si Rio Rias. Hindi ako maka-concentrate sa sinasabi niya kasi namamangha talaga ako sa kulay pula niyang buhok. Nakasuot din siya ng salamin kaya sobra-sobra talaga akong nadi-distract sa kanya. Ang ganda niya kasi. Pakiramdam ko nga unti-unti na akong natitibo. Napaka-mahinahon niya ring magsalita kaya damang-dama ko bawat salita niya. Hindi ko namalayang tapos na pala siyang magsalita. Napansin ko lang nung nakatitig na siya sa'kin at nakangiti. Syempre dahil ang ganda niya nginitian ko rin siya ng nginitian.

          Nagtama ang mga mata namin ng Daddy ni Clyde. Kasama kasi siya sa Council dahil siya ang Bank Manager ng Haegl. Nginitian niya ako at tinanguan. Hindi ko naman maiwasang maalala si Laurice at 'yung mga sinabi niya. Lalong-lalo na 'yung tungkol dun sa Proposal. Sabi niya gusto nilang magpakasal ako kay Clyde. Ibig sabihin ideya 'yun ni Gallion Gale Noe Sr.

          "And about the cure..."

          'Yun lang ang nakapukaw ng atensyon ko mula sa kanina pang nagsasalitang Hospital Director na si Tannis Alva.

          "What about the cure? Meron na ba?" Tanong ko.

           Noon pa pinag-aaralan ng mga doctor sa Haegl ang tungkol sa Liarde's Touch pero hanggang ngayon wala pa ring malinaw na solusyon sa sakit na 'yun. Ganon pa man, hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa. Patuloy pa rin kaming maghahanap ng gamot para run.

          "Wala pa rin," malungkot na sagot ng doctor. Napansin kong nanginginig ang mga kamay niya at palaging nakayuko na parang ayaw magpakita sa'kin.

          Sabi ng reyna noon, dating surgeon si Mr. Alva. Nagkasakit sa puso 'yung asawa niya dati at siya ang nag-opera. Pero dahil sa sobrang kaba niya, hindi niya naayos 'yung operasyon kaya namatay ang asawa niya. Simula 'nun naging shaky na 'yung mga kamay niya. Hindi na rin siya makapag-opera kaya itinalaga na lang siyang Hospital Director.

          Lahat naman biglang nawalan ng gana sa meeting nang magsalita si Roman Keld. Ang tagapamahala ng Market Place. Tito siya ni Jules pero hindi sila close dahil daw nakakahiyang kasama si Mr. Roman. Lahat kami rito alam 'yun. Mahilig kasing magmura, mag-joke ng corny, at humiyaw-hiyaw itong Haeglic na 'to. Kaya kapag siya na 'yung nagsasalita hindi namin siya magawang seyosohin.

          "Maganda naman pala ang takbo ng Haegl eh. Kung ganito ng ganito baka hindi na natin kailanganin ng reyna!" Natatawang sabi ni Mr. Roman.

          Napatingin ang lahat sa kanya atyaka sa akin. Sunod-sunod 'yun na para silang may inaabangang catfight na magaganap. Nanahimik na lang ako at yumuko. Si Mr. Roman naman ganun din ang ginawa. Sa unang pagkakataon ata eh nakaramdam siya ng hiya.

          Kung ako pa rin siguro 'yung Cari noon baka nakitawa pa ako sa joke na 'yun. Baka nga pinush ko pa 'yung idea eh pero unti-unti ko na atang natatanggap. Nakakagulat kasi na-offend ako sa sinabi ng matabang Market Supervisor. Anong nangyayari sa'kin? Talaga bang gusto ko ng maging reyna?

          "Wala ng umaaligid sa bahay niyo sa Ashwood. Nag-iinspeksyon na rin kami sa Haegl kung merong mga espiya o symphatizers. Dinoble ko na rin ang mga guards sa entrance, coastal, at Watch Tower," diretso at wala ng paligoy-ligoy pang balita ni Sir Audun.

          Hindi alam ng mga mamamayan ng Haegl ang tungkol sa mga nagrerebeldeng banished Haeglics pero alam 'yun ng mga Council members.

          Natawa naman ng malakas si Mr. Roman sanhi para mapatingin kami ulit lahat sa kanya.

          "Ano bang kinakatakot niyo sa mga 'yun? Sa temperatura pa lang ng Haegl patay na sila. Hinding-hindi makakatungtong ang mga 'yun dito!" Saad niya. Nagsitanguan naman ang ibang mga members maliban sa'min ni Sir Audun.

          Nagkatinginan kami ng Knight Commander at sa tingin pa lang na iyon alam kong alam niyang parehas kami ng pananaw tungkol sa mga banished Haeglics. Pareho naming alam na kung totoo ngang malakas ang pwersa ng mga rebelde pwedeng mauwi sa mas matinding gulo ang lahat. Kaya gustuhin man naming maging kasing ignorante ni Mr. Roman, alam naming seryosong bagay itong tinatago namin.



          Nahuli akong lumabas pagkatapos ng mga Council members. Pagkabukas ko ng pinto tumambad na sa'kin si Clyde na mukhang galit na galit. Nanlilisik ang mga mata niya at gulo-gulo ang buhok.

          "Akala ko kaibigan kita. Akala ko susuportahan mo 'ko. I was so wrong about you," inis niyang pahayag.

          "Ano? Anong ibig mong sabihin?"

          "Goddammit! I know what you did! You told them about my plan. Now look! Look at what you fucking did!" Sigaw niya sabay hila sa'kin palabas ng kwarto.

          Nakita kong may limang naka-all black na matatangkad at machong lalake ang naka-hilera habang binabantayan si Clyde.

          "Guards?" Tanong ko.

          "Guards to seize me if I try to escape this fucking frozen hellhole. Thanks to you."

          Hindi ko na mahanap 'yung Clyde na nakilala ko noon sa Ashwood. 'Yung lalakeng nakakainis pero palagi akong pinapatawa. Hindi ko alam kung saan siya napunta o kung nandyan pa ba siya. Kasi hindi ko na makilala kung sino 'tong nasa harapan ko ngayon.

          "Hindi ko sinabi sa pamilya mo 'yung plano mo. Huwag ako ang sisihin mo, okay?" Saad ko.

          "Really? You want me to believe that?" Natatawa niyang tanong. "You know what? I know exactly what you're doing. You're jealous because you can never leave Haegl. You're a slave to your crown and chained from your throne. You're never getting out of here."

          Hindi ko siya hinabol nung umalis siya. Hindi ko siya sinigawan. Hindi ko siya sinabihang mali siya. Kasi alam ko sa sarili ko na bawat salitang sinabi niya totoo. Naiinggit ako sa kanya. Naiinggit ako kasi wala siyang ibang iniisip kundi sarili niya. Wala siyang ganitong kabigat na responsibilidad na dinadala. Pwede siyang umalis ng Haegl kahit kailan niya gusto at iikot pa rin ang mundo para sa mga tao rito. Pero ako? Kapag umalis ako? Kapag tumakas ulit ako? Anong mangyayari sa mga Haeglics? Sinong mag-aalaga sa kanila? Sinong mamomroblema sa mga problema nila? Hindi lang nila ako magiging reyna. Magiging nanay rin nila akong lahat. Ako ang mag-aalaga sa kanila. Ako ang magsisigurong maayos at ligtas silang lahat. It is not just a job. It's going to be my life until the day I die.

          Inihatidako ng mga knightguard sa kwarto ko. Doon ay pinagmasdan ko ulit 'yung mgabulaklak na galing kay Jules. Habang tinitignan ko 'yung mga 'yun pakiramdam kokasabay rin nila akong nalalanta.      

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro